CHAPTER 5

1681 Words
Hindi niya rin kilala ang pangalan ng alak na binanggit ni Mayor Corvette. Ang kilala lang kasi niyang inumin ay tanging red wine at white wine lang. She doesn't even care what the brand is. Basta gusto lang niya ang lasa ay 'yon na 'yon. "Bagsak na 'yan at baka bukas pa magigising 'yan," singit naman ni Adam, ang taong labis niyang kinaiinisan. "Don't talk to me if I don't say so!" Matalim niyang tinitigan si Adam. Nasisira ang gabi niya sa mga lalaking ito. "Great! Ngayon ko lang alam na bawal pala kausapin ang isang tao kapag hindi niya sasabihin na magsalita ka," malakas na sabi ni Adam. Sabay naman na natawa ang mga kasamahan nito sa mesa. Sa sobrang inis niya ay hindi na niya na-control ang kanyang sarili, galit niyang linapitan ang nakaupong si Adam. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman niyang galit sa binata gayong ito ang unang beses na nagkaharap sila nito ng personal. "I said don't talk to me if I don't talk to you!" Inis niyang dinuro si Adam. Nawawala talaga ang pagkakalmado niya sa lalaking ito. Bahagya lang natawa si Adam sa ginawa niyang 'yon, ang sunod na ginawa nito ay hindi niya inaasahan... at talagang hindi niya naisip na gawin nito! He pulls her closer to him at dahil hindi niya iyon inaasahan ay talagang bumagsak siya sa dibdib nito. Biglang kumalabog nang malakas ang kanyang dibdib nang masamyo niya ang pabangong gamit ng binata. Ang mga kamay nito ay mahigpit na kumakapit sa kanyang likod, habang ang kanyang dalawang kamay naman ay nakatukod sa dibdib nito. Parang ang buong mundo niya ay tumigil dahil sa pagkakadikit nilang 'yon ni Adam. Ang sobrang ingay kanina na paligid ay parang biglang naging tahimik at mapayapa. Iwan ba niya kung bakit parang nasa isang magandang lugar sila at tanging sila lamang ni Adam ang naririto sa mga sandaling ito. Wala sa kanyang sarili na napatingin siya sa guwapong mukha ni Adam. Well, if she is just honest to herself, wala siyang makikitang kapintasan sa mukha ng lalaki. Para itong Greek God sa taglay nitong kaguwapuhan at idagdag pa ang perpekto ring pangangatawan nito. Physically, he is perfect! Titig na titig din ito sa kanya, hindi lang niya mabasa ang expression sa mukha nito dahil may kadiliman ang lugar na ito. But one thing is for sure their gazes locked. Bigla rin niyang nakalimutan na kasama pala niya si Margo at bumagsak ito sa matinding kalasingan. Saka lamang siya parang nagising sa pagkakatulog niya nang marinig niyang may magsalita nang malakas. "Not everyone will have its luck tonight!" The voice came from Ashton Joaquin Contreras. She knew it, because she once interviewed Joaquin on her TV program Napapahiya siyang umayos para tumayo na pero hinigpitan pa ni Adam ang pagkakahawak nito sa kanyang baywang. "Let me go," mahinang usal niya dahil tila siya nawalan ng lakas. "Yeah, Joaquin may be right when he said that everyone doesn't have its luck tonight." May kinuha ito sa bulsa nito. "Are you looking for this?" Hindi siya makapaniwalang nasa mga kamay na nito ang susi ng sasakyan niya. Where the hell did he get it? "Nanginginig ang mga kamay mo, Kuya Adam, pati rin ba mga tuhod mo?" Tukso ni Isaac sa kapatid nito. Nang marinig niya ang sinabing 'yon ni Isaac ay malakas niyang binaklas ang mga kamay ni Adam na nakapulupot sa kanyang likod. In her trembling knees, she stands up staight and bring back the poise she was losing earlier. "Saan mo nakuha iyang susi ng sasakyan ko?" Gusto niyang isigaw iyon sa pagmumukha ni Adam pero hindi niya maintindihan kung bakit parang anas na lamang iyon nang lumabas sa kanyang lalamunan. "Nahulog ng kaibigan mo at nagmagandang loob lang naman akong kunin," sagot nito na para bang walang interes sa pinag-uusapan nilang ito. Wala itong interes pero siya ay parang matunaw na sa matinding kahihiyan dahil hinayaan niya si Adam na madikit sa kanya. Alam niya kasi na tinutukso sila ng mga kasama nito sa mesang 'yon. "Ibigay mo sa 'kin 'yan!" Akma niyang hahablutin iyon sa kamay ni Adam pero mabilis naman nitong nailayo ang susi sa kanya. "Napaka-ungrateful mo naman, instead of saying you're thankful, eh, ikaw pa iyang galit." He gave her a lopsided grin. At ang ngiting 'yon na kung magpakatotoo lamang siya sa kanyang sarili ay nakakatunaw iyon ng puso ng sino mang babae. Ano iyang nasa isip mo, Yelena? You shouldn't have those dirts on your head. Hindi pa siya nakapagsalita nang muli niyang narinig ang sinabi ni Adam. "Okay, kahit ikaw na ang may utang na loob ay ako na ang magbibigay ng panibagong pabor sa 'yo. Ihahatid na kita," he said in a casual tone. Namilog naman ang mga mata niya nang marinig niya iyon. Hindi iyon paghingi ng permiso sa kanya na ihahatid siya nito, but that was a tough order from him. At teka lang, wait... sino ito para mautusan siya? Napuno nang pangangantiyaw ang buong paligid galing sa mga kasamahan ni Adam sa mesang iyon. She is holding her temper at its finest. Nakakahiya ding pumatol pa siya sa mga ito, hindi rin niya alam kung may ilang nakabantay sa kanila sa lugar na ito. Baka kapag pumatol pa siya ay nasa tabloid na siya kinabukasan. Maakusahan pa siyang party-goer na ngayon nga lang niya pinagbigyan si Margo sa kapritso nito. Kung alam lamang niya na ito ang maging kahihinatnan ng pagpunta nilang ito ni Margo rito ay hindi na sana siya pumayag kanina. Naiiling na itinaas niya ang kanyang dalawang kamay para ipakita kay Adam ang kanyang pagtutol sa gusto nitong mangyari. "No! Alam ko kung paanong magmaneho ng sasakyan, Mr--" "Adam Sebastian ang pangalan ko, binata... at magmumukha akong matanda kapag tinawag mo akong Mr. Castillo, tawagin mo na lang akong Adam dahil hindi ko rin naman type ang Sebastian na nakakakabit sa pangalan ko. Pero kung happy ka na tawagin akong Sebastian ay okay na lang din sa 'kin 'yan." Itinaas pa nito ang isang paa nito at ipinatong sa mesang nasa harap nito. Napangiwi siyang tinitigan iyon, it so disgusting. Nasaan ang manners ng lalaking ito? Maliban sa guwapong mukha at magandang katawan nito ay wala nang maganda sa lalaking ito. Wala talaga, as in wala in capital letters! Hindi pa siya nakapagsalita nang muli niyang narinig ang boses ni Adam, "Well, kung ayaw mo namang tanggapin ang pagmamagandang loob ko ay hindi rin naman kita tutulungan na ilabas iyang kaibigan mo." Itinuro nito ang nakalugmok na si Margo. "Kung kaya mo siyang dalhin palabas, okay, good for you." Kumuha na ito ng beer na nasa mesa at tinungga nito iyon. Hindi na siya sumagot pa, nagagalit lang kasi siya kapag kinausap niya itong si Adam. Napakapresko ng dating nito para sa kanya and she don't like him. Never! Hinablot niya ang susi sa kamay ni Adam nang walang pasintabi. Ngumisi lang ito sa kanya kasabay ng pagkibit ng balikat nito. Kung hindi lang siya nagpipigil sa kanyang sarili ay baka masampal lang niya ang lalaki, and that won't bring her anything good except her shame. Linapitan niya si Margo at hinila ito patayo. Ni hindi man lang ito kumilos dahil sa matinding kalasingan nito. Literal na bagsak si Margo and she hates it too. Please, Margo, huwag mo naman akong pahirapan kagaya nito sa harap pa ng lalaking ito. Hindi sinasadyang napatingin siya sa gawi ni Adam at naabutan niya itong nakangisi habang nakatingin sa kanya. Dammit! Hinila niya ulit si Margo pero ni hindi niya ito mapatinag man lang sa kinauupuan nito. Sa laking tao ba naman ni Margo kahit na binabae pa ito ay talagang hindi niya makakayang pagalawin man lang ito. Parang gusto na lamang niya ang maiyak sa sobrang inis sa mga nangyayaring ito. Inisip na niya kanina na iwanan na lamang niya ito rito pero hindi naman niya masisikmurang gawin iyon. Konsensya pa niya kung may mangyaring hindi maganda kay Margo kinabukasan. Wala pa naman siyang tiwala sa Adam na ito. Mula sa sulok ng kanyang mata ay nakita niyang tumayo si Adam sa kinauupuan nito at humakbang palapit sa kanya. Plano sana niyang umatras pero hindi na niya nagawa pa dahil mabilis na itong nakalapit sa kanya. "Sabi ko sa 'yo ay hindi mo 'yan kakayanin. Leave it to me, sweetheart," he whispered. Nanayo ang lahat ng balahibo sa katawan niya dahil sa pagbulong na 'yon ni Adam sa may punong tenga niya. Para bang biglang lumipad ang utak niya dahil doon. Wala rin siyang nagawa nang balewalang hilahin ni Adam si Margo mula sa pagkakalugmok nito. Para bang kay gaan ni Margo nang isukbit ni Adam sa balikat nito ang isang braso ni Margo. He then winked at her. "I can be your slave for tonight, sweetheart," sabi nito na nginitian muna siya bago ito humakbang palayo sa kanya dala si Margo. Huminga siya nang malalim bago humakbang palabas sa magulong lugar na 'yon. Pero bago 'yon ay tiningnan muna niya ang maiingay na mga kasamahan ni Adam at tiningnan ang mga ito isa-isa nang isang masamang tingin, as if nakikita ng mga ito iyon sa madilim na silid na iyon. Paglabas niya ay naabutan niya si Adam na nakasandal sa kotse niya mismo, sa kabilang balikat nito ay nakaakbay pa rin ang kaibigan niyang hindi niya alam kung totoo bang wala itong malay o sinadya na lang nito para masamantala ang pagkakataong nakadikit ito kay Adam? "Give me the key," sabi nito nang makalapit siya. She wanted to say no, but it was like so hard to argue with this man. Para bang kahit isa pa siyang magaling na abogado ay hindi siya mananalo sa isang Adam Sebastian Castillo, kaya masakit man sa kanyang damdamin ay tahimik niyang inabot ang susi sa kamay nito. Mabilis pa niyang binawi ang kanyang kamay nang madaiti iyon sa palad ni Adam na nakalahad. Para bang may kung anong init ang nasa palad nito na napapaso siya. She heard he chuckled, and she hates herself why she found it sexy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD