Pumayag si Emyrose na magpahatid kay Mark Hendrix dahil tumawag pa ang driver nito sa asawa upang ipakita na hindi ito nagsisinungaling sa kaniya.
Maganda nang sigurado kaysa mabilis maniwala rito, aba'y kilala pa naman niya ito na sira-ulo.
Ang katabi niyang binata ay ngumisi sa kaniya ng hindi siya makatangi sa asawa ng driver nito.
Kulang na lang, patayin ni Emyrose si Hendrix sa kaniya isipan dahil naisahan siya nito.
Hindi naalis ang ngisi nito akala mo nasisiraan na ng bait sa pangisi-ngisi.
"Ngiti-ngiti mo d'yan kanina pa a, mahanginan ka sana," nakahalukipkip na wika ni Emyrose rito.
"Bawal ba maging masayahin sa'yo Ms.Chavez?" at pagkatapos ay cool na umayos ng tayo sa harap niya animo nanalo ulit laban sa kaniya sa klase ng ngiti nito.
"Hindi bawal, mukha ka lang baliw, e, wala kaya nakakatawa.
Sasagot sana ang binata sa kaniya na hanggang sa oras na iyon ay may ngiti pa sa labi, subalit sandaling rin nalusaw ng sumabat ang epal na driver nito.
"Mukha naman talaga nahanginan si boss, Señorita Emyrose, two years na nga 'yan nababaliw," tatawa pa sana ito ng isang masamang tingin ang ibinigay rito ng binata.
"Buhatin mo na lang 'yan sasabat ka pa," supladong utos nito sa driver..
"Tulungan mo kaya ako bossing," angal nito ngunit sumingkit ang mata ni Hendrix dito. "Sabi ko nga," at binuhat na nito si Brenda.
Naiwan silang dalawa ni Hendrix at namayani ang katahimikan. Umirap sa kawalan si Emyrose dahil sa titig ng binata na hindi humihiwalay sa kaniya.
"Maduling ka sana," bulong niya upang maalis ang asiwa sa binata.
"Hindi 'yan, baby, iisa lang naman ang tinitingnan ng mata ko," mabilis na sagot nito. Tumaas ang kilay ni Emyrose dahil sa sinabi ng binata. "Oi, interesado ang Isa d'yan kung sino," pilyo ngiti ng binata sa kaniya.
"Ano pa ang inaantay mo? Gusto mo magpaligsahan na lamang tayo ng titigan dito?" ani niya nang tila walang balak ang binata na kumilos palabas ng bar.
Inilipat nito ang mukha sa kan'yang
"Kung ganun p'wede ba?" kagat labi pa nito nang bumaba ang mukha, nag-iwas nang tingin si Emyrose dahil halos maduling na siya sa sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya.
Hindi pinatulan ni Emyrose ang alam n'yang nagpapansin lamang na binata. Iniwananan niya ito at sinundan ang driver kung saan lumabas. Gustong bumunghalit nang tawa ni Emyrose ng nahihirapan ito sa pagbukas ng pinto.
Sakto namam naramdaman niya ang nasa likod na binata.
"Ang bagal mo Gomez, tingnan mo yung tauhan mo hirap sa ginagawa Ikaw hindi mo tinutulangan," masama pa n'yang tingin rito.
Tila naman tinubuan ito ng kabaitan at dali-dalli lumapit sa kotse at ipinagbukas ng pinto sa backseat.
Lumingon sa kaniya ang binata, tama naman at ilang hakbang na lamang siya rito. "Hindi d'yan!" Nang balak niyang sumakay sa backseat.
Hindi nakuha ni Emyrose ang ibig nitong sabihin kaya kumunot ang noo niya rito.
"Doon tayo sasakay," panguso nito sa Range Rover sport na nasa unahan hindi niya napansin na ito ang dala, madalas ito ang ginagamit ng binata sa tuwing nag pupunta sa kanilang school.
Perks ng isang mayaman maraming kotse.
"Ayaw ko!" laban niya at nakipagtalo ng titigan.
Napatingala ito at iginalaw-galaw ang leeg akala mo nagkaroon ng stiff neck sa mga sagot niya.
"Baby...hindi tayo kasya d'yan," tumingin ito sa sasakyan kaya hindi maiwasan na sumunod din ang tingin ni Emyrose sa tiningnan nito.
"Unless kakalong ka sa 'kin sa unahan," nakangiti na ngayon na sabi sa kaniya.
Oo nga naman parang taxi lang ang pinagsakyan sa kaibigan na si Brenda at ang walang hiya niyang kaibigan humiga kaya wala na talaga sila pwesto sa backseat tanging sa unahan katabi ng driver.
"Bakit kasi d'yan pa sinakay ng driver mo? Bakit hindi doon sa isa," tinutukoy niya ang Range Rover nito.
"Hindi naman p'wedeng iwanan itong Isang sasakyan," katwiran sa kaniya.
"Problema n'yo na 'yan!" laban niya sa binata.
"Yes baby, puwede ko naman talaga paiwanan kahit mawala pa, kaya nga lang paano ang driver ko mahirap ng sumakay ngayon malayo pa ang uuwian noon. Kung sa sasakyan lang hindi ko problema marami ako n'yan," giit pa ng binata sa kaniya.
"Nakalimutan ko pala mayaman ka nga pala kaya maraming sasakyan,"
Nagsalubong ang kilay nito dahil sa huli niyang nabanggit, pumungay ang mata na tumitig sa mukha niya. Matagal siyang tinitigan pagkatapos ay napahilot sa batok bago nakikiusap na pumayag na siya.
"Please, masyado ng gagabihin ang driver ko," tumingin ito sa relong nakalagay sa braso.
Bumuntong-hininga si Emyrose. "Last na talaga ito Mark Hendrix, kung hindi lang d'yan sa driver mo nungka sumama ako mag-isa d'yan sa sasakyan mo. Malay ko ba kung may binabalak ka pala sa katawan ko," daldal pa ni Emyrose ngunit napalis ang kaingayan niya ng marinig ang sinabi ng binata na ikakainit ng ulo niya.
"Bakit ko naman pagbabalakan ang katawan mo, may especial ba d'yan? Ang liit nga ng bobs mo baka hindi pa magkasya sa kamay ko paghawakan ko 'yan," habang binanggit ng binata ang katagang iyon parang umakyat ang lahat ng dugo ni Emyrose sa ulo niya sa sobrang pagkapikon sa binata.
Pesteng ito napaka pintasero hanggang ngayon.
"Gago ka! Mas lalo naman ako hindi magkakainterest sa'yo, sira-ulo ito," sira-ulo naman talaga ang binata at pinatawad pa niya.
Umiiling ito at hindi na nakipag talo sa kaniya. Naiwan siya nito.
"Ma'am ano ho ang Address nito?" tanong ng driver ni Hendrix sa kaniya.
Doon na raw sila aabangan kung sakaling mauuna ito sa kanila.
Pagkasabi noon pinaandar na nito ang sasakyan hindi nakagalaw si Emyrose sa kinatatayuan kung hindi sa busina ng binata.
Huminto ito sa tapat n'ya. Akala ni Emyrose hindi na ito baba ngunit parang kidlat na bumalik sa kinaroroonan niya.
"Sakay na baby," binuksan nito ang katabi ng driver seat. Tahimik lang na nakatayo si Emyrose at dedma ito.
"Emyrose!" mahina pagkakasabi nito subalit nabahala si Emyrose sa kaseryosohan ng boses nito. Wala siyang choice kung'di lapitan ito.
Diba minsan nagiging tao ang binata, mas lamang nga lang ang ka-gagohan nito para sa kaniya.
Binuksan ng binata ang pinto para sa kaniya.
Matagal siyang sumagot. "Fine you win!" inis pa ni Emyrose at sumakay sa kotse nito.
Grabe kinarer ang pagiging gentlemen nito at inilagay pa ang palad sa kaniya ulo pagsakay niya sa kotse nito.
Nakasipol pa ang binata na nagmamaneho sa kotse habang si Emyrose ay parang tuod na deretso ang tingin sa unahan ng sasakyan. Hindi siya nakatiis na kausapin ang binata at bakit hindi nito itinatanong ang address ng kaibigan niya.
"S-sa bahay nila Brenda, ako matutulog," mabilis din siyang nag-iwas nang tingin pagkatapos sabihin 'yun sa binata.
Walang sagot dito kaya masama ang tingin na muli n'yang nilingon ito.
"Mark Hendrix!" ani niya rito.
Lumingon ito sa kaniya ngunit sandali lang din.
"May pangalan ako kaya mag-de-demand ako...kung wala pangalan never kita sasagutin kahit ligawan mo ng todo,"
napahilot sa sentido si Emyrose sa inis.
"Sobra mong pikon baby, hindi mabiro," nang nanahimik siya sa upuan.
"Alam ko kung saan nakatira ang kaibigan mo..." lingon sa kaniya pagkatapos muli rin ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho bago muling magsalita.
"Wag kasi masyado maraming iniisip kaya makakalimutin.. kagabi hinatid ko siya, satisfied?"
"Sh-t, bakit nawala sa isip niya.Damn,"
Tumikhim ito pagkatapos ng mahabang katahimikan."Hindi ka ba nahihirapan sa tirahan mo?" mahina lang ang pagkakasabi nito ngunit malinaw sa pandinig ni Emyrose.
Sumama ang tingin ni Emyrose subalit ayaw niyang sagutin ang binata.
"Okay, naiintindihan ko. Sorry," at isang singhap galing dito.
Walang masyadong traffic hindi inabot ng isang oras nasa tapat na sila ng bahay nila Brenda. Naroon na din ang kotse ng driver ni Hendrix.
"Ako na," galit ang binata ng bababa siya agad sa kotse nito. Subalit hindi niya pinakinggan ang binata inunahan na niya ito pagbukas ng pinto. Narinig pa niya ang mahina nitong reklamo dahil sa katigasan ng kan'yang ulo.
Hinagilap niya sa bag ng kaibigan ang susi sa katamtamang gate ng bahay nito at pinakiusapan na ipasok muna ang kaibigan niya sa loob ng bahay.
"Kuya ano, salamat ha? Pakisabi sa mayabang mong amo umuwi na kayo at madaling araw na," nang nasa pinto na sila ng bahay. Inalalayan niya ang pagkakatayo ng kaibigan kahit hirap siya sa bigat nito.Nahagip niya ng tingin ang binata na papalit sa bahay ng kaibigan kaya itinaboy na niya ang driver nito.
"Bye Kuya, labas na baka nag-aantay na ang asawa mo," mabilis naman na isinirado ni Emyrose ang pinto. Narinig pa niya sa labas ang galit ng binata sa driver dahil pinagtatawanan nito.