CHAPTER SIX

1711 Words
Kinabukasan nagising si Emyrose na mahimbing pa ang tulog ng kaibigan na kung makahilik daig pa ang lalaki. Niyugyug niya ito sa braso at kung hindi niya gagawin 'yun tatanghaliin siya at ano mang oras parating na ang driver na magsundo sa kaniya. "Brenda! Gising na paalis na ako," malakas na alog ni Emyrose sa braso nito kaya damay kasama ang katawan ng kaibigan subalit isang "hmm.." lang ang sagot nito sa kaniya. Naisip ni Emyrose na panggising sa kaibigan na wala pang balak bumangon. "Ang pogi pala Beshy ni Jaden noh? Nakakuha ako ng picture ng plakda ka na sa okopado nating table," Walang kaabog-abog na bumangon ito sa higaan at excited na hinahanap ang sinasabi n'yang picture. "Asan Besh? Dali patingin beshy," "Ayan tayo kapag crush mabilis pa sa alas kwatro. Ginising lang talaga kita nang ready na ako kung dumating ang sundo ko, nagtext na si Mommy, on the way na raw. At Isa pa gusto kitang sabunutan dahil sa ginawa mo kagabi," Tumikwas ang nguso ni Brenda sa kaniya. "Bakit ano ba ang ginawa ko kagabi Besh?" Inaantok pang tanong ni Brenda sa kaniya. "Naglaseng ka lang naman at pinahirapan ako. Gaga ka! Mabuti may tumulong maghatid rito kung hindi baka mabali ang payat kong braso sa paghila sa'yo palabas ng bar," sumingkit ang mata nito na tumitig sa kaniya. "Grabe ka naman Besh, wala kang malasakit sa bff mo, hihilain mo lang ng gano'n ang kagandahan ko," masamang tingin ng kaibigan si Brenda sa kaniya. "Arte mo!" tugon agad ni Emyrose sa kaibigan. "Inawat kita sabi mo minsan lang...kaya ayos lang din na minsan lang kita kakaladkarin palabas ng Secret bar," pang-aasar ni Emyrose sa kaibigan na sinabayan ng mahinang tawa kaya kandahaba ang nguso nito sa pagrereklamo sa kaniya. "Sino naman ang may mabuting loob na tumulong sayo Besh?" ani Brenda sa kaniya na may pilyang ngiti sa labi at muli itong humiga sa kama sabay na pumikit. Nagka hungover ang loko sa anim na beer iiling na pinagmamasdan ni Emyrose ang kaibigan. "Sino nga Besh ang nagbuhat nang magpasalamat naman," "Si Hendrix," agad niyang sagot subalit huli na para bawiin dahil tila Isang kiti-kiti ang kaibigan na gumulong gulong sa kama habang kinikilig. "Talaga besh, naro'n si Sir Hendrix. Hmp hindi kaya ini-stalk ka ng admirer mo?" nakangiti pa animo nangangarap. "Wala naman siya mapapala kahit stalk niya ako. Hindi ko pa rin siya magugustuhan noh! Tsaka bakit ako e-stalk noon hindi naman siguro 'yun may gusto sa 'kin," "Exactly Besh kaya nag stalk sayo dahil may hidden agenda. Grabe Besh, iba ka talaga biruin mo almost two years ang pa silay-silay moment ni Sir Hendrix," ani ni Brenda na akala mo may ipinaglalaban. "Bored sa buhay at wala na siyang na p-peste araw-araw," "Hindi ah? Kahit naman dedma ng beauty mo binabalikan ka. Sana all na lang kahit dedmahin binabalikan," laban ng kaibigan niya. "Maging honest ka nga Beshy, kahit one time ba hindi pumitik ang puso mo doon kay Sir Hendrix?" pinag-aralan nito ang magiging sagot niya. Nag-iwas nang tingin si Emyrose sa tanong ng kaibigan. Kung malalaman lang nito na matagal na niyang mahal ang binata baka ma shock ang kaibigan niya. Alam nito kung anong sama ng ugali noon ang binata. Ngayon nga lang ito naging good shot si Hendrix sa kaibigan, hindi niya alam kung bakit. Kung dati rati nang malaman nito ang dahilan niya bakit siya lumayo sa kinilalang magulang ito ang una na nagalit sa binata halos pa nga isumpa si Hendrix, ngayon tila nagbago ang ihip ng hangin. Na open niya dito ang pagkatao niya kung bakit siya umalis sa Mansyon. Bigla kasi ito nagtaka na hindi na siya di-kotse tuwing umuuwi siya at papasok, wala na rin aaligid na bodyguard. Noong unang taon niya rito kahit walang lumabas na balita sa biglang pagbabago ng buhay niya may iilan na lumabas na alingasngas noong at muntik pa silang mapaaway na magkaibigan sa tuwing may mga chismis. Hanggang sa hindi niya alam biglang naging sarado ang mga kwento. Ipinagkibit na lang niya noon ang balita dahil natahimik ang buhay niya. "Gusto ko nang maniwala sa instinct ko na bumaliktad na ang loyalty mo Besh. Ung totoo dikit na ba kayo ni Bagyong Hendrix ngayon?" seryoso pa niya tiningnan ang kaibigan. Nag-iwas lang ito nang tingin sa kaniya ngunit kalaunan ay sumagot din naman. "Ay iba ka talaga Ms. Chavez tamang hinala. Walang ganoon nasa iyo lang ang loyalty ko. Siguro nisip ko lang na matured na siya ngayon kaya mabait na si Sir Hendrix? Malay mo nga lahat naman ng tao may pag-asa na bumait," pangangatwiran ni Brenda sa kaniya. "Ah Basta hindi ako naniniwala doon hindi na iyon magbabgo," final na sagot ni Emyrose sa kaibigan. "Sabi mo eh," pero hindi maiwasan ni Emyrose na taasan ito ng kilay at tila may naglalaro sa ngiti nito. Mali may multong ngisi sa labi ng kaibigan na nakatitig sa kaniya. Inirapan niya ito. "Ano naman iyan ngisi mo?" Tumawa ito akala mo kinikilig. "Baka na inlove sayo Best," ani pa nito na nanganagarap. "Si Hendrix ma-inlove? Hindi siguro," naisagot na lamang niya sa kaibigan. Marami pa silang napag-usapan hindi na kasi ito bumalik sa pagtulog kaya ginugol ang oras nito sa pakikipagkwentuhan sa kaniya. Alam ng Mommy Jasmine niya narito siya sa bahay nila Brenda, kilala ng magulang ang kaibigan kampante at hindi raw bad influence sa pag-aaral niya. Nang sumapit ang alas diyes ng umaga nag-text ang Mommy niya, naroon na ang sundo niya sa labas ng bahy nila Brenda. Timing na naliligo ang kaibigan kaya sumigaw na lamang si Emyrose na lalabas na siya at naroon na ang sundo. Ibinilin na lamang nito na i-ock ng maayos ang pinto pagka lumabas ng bahay. Wala kasi ito kasama at maagang umalis ang magulang nito patungo church. Naka-plaster pa ang ngiti sa labi ni Emyrose habang palabas ng pinto ngunit mabilis din nalusaw dahil sa taong natatanaw mula sa malayo. Nakasandal sa Range Rover sport nito na tila Isang Greek Gods sa tindig at anyo. Kahit nasa mlayo si Emyrose kita pa rin niya ang taglay nitong gandang lalaki. Napatuwid ito ng tayo pagkikita sa kaniya. Iniwan sandali nito ang sasakyan at sinalubong siya na naglalakad palabas ng gate. Napairap sa kawalan si Emyrose dahil nag-uumpisa nang kabahan at kumalabog ang dibdib sa oras na iyon. "Tsk! Unfair ha? Bakit siya kakabahan? Si Hendrix lang ito ang lalaking maraming atraso sa kaniya," Ngumisi ito na akala mo isang teenager na nahihiya nang nasa tapat na niya. "Hi. Morning baby," malambing nitong bati sa kaniya. "s**t bakit ang sexy pakinggan sa tainga niya ang boses nito," Lihim siyang napangiwi dahil sa reaction sa simple nitong pagbati. Tumikhim siya at walang expression ang mukha na pahapyaw ang sulyap sa mukha nito pagkatapos ay nag-iwas agad ng tingin. "B-bakit narito ka?" nalilito niyang tanong dito. Ayaw ni Emyrose na mag-conclude pero parang ganoon na nga, ayaw niya isipin na ito ang sinasabi ni Mommy niya na sundo niya. Sa pagkakaalam niya not in good terms ito sa parents niya kaya hindi naman siguro ito narito upang magsundo sa kaniya. Tama baka napadaan lang ito at sakto na lumabas siya. 'Eh, bakit mukha Ikaw ang inaabangan?' Sagot din agad ni Emyrose sa sarili. "Ano naman ba ito Mark Hendrix?!" naging sagot niya sa good morning nito. Animo Isang itong bata nahihiya na sumagot sa kaniya. "Baby, nag presenta ako kay Tita Jasmine na magsundo sa'yo," walang halong biro na sagot nito sa kaniya. 'What? Si Mommy ang nag-utos dito?' naguguluhan sa isip na sambit ni Emyrose. Kunwaring umubo si Emyrose sa lakas ng loob nito. May pag-aalala sa mukha nito nang umubo siya. "Are you sick? Bakit kasi naisipan n'yo mag inom after ng gig," problemado nitong sagot sa kaniya. Lumapit pa sa kaniya at hinipo ang noo niya at hindi nababawasan ang pag-a-alala sa mukha nito. Sandaling napako sa kinatatayuan si Emyrose sa gesture na iyon sa kaniya ng binata. Simple hawak sa noo ngunit boltahe ang hatid sa buong katawan niya. Nasaan ang hustisya at tila naman wala lang dito kung hihimatayin na siya sa pinaggagawa nito. "Pumayag si Mom at Dad?" hindi makapaniwala si Emyrose, hindi yata niya alam na hindi na ban sa Chavez mansyon ang Hendrix na ito. Sandali ito nanahimik sa kaniya tanong at tumikhim bago siya sagutin. "Yes, pumayag naman sila. Maayos naman ang paalam ko," kalamado lang na sagot sa kniya. "Kung hindi ka naniniwala tawagan mo si Tito or Tita," dugtong pa nito. Mukhang marami siyang hindi alam na balita sa Mansyon at mukhang ayos na ito sa parents niya. Kailan ito? At paano nito napaamo ang galit noon na Dad niya. "Paano kung hindi ako papayag na ikaw ang magsundo?" hamon ni Emyrose sa binata. Sandali Itong natigilan, nasilip niya ang takot sa mata nito pagkatapos ay lumamlam ang titig sa kaniya. "You have no choice, baby. Pinagbilin ka ni Tita Jasmine na sunduin kita at iuwi ng walang galos. So kung hindi ka papayag sa santong dasalan idadaan kita sa santong paspasan," Ang akma niyang pagsagot dito ay naputol nang tumatawag ang Mommy niya. "Opo. Mommy!" reklamo niya sa Ina nang tawanan siya. "Yes, may magagawa pa ba ako," iyon lang. Nakumpirma na nga na pumayag ang Ina sa suggestions nito na sunduin siya. Ibang klase talaga ito at lakas ng antena. Bakit alam nito na ngayon ay uuwi siya, wala siyang nabanggit at lalong binilin niya sa mga kaibigan na huwag ipapaalam kay bagyong Hendrix itong pagdalaw sa magulang. Nabasa nito ang nasa isipan niya. "Nabanggit lang ni Brenda, kung iyan ang bumabagabag sa'yo," mariin napapikit si Emyrose. Naku talaga makukurot niya ang pekpek ng kaibigan sa kaingayan pinahahamak siya ng wala sa oras. "Baby," nang huminto siya at ayaw maglakad. Isang masamang tingin ang ibinigay niya rito. "Puwede ba tigilan mo na ang katatawag ng baby, hindi na ako bata," inis na ani niya rito. Mahina itong tumawa. "I forgot hindi ka na nga pala baby, dahil puwede ng magka-baby," wika nito na pinipigilan ang ngiti. Halos malaglag ang panga ni Emyrose sa sinabi nito. "Should I call you love? Kasi hindi ka na baby?" dugtong pa nito. Mariin napapikit si Emyrose ng maintindihan ang tinutukoy nito. Gago talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD