CHAPTER 4

1653 Words
"Who is this, please?" Nagtatakang tanong niya sa babaeng sumagot sa cellphone ni Harold. Medyo lumakas ang kalabog ng puso niya dahil sa hindi niya maipaliwanag na damdamin kanina pagkarinig niya sa boses na iyon ng babae. Saglit na tumahimik sa kabilang linya at habang hinihintay niyang magsalita ang kung sino man 'yon ay napapalunok siya para alisin ang bara sa kanyang lalamunan. "Ah, by the way, Yelena, this is Melissa. Pinangahasan ko nang sagutin ang tawag mo kay Harold dahil baka mag-alala ka sa kanya. May meeting pa kasi siya sa team niya, but don't worry dahil ilang minuto lang ay lalabas na rin siya sa conference room." Saglit siyang natahimik nang marinig niya ang sinabing iyon ni Melissa. Si Melissa ay ang secretary ni Harold. She addressed her and Harold with their first name because according to Harold ay hindi na iba si Melissa sa kanya at parang kapatid na raw ang turing nito sa babae. Magkaklase ang dalawa noong elementarya hanggang high school ang mga ito. Alam niyang matalik na magkakaibigan ang dalawa. So, things like this should not be treated with even a little malice. Maganda si Melissa Ramos. Morena, hindi katangkaran pero may magandang hubog ng katawan, at mahinhin. Isang katangian na usually ay hinahanap ng mga kalalakihan sa isang babae. She onced ask Harold kung minsan ba ay hindi ito humahanga sa taglay na kagandahan ni Melissa pero pinagtatawanan lang siya ng lalaki at sinabing nag-i-imagine daw siya ng mga bagay-bagay. Akma siyang magsasalita na nang maunahan siya ng babae. "And he left his phone over his table if it was intentional or he forgot it, I don't know," maagap na sabi nito bago pa siya makapagsalita. "Ah, ganoon ba? Can you convey it to him that he will call me after his meeting?" Tanging nasabi na lamang niya. "Sure, basta ikaw, Yelena. Walang problema," nakatawa nang mahinhin na sagot nito sa kanya. Hindi na niya pinahaba pa ang usapan nilang iyon ng babae. Nagpaalam na rin siya matapos niyang sabihin ang gusto niyang sabihin para kay Harold. Ipinasok niya sa kanyang bulsa ang cellphone niya at isinandal ang buong bigat niya sa kanyang kotse. Hindi niya alam kung hanggang kailan ba siya maghihintay dito sa labas sa paglabas ni Margo. Sasakay na lang kaya ako sa taxi pauwi? Pero sa huli ay naisip na lamang niya na maghintay pa ng ilang minuto rito kay Margo bago siya uuwi. Noong ilang minuto na siyang naghihintay sa kaibigan ay parang lalamigin na siya dahil sa ihip ng panggabing hangin. Nasa loob pa naman ng kotse niya ang coat niya at ang suot niyang dress ay hanggang tuhod lamang niya ang haba at ang manggas nito ay maikli pa. Where are you, Margarico? Mas uunahin mo pa ba ang mga lalaking walang hiya na 'yan kaysa sa akin? Gusto niyang mangitngit nang maalala niya ang pagmumukha ng mga Contreras at ng mga Castillo. Pero mas nagngingitngit siya sa pagmumukha ni Adam Sebastian Castillo. Sa huli ay napagdesisyunan niyang maghintay na lamang ng taxi dahil mauuna na talaga siyang uuwi kay Margo. Pero parang minamalas talaga siya sa gabing ito dahil walang taxi na dumadaan sa kinatatayuan niya at kung meron man ay mayroon namang sakay na pasahero. Nanginginig na talaga ang kanyang mga tuhod dahil sa lamig na kanyang nararamdaman. Ber months ngayon at talagang malamig na ang simoy ng hangin. Napatingin siya sa kanyang wristwatch, mag-aalas otso na pala ng gabi. Kung ganoon ay ilang minuto na pala siyang nakatunganga sa lugar na ito. Napabaling ang kanyang paningin sa pinanggalingan niyang bar ni Adam. She'll do this suicidal thing, but she doesn't have any other choices, does she? Huminga muna siya nang ilang malalalim na hininga bago siya lumakad para muling pumasok sa loob ng bar. Wala na siyang ibang pagpipilian pa kundi ang muling balikan niya si Margo roon sa loob at pilitin na umuwi na silang dalawa. Pagpasok pa lamang niya sa entrance ng bar ay kaagad niyang nakita na napatingin sa kanya si Adam. Nakaupo ito sa isang upuan habang nakataas naman ang isang paa nito sa may bakanteng upuan na nasa harap nito. Ngumisi ito nang makita siya nito. She gave him a nasty look. If the look she gave him was deadly, he might have fallen from his seat earlier. Without everyone noticed it. nagpapasalamat siya dahil tanging ito lang ang nakapansin sa pagpasok niyang iyon, hindi ang iba pa nitong kasama sa mesang iyon. Inilayo niya ang paningin niya sa lalaking walang modo. Hinagilap ng paningin niya kung nasaan na ba si Margo, at ikinagulantang niya nang makita niya si Margo na naroroon din sa mesang iyon kasama nina Adam. Nakalugmok ang ulo nito sa mesa. Ganoon na lamang ang pag-alala niya sa kaibigan nang makita niya ang kalagayan nito. Ano ang ginawa ng mga walang hiyang lalaki na ito sa kaibigan niya? Mananagot sa kanya ang mga ito kapag malaman niyang may ginwang hindi maganda ang mga ito kay Margo. Dali-dali siyang lumakad sa kinauupuan ng kanyang kaibigan. Napatingin pa sa kanya ang lahat nang makita ang kanyang biglang pagsulpot. "Margo!" Malakas niyang tinawag ang pangalan nito para marinig siya nito dahil malakas ang tugtog ng musika. Ngunit hindi tuminag ang kanyang kaibigan kahit na tinapik na niya ang balikat nito. Ilang minuto lang siyang nasa labas tapos na knock out na kaagad ito? Alam niyang hindi mawawalan ng malay ang kaibigan niya kung walang ginawa ang mga demonyong ito. "Margo, wake up!" Ilang beses niyang tinampal-tampal ang pisngi nito pero bahagya lang itong umungol at hindi nito magawang imulat ang mga mata nito. Galit niyang binalingan isa-isa ang mga lalaking nakaupo sa mesang iyon. Pero tanging ngisi lang ang ibinigay ng mga ito sa kanya, pagkatapos ay parang chorus pa na bumati sa kanya. "Good evening, Miss Salvatore!" "What did you do to my friend? Just a while ago, I left him well in this hellish place, but when I came back here he looked like this? I didn't stay out long enough!" She angrily pointed at the slumped Margo on the table. Walang isang sumalubong sa galit niya. Walang ni isang gustong sagutin ang sinasabi niya. Iniiwasan niya ang mapatingin sa gawi ni Adam dahil kapag napapatingin siya sa lalaki ay parang biglang hinahalukay ang sikmura niya sa hindi niya alam na dahilan. "You came back here to accuse us, really?" Binasag ng baritonong boses na iyon ang pananahimik ng lahat at alam niyang si Adam ang nagsalita kahit hindi na niya ito lingunin pa. Kaninan pa lamang niya nakakausap ang binata pero parang naging pamilyar na yata sa pandinig niya ang boses nito. Oh, well, kung pag-uusap ngang matatawag ang namagitan na 'yon sa kanila kanina ni Adam. Sa tingin niya kasi ay nag-away sila kanina hindi nag-usap. Oh, damn! Whatever it was naiinis pa rin siya sa ideyang parang napakabilis nakapasok sa sistema niya ultimo ang boses nito. "And what do you want me to do while I see my friend like that? Palakpakan ka? Kayo? For the s**t well done?!" Hindi niya mapigilan ang galit niya habang pinaglipat-lipat niya ang kanyang paningin sa mga Contreras' at Castillos, but she couldn't understand herself why she refused to look at Adam. Ito lang ang bukod-tangi na hindi niya matitigan ng diretso. "I saw you on TV, at hindi ko alam na ang mahinahon na ikaw sa television ay isa palang tigre sa personal. Hindi ba natatakot sa 'yo ang staff mo?" Mahinahon pa ring sabi sa kanya ni Adam. Sa sulok ng kanyang paningin ay nakikita niyang ni hindi pa rin nagbabago ang posisyon nito simula noon pagpasok niya kanina. Natigilan din siya dahil sa sinabi nito. Hindi totoo ang sinasabi nitong mataray siya, in fact, ngayon pa lamang ang first time niyang nagtaray. And she didn't know what Adam had done to her to make her forget his own sobriety. Saka lang siya natauhan nang marinig niya na parang chorus naman na nagsitawanan ang mga alagad ni Adam. Huminga siya nang malalim at buong tapang na hinarap ang lalaki. "For your information, hindi ako mataray. Pero nakadepende rin minsan sa uri ng tao na kaharap ko. You must understand why I act like this right now, it's because I am talking with the devil... and that devil is no other than you!" Hindi niya alam kung bakit biglang umingay ang mga kampon nito dahil natawa ang mga ito nang malakas dahil sa sinabi niyang 'yon. Hinanap niya kung saan ba banda ang nakakatawa sa sinabi niya pero hindi niya mahanap. Nagtataka talaga siya kung bakit tuwang-tuwa ang mga ito dahil doon. Sinamantala niya ang pagkakataon na bahagyang natigilan si Adam. Linapitan niya si Margo at kinapa sa bulsa nito ang susi ng kanyang sasakyan. Hihilahin na niya palabas sa lugar na ito si Margo para makauwi na sila. Hindi siya makakatagal sa ganitong uri ng lugar plus ng mga demonyong naririto nakatambay. Pero lahat na yata ng bulsa ni Margo ay nakapa na niya pero hindi pa rin niya matagpuan ang susi ng kotse. Saan naman nito iyon inilagay? Baka nahulog nito ang susi sa kung saan. This is so terrible night! "Shut up everyone!" Narinig niya ang seryosong boses ni Adam na sinuway ang mga kasamahan nito sa mesa pero instead na tumahimik ang mga ito ay lalo lang tumawa sa ginawa ni Adam. Nade-depress siyang makakasama ang mga ito sa iisang lugar. Sobrang ganda ng mga katangian kapag na-feature sa isang documentaries pero sa personal ay mga balasubas naman pala. "Your friend ordered the strongest rum, and he got three shots of it. Kaya 'yan lugmok siyang walang sugat. We tried to stop him from drinking Bacardi, but he didn't listen to us. Take note... a Bacardi." Naiiling na tiningnan ni Mayor Corvette si Margo. Hindi niya pinansin ang sinabi nito, para sa kanya ay kasalanan ng mga ito kung bakit nangyari ito kay Margo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD