"Tatayo ka na lang ba riyan?" Malakas ang boses na tawag sa kanya ni Adam. Nakapuwesto na ito sa driver's seat.
Si Margo naman ay maayos na rin ang pagkakahiga sa likurang bahagi ng sasakyan. Siya ay hindi pa alam kung saan siya mauupo, ayaw niyang maupo sa passenger's seat dahil makakatabi niya si Adam. She doesn't like the idea to get near to him. Kung sa tabi naman siya ni Margo mauupo ay hindi niya alam kung maging komportable ba siya dahil sinakop na ng kaibigan niya ang buong upuan.
"Ayaw mong pumasok sa sasakyan? Hinihintay mo ba na kakargahin pa kita papasok sa loob? O baka natatakot kang makakatabi ako?" Lumingon ito sa mahimbing na natutulog na si Margo, ngumisi pa ito nang muling tumingin sa kanya. "Pangako, hindi ako nangangagat ng mga babaeng ayaw pakagat sa 'kin, Miss Salvatore. Isa pa, you're too beautiful for my taste." Pinaandar na nito ang makina ng sasakyan.
Nangngingitngit ang kalooban niyang pumasok sa loob ng sasakyan. She has no choice, but to sit beside him. Dahil sa inis niya ay malakas niyang isinara ang pinto ng sasakyan.
"Ouch! Ang sakit n'on sa tenga, ah. Ako na nga itong nagmamagandang loob, eh," nakangising tugon nito.
Ang sumunod nitong ginawa ay hindi na naman niya inakala. Kaagad nitong pinatakbo ang sasakyan nang hindi pa niya naikabit ang kanyang seatbelt. Scared, shocked, and surprised, napadikit siya bigla sa matipunong balikat ni Adam. Dahil sa wala siyang maisip na makakapitan ay napayakap siya roon nang mahigpit kasabay nang mariin na pagpikit ng kanyang mga mata.
Ilang segundo lang naman 'yon at naging normal na rin ang pagtakbo ng sasakyan niya na minamaneho ni Adam. Natawa rin ito nang sobrang lakas, pumuno sa loob ng sasakyan niya ang tawa ng binata. Parang first time nito ang matawa nang ganoon kasaya.
"Ang sarap mo palang takutin, Miss Salvatore. Ang init ng yakap mo. Pero puwede mo nang ikabit ang seatbelt mo," natatawa pa rin nitong sabi.
Saka niya lang na-realize ang mahigpit na pagkakayakap niya sa balikat nito dahil sa sinabi nito. Patulak niya itong binitiwan. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niyang gawin, ang pagalitan ba ito o ikabit ang kanyang seatbelt.
"Oh, damn!" Tanging sambit niya saka malakas na hinila ang seatbelt at ikinabit iyon sa kanyang katawan. Nauubusan siya ng control sa kanyang sarili sa mga ginagawa sa kanya ng lalaki. Nakakainis, nakakagalit, at nakakaubos ng pasensya ang lalaking ito.
Tumikhim ito matapos itong tumigil sa pagtawa nito. "Nasaktan ka ba? Natakot ba kita nang sobra?" There's a hint of gentleness in his voice when he looked at her.
She laughed sarcastically. After what had he done? Magtatanong pa ito kung ano ang kanyang mararamdaman? Is he insane? Is he out of his damn mind?!
"No! Don't talk to me." Ikinumpas niya ang mga kamay niya. "Huwag mo na akong kausapin, parang awa mo na."
"Sure, sanay naman akong hindi kinakausap kahit ng Tatay ko ay hindi rin naman ako kinakausap sa bahay," seryoso ang boses nito.
Nahihimigan niya ang lungkot sa boses nito sa kabila ng kagaspangan n'on. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili sa kabila ng galit niya sa lalaki ay parang gusto niyang gumawa ng isang bagay para makapagpagaan sa nararamdaman nitong bigat kung ano man 'yon. But she chose to stay silent, hindi na rin siya kumibo.
Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe ay hindi na rin ito muling nagsalita pa. Nagpasalamat na rin siya dahil doon, hindi niya kasi masasabayan ang trip nitong si Adam, eh. Nawawala siya sa kanyang sarili kapag ito ang nakakaharap at nakakausap niya. Lihim din niyang hinihiling na sana ay huwag na lang siya nitong kausapin, mabilis siyang nagagalit kapag na kinakausap siya nito.
"Kumusta na ang boyfriend mo?"
Napahawak pa siya sa kanyang dibdib dahil nagulat siya sa muling pagsalita nito. She was surprised too of his questions. Bakit nito itatanong iyon sa kanya? Ano naman ang pakialam nito sa relasyon niya at ni Harold? At bakit mukhang interesado itong malaman kung ano ang meron sila ng kanyang nobyo?
Ipinilig niya ang kanyang ulo, kung anu-ano na kasi ang kanyang mga naiisip nang dahil lang sa lalaking ito. His question was just casual, there's nothing wrong with it, pero kasi pakiramdam niya ay parating may malalim na tinutumbok itong si Adam sa mga sinasabi nito, eh.
"It's none of your business!" Mahina ngunit madiin niyang sagot.
"I can see in your eyes that your boyfriend doesn't know how to pleasure you." Muling sumilay ang ngisi sa mukha nito.
"What?!" Namumula ang mukhang tugon niya. Ayaw niyang bigyan ng malisya ang tanong nito pero alam niya na iyon naman talaga ang ipinuponto ng tanong nito.
"Kailangan ko pa bang ulitin ang tanong ko? Alam mo, Miss Salvatore, kilala kang isang matalinong babae, pero bakit sa tuwing magtatanong ako ay parang hindi mo nakukuha ang mga sinasabi ko at kailangan ko pa itong ulit-ulitin nang ilang beses?" Ikinibit nito ang malapad nitong mga balikat.
"Because you seemed so mean to your questions to me, Mr. Castillo. Hindi tayo close para tanungin mo ako ng mga casual questions... like what you've done." Napalunok siya nang makita niya ang mga muscles sa braso ni Adam na nag-uumigting habang ito ay nagmamaneho. His biceps that perfectly fits in a sleeve of his polo is just shouts nothing, but pure masculinity.
"Mean? Am I? It was just a question, Miss Salvatore, kung ayaw mong sagutin iyan ay hindi naman ako namimilit. Ang sa 'kin lang ay nakikita kong hindi mo pa naranasan kung paano ang paliligayahin ng iyong nobyo. Alam mo kung bakit ko nasabi 'yan?" Malisyoso siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Dahil kung ako ang nasa lugar niya, walang pagkakataon na hindi ka nakangiti dahil inaalala mo kung paano kita sambahin nang may kasamang puso at pagnanasa."
Napaangat ang likod niya mula sa sandalan ng sasakyan niya dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Uminit ang magkabilang pisngi niya, hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak sa mga pinagsasabi ni Adam. That was too intimate at hindi bagay na pag-uusapan ng mga gaya nilang walang kahit na anong relasyon, o kahit magkaibigan man lang.
"Dammit, Mr. Castillo! Ganyan ka ba makipag-usap sa isang babae? Hindi mo ba alam ang salitang respeto?!" Hindi makapaniwalang tanong niya sa lalaki. Kung may high blood lang siya ay kanina pa siyang natumba sa kinauupuan niya.
"Loving someone is an art, sweetheart. At kung nagmamahalan ang dalawang tao, what's wrong with that?" Hindi apektado na balik-tanong nito sa kanya.
She seemed out of word to utter. This is too much. "Last call, Mr. Castillo, huwag na tayong mag-usap. Hindi ko alam kung paano kausapin ang isang kagaya mo. Save your breathe... nababagay 'yan sa mga kaibigan mong iisa lang ang tabas sa 'yo--"
"But I wanted us to have a conversation, just a little conversation in a boring trip tonight--"
"Stop the car! Hayaan mong ako na ang magmaneho pauwi sa amin!" Tumataas-baba ang kanyang dibdib dahil sa matinding galit na nararamdaman niya para sa binata. Wala itong karapatan na kausapin siya sa ganoong paraan. Mayaman lang ito, but indeed he's lack of good breeding! Ngayon niya napatunayan na totoo ang mga naririnig niyang sabi-sabi tungkol sa lalaki. He is nothing, but rude and calloused!
"Okay! Okay! I won't say anything anymore. Just sit back and relax. Masyado namang mainitin iyang ulo mo, eh." Naiiling itong tinitigan siya. Sa mga mata nito ay nababasa niya ang panunukso na lalo lamang nagpapainit sa ulo niya.
At simula no'n ay hindi na nga ito nagsalita pa, bagay na ipinagpasalamat niya. Mas mabuti pa iyong tahimik na lamang ito at wala nang kahit na anong usapan ang mamagitan sa kanila, dahil ang usapan nila ay nauuwi lang sa away. She hates the way he conducts a conversation. Masyadong nakakabastos sa isang dalagang kagaya niya.
Nang marating nila ang bahay niya ay mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse sa gawi niya. Ilang minuto pang makakasama niya si Adam ay parang hindi na niya kakayanin pa. Saktong bubuksan niya ang pinto ng likurang bahagi ng kotse kung saan nakahiga si Margo nang maramdaman niya ang mainit at magaspang na kamay ni Adam na pumatong sa kanyang kamay. Mabilis niyang inagaw ang kanyang kamay dahil biglang kumislot ang kanyang puso sa isang simpleng paghawak na iyon ni Adam sa kanyang kamay.
"You can leave us now, Mr. Castillo!" Sinubukan pa rin niyang huminahon sa kabila ng para na siyang sasabog sa matinding galit niya sa lalaki.
"Saan pa kayo sumuot, Adam? Kanina pa ako naghihintay sa inyo rito!"
Napatayo siya nang tuwid noong marinig niya ang boses mula sa kung saan. Liningon niya iyon at nakita niya si Dash Maxwell Castillo, na kampanteng nakaupo sa mataas na motorsiklo nito. Ni hindi niya namalayan ito kaninang naroroon nang dumating sila. Parang nangangapa siya sa dilim sa mga nangyayari, sa tingin niya kasi ay sinusundo ni Dash si Adam ngayon. So, ano ito? Nagplano ang mga ito para ihatid siya?
Gusto niyang isipin ang posibilidad na iyon pero ipinalagay niyang hindi iyon ang totoong nangyayari dahil mas nagagalit pa siya kapag iyon ang paniwalaan niya. Gusto na lamang niyang isipin ang kung ano ang nangyari kanina at ang pagpunta ni Dash ngayon sa kanyang bahay ay nagkataon lamang.
"May maliit lang na commotion na nangyari between me and Miss Salvatore. Right, sweetheart?" Ang huli nitong bigkas sa sinabi nito ay tila bulong na lamang at tila ba para na lamang sa kanya iyon.
"Shut up, Mr. Castillo!" Binuksan niya ang pinto ng kotse sa gawi ni Margo.
"Ako na, tulog pa rin 'yan. Hindi mo siya kakayaning ipasok sa loob." Muli siyang pinigilan ni Adam.
Tumayo siya nang tuwid at inilagay sa beywang niya ang dalawang kamay niya. Tuminigin siya kay Dash, nakangisi lang ito habang pinaglipat-lipat ang paningin sa kanila ni Adam. Para bang tuwang-tuwa pa ito habang pinagmasdan sila nito.
"You!" Turo niya sa lalaki.
Patalon naman itong bumaba mula sa pagkakaupo nito sa mataas na motorsiklo nito. "Me?" Turo nito sa sarili nito.
"Yes, you are! Come over here!" Malakas ang boses na sabi niya.
"Adam, Miss Salvatore is calling me." Natatawa naman nitong anunsyo sa pinsan nito.
"Damn you, Dash! Stay where you are!" Adam warned him.
"No, tinatawag kita!" She insisted.
"Tinatawag niya ako, Adam, eh! At ang isang magandang kagaya ni Miss Salvatore ay mahirap tanggihan." Mabilis na itong lumalakad palapit sa kanila.
Si Adam naman ay panay mura sa pinsan nitong parang kasing kapal lang din ng mukha nito kung kumilos. Ganoon ba talaga sila? Parang mga walang hiya?
"Yes, your highness." Sumaludo pa si Dash nang makalapit sa kanila.
"Kunin mo ang kaibigan ko at dalhin sa loob ng bahay!" Utos niya rito. Ang gusto niya ay ang lumayo na sa harapan ng dalawang mokong na ito.
"Mukhang walang tiwala sa lakas mo si Miss Salvatore, Adam!" Natatawa itong kinakantiyawan ang pinsan.
"Shut up, Dash! Sobrang ikli lang ang pagtitimpi ko ngayon!" Nakatiim ang bagang ni Adam na nakatingin sa nangangantiyaw nitong pinsan.
Lihim siyang napangiti. Nakikita niyang nagagalit si Adam dahil sa harapan na pang-iinsulto niya rito. That's it, nakaganti na rin siya sa mga ginawa nito mula pa kanina.
Binuksan niya ang gate at hinayaan si Dash na makapasok habang nakasampay sa balikat nito ang walang malay na si Margo. Sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang naiiritang si Adam habang sinusundan ng paningin nito si Dash At Margo.
"I don't want to be ungrateful with you, Mr. Castillo. Nakakagigil ang makasama ka sa maikling biyahe pero salamat pa rin. Good night!" Hindi na siya lumingon pa. Nakailang hakbang na siya nang magsalita ito
"Can I invite myself?" Bumalik ang sigla sa boses nito.
"Invite? Where?" She asked back without looking back at him
"To have a cup of coffee, tea... or even beer. Diyan sa loob ng bahay mo, Miss Salvatore." Para lang itong naglalahad ng paninda nitong kakanin sa kanya.
"What?! Strangers aren't allowed inside—"
Inagaw nito ang sinasabi niya, "I'm Adam Sebastian Castillo, so I am not longer a stranger to you. Puwede na?"
"You're still stranger to me. Ni hindi kita kilala... well, I mean personally." She walked forward.
"Kung 'yan lang pala ang problema mo, puwede naman tayong mag-date to know me better. Just to inform you, mabait ako at maginoo—"
In a split of a second, she immediately stopped walking and looked at him. "Maginoo?!"
"Pero medyo bastos, let me finish my sentence para 'di na nating kailangang ulit-ulitin ang usapan natin. Pinakaayaw ko kasi ang inuulit ang sinasabi ko. Parang ginagawa mo naman akong sirang plaka sa ginagawa mong pagpapaulit ng mga sinasabi ko."
So, utang pa niya 'yon? Samantalang ilang beses na niyang sinabi na ayaw nga niyang makakausap ito? Saan kaya nito binili ang guts nitong kasing taas ng Mt. Everest?
Hindi na niya nakuhang sumagot pa dahil dumating din si Dash galing sa loob ng kanyang bahay. Isa pa 'to pero okay lang, ito na rin naman ang una at huling beses niyang makikita ang dalawang ito nang harapan.
"I already placed him in a safe part of your house, Miss Salvatore," Dash announced, without knowing what was up with her and Adam.
Nakita niya ang muling pagdilim ng mukha ni Adam habang makahulugan na nakatingin kay Dash. Si Dash naman na parang mas ginagalit pa ang pinsan nito ay nakangisi lang na nakatingin sa kanya at nagkukunwari na hindi nakikita ang mga pagtitig ni Adam dito.
"I don't have something to offer to you both tonight, but thank you is all I can say." Hindi na niya hinintay na magsalita pa isa man sa dalawa, mabilis niyang sinara ang gate nang makalabas doon si Dash.
Pagkasara niya ay napasandal siya sa gate nila. Noon lang parang lumuwang ang nanininikip niyang dibdib. Naglalaro sa balintataw niya ang mapanukso pero guwapong mukha ni Adam at hindi niya maintindihan kung bakit bumibilis ang pintig ng kanyang puso.
Mula sa kinatatayuan niya ay naririnig pa niya ang boses ni Adam at ni Dash pero hindi niya lang maiintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa. Ilang minuto pa ang dumaan at narinig na niya ang tunog ng papalayong motorsiklo. At kahit na alam niyang wala na roon sina Adam at Dash ay hindi pa rin siya umalis sa kinatatayuan niya. At hindi pa siya umalis doon kung hindi niya narinig ang malamyos na boses ng kanyang nobyo na tumawag sa kanya mula sa loob ng kanyang bahay. Ilang sunud-sunod na malalalim na paghinga ang pinakawalan niya bago siya humakbang papasok sa loob ng kanyang bahay.