VLADIMIR'S POV: "Vlad, itigil mo nga ang pag-inom ng alak. Halos isang linggo ka ng nagkakaganyan." Bakas sa mukha ni Mommy ang pag-alala sa akin ngunit kahit alam kong nahihirapan siya sa nangyayari sa akin ay hindi ko pa rin maiwasan na magpakalunod sa alak. Isang linggo na mula nang bumalik si Rhi sa Pilipinas at sa loob ng mga araw na wala siya ay lagi ko siyang naalala. Kahit madalas sumasakit ang ulo ko sa kanya dahil sa kalokohan niya at gusto ko pa rin siyang makita at makasama. Nasa bahay ako ng mommy ko at stepfather, madalas nasa out of the country ang mga step brother at sister ko kaya hindi kami madalas magkita. Hindi ako umuwi sa bahay ko dahil hindi ko pa kayang manatili doon dahil mas lalo kong namiss si Rhi. "I miss her." "I know, but for her to grow, she must return