CHAPTER 8

1727 Words
Pagkaalis na pagkaalis ni Harold ay umakyat na rin si Yelena para pumasok na sa kanyang silid. Magpapahinga na rin siya dahil na-stress nga siya sa night out nila ni Margo. Pagpasok niya sa kanyang silid ay kaagad niyang hinubad ang kanyang mga damit at pumasok na sa kanyang banyo. Pagkaligo niya ay nag-blower na rin siya ng buhok niya. Nakabihis na siya ng pantulog niya at tipong pahiga na sana siya nang maisipan niya si Margo. Nag-alala siya sa kalagayan nito, alam niyang hindi sanay sa hard drinks si Margo. Wine lang ang iniinom nito at ang pinaka-hard na ay ang flavored beer. Tumayo siya at muling binuksan ang ilaw sa kanyang silid. Hindi niya maatim na matulog na hindi niya alam ang kalagayan ni Margo. Alam niyang kung siya rin ang nasa sitwasyon na hindi maayos ay hindi rin siya matitiis ni Margo. Kinuha niya ang kanyang roba na nasa kama niya at isinuot iyon. She decided to go and see Margo before she went to sleep. Dalawang silid ang pagitan ng silid niya at ni Margo. Nang matapat siya sa pinto ng silid nito ay maingat niyang binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang nakadapang si Margo. Nakasuot na rin ito ng pajamas nito. Payapang natutulog ito at halatang hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kalasingan nito. Maingat siyang lumakad papunta sa kama nito at naupo sa tabi nito. Hinawi niya ang magulong buhok na nakatabon sa mukha nito. His breathing is uneven, and his face is still reden like an overripe tomato. "Margz," bahagya niyang tinapik ang balikat nito. She got no response. Ni hindi man lang ito gumalaw sa pagkakatapik niyang 'yon sa balikat nito. "Margo. Margo." Bahagya na niyang nilakasan ang pagkakatapik sa balikat nito. Gusto niyang gisingin na ito nang tuluyan at malaman ang totoo nitong nararamdaman sa mga sandaling ito. Ilang ulit niyang tinatapik ang balikat nito ay hindi pa rin ito nagigising, hanggang sa niyugyog na niya nang malakas ang katawan nito. "Margo, wake up and just tell me that you're alright!" Linapit niya ang mukha niya sa tenga nito para marinig siya nito pero wala pa ring tugon mula kay Margo. "Margo! C'mon, wake up!" Hindi na niya tinitigilan sa pagyugyog sa katawan nito dahil tumitindi na rin ang kaba na nararamdaman niya ngayon. Marami na ang masasamang isipin ang pumapasok sa kanyang kukote sa mga sandaling ito. Halos mahuhulog na si Margo sa kama nito dahil sa lakas ng pagkakatulak niya rito pero hindi pa rin ito nagigising. Lumalakas na ang t***k ng puso niya sa matinding kaba. Hindi niya alam kung normal lang ba ito sa isang lasing dahil hindi naman niya naranasan na maglasing sa buong buhay niya. Hindi rin siya nakakasalamuha ng taong naglalasing maliban ngayon kay Margo. Naisipan niyang tawagin ang Nanay Celia niya dahil hindi na siya matatahimik sa nakikita niyang itong kalagayan ng kaibigan niya. Tumayo siya at mabilis na lumabas sa silid ni Margo. Pababa pa lamang siya sa hagdanan ay malakas na ang pagkakatawag niya sa pangalan ng matanda, "Nay! Nanay Celia!" Mula sa kusina ay nakita niya ang malalaking hakbang ng matanda habang lumalapit sa kanya. Sinalubong siya nito at sa gitna na sila ng hagdanan nagkatagpo. "Anong nangyari? Mahabaging Diyos, Yna, halos lumukso naman ang puso ko sa sobrang kaba sa paraan ng pagkakatawag mo sa 'kin!" Nakahawak sa dibdib ang matanda. Nasa mukha rin nito ang hindi maitatangging matinding pag-alala habang nakatingin sa kanya. "Nanay, I'm so nervous! Si Margo, ginigising ko siya kanina pa ay hindi siya nagigising. Inaalala ko na baka ano na ang nangyayari sa kanya, hindi siya sanay maglasing, alam natin 'yan pareho!" Halos maghistirya na siya dahil sa matinding pag-alala niya. "Lasing kasi siya, at hindi siya magigising hangga't hindi mawawala ang kalasingan niya." Bahagya nitong tinapik ang kanyang balikat para iparating sa kanya na hindi siya dapat na kabahan. "But I think hindi okay si Margo, Nay," giit pa niya. Hangga't hindi nagigising ang kaibigan niya ay hindi siya makakapante. "Sige, tara nang matingnan ko siya. Huwag ka nang mag-alala pa." Hinawakan ng matanda ang nanginginig niyang kamay at inakay na siya pabalik sa silid ni Margo. Pagpasok nila ay kaagad siyang naupo sa gilid ng kama habang ang Nanay Celia niya ay sinasalat-salat ang noo at leeg ni Margo. Nakabantay lamang siya sa ginagawa ng matanda at hindi niya talaga mapipigilan ang pag-alala kapag nakikita niyang napapakunot ang noo ng matanda. "Ano na po ang nangyayari, Nay?" Hindi niya mapigilan ang sarili na magtanong sa matanda. "Mukhang lasing lang talaga siya. Teka, dumito ka lang muna at kukuha ako ng maligamgam na tubig para mapunasan ko siya." Nagmamadali na itong lumabas sa silid na iyon para kumuha ng maligamgam na tubig at malinis na bimpo. Nang mawala sa kanyang paningin ang matanda ay muli niyang tiningnan ang natutulog na si Margo, hindi niya alam kung mahimbing lang ba talaga ang pagkakatulog nito o sadyang may iba na itong nararamdaman. Hindi kasi siya sanay na makikitang ganito ang kaibigan niya dahil hindi naman kasi ito lasinggero. Napatayo siya at nagpabalik-balik sa loob ng silid nito. Kapag kasi nakatingin lang siya rito ay hindi niya mapipigilan ang matinding kaba. At dahil doon ay bigla na naman niyang naalala si Adam, para sa kanya ay ito ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito ngayon si Margo. Si Adam ang kanyang sinisisi sa nangyayaring ito kay Margo. At oras na may masamang mangyayari sa kaibigan niya ay malilintikan sa kanya si Adam, pati na rin pala ang mga pinsan nito at ang mga kaibigan nitong angkan ng Contreras. Natigil lang siya sa kanyang paglalakad nang muling pumasok ang kanyang Nanay Celia roon. Humila ito ng upuan sa tabi ng kama at ipinatong nito roon ang dala nitong maliit na palanggana na may lamang maligamgam na tubig at bimpo. Nagsisimula na nitong punasan ang mukha ni Margo nang maupo siya ulit sa gilid ng kama ni Margo. "Nay!" tawag niya sa pansin ng matanda. Natigil naman ito sa ginagawa nito at tumingin sa kanya. "Bakit?" "Nay, ano kasi--" napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi bago niya inalis ang kanyang paningin kay Margo at ibinaling iyon sa matanda. " Ano kaya kung dalhin ko na lang si Margo sa hospital ngayon?" Inilapag ng matanda ang hawak nitong bimpo sa palanggana at hinarap siya. "Magahahating gabi na, Yna, bakit hindi mo na lamang ipatawag dito si Doctor Salmeo?" Tukoy nito sa Doctor ng pamilya nila. Simula noong nabubuhay pa ang kanyang mga magulang ay ito na ang family Doctor nila. Umiling siya. "Iyon na nga, Nay, maghahating gabi na at ayaw kong abalahin pa si Ninong Vic dahil alam kong nagpapahinga na iyon sa mga sandaling ito. Isa pa, malapit lang naman ang hospital dito sa atin. Hindi po kasi ako mapakali hangga't hindi ko malaman na nasa mabuting kalagayan lang si Margo. Sobrang nag-alala po ako sa kanya, alam natin pareho na hindi sanay uminom si Margo." Tumango ang matanda. "Kung 'yan ang magpapatahimik sa iyong kalooban, Yna. Mabuti pa ay isama mo na si Lorna para may mauutusan ka roon mamaya. Teka at tatawagin ko lang siya, pagkatapos ay aayusin ko rin ang ilang gamit ni Margo na dadalhin ninyo." "Salamat po!" Mabilis siyang tumayo. "Magbibihis lang din po ako, Nay." Nasa pinto na siya nang muli siyang tawagin ng matanda. Sumagot siya pero hindi na siya lumingon pa. "Tatawagan ko ba ang 'yong nobyo para ipaalam sa kanya na sinugod mo itong kaibigan mo sa hospital, Yna?" tanong nito sa kanya. "Huwag na po, ako na ang bahalang ipaalam ito sa kanya. Tatawagan ko na lamang siya mamaya. Alam n'yo naman na baka kung ano lang ang masasabi n'on mamaya kay Margo," magkahalong pag-alala niya kay Margo at pagkabahala naman sa maaring sasabihin ni Harold sa kaibigan niya. Narinig niya ang mahinang palatak ng matanda. Saksi rin kasi ito kung paanong mainit ang dugo ni Margo at Harold sa isa't-isa. "O sige na, magbihis ka na," tanging nasabi na lamang nito. Nagmamadali naman siyang lumakad papunta sa kanyang silid. Pagpasok niya ay dumiretso na kaagad siya sa kanyang walk-in closet para magbihis. Magtapos niyang magsuot ng denim pants, t-shirt, at canvass shoes niya ay nagsuklay na rin siya ng kanyang buhok. Kinuha niya ang shoulder bag niya na naglalaman ng mahahalagang gamit niya kagaya ng cellphone at wallet niya, saka siya nagmamadaling lumabas sa kanyang silid. Pagdating niya sa silid ni Margo ay nandoon na naghihintay si Lorna. Nakita rin niya sa ibabaw ng kama ng kaibigan niya ang maliit na bag na naglalaman ng personal nitong gamit. "Si Nanay Celia?" tanong niya kay Lorna. "Tinawag lang si Joey at si Mang Lino sa baba para ipabuhat si Margo, ma'am," magalang na sagot ng babae. Tumango lang siya at hindi na sumagot pa. Nang mapatingin siya sa kaibigan ay bumangon na naman ang matinding kaba sa dibdib niya. Hold on, Margz, dadalhin na kita sa hospital. Sana ay wala lang nangyayari sa 'yong hindi maganda dahil kung mayroon ay malalagot sa 'kin ang Adam na 'yon. Nakatiim ang kayang bagang habang tinititigan ang hindi pa rin nagigising na si Margo at habang inaalala ang pagmumukha ni Adam. Nang bumalik si Nanay Celia ay kasama na nito si Joey at ang hardinero nilang si Mang Lino. Sumenyas ito sa dalawa para buhatin si Margo. Si Lorna naman ay inutusan nito na bitbitin ang inayos nitong gamit ni Margo. Nang lumabas ang mga ito ay nagmamadali na rin siyang sumunod. Nang maayos na nilang mailagay si Margo sa loob ng sasakyan niya ay pumasok na rin siya sa driver's seat. "Aalis na po kami, Nay. Tatawag ako if in case hindi kami makakauwi kaagad." "Bakit hindi mo hayaang si Joey na lamang ang magmaneho?" paniniguro nito. Wala kasi siyang driver dahil si Margo na ang nagsilibing driver niya. Kapag naman may inaasikaso itong iba at hindi makakasama sa kanya ay siya na rin ang nagmamaneho para sa sarili niya. Hindi naman kasi siya umaalis masyado maliban sa opisina niya. "Ako na po. Isa pa ay kailangan ako ni Margo. Kung alanganin na bukas ay hindi na lamang ako papasok sa trabaho," wika niya. Walang nagawa ang matanda. Tuluyan na siyang nagpaalam at nagmaneho na palabas sa kanilang gate. Dahil maghahating gabi na ay tahimik na ang daan kaya matiwasay na rin ang kanilang pagbiyahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD