Matapos nilang bilhin ang mga gamot ni Margo ay pinayagan na rin naman silang umuwi ni Nathan. Nagbilin na rin ito ng mga bawal at hindi para kay Margo. Mag-uumaga na nang marating nila ang bahay niya.
Dahil sa pagod ay kaagad na rin naman siyang nakatulog pagkatapos siyang maglinis ng kanyang katawan at makapagbihis. Bukas na lamang niya aayusin ang lahat ng gusto niyang ayusin tungkol sa nangyaring ito kay Margo. Nakaplano na rin sa utak niya ang kanyang gagawin bukas. And it would be another tiring day tomorrow, so she should prepare now.
Kinabukasan ay tanghali na siyang nagising dahil nga mag-uumaga na silang nakauwi. Nagdesisyon na siya kagabi pa na hindi na talaga siya papasok ngayon, ipinaalam na rin niya 'yon sa kanyang sekretarya kanina kaya wala na siyang ibang iisipin ngayon kundi ang plano niyang gawin.
Tiningnan niya ang alarm clock niya na nasa bed side table niya, mag-aalas onse na ng umaga. Tamang-tama lang ang oras para sa nakaplano niyang gawin. Bumangon na siya para maligo. Hinubad niya ang suot niyang damit at kumuha ng tuwalya niya. Bitbit ang bath towel niya ay pumasok na siya sa kanyang banyo.
Matapos niyang maligo ay pumasok na siya sa kanyang walk-in closet para magbihis. She chose to wear her white ruffle sleeveless blouse and black casual shorts na hanggang tuhod niya ang haba. She looks so carefree, young, yet elegant sa suot niyang 'yon.
Naglagay na rin siya nang manipis na makeup at pink lipstick. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit kailangan pa niyang mag-ayos ng kanyang sarili samantala puwede naman siyang sumugod sa opisina ni Adam Sebastian Castillo kahit na kagagaling lamang niya sa kama niya.
Lihim pa niyang pinagalitan ang kanyang sarili dahil sa naisip niyang 'yon. Hindi naman siya nagpapaganda dahil kay Adam, 'no! God, kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan.
Sa salas ay nakasalubong niya si Nanay Celia, nagtataka pa ito nang makita ang ayos niya. "Akala ko ba ay hindi ka papasok ngayon, Yna?"
"Hindi nga po pero may aasikasuhin lamang po ako saglit lang, babalik din naman ako kaagad. Si Margo ba ay nakapag-almusal na po at nakainom na ng gamot niya?"
"Doon na ako galing at inasikaso ko na ang gamot niya. Halika muna at ipaghain kita ng taghalian mo dahil hindi na rin naman matatawag na almusal sa oras na ito."
"Hindi na po, nay, pagkabalik ko na lamang. Hindi rin naman ako magtatagal doon, eh."
"Naku, Yna, nakasanayan mo na iyang hindi mo pagkain sa tamang oras. Baka magkakasakit ka na sa ginagawa mong bata ka," pasermon naman na tugon ng matanda.
Nilapitan niya ang matanda at malambing na niyakap ito. Kapag nagagalit kasi ito sa kanya ay ganito lang ang ginagawa niya at nawawala na rin kaagad ang galit ng matanda sa kanya. Ito na ang naging Nanay niya simula nang mawala ang kanyang mga magulang niya o kahit noon pa mang bata pa lamang siya dahil ito na ang nag-alaga sa kanya.
"Malaki na po ako, nay, kaya huwag ka na pong mag-alala masyado sa 'kin. Sige na po, ihanda mo na lamang ang pagkain ko riyan at kakainin ko na lang pagbalik ko. Hindi ako magtatagal, pangako." Bahagya siyang natawa dahil sa matalim na titig sa kanya ng matanda.
"Kow, binola na naman ako. Sige na, umalis ka na nga nang makabalik ka kaagad."
Natatawa naman siya habang papalabas siya sa kanilang bahay. She doesn't know what she will do without her Nanay Celia and Margo.
Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang biyahe nang maalala niyang hindi pala niya alam kung nasa opisina niya ngayon si Adam. Pero hindi siya dapat maging negative sa resulta ng pagpunta niya roon, kaya naman niyang maghintay kung kailan ito darating.
Kahit hindi siya interesado sa buhay ng isang Adam Sebastian Castillo ay pamilyar naman sa kanya ang address ng building nito dahil nga isang malaki at promininteng businessman itong si Adam kaya napi-feature ito sa kahit saan.
Nang marating niya ang mayroong dalawampung palapag na building ng kompanya ni Adam ay pumili siya ng bakanteng lugar para mai-park niya ang kanyang sasakyan. Papalapit pa lamang siya sa may entrance nang may ilang narororon na ang nakapansin sa kanya, kung empleyado man ang mga iyon ni Adam ay hindi niya alam at hindi rin siya interesado pang malaman.
Gusto niyang umiwas nang lumapit ang mga ito sa kanya pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang makahatak iyon ng hindi magandang imahe sa kanya. Public servant pa naman siya kung maituturing. Pinagbigyan na rin niya ang ilang nagpa-picture sa kanya.
Nang matapos iyon ay lumapit na kaagad siya sa nakatulalalng guwardiya sa kanya. Nginitian niya at binati ang lalaki kung kaya't natauhan naman ito.
"Magandang araw sa 'yo, Miss Salvatore! Naku, mas maganda pa pala kayo sa personal. Matagal na kitang gustong makita at hindi ako makapaniwala na nasa harapan lang kita ngayon. Pati asawa ko po ay sobrang idol kayo." Hindi maikakaila ang matinding galak sa mukha ng lalaki.
"Gusto mo bang magpa-picture tayo?" Nakangiti niyang alok sa lalaki. Kailangan niya ring maging friendly rito para hindi siya mahihirapan na makalapit kay Adam. Alam naman niya kasi na isang importanteng tao si Adam at bago mo ito makakaharap ay kailangan munang may appointment ka rito.
Excited namang kinuha ng lalaki ang cellphone nito, kaagad siyang tumayo sa tabi nito. Matapos iyon ay hindi na rin siya nag-aksaya pa ng kanyang oras, kailangan niyang makaharap kaagad si Adam para matapos na rin ang lahat ng ito.
Tumikhim siya. "Ahm, I wanna know kung nasa opisina ba niya ngayon si Mr. Castillo?" Magalang at sweet niyang tanong sa lalaki.
"May appointment ka ba sa kanya, Miss Salvatore?" Halata pa rin ang kasiglahan sa boses nito at mukhang hindi pa nalulusaw ang excitement na dulot ng pagkakita nito sa kanya sa personal.
Umiling siya at sinadya niyang palungkutin ang kanyang mukha. "Sad to say, I don't have an appointment with him, but you know that I wouldn't have come here if my meeting with him today wasn't important."
"Alam kong kilala ka ni sir Adam pero kailangan ko pa ring ipaalam sa kanya na nadito ka ngayon, Miss Salvatore. Nakakabuti sigurong ipapaalam ko na lamang ang presensya mo sa kanya, mukhang hindi naman busy si sir Adam ngayon."
Nababasa niya ang matinding respeto sa mukha ng lalaki para kay Adam, at wala siyang magagawa para baguhin ang isipan ng lalaki para sa bagay na 'yon. Nakikita naman niya kung gaano ito ka-loyal sa boss nito. Huminga na lamang siya nang malalim bago sumang-ayon sa sinabi nito.
Lumapit ito sa mesa nito at dinampot ang telepono na nandoon. Habang nakikita niyang may kinakausap na ito sa kabilang linya ay pinapanalangin niya na sana ay haharapin siya ni Adam. Hindi ito ang gusto niyang pagkikita nilang dalawa dahil gusto niyang sorpresahin ito pero wala na rin naman siyang ibang pagpipilian pa.
Napatayo siya nang tuwid nang makita niyang ibinalik na nito ang telepono, senyales na tapos na itong kausapin ang kung sino man sa kabilang linya. Lumapit ito sa kanya.
"Puwede ka naman daw lumabas-pasok dito sa building ni sir Adam kahit hindi na raw kailangan pang ipaalam sa kanya, Miss Salvatore," nakangiting tugon nito. Para pa ngang kinikilig ito.
Gusto niyang magmura, umaandar na naman ang kayabangan ng lalaking 'yon. Ayaw niya rin ang nakikitang niyang malisya sa mga ngiti ng kausap niya, iniisipi siguro nito na may intimate silang relasyon ni Adam kahit na ang totoo ay nagpunta siya rito dahil sa sobrang gigil at inis niya sa amo nito.
But she chose to smile at him, she doesn't want to be rude to this guy. "Thanks. Saan ko ba matatagpuan ang opisina niya?"
Masaya naman nitong ibinigay ang impormasyon kung saan niya matatagpuan ang opisina ni Adam.
"Thanks. Oh, by the way, iiwan ko ang ID ko rito." Hinalungkat niya ang kanyang bag para kunin ang kanyang ID. Ganoon naman kasi kapag bumibisita ka sa isang kompanya, iniiwan ang ID sa guard for a security reason.
"Hindi na raw kailangan sabi ni sir, Miss." Pinigilan naman siya ng guard.
She paused for a while before she nodding. Muli siyang nagpasalamat at pumasok na sa loob ng malaki at magarang building ni Adam.
Ang buong fifteenth floor ay sakop ng opisina ni Adam. Paglabas niya sa elevator ay kaagad niyang nakita ang malaking pintuan ng opisina nito, sa labas ay naka-engrave ang pangalan nito roon kaya hindi siya maaring magkamali.
Nasa harapan pa lamang siya ng malaking pinto at hindi pa siya kumatok ay automatic na bumakas ang malaking pinto. Ang kaagad niyang nasilayan ay ang babaeng nasa mid-thirties at maayos na nakapusod ang buhok sa ituktok ng ulo nito. Binasa niya ang pangalan sa name plate na nasa dibdib nito, Josephine Advento ang nakasulat doon.
"Hi, I am looking for Mr.--"
"Glad to see you here, Miss Salvatore." Hindi maikakailang masaya nga itong nakikita siya nito ngayon pero pinanatili nito ang professionalism nito.
Magalang naman niyang inilahad ang kanyang kamay na kaagad naman nitong tinaggap. "By the way, hinihintay ka na ni sir Adam." Itinuro nito ang nakapinid pang pinto. Nagpakilala rin itong sekretarya ito ni Adam.
Nang humakbang siya sa pinto ng pinakaopisina ni Adam ay hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit parang bigla siyang kinabahan at nanlamig. Bumilis din ang pagtibok ng kanyang puso. Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan.
Bahagyang nakabukas ang pinto ng opisina nito. She was about to knock at his door when she heard his husky voice, parang kakabangon lamang nito sa higaan nito at tinatamad pang magsalita. Natigil ang kamay niya sa ere na akma sanang kakatok sa pinto nito.
"Come in. I am waiting for you."
She took a deep breath before she pushed the door open. Kinalma niya rin ang kanyang sarili at pinanatili ang kanyang poise.
"What took you so long? Ilang minuto na kitang hinihintay rito matapos tumawag ang guard sa ibaba."
Umangat ang paningin niya kung saan nanggaling ang boses nito. Sa gilid ng mesa nito he is half sitting, and half standing. Naka-cross ang dalawang malalaking bisig nito sa ibabaw ng dibdib nito. Para itong isang kasintahan na naghihintay sa kasintahan nitong na-late sa kanilang date. Ayaw man niyang tingnan ito ay parang hindi naman niya maibaling ang paningin niya sa ibang bagay.
"Idiot," mahinang naibulong niya dahil sa kawalan ng sasabihin.
"Idiot? Matagal ko nang alam 'yan at marami na rin akong naririnig na nagsabi sa 'kin niyan, kaya to tell you frankly... I'm not affected." Tumawa pa ito bagay na ikinairita niya pa lalo.
Ang dalawang kamay nitong naka-cross ay itinukod nito iyon sa ibabaw ng mesa, sa likuran nito. At nang tingnan siya nito nang isang nakakatunaw na tingin mula paa niya, pataas, at nagtagal sa mukha niya ay parang gusto na lamang niyang tumakbo palabas sa opisina nito at kalimutan na lamang ang sadya niya rito.
"Minsan lang akong binibisita ng isang magandang dalaga sa opisina ko, kaya lahat ng empleyado ko ay ililibre ko sa araw na ito. It's my lucky day, I guess."
Nanlaki ang mga mata niya at sinusundan ito ng paningin niya. Walang kahirap-hirap na inabot ng kamay nito ang telepono na nasa kabilang side ng malaking mesa nito. Hindi niya mahuhulaan kung ano ang susunod nitong gagawin.
"Jo, please come over here."
Hindi naman nagtagal ay pumasok na ang sekretarya nito. Nakangiti ito at tipong masiyahin, hindi niya maiintindihan kung bakit masaya pa ito sa pagkakaroon ng isang amo na kagaya nitong si Adam.
"Yes, sir." May hawak itong notebook at ballpen.
"Pakitawagan ang catering services ni Dawson at sabihin mo magpapa-cater tayo ngayon. Tingnan mo sa listahan sa HR kung ilan ba lahat ang empleyadong naririto ngayon at 'yan ang bilang na ibigay mo kay Dawson. Tell him na i-serve niya ang lahat ng masasarap na pagkain sa menu niya para sa ating napakagandang bisita ngayon."
Napatingin siya sa babae at nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. At sino ba ang hindi magugulat sa sinasabi nitong si Adam? Gagawin nitong posible ang imposible!
"Makakaya kaya 'yon ni sir Dawson, sir?"
"Sabihin mong gawin kong triple o kahit ilan pa ang gusto niyang ibayad ko sa serbisyo niya. Makakaya ni Dawson 'yon."
"Pero, sir--"
"Just do what I say at may bonus ka sa 'kin. Ano na nga ba ang latesr unit ng Iphone ngayon? Gusto mo ba 'yon?" Mataktikang sabi ni Adam.
Gusto niyang mabilaukan kahit wala naman siyang kinakain. Ganito ba ito kagalanteng boss? Dahil kung siya ang tatanungin ay hindi niya gagawin ang ginagawa nito sa empleyado nito. That was too much.
Nawala naman ang pagkakunot ng noo ni Josephine dahil sa narinig na sinabi ni Adam. Lumapad ang pagkakangiti nito. Hindi niya alam kung seryosohin ba ni Adam ang deal nito sa sekretarya nito. Kung hindi naman ay lalo lang nakakainis ang lalaki.
At kung gagawin niya, Yelena? Mababago ba n'on ang inis mo para kay Adam?
Umiling siya. Kahit bibigyan pa nito ng mansion ang tauhan nito ay never siyang hahanga rito. As in, never in capital letters!
"You're crazy! Hindi ako nagpunta rito para magparty kasama mo, Mr... oh, Jesus! I hate to mention even your name!" Malakas ang boses na saad niya nang lumabas na ang sekretarya nito at pumayag sa deal na sinabi rito ni Adam.
"I remember, Arabella Guererro." Matamis itong ngumiti na para bang ang pangalan na binanggit nito ang pianakamatamis na salita na babanggitin nito. "Matapang si Arabella, but you are ten folds braver than her. Anyways, let's forget about her. And speaking about partying with me." Itinuro nito ang sarili nito. "Maki-party ka na nga lang ay aayaw ka pa, samantala pera ko naman at hindi pera mo ang gagastusin natin dito."
Para siyang ipinako sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Saka lang siya muling natauhan nang makita niyang inilahad nito ang dalawang kamay nito sa harapan niya. Napatingin siya sa malalaki at magagaspang na mga kamay nito. Hindi kamay ng isang ipinanganak na mayaman, kamay iyon ng isang taong banat sa trabaho.
"Shall we dance? Wala tayong music, but our heartbeats would be the best alternative, it's kind of romantic, isn't it?"