CHAPTER FOUR

2222 Words
"Maganda hapon Tiyang," naabutan ni Emyrose ang Tita Delilah na nakaupo sa may kalumaan nilang sofa. Nakaharap sa Television at kinikilig sa favorite nitong Thai Drama. Lumingon ito sandali sa kaniya. "Hinatid ka ni Brenda?" at muling ibinalik ang atensyon sa pinanonood. "Hindi mo pinapasok ang kaibigan mo," ani ulit nito na nakaharap na sa pinanonood. "Hindi na daw po Tita, may kasama po nagmamadali," Mukha namam napaniwala ni Emyrose ang Tiyahin, naalala niya ang lakad bukas at sa darting na Linggo ipaaalam na niya nang hindi mawala sa isip. "Tita, bukas po baka sa bahay nila Brenda po ako makitulog at... sa linggo po kila Mommy ako," Tumayo na rin ito at pinatay ang TV Baka sakali gabihin sila ng kaibigan sa mini concert ng "The Hunk band" maganda nang sigurado di hamak na mas malapit ang Pasay kaysa rito sa Caloocan. Mahirap din at delikado magbiyahe kung masyadong gabi at walang kasama lalo rito sa Caloocan na malayo. "Sige Hija, walang kaso sa akin, iwan ko nga sa iyo nagtitiyaga rito eh, kahit anong oras naman puwede kang bumalik sa Mommy at Daddy mo," wika nito. Nakangiti pa na wika ng Tiyahin niya. "Tita naman! Itinataboy n'yo na ho ako rito? Nanawa na siguro kayo sa pagmumukha ko?" naglungkot- lungkutan na wika ni Emyrose. Natawa ito sa reaction niya. "Hindi naman Hija, alam ko naman kasi na malungkot ka hanggang ngayon at sasaya lang ng totoo kung nasa family Chavez ka. Nakikita ko iyon sa iyong mata. Bumalik ka sa kanila Hija. H'wag mo nang isipin ang sasabihin ng ibang tao. Magulang mo nga hindi nag-isip ng masama sa'yo, bakit hindi iyon ang isipin mo," Ito talaga ang ipinag papasalamat ni Emyrose dahil mabuting tao ang Tiyahin ng Tatay niya. Oo noong una nagalit siya sa Tatay niya yung tipong hindi tama na mag mura siya, kahit gaano ito kasama hindi mababago na galing siya rito. Nabuo siya dahil dito, dahil sa makamandag nitong sperm cell. "Paano po kayo?" "Sanay ako rito mag-isa, 'wag mo ako alalahanin. Puwede ka naman dumalaw kung gusto mo," "Tsaka na ho Tita, hayaan mo muna ako rito makasama ka. Makaganti man lamang sa kabutihan mo sa 'king Ama," Masayang itong ngumiti dahil sa sagot niya, ginusot pa nito ang mahaba niyang buhok kaya napanguso siya. "Ang swerte ng Tatay mo dahil napunta ka sa mabubuting tao. Kung nabubuhay iyon ngayon panigurado labis ang paagsisi noon dahil hindi niya binigyan ng pagkakataon ang sarili na maging Ama sa'yo," Tumikhim si Emyrose sa sinabi ng Tita Delilah, mag-iiyakan na naman ba ulit silang dalawa? Kaya iniba na lamang niya ang usapan. "Magbibihis muna po ako," paalam niya sa Tiyahin. "Ako naman ay ihahanda ang lulutuin na hapunan," sagot sa kaniya. Maaga pa naman tatambay muna siya sa kaniyang kwarto. Hindi ito umabot sa one fourth kumpara sa malaki niyang kwarto sa mansyon ng mga Chavez, single bed at manipis na foam, ipinalagay ng Tita Delilah niya mabawasan daw ang sakit sa likod. Ipinasya niyang mag-online na miss niya ang nga kaibigan. Mga anak ng kaibigan ng Daddy niya. Gumawa noon si Margaux ng GC para sa mga babaeng anak ng tropa ng Daddy Denmark niya. Napangiti siya nang makita ang green dot, patunay na online ang iilang members. "Hello," send niya ng message at iyon na nga mga naglabasan ang mga babae. "Hello future hipag, kumusta?" inikot niya ang mata. Ganito na ito ang Ate Helena niya simula ng engkwentro two years ago. Hindi naman sinasabi na may gusto sa kaniya ang hambog na Hendrix. Paano magkakagusto napapangitan nga 'yon sa kaniya. Ano itong pa future-future na pinagsasabi ng kambal nito. Napairap si Emyrose nang maalala ang tawag noon ng binata sa kaniya. "Ang pangit na nga bungal pa! Hindi man lang naaambagan ni Tita Jasmine ng ganda," Totoo naman talaga bungal siya noon bata pa, ano ba ang aasahan e, nagpapalit siya ng ngipin. Seven years old pa siya noon at mas may isip sa kaniya ang binata. Kung bibilangin ang ginagawang bully ni Hendrix kay sa kaniya walang espasyo ang isang buong intermediate pad sa daming ililista. Paano hindi buo ang araw nito kung hindi siya na peste. Diba paano naman magkakagusto sa kaniya 'yon. "Girls, sa Linggo na and'yan ako kila Mommy," reply niya. Nag-send ng emoji ang mga babae na excited. "Gimik tayo," ani ng kambal ni Hendrix, sumang-ayon ang iba ngunit hindi siya. Ayaw niyang mapuyat at lunes kinabukasan. "Emy, pasyal ka naman sa bahay," ani ng kambal ni Ate Helena. Sinamaan niya ito ng tingin. Ayaw pa niyang masiraan ng bait. No way. Natapos ang pag-uusap sa GC na walang nangyari, hindi talaga siya sasangayon, hanggang sa magpaalam siya upang maghapunan. "Beshy bilisan natin," nagmamadaling makipag siksikan ang kaibigan sa mga tao na naroon. Sikat na talaga ang boy band na ito, patunay na puno ang buong first floor ng Secret bar. Sa unahan ang puwesto nila sa mismong harapan ng stage kung saan mag perform ang "The Hunk." VIP ticket ang binili nitong lukaret niyang kaibigan. Nagtipid talaga sa allowance ang bestfriend niya dahil pinag-ipunan ang long time crush na mapanood sa gig na ito. "Beshy..." tili nito nang isa-isang lumabas mula sa backstage ang boy group. "Besh...puwede pigilan mo ako, mahihimatay 'ata ako besh," alog nito sa kaniya braso ng ang lead vocalist na ang lumabas. "Bahala ka d'yan idadamay mo pa ako," pabiro niyang wika rito. Brenda was giggly when the lead vocalist looked where they were standing "Kurutin ko kaya 'yang tinggil mo Brenda! Gusto mo 'ata matanggal ang braso ko sa ka-kaalog," nakasimangot niyang reklamo sa kaibigan. Ngumisi lang ito. At tinggal ang kamay na nakahawak sa kaniya. Ngunit para naman nakawala sa mental dahil sigaw nang sigaw sa pangalan ng crush nito. "I love you Jaden! Labyu!" mahaba pa nitong hiyaw. Nagtakip na lamang si Emyrose ng tainga sa pagtili nito ng malakas, kapag ganito na mukhang sinapian ang kaibigan panigurado hindi niya kayang awatin. Two hours lang naman ang gig after nito pwedi silang mag saya. Maraming tao sa paligid dahil na rin siguro sa gig ng boy band at kalimitin mga college students na gaya nila ang narito. Gumala ang paningin ni Emyrose sa buong bar. Sa baba at pagkatapos ay sa balkonahe. But Emyrose's face crumpled when she saw a person drinking beer, someone alone. Nakaharap sa kinatatayuan nila. Huli na, ang nais n'yang mag-iwas nang tingin dahil matiim itong nakatitig sa kaniya. Naningkit ang mata ni Emyrose. Staker ba niya ito? At kahit saan siya magtungo naro'n din ito. Ang lalim nang tingin nito sa kaniya. Walang ka kurap-kurap hindi tuloy maiwasan ni Emyrose ang maasiwa sa walang tigil na titig nito tila walang balak magbaba ng tingin. Inirapan niya ito at kunwari nag-concentrate sa performance ng Banda, subalit tila may mahika ang pesteng Mark Hendrix na ito at tila may nag-uutos sa kaniya na muling balingan ito nang tingin. Emyrose gulped at the way Hendrix looked at her. Inirapan niya ito. But only smirk was seen in the face of Hendrix. There is no denying that Mark Hendrix Gomez is really handsome, even with his eyes that can melt you with just one look. His lips has always a mischievous smile that gives more him hottest look. Emyrose wondered what it would feel like to be kissed by him? "My gosh bakit ko ba naiisip ang gano'n," hindi makapaniwala na puna ni Emyrose sa kahangalan ng isip. Ngunit sutil talaga siya at ipinagkakanulo ang sariling katawan at tumingin ulit sa binata. Kulang na lang ay murahin ni Emyrose ang sarili dahil sa klase ng titig sa kaniya ng binata. "May mental telepathy ba ito at feeling niya alam nito ang ginagawa n'yang pag-de-describe sa physical looks nito. Wala naman siguro dahil normal naman ang kilos nito simula noong bata maliban lang sa pang-bully sa kaniya. "Beshy, besh," hinihila ng kaibigan ang suot n'yang blouse. Gusto niyang parangalan ang kaibigan sa panggigising sa kung ano-anong iniisip niya sa katangian ng binata. "Beshy, look, palapit dito si crush. Omg! Pigilan mo ako beshy, nangingining ako," umiling na lamang si Emyrose. "Sira hindi dito patungo, sa katabi natin," hagikhik niya. Sumimangot ang kaibigan dahil panira raw siya sa kasiyahan kaya napahalakhak siya. "Masyado ka kasi assuming," Isa pa ulit bungisngis ni Emyrose at sumabay rin ang kaibigan sa halakhak niya. Hanggang sa matapos ang performance ng banda halos maglabasan ang tutuli sa tainga ni Emyrose sa kakasigaw ng katabi n'yang kaibigan. Maaga pa natapos ang gig naisipan nilang magkaibigan na mag-stay ng ilang sandali. Hindi na nakita ni Emyrose ang binata. Pinagkibit balikat ni Emyrose at nagkasundo silang magkaibigan na maghanap ng pandalawahan lamesa. "Brenda, ladies drink lang tayo ha? Baka malasing tayo," "Emyrose Chavez minsan nga lang tayo gumimik ang KJ mo," supla nito sa kaniya. Subalit ang pasaway niyang kaibigan umorder ng tatlong beer at minsan nga lang daw naman mangyare ang ganito. "Damn, mabilis pa naman malasing itong sira-ulo niyang bestfriend," Hinayaan na lamang ni Emyrose total sabi nga minsan lang ngunit nadagdagan pa ito ng tatlo. "Kapag nalasing ito iiwan niya rito bahala ito pag piyestahan ang alindog ng mga manyakis," natatawa biro ni Emyrose sa isip. "Sh-t! Nalasing nga," problemadong bulong ni Emyrose. "Paano ko ito iuuwi, gaga talaga balak pa niya sa bahay nito matulog ano't lasing na ito," Alas-dose pa ng gabi, tinawag niya ang waiter para sa bill nila. Lumapit ito sa kaniya. "Ma'am bayad na po," ani nito at ngumiti pa. "Ha?!" nasambit ni Emyrose. "Boyfriend n'yo raw po," itinuro malapit sa counter. Napasunod ang tingin ni Emyrose sa itinuro nito. Masamang tingin ang ibinigay niya rito. "Bakit narito ito? Kanina wala ito ah, ay wow hinahanap," sagot din ng kaniyang isip. Tumikhim siya, "Kuya pakisabi lapit siya rito," nakangiti naman na sumunod ito sa kaniya. Nakangiti pa ang binata na lumapit sa kaniya. "Hoy bagyong Hendrix! Ano nanaman ba ito ha?!" Mark Hendrix answered with a playfully smile on his lips. "Ang alin baby?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Ang totoo, bukod sa pagiging CEO sa company n'yo, ay stalker ka na rin ba ngayon?" nakasimangot na tanong ni Emyrose sa binata. He chuckled. "Paano ako naging stalker bago pa kayo dumating narito na ako," nakangiti pa rin na sagot sa kaniya. "Hindi kaya ako ini-stalk mo Ms. Chavez at kanina ka pa lingon nang lingon sa paghahanap sa ka-guwapuhan ko?" Nanlaki ang mata ni Emyrose. W-what?! Meaning hindi ito umalis at narito lang mula kanina. Yumuko ito at bumulong sa tainga niya. "Tama ako baby diba?" Her breathing stopped for a moment. Nagtayuan ang balahibo niya sa katawan dahil sa mainit na hininga nito na tumama sa batok niya. "Relax, baka maging crush mo na ako niyan," tuwang-tuwa na wika nito nang mapansin ang sandali niyang pagkatulala sa simple pagtama ng hininga nito. Nakangisi pa na umayos ito ng tayo. "Kapal," nakakamatay na tingin niya rito. Ngunit hindi siya pinansin. "Come, ihahatid na kita," masama niya itong tiningnan. "Mag-isa ka!" "Yes, baby, mag-isa lang ako na pumunta rito," pilyo sagot sa kaniya. "Tatawa na ba ako sa joke mo?" napakagat ito sa labi na tila pinipigilan ang pag-alpas ng tawa nang siningkitan niya ito ng mata. "Pesteng ito lihim akong pinagtatawanan," "Not exactly baby, lalo ka kasing gumaganda kapag nagagalit. Kahit na lumalaki ang butas ng ilong mo mas nagiging kaakit-akit ka sa paningin ko," Mariin napapikit si Emyrose sa feeling mabait na binata. "Naglilihi na hindi ko pa nga ginagapang," bulong nito. Uminit ang mukha ni Emyrose nang makuha ang ibig nitong sabihin. "In your dreams Gomez!" sagot niya rito at may kasama pang nakakamatay niyang tingin. Kumislap ang mata nito na tumitig sa kaniya. "Yes, kahit sa panaginip nakikita kita," mahina lang ang pagkakasabi nito ngunit malinaw sa pandinig ng kaniyang tainga. Sasagot pa sana si Emyrose sa binata subalit may humahangos na lalaki papalapit sa kinaroroonan nila. Sa bihis nito mukhang driver ng bagyong Hendrix ang bagong dating. "Bakit ang tagal mo?!" sikmat nito sa bagong dating na lalaki. "kanina pa ako nag message sa'yo," mukha naman kaedaran lang ng binata or mga Ilan taon lang ang tanda. "Nakaidlip ako boss sorry," tumingin ito sa kaniya at ngumiti. "Hi, Señorita Emyrose," magalang nitong bati sa kaniya. Sinuklian naman niya ng magalang na ngiti. "Tama na magpapa cute ka pa. Buhatin mo sa sasakyan," utos nito na ang tinutukoy ay si Brenda. "Teka nga lang, hoy Hendrix hindi pa ako pumapayag ah," Napahilot ito sa batok na animo problema rito ang saad niya. "Baby, mahihirapan ka rito at lasing na. Tsk! Siya na nga ang binibigyan ng pabor tatangi pa," Matutuwa na sana siya at tinubuan ng bait itong Hendrix subalit may pahabol pa at narinig niya. "Hoy! So, utang na loob ko itong gagawin mo?" laban niya sa binata. "Hindi ko sinabi na ganoon baby, pero nagmamalasakit lang ako," napipikon na ito. Sumabat ang driver nito. "Señorita pumayag ka na please, kapag hindi ka namin maihatid matatagalan si bossing dito sa bar. Kawawa 'yung Misis ko nag-aantay na ngayon, buntis pa naman at kabuwanan. Anong oras na hindi pa ako nakakauwi," Tinimbang ni Emyrose ang sinabi nito. "Sigurado ka? Naku kakalbuhin ko iyang amo mo kapag scam itong sinabi mo," Akmang tatawa ang driver subalit agad din itinikom ang bibig ng lihim na samaan ng tingin ni Hendrix.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD