PROLOGUE
"What's that all about, Nicholas?" Kunot-noo niyang tanong kay Nicholas. Nicholas is his friend, Lawyer, and his protector. Though, how many times did he told Nicholas that he didn't need his service, but Nicholas never listened to him.
Naalala pa niya ang sinabi nito sa kanya na masiyadong masama ang ugali niya kaya nangangailangan siya ng isang bantay na magtatanggol daw sa kanya sa lahat ng oras.
Hindi siya natatakot. At wala siyang kinakatakutan, pero kapag na i-discuss niya ito kay Nicholas ay baka aabutin lang sila nito ng isang taon sa discussion. Matigas din ang ulo ng Nicholas na ito. Idagdag pa na susuportahan ito ng mga kasamahan nito sa Underground Armored. Kaya kahit na masyadong labag sa isip niya ang gawin 'yon ay wala din naman siyang nagawa pa.
Siya si Adam Sebastian Castillo. Binansagan ng karamihan na isang walang puso. Walang awa. Walang pakialam. At siya ang tinagurian sa kanilang angkan na bad boy.
"Ayaw ni Miss Salvatore na bigyan ka ng kahit konting share sa TV station na pagmamay-ari ng namayapang ama niya," paliwanag ni Nicholas. Ibinalik nito sa kanya ang folder na naglalaman ng business proposal na ginawa niya para kay Yelena Denice Salvatore.
"But I already included the letter na ibinigay ng ama niya sa 'kin noong buhay pa ito. Na kahit anong oras ko man gustuhin na bumili ng share sa TV station niya ay puwedeng-puwede," hindi makapaniwalang tugon niya. Hindi niya inabot ang folder na binigay sa kanya ni Nicholas. Ayaw niya dahil biglang uminit ang ulo niya sa balitang dala ni Nicholas sa kanya.
"Naipaliwanag ko na ang lahat nang 'yan sa kanya, Adam, pero mariin ang kanyang pagtanggi."
Ibinagsak niya sa kanyang mesa ang hawak niyang ballpen. Wala pang kahit isa ang tumanggi sa kanya, tanging si Yelena pa lamang. Biglang Lumitaw sa kanyang balitataw ang maamong mukha nito. Hindi niya alam na sa likod pala ng maamong mukha na 'yon ay isa din pala itong alaga ni Satanas na may mahahabang sungay.
Biglang sumilay ang mga ngiti sa labi niya nang maisipan niya ang bagay na 'yon. Kung ito ay alaga ni Satanas ay sisiguruhin niyang luluhod ito sa kanya balang araw. Dahil siya, si Adam Sebastian Castillo ay mas masama pa kay Satanas.
"Kung ayaw niya sa magandang usapan, ako na ang bahala sa kanya, Nicholas." Kinuha niya ang folder na bigay nito kanina at isinilid 'yon sa drawer ng kanyang mesa.
Kumuha din siya ng sigarilyo na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa at nagsindi.
Gusto mo pala ng isang laro, Miss Salvatore. Don't worry ibibigay ko sa 'yo ang larong gusto mo.
"Anong plano mo?" Nagdududang tanong sa kanya ni Nicholas. Kumuha din ito ng kopita at nagsalin ng wine na nakapatong mismo sa mesa niya.
"Forget about that proposal, Nicholas."
"I don't get it, why she doesn't want to sell the stocks to you. Alam ng halos lahat na papalubog na ang TV station niya, Adam. She'll be lucky kung pinayagan niyang ibenta sa 'yo ang nasabing stocks. You'll be the biggest asset in her company, hindi ba niya alam 'yan? You're the best when it comes to business, alam ng buong mundo 'yan," puno ng pagtataka ang boses na sabi ni Nicholas.
Natawa naman siya ng payak. "Hindi na natin pag-uusapan pa ang bagay na 'yan, Nicholas."
"Nagtataka lang ako kung bakit nalulugi ang kompanya na iniwan ni Mr. Salvatore. Lahat ng programa sa kanilang telebisyon ay matataas ang ratings."
"It's either maluho ang anak ni Mr. Salvatore or talagang hindi lang talaga ito marunong humawak ng negosyo." Ang buong atensiyon niya ay nasa yosi na ipinatong niya sa ashtray.
"But that's still confusing to me." Parang Hindi pa rin makapaniwala si Nicholas.
"What's on your mind?" Alam na niya ang ibig sabihin ng sinabi ni Nicholas, but he still wanted to hear it from him.
"I think there's something-" Hindi muna nito itinuloy ang sinasabi. Uminom muna ito sa hawak nitong kopita. Matapos 'yon ay tiningnan siya straight sa kanyang mga mata, bago pinagpatuloy ang pagsasalita. "Or someone behind this scheme. Baka may sumasabotahe kay Miss Salvatore."
"That's something for me to discover, Nicholas. Pero kung tutuusin ay labas naman ako diyan. Ang mahalaga lang naman sa 'kin ngayon ay makabili ng share sa kompanya nila. Ito ang bagay na napag-usapan namin ni Mr. Salvatore noong nabubuhay pa siya." Tukoy niya sa ama ni Yelena Denice.
Sumariwa din sa isipan niya ang usapan nilang 'yon ng matanda. Biglang nakadama ng kunting lambong ang kanyang puso. Kaagad niyang binura ang damdamin na 'yon. He is Adam Sebastian Castillo. A ruthless, heartless, careless, and whatever bad examples ang palaging nakakabit sa pangalan niya. He gets too used to it. Noong una ay talagang nasasaktan siya na maririnig ang ganoong sinasabi ng mga tao sa kanya, pero kalaunan ay tinanggap niya 'yon. Later on ay nasanay na rin siya at inisip na ganoon nga siyang uri ng tao.
Ano ang magagawa niya kung talagang ganoon siya? Pinatibay lang naman ng mga karanasan niya ang ganoong damdamin niya. Siya mismo ay hindi alam kung may pag-ibig pa bang nakatago sa kaibuturan ng kanyang puso.
"Anong plano mo ngayon?" Tanong sa kanya ni Nicholas, bagay na nagpabalik sa kasalukuyan ng kanyang isip.
"Whatever it takes mapapasaakin ang share na 'yon sa kompanya ni Mr. Salvatore, Nicholas. Kung ang anak niya ang hahadlang sa mga plano ko ay willing akong masasagasaan siya." He's determined and aiming his goal. May sarili siyang rason kung bakit niya ginagawa ang bagay na 'to.
"Sh*t, Adam! You're so unbelievable!" Bulalas ni Nicholas. Kasabay no'n ang malakas na tawa nito.
"Sa sampung taon natin na pagkakaibigan, Nicholas, you're ridiculous if you don't know, yet, the real Adam Sebastian." Muli niyang dinampot ang may sindi pa na sigarilyo sa ashtray saka humithit doon.
"Pero maganda ang anak ni Norbert Salvatore, Adam," may himig panunukso na sinabi ni Nicholas.
"Hindi ko siya type, Nicholas. The like of her is too elegant for my taste. Ayaw ko ng ganyang mga babae."
"Thanks then. She's too beautiful. I like her."
"Go to hell, Nicholas Elliot! Huwag mong isabay ang sarili mong kaligayahan sa trabaho mo. Lalo na kapag ang tinatrabaho mo ay ang pinapatrabaho ko sa 'yo. Baka diyan tayo magkakaproblema. I don't care if you're a founder of that Under Armored Agency, Nicholas. Hindi mo pa natitikman kung paano magalit ang isang Adam Sebastian Castillo!" Hindi niya alam kung paanong biglang kumulo ang kanyang dugo dahil sa sinabi na 'yon ng kaibigan niya.
"Easy. kailan ko ba pinagsabay ang pleasure ko sa 'king trabaho? Saka, Adam, wala akong sinabi na dapat mong ikakagalit." Pumuno sa buong opisina niya ang malakas na tawa na 'yon ni Nicholas, na mas lalo pa yata niyang ikinainis.
"Get out of my sight, Nicholas! Right now! Saka na lang tayo mag-usap kapag malamig na ang ulo ko!" Itinuro niya dito ang nakasarang pinto ng opisina niya. Ayaw niya muna ng makakausap sa ngayon.
Tumayo naman ito habang nakatawa pa rin ng malakas. "Lalamig ba ang ulo mo kapag may ipapakilala akong magandang chika babes sa 'yo?
"Get lost, Nicholas!"
"Yes, master." Lumakad na ito palabas ng pinto.
Gusto niyang mapag-isa at isipin kung paano mapapasakanya ang hinahangad niyang share sa TV station ng mga Salvatore. Dahil kapag nagawa niya ang bagay na 'yon, that's the another thing for him to use to despise his Dad.