Sa tingin niya ay masiyadong mayabang itong si Adam Sebastian Castillo. She never meets before a guy as vulgar as he.
"You own this place?" Bigla niyang naisipan na itanong dito. She wanted to hide the sarcasm in her voice, but she just can't.
"Yeah, this place is the epitome of a paradise for me," he then gave her that devil laugh of him, at parang uminit ang dugo niya sa ulo sa sagot at sa tawa nito na animo'y wala itong pakialam kung hindi kaaya-aya ang sagot nito.
Tumaas ang kilay niya sa isinagot nito. She wonders how could be this man became successful in business kung ganito ang way nito na kausapin ang isang tao na ngayon pa lamang nito nakaharap ng personal. Walang touch of finesse. Masiyadong garapal ang kilos, pananalita, at pananamit.
She had once met his cousin Corvette Lane Castillo, noong ma-interview niya ito sa programa niya. May similar din naman ang ugali nitong si Adam sa pinsan na si Corvette, but Corvette is soft spoken, desenteng manamit, at may class ang paraan ng pananalita nito. Hindi din niya alam, baka pakitang tao lang din ni Corvette 'yon dahil nasa National TV sila, idagdag pa na kailangan nitong palaging mabait sa paningin ng mga tao dahil isa itong Mayor sa kanilang bayan. Or maybe this Adam is really don't care about what other seen him as a person?
Teka nga, bakit naman niya pinoproblema ang bagay tungkol sa Adam na 'to? Ngayong gabi lamang niya ito una at huling makikita para guluhin niya ang utak niya tungkol sa pagkatao nito.
Tumikhim siya at bahagyang umatras para ilayo ang sarili niya sa malapad na katawan ni Adam.
"Don't you think na masiyadong maingay ang lugar mo na 'to, Mr. Castillo?" She flips her hair away from her face at matapang na hinarap ito.
"Pumunta ka dito para pumuna ng malakas na tugtog sa lugar ko, Miss Salvatore? Sasabihin mo ba sa programa mo na nagmamay-ari ako ng isang lugar kagaya nito? Well, I'm telling you this, tonight and right now, I don't care!" Inisa-isa talaga nitong binigkas ang bawat kataga sa huling sinabi nito. Nagbubuga din ito nang usok nang sigarilyo nito na animo'y malayo ito sa kanya, which she hated more.
Parang may pakiramdam siya na first time niyang magpakabayolente kung patuloy niya lang na kaharap itong si Adam.
"Excuse me?!" Pasigaw na tanong niya dahil nagkataon na lumakas pa ang musika.
"Moderno na ang panahon ngayon, don't act as if we're still on our 80's." His laughs echoed to the whole place, nangingibabaw sa malakas na musika. Parang nang-aasar ang paraan ng pagtawa nito na ikinainis niya pa lalo.
"This place isn't for me, Margo!" Binalingan niya ang kaibigan na hindi niya alam na wala pala yata itong alam sa pinag-uusapan nila ni Adam, dahil naabutan niya pa itong nakatulala at tila nanaginip nang gising na nakatitig lang kay Adam. That hit her anger even more. Mapapaaway na pala siya ay wala naman ito sa sarili nitong katinuan.
"Let's go home, Margo!" Bahagya niyang tinampal ng mahina ang pisngi nito. Natauhan naman ito at hinimas ang pisngi na natampal niya.
"Ano nga pala ang sabi mo, Yna?" Kulang na lang ay kutusan niya ito dahil sa pagkainis na nararamdaman niya kay Adam at dumagdag pa ito.
"Whether you like it or not ay uuwi na tayo!" Hindi na siya muli pang tumingin kay Adam, dahil kapag gagawin niya 'yon ay sigurado siya na lalo lang siyang makaramdam ng stress.
Dali-dali siyang humakbang palayo at iniwan ang nakatunganga na si Margarico. Bahala ito sa buhay nito kung gusto pa nitong mananatili sa mala-impyerno na lugar na ito, basta siya ay hindi na kinaya pa ang manatili doon kahit isang minuto lamang ng buhay niya.
Hihintayin na lamang niya ito sa loob ng sasakyan, she feels safer inside the car than this place own by Adam Sebastian Castillo. At kung hindi na niya kakayanin ang maghihintay doon ay mauuna na siyang uuwi. Marami namang taxi sa labas.
"You hate it here? I'm warning you, Yelena sweetheart, you will fall into this hell! I'll make it soon. Very soon!"
Nagpupuyos pa lalo ang kanyang damdamin nang marinig niya ang pasigaw na sinabi ni Adam sa kanya. How dare him!
She hate him so bad. Mas tumindi pa 'yon noong marinig niya ang tila chorus na tawanan ng isang grupo na nakaupo 'di kalayuan kung saan si Adam nakatayo.
She heaved a sigh. Liningon niya ang grupo na nakitawa kay Adam para bigyan ang mga ito ng masamang tingin kahit hindi siya sure kung makikita ng mga ito 'yon dahil nga may kadiliman ang lugar na ito.
How come she didn't see them there this past few minutes? Talaga bang nakuha ni Adam ang buong atensyon niya na hindi siya aware sa paligid niya?
Kasi ang grupo na 'yon na parang proud sa sinabi ng walang hiya na si Adam ay kapamilya lang pala nito. Kapatid at mga pinsan nito! She even saw the Contreras men there! Pati si Corvette Lane na kanina lang ay sinabi ng utak niyang mabait ay nandoon din pala at nakiki-cheer din sa pinsan nitong sira ulo! Damn, them!
Parang gusto niyang magwala dahil sa galit, pero sa huli ay pinili niya ang kumalma na lamang at nagdadabog na linisan ang lugar na 'yon. Ang lugar kung saan ginamit na lungga ng mga demonyo na alagad ni Adam Sebastian!
Pagdating niya sa sasakyan ay mabilis niyang kinapa ang susi ng sasakyan sa bulsa niya. Natampal niya ang kanyang noo nang wala siyang makapa sa kanyang bulsa at maalala na nandoon pala kay Margo ang susi ng kanyang kotse.
Napasandal siya sa kotse at napatingala sa madilim na kalangitan. Wala siyang nakita ni isang bituin sa langit parang nakikisimpatiya sa damdamin niya na madilim dahil sa paghaharap nila ni Adam.
Maya-maya pa ay may idea na umilaw sa kanyang utak. Naipitik niya ang kanyang daliri sa kawalan at sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi.
She is thankful because her phone is in her pocket. Kinuha niya 'yon at nag-dial ng numero ng kanyang boyfriend. Tutal ay napag-usapan naman nila kanina na doon ito maghahapunan sa kanilang bahay. Maybe this is not too late to cancel it. Hindi pa naman malalim ang gabi at hindi pa umabot ng isang oras noong matapos ang programa niya.
Hindi nagtagal ay sumagot naman ito kaagad. But to her surprised hindi ang boses ni Harold ang nasa kabilang linya. Babae ito at parang familiar ang boses sa kanya!