CHAPTER 9

1889 Words
Sa hospital ni Nathaniel Contreras niya dinala si Margo kahit na ayaw na ayaw niya sana dahil alam niyang magkaibigan si Nathaniel at si Adam. Saksi ang tawanan ng mga iyon kanina sa bar ni Adam. 'Yon nga lang ay wala naman siyang ibang choice dahil ang hospital lang na 'yon ang pinakamalapit na hospital sa kanila. Ang susunod na hospital ay mahigit isang oras pa ang kanilang ibabiyahe. Pagdating sa parking ng hospital ay naitirik pa niya pataas ang kanyang mga mata dahil nakikita rin niya ang pagbaba ni Nathaniel sa sasakyan nito. The devil is a multi-tasker! Kanina lang kasi ay nakita niya itong masayang kasama ang mga pinsan nito at ang Castillo sa bar na pinuntahan nila ni Margo. She is just hoping he will not see her here now, para hindi lalong masira ang kanyang buhay. Pero dahil hindi ito ang tamang oras para sa galit niya kay Adam at sa mga kaibigan nito ay minabuti niyang bumaba na dahil kailangan niyang malaman kaagad ang kalagayan ni margo. Saktong bumababa siya nang marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan, at hindi man niya tingnan kung sino iyon ay alam niyang si Nathan. She stopped for a while and took a deep breath to calm herself. "Miss Salvatore!" Narinig niya ang mga yabag nitong papalapit sa kanya. Gustuhin man niyang huwag itong pansinin ay hindi niya nagawa dahil nakita na niya ang luxury sneakers shoes nito bago pa niya iangat ang kanyang paningin. She raised her chin. Bumungad sa kanya ang napakaguwapong feature ng mukha ni Nathaniel, he is smiling at her, but she is looking at him emotionlessly. "Is there anything wrong?" It was a sincere question from him. At hindi ganoon katigas ang kanyang puso para pakitaan ng masamang ugali ang isang kagaya ni Nathan. Kusang lumabas ang isang matipid na ngiti sa kanyang mga labi. Hindi rin kasi siya likas na masungit, pero siguro kapag si Adam ang naririto ngayon ay hindi pa rin siguro niya kayang maging mabait sa lalaking 'yon. Hindi rin niya maiintindihan ang kanyang sarili kung bakit siya inis na inis sa lalaking 'yon kahit hindi naman sila magkakilala ng matagal. "Si Margo 'yong kaibigan ko kaninang kasama sa bar, remember?" tanong niya rito na iniiwasan ang maging sarkastiko. Tumango naman ang lalaki. "Yeah, may nangyari ba? I thought safe kayong umuwi dahil hinatid kayo ni Adam." As he mentioned Adam's name, her blood suddenly boiled up. "Dahil sa ininom ng kaibigan ko ay hindi pa siya nagigising hanggang ngayon." "Lasing kasi siya. I think hindi siya sanay uminom at ang napili pa niyang inumin ay isa sa pinakamatapang na inumin." He peeked through the open window of her car. And she knew he was curious about Margo's condition. "Alam kong lasing siya, but for God's sake, sino ang hindi matatakot sa kalagayan niya ngayon?" Tukoy niya kay Margo. "Hindi siya nagigising kahit halos mahuhulog na siya sa kama niya sa pagtulak ko sa kanya! He wasn't even responding, even though I called his name out loud!" bahagyang tumaas ang boses niya dahil nainis siya sa tila pambabalewala ni Nathan sa sitwasyon ni Margo. "Okay, fine." Itinaas ni Nathan ang mga kamay nito sa ere na tila ba sinasabi nitong hindi ito makikipagtalo sa kanya. "Let me check on him." Binuksan nito ang pinto ng sasakyan sa likurang bahagi kung saan naroroon si Margo. Nakita niyang bahagya nitong hinawakan ang pulso ni Margo. At habang nakatingin siya kay Nathan ay hindi niya mapigilan ang humanga sa lalaki. Hindi ba ito nalasing sa ininom nito kanina sa bar ni Adam? At alam talaga nito kung paano ihiwalay ang propesyon nito sa normal na buhay nito. Doctor Zimon Nathaniel Contreras is one of the best doctors in the country, an eligible, multi-billionaire, and a handsome bachelor. "Aldehyde dehydrogenase 2 deficiency... maybe," sabi nito matapos nitong sipatin nang maigi ang kabuuan ng kaibigan niya. Kumunot naman ang kanyang noo sa medical term na ginamit nito, she didn't get it. "English please." "Based sa weak pulse niya ay baka meron siyang alcohol intolerance. Pero mabuti siguro kung ma-check siya nang maigi. Hintayin n'yo lang at magpapadala ako ng stretcher bed dito para maisagawa natin kaagad ang test to determine kung may allergy talaga ang kaibigan mo sa alcohol." Nagpaalam na si Nathan sa kanya at ipinangako na ito ang mag-aasikaso sa kanila. Gusto niyang mainins dahil naging mabait siya sa kaibigan ni Adam pero wala namang rason para mainis siya sa isang kagaya ni Nathan. He's such a nice guy at sobrang layo sa magaspang na ugali ni Adam. Stop it, Yelena! Masyado ka nang judgemental. Paano mong hinuhusgahan ang kagaspangan ng ugali ng isang tao sa isang beses mo itong nakakasalamuha? Gaya ng pangako ni Nathan ay hindi nga nagtagal ang paghihintay nila roon sa parking ng hospital nito ay dumating na kaagad ang staff nitong may dalang stretcher bed. Magalang sila nitong in-assist. Dinala kaagad si Margo sa ER. Si Lorna ay naiwan sa labas at siya lang ang pinahintulutan na sumama sa loob. Pagdating nila roon ay naghihintay na sa kanila si Nathan, wearing his Doctor's white coat. Dahil hindi pa nga nagigising hanggang ngayon si Margo ay siya ang tinanong ni Nathan tungkol sa mga importanteng detalye tungkol dito. "Hindi ka ba lasing? Mamaya niyan baka mali-mali pala ang diagnosis mo sa kaibigan ko." Again, she didn't want to appear sarcastically pero kusa iyong lumalabas sa kanya kapag maalala niyang kaibigan ni Adam ang kaharap niya. Bahagya namang natawa si Nathan sa sinabi niya. "Huwag mong iparinig sa mga staff ko na kagagaling ko lang uminom, Yelena... I prefer to call you by your first name, you can call me Nathan too," sinadya nitong hinaan ang boses nito dahil mukhang ayaw talaga nitong maririnig ng mga naroroon sa silid na 'yon ang pinag-uusapan nila. "Besides, a few bottles of beer can't drag me down, like others' did." Tiningnan nito ang nakahigang si Margo. Bahagya naman siyang napahiya dahil sa inasal niya. Masyado na talaga siyang judgemental nang dahil kay Adam. At hindi na tama iyon, dahil madali na sa kanya ang mag-judge kapag ang kaharap o kausap niya ay may connection kay Adam. Hell! Kailangan na talaga niyang kalimutan ang tungkol kay Adam dahil hindi na naging mabuti ang epekto n'on sa kanya. "I'm sorry," sinserong paghingi niya ng pasensya kay Nathan. "Mukhang masama ang tama ni Adam sa 'yo... at literal na masamang-masama naman ang tama mo sa kanya." His shoulders were shaking, tanda na pinipigilan nito ang malakas na pagtawa nito. Biglang kumislot naman ang puso niya dahil sa sinabi nito tungkol kay Adam. Alam niyang namumula ang magkabilang pisngi niya dahil dama niya ang pag-init n'on. "Kung gusto mo ay sasamahan muna kitang magkape sa labas habang hinihintay natin ang result ng alcohol patch test ng kaibigan mo," seryoso na ang boses nito nang muling magsalita. "Would it take so long?" tanong nya sabay tingin sa kaibigan niya na in-assist ng dalawang nurses. "No, it's between ten to fifteen minutes long." "Sige, hihintayin ko na lamang. I can't wait to know what is happening to him." Tumango si Nathan at hindi na nakapagsalita pa nang biglang may tumawag dito. "Yes," he answered in an authoritative voice. Kakaiba kung siya at ang mga kaibigan nito ang kausap nito. "Tumatawag po si Ma'am Amara sa linya mo, sir," pagbibigay impormasyon ng tauhan nito. She's maybe his secretary. Nakita niya kung paanong biglang kuminang ang mga mata ng guwapong binata nang marinig nito ang binaggit na pangalan ng tauhan nito. Natural din na gumuhit ang isang masayang ngiti sa mga labi nito. "Oh, I forgot my phone in my car. I'll call her back," sabi nito sa babae bago siya nito hinarap. "Iiwan na muna kita rito. Ang mga staff na in-aasign ko sa 'yo ay very reliable 'yan. Kung may problema ay ipatawag mo lang ako." Hindi na naaalis ang matatamis na mga ngiti sa labi nito. "Sure. Thank you." Nginitian rin niya ito. Ewan niya kung bakit nakaka-good vibes ang matamis na ngiti ni Nathan. Mabilis naman itong lumabas doon. Daig pa nito si The Flash sa bilis dahil kaagad itong nawala sa kanyang paningin. Gaya ng sinabi ni Nathan tumagal nga lang ng ten to fiteen minutes ay lumabas na nga ang result ng isinagawang test kay Margo. At base nga sa result ay positive sa alcohol intolerance si Margo. Worsening of pre-existing ashma at low blood pressure ang dahilan kung bakit hindi nagigising si Margo. Dala ng reaction ng katawan nito sa allergy at dahil na rin sa kalasingan kung bakit ito nanghihina. At tama siya, hindi biro ang nangyayaring ito kay Margo kung hindi niya kaaagad ito naisugod dito sa hospital. Niresetahan siya ng gamot at kaagad niyang pinabili iyon kay Lorna. Nang bumalik ito ay kaagad na pinainom kay Margo ang gamot, kahit na natutulog ito ay nagawan nila ng paraan. Halos mag-iisang oras din ang hinintay nila bago niya nakitang unti-unting dumilat ang mga mata ni Margo. Hinawakan niya kaagad ang isang kamay nito. "My God, Margo, thanks God that you are already awake!" Bulalas niya nang kumurap-kurap ang mga mata nito tanda na nasilaw ito sa ilaw. "Yna," namamaos ang boses na sabi nito. "Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?" sunud-sunod na tanong niya. Naiyak na rin siya dahil ngayon niya lang napagtanto na ayaw na ayaw niyang may mangyaring masama kay Margo. He is her family. "Nahihirapan akong huminga kanina pero ngayon ay medyo mabuti na ang aking pakiramdam. Naririnig ko naman ang pagtawag mo sa 'kin kanina 'yon nga lang ay hindi ko kayang ibukas ang aking mga mata. Naninikip din ang aking dibdib." "Hindi mo ba alam na delikado pala ang sinapit mo dahil sa allergy mo sa alcohol? Mabuti lang at naisipan kong dalhin ka na rito. Bakit kasi uminom ka ng ganoong inumin na alam mong hindi ka sanay, Margz!?" hindi niya mapigilan ang pagsermon niya rito. Masyado siyang nag-alala at kinabahan kanina. "Na-overwhelm kasi ako sa paghaharap naming 'yon ni Adam, alam mo matagal ko na siyang crush. At kanina ang unang pagkakataon na nakikita ko siya nang harapan at nakakasama ko pang kainuman," she confessed. Nahabag naman siya sa kaibigan dahil talagang gagawin nito ang lahat para sa hinahangaan nitong tao pero mas lalo naman siyang nainis kay Adam dahil ito ang dahilan sa muntik na panganib sa kanyang kaibigan. At hindi siya papayag na basta na lamang madedehado ang kaibigan niya. May naisip siyang gagawin kinabukasan kay Adam. "Please, Margo, huwag na huwag mo nang gawin ang ginawa mo kanina. Papatayin mo ako sa nerbyos." "Kinabahan ka ba? Akala ko matutuwa ka na kapag mawalan na ng asungot ang relasyon n'yo ng boyfriend mo." Pabiro siya nitong inirapan. "Please, next time ay huwag ka nang uminom. At hinding-hindi na kita papayagan pa, Margo, this time ay ako na ang masusunod," she meant what she said. Seryoso siya ngayon dahil hindi pa halos bumalik ang kapayapaan ng kanyang damdamin. "Yes, you're the boss. Pagpasensyahan mo na rin kung inabala pa kita sa oras ng pahinga mo." Mahigpit na hinawakan ni Margo ang mga kamay niya. At ang naramdaman niyang galit para rito ay unti-unti na ring nalusaw dahil sa paglalambing at sa sinsero na paghingi ni Margo sa kanya ng despensa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD