Mugto ang mga mata ko dahil sa kaiiyak ng buong magdamag. Bukas na kasi ang flight ko pabalik ng Pilipinas dahil natuloy ang pagpapa-deport sa akin. Kung hindi kasi gagawin 'yon ng amo ko ay baka makulong naman ako rito sa Amerika. Dalawang beses akong inakusahan na ninakaw ang alahas ni Ma'am Lansei. Ang una nakuha sa bulsa ng suot kong damit at ang pangalawa ay nakuha naman sa loob ng bag ko. Nang kunin ni Ma'am Lansei ang mga gamit niya sa bahay ni Master Vladimir ay nawala naman ang mga alahas niya. Kinapa niya ang ibang mga katulong pero wala siyang nakita pero nang pumasok sila sa kuwarto ko ay nakita nila sa loob ng bag ko ang mga alahas. Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng alahas sa loob ng bag ko. Hindi naman ako pumapasok sa kuwarto niya kahit wala siya rito. Naging mas matibay