CHAPTER 68

2710 Words

HUMAHABA ang nguso ko nang lumabas ako ng kuwarto ni Master Vladimir. Naririnig ko ang sigaw niya na parang kasing lakas ng boses ng nanay ko kapag ginigising ako sa umaga noon. "Hays! Ang hirap talagang makipag-usap sa mongoloid. Bakit kaya hindi niya pinagamot ang pagiging mongoloid niya baka sakaling gumaling." Pumasok ako sa kuwarto kung saan ako matutulog. Ngayong gabi lang ako matutulog dito dahil ginabi na kami sa pag-uwi kaysa naman umuwi ako tapos magigising ng maaga para pumunta rito bukas. Umupo ako sa gilid ng kama at inunat ko ang katawan ko. Sandali lang akong sumayaw pero parang yung mga buto ko ay nabali sa sobrang yugyog. "Hmp! Ang yabang niya akala niya malambot siyang sumayaw." Naalala ko ang sinabi ni Master Vladimir na kawayan daw ako kung sumayaw. Humiga ako sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD