"Yelena love, are you there?" Muling tawag sa kanya ni Harold.
Tumayo siya nang tuwid at humakbang para salubungin ang kanyang nobyo. Kung natutulog lang siya ngayong gabi ay itinuturing niyang isang bangungot ang nangyari sa kanya kanina kasama si Adam Sebastian Castillo.
"Yes, I'm here," kalmadong sagot niya nang tuluyan na siyang makalapit sa binata.
"You look so upset, are you okay? May hindi ba magandang nangyari sa hangout n'yo ni Margarico?" Nag-alala nitong sinisipat ang kabuuan niya.
Alam niyang sumang-ayon lamang siya sa tanong nito ay may hindi na naman magandang sasabihin si Harold kay Margo, kaya kahit na naba-bad trip siyang isipin ang lahat lalo na ang mapanuksong mukha ni Adam na pilit sumisiksik sa kanyang isipan ay pinili na lamang niyang ngumiti nang pilit at umiling. Ayaw niyang komprontahin pa ni Harold si Margo at alam niyang mauuwi lamang sa away ang usapan na iyon ng dalawang lalaki. She knew Margo better, he will defend himself against Harold.
"Nothing had happened except Margo was knocked out dahil medyo naparami ang kanyang inom." She smiled widely just to convince him that really everything was well established. "Nag-enjoy rin naman ako kahit paano," she lied.
"Good to hear that. I miss you, love." Inisang hakbang ni Harold ang pagitan nilang dalawa at kaagad siyang niyakap nang mahigpit. Ginawaran din siya ng isang halik sa kanyang pisngi.
She almost pushed him away if she didn't hold herself. Hindi niya alam kung bakit iyon ang gusto niyang gawin nang yakapin siya ng kanyang kasintahan, dati naman ay kinikilig siya kapag niyayakap siya nito. Gusto niyang sumpain ang kanyang isip dahil si Adam pa rin ang nasa isipan niya habang yakap siya ni Harold.
Damn! Sinira niya ang gabi ko kaya natural lang na siya ang maiisip ko!
"Kanina lang tayo nagkita." Bahagya niyang linakipan ng mahinang tawa ang kanyang sinabi para hindi mahahalata ni Harold na muntik na niya itong itulak kanina.
"But I already miss you kahit na ilang minuto lamang tayo na hindi magkikita."
Pumungay ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. At ewan niya ba kung bakit kapag ganoon na si Harold sa kanya ay umiiwas na siya. Noon pa matindi ang paghahangad ng binata na humigit pa sa isang halik ang mamagitan sa kanila. He wanted to go beyond the limit. He wanted to step up their relationship to the next level. Pero siya ay hindi pa handa, gusto niya pa ring malinis siyang ihaharap nito sa simbahan. He has everything in this world, at ang malinis na puri niya ang gusto niyang iregalo kay Harold sa araw ng kanilang kasal dahil iyon lang alam niyang puwede niyang iregalo na wala sa binata. Palagi niya rin iyong ipinapaalala sa lalaki na malapit na lang din ang kanilang kasal, so he doesn't need to rush everything. between them.
"What do we have for dinner?" she asked instead, and refused to look at his eyes. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng lalaki pero isinawalang bahala niya iyon. Panindigan pa rin niya ang kanyang prinsipyo na kasal muna bago nito makukuha ang lahat sa kanya.
"Let's go inside, nagpaluto ako ng paborito mong chicken broccoli stir fry sa Nanay Celia mo." Mulng sumigla ang mukha at boses nito at mukhang nakalimutan na rin ang awkward na nangyari sa pagitan nila may ilang minuto lang ang lumipas.
Napangiti na rin siya. Harold is so understanding. Kahit na gustong-gusto nitong may mangyari na sa kanila ay hindi pa rin siya nito pinipilit kailan man. Oras na nagpapahiwatig ito sa kagustuhan nitong 'yon at ipapakita rin niya na ayaw niya ay hindi na rin ito nag-i-insist pa. Iyon ang isa sa katangian nito na gustong-gusto niya. Hindi niya alam kung paanong mabuhay kapag na mawala pa si Harold sa kanyang buhay. Ito, si Margo, at ang Nanay Celia na lamang niya ang mayroon siya.
"Thanks."
Ang pasasalamat niyang 'yon ay hindi lang dahil sa pinahandang hapunan ni Harold, kundi sa lahat na lamanng ng nagawa nito para sa kanya.
Ikinawit nito ang isang braso nito sa baywang niya at iginiya na siya papasok sa loob ng kanyang bahay.
"Naku, Yna, ano ba ang ininom ni Margo at bagsak siya nang ganoon?" nag-alalang salubong sa kanya ni Nanay Celia nang makapasok na silang dalawa ni Harold sa sala.
"Nasaan na po siya, Nay?" Bigla rin siyang nag-alala kay Margo.
"Ipinahatid ko na kay Joey sa silid niya," tukoy nito sa kanilang boy na si Joey. "Pinahiran ko na rin ng basang bimpo at binihisan na rin. Naku, ano kasi ininom ng lalaking 'yon at ayaw pang magising," pabulong na lamang ang huling salita ng matanda.
Ayaw na sana niya ang mag-isip ng tungkol kay Adam pero dahil sa pag-alala niya kay Margo ay muli na naman niyang naalala ang lalaking kasing gaspang ng mga kamay nito ang pag-uugali. Ito ang dahilan kung bakit nalasing si Margo. And who knows kung ito rin ang pumilit sa kaibigan niyang uminom ng ganoon katapang na inumin? At dahil weakness ni Margo ang buong angkan nito at ang angkan ng Contreras ay mabilis lang na nauto ng mga ito ang kaibigan niya.
It added flame to her anger towards Adam. Parang gusto niya tuloy makita ulit ngayon si Adam para bigyan niya ito ng isang sampal na nararapat para rito.
"That's what I'm saying, love, dapat kasi ay hindi mo masiyadong pina-pamper ang lahat ng kapritso ni Margo," pareklamong saad ni Harold.
Ito na naman sila, as much as possible ay ayaw sana niyang pagtaluhan na naman nila ang tungkol sa kaibigan niya. Walang kasalanan si Margo, ang Adam na 'yon ang may kasalanan. Kung hindi sana nito hinayaang mag-order ng matapang na inumin si Margo.
"Margo isn't fine right now, Harold, kaya sana ay huwag na natin siyang sisihin. Isa pa, gusto lang naman ng tao ang mag-enjoy kahit paano matapos ang nakakapagod na maghapon. Hindi niya ginusto ang mga nangyayaring ito sa kanya," giit niya. Nahahati ang kanyang damdamin sa pagitan ng pag-alala niya sa kaibigan at sa mga sinasabi naman ni Harold against dito.
"Alright." Humigpit ang pagkakaakbay nito sa kanya na para bang sinasabi nito na huwag na silang magtalo tungkol kay Margo. "Tara na sa dining, baka lumamig na ang pagkain. Saka malalim na ang gabi kailangan ko na ring umuwi at maaga pa ang meeting ko bukas." Tiningnan nito ang relo na nasa bisig nito.
She looked carefully at him, at ewan ni Yelena kung bakit parang biglang nakita niya ang tense sa hitsura ng kanyang nobyo nang makita nito kung anong oras na.
"Anything wrong?" hindi niya mapigilan na tanungin ito.
"Of course not!" mabilis naman na sagot nito. Bigla rin ang muling pagliwanag ng mukha nito nang tumingin sa kanya. He smiles at her.
Mabilis ding nawala ang agam-agam sa kanyang puso dahil pinawi iyon nang matamis na ngiti sa kanya ng kanyang boyfriend. Tahimik lang din siyang naupo nang ipaghila siya nito ng dining chair. Kaagad din nitong inayos ang kanyang plato at nilagyan iyon ng pagkain. Harold is so attentive and gentleman as always. Kahit na nag-aaway pa sila nito ay hindi kailan man ito tumitigil na asikasuhin siya, and that's what she liked about him. Wala siyang kilalang lalaki na kasing bait at maasikaso maliban sa nobyo niya. Tuloy ay parang nakalimutan na rin niya ang tungkol kay Adam.
"Ah, by the way, love, haven't you seen the business proposal that Mr. Young sent to you?" tanong nito nang nagsisimula na silang kumain.
Linunok niya ang pagkain na nasa bibig niya at pinunasan ng tissue ang gilid ng labi niya bago niya hinarap si Harold. "I've seen it, and I'm impressed. It was a good proposal I've received, so far."
"I told you, he will be the best asset to your company. And oh, before I forgot this... how about the document I've put on your table? Have you signed it?" parang excited na tanong nito sa kanya.
Kumunot ang noo niya at inalala kung napirmahan ba niya ang sinasabi nitong dokumento. Inisa-isa niya ang ginawa niya kanina sa kanyang opisina at tumango siya nang maalala niya na pinirmahan pala niya ang tinutukoy nitong papeles. Ni hindi niya binasa ang kabuuan n'on dahil galing iyon kay Harold.
"I did," mahinang sabi niya. Hindi niya alam kung bakit parang may kaba siyang nararamdaman sa kaibuturan ng kanyang puso dahil sa simpleng bagay na ginawa niya. Hindi naman ito ang unang beses na pumirma siya ng papers na galing kay Harold.
Nagkandabuhol-buhol na ang utak ko dahil sa malalang nangyari ngayon gabi.
Naisip niya. At parang tukso naman na gumiit sa utak niya ang nakangising mukha ni Adam. Napapamura siya sa kanyang isip habang iniisip na ito talaga ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Nakaka-stress kahit isipin pa lamang niya si Adam.
"Thanks, love! That's the simple things I could do to help you," masayang pasasalamat nito.
Hindi siya sumagot pero nginitian lamang niya ito. Hinarap na rin niya ang kanyang plato para ipagpatuloy ang kanyang pagkain. Parang bigla siyang napagod ngayon. Wala siyang ganang kumain kahit na paborito pa niya ang pagkain na nakahain dahil ang gusto niya ay ang magpahinga na lamang.
"You want more?"
Narinig niya ang pag-alok sa kanya ni Harold ng pagkain. "No, thanks," she forced a smile.
"Gustuhin ko mang magkape muna kasama ka sa garden after our dinner ay hindi ko magagawa, love," sabi nito nang matapos na silang kumain.
"It's okay, gabi na rin naman. Kailangan ko ring magpahinga nang maaga dahil maaga rin ang punta ko bukas sa opisina. It's past ten, by the way." Bahagya niyang tiningnan ang digital clock na nakasabit sa dining wall.
"Yeah, at nasa bahay si Melissa ngayon," may bahagyang panic sa boses nito.
Siya man ay parang biglang nag-panic sa sinabi nito. Si Melissa ay nasa bahay nito, sa ganitong oras? Pero bago pa siya makapag-isip ng kanyang sasabihin ay naunahan na siya nito.
"Nag-over time siya ngayon, at ang presentation ko ay nakalimutan ko sa opisina. And I am thankful na nagmagandang loob siya na idaan na lamang iyon sa bahay pag-uwi niya. Marami pa akong aayusin tungkol sa presentation kong 'yon." He crossed his fingers over the table. "Iyon na nga, nandoon na raw siya ngayon," he gave her an explanation that she wanted him to explain, straight away.
Saka naman tila lumiwanag ang kanyang isip. Hindi niya alam kung bakit iba ang dating sa kanya ng kalaaman na nandoon ngayon si Melissa sa bahay ni Harold.
Oh well, kailangan mo na talagang magpahinga matapos mong makasalamuha ang isang Adam Sebastian, Yelena. Kung anu-ano nang dumi ang pumasok diyan sa utak mo. First, Melissa and Harold are best of friends, and second, hindi ito ang unang beses na nasa bahay ni Harold si Melissa sa kagaya nitong oras.
"Okay, huwag mo nang paghintayin nang matagal si Melissa, pagod din 'yong tao," pambabawi niya sa guilt dahil medyo pinag-isipan niya nang hindi maganda ang dalawa.
"Are you sure okay lang na iwan kita ngayon? Puwede namang maghintay si Melissa nang ilang oras pa. You know, idol niya ang love life nating dalawa." Masaya pa itong tumawa.
"I'm fine, magpapahinga na rin ako," nakangiti ring tugon niya. Napangiti siya dahil sa huling sinabi ni Harold, lumambot ang puso niya nang maisipan kung gaano ka genuine ang friendship ni Melissa sa kasintahan niya, subok na niya iyon.
"Okay, I have to go now, love." Tumayo na ito at nagmamadaling hinalikan siya sa kanyang magkabilang pisngi.
Tumayo na rin siya para ihatid ito sa labas.
"Regards to Melissa." Kinawayan niya ito bago nito tuluyang isara ang bintana ng sasakyan nito.