CHAPTER ONE
"Kuya sa tabi lang po," ani ni Emyrose sa jeepney driver nang nasa tapat na ito sa school na pinapasukan niya, walang iba kun'di ang UST business college kung saan graduating na si Emyrose, ngayon taon sa kursong business administration major in marketing management. Sanay na siya mag-commute araw-araw, mula sa Caloocan, sasakay siya ng LRT at bababa siya ng Tayuman upang sumakay naman ng jeep na ang route ay UST. Two years na rin itong ginagawa ni Emyrose, simula nang umalis siya sa kinilalang mga magulang, ang Mommy Jasmine niya at ang kagalang-galang niyang Daddy na si Denmark Chavez.
Noong una nagsabi si Emyrose sa Daddy niya na mag w-working student na lamang ngunit mahigpit na tumutol ang Daddy niya, anak parin daw siya ng mga ito kaya dapat lang magbigay sa kaniya ng financial support lalo na kung ito ay tungkol sa kaniyang pag-aaral. Nasaktan na raw niya ang mga ito nang magpasya siya na lisanin ang mansion, kahit sa pag-aaral na lamang daw niya ang suportahan ng mga ito.
Labis ang hiya ni Emyrose sa natuklasan tungkol sa totoo n'yang magulang, Nang mahanap niya sa Caloocan ang kaisa-isang Tiyahin ng amang si Emil hindi nagdalawang isip si Emyrose na umalis sa mansion na kinalakhan.
"Reminisce again Emyrose," nakangusong kausap niya sa sarili.
Napahinto sandali si Emyrose sa akmang paglakad at sandaling tumingin sa malaking gate ng UST collage, bumuntong-hininga at muling ipinagpatuloy ang nahintong paglakad. Nang malapit na siya sa gate napansin niya ang nakaabang niyang bestfriend na si Brenda. Sumilay ang ngiti nito sa labi nang makita siya nito at hindi nakatiis sumalubong agad sa kaniya.
Ang totoo, rito na siya nag Senior High School ngunit nasa poder pa siya ng Mommy at Daddy niya noon kaya hatid sundo siya ng driver nila. Business course ang kinuha niyang kurso gusto niyang makatulong sa kinilalang magulang sa pagpapatakbo ng mga negosyo.
Napangiti si Emyrose ng maalala ang Daddy at Mommy niya gayun din ang tatlong kapatid, si Margaux na xerox copy ni Mommy, ngunit hindi nagpapatalo ang Daddy niya. Ang kambal na si Kevin at Fritz na xerox copy ng Dad niya na naging dahilan ng pamantayan ni Emyrose sa pagpili ng tao na mamahalin balang araw, ang kagalang-galang na si Governor Denmark Chavez.
Kahit maraming naging kasalanan ng Mama Martina niya ay pinatawad ito ng kinilalang magulang at kahit hindi siya totoong pamilya higit pa sa anak ang turing sa kaniya. Sobrang swerte niya dahil bihira ang nabibigyan ng ganoon pagkakataon.
"Emy tingnan mo," kalabit sa kaniya ng kaibigan si Brenda kaya napaigtad siya sa gulat. Nag-peace sign naman agad ito nang masama niya itong tingnan.
"Ano ba iyang panguso-nguso mo d'yan? Naku Brenda, tigil-tigilan mo ako I'm sure nakikita mo na naman ang crush mo,"
"Hindi ah! Grabe ka sa 'kin Besh, stalker mo ito ano ka ba," mabilis na sagot ng kaibigan niyang si Brenda.
Alam naman ni Emyrose iyon gusto lang niyang magkunwari na hindi kilala ang kotse na sinasabi nito. Kilalang-kilala niya ito kahit na pumikit pa ang mata niya. Sino ba ang hindi? Nakatatak na sa isipan niya, mula noon peste ito sa buhay niya, si Mark Hendrix Gomez, the high and mighty at sobrang sama ng ugali at ubod ng yabang kapag kaharap niya. Napangiwi si Emyrose at Inirapan ang hindi kalayuan na nakaparadang sasakyan.
"Good sana ang araw ko kaya lang may sumulpot na peste. Bakit kasi pinapapasok ito rito hind naman estudyante," inis na bulong ni Emyrose at narinig ito ng kaibigan kaya bumungisngis ito.
"Kung Ako ang araw-araw na pe-pestihin niyan Beshy, naku, naka bukang hita kong tanggapin, hirap tanggihan ang ganoon grasya Beshy, it's a blessing Ika nga," sabay hagalpak nito ng tawa.
"Gaga! Masama kaya ang ugali niyan kaya ayaw ko na nakikita 'yan minamalas ang araw ko," laban ni Emyrose sa kaibigan.
"Atleast yummy naman, hindi mo talaga type besh Emy? Pambubuyo nitong muli. "Sayang, mukhang daks Besh, lalo na kung hapit sa legs ang pantalon," ani pa ulit ng kaibigan niya na dinilaan pa ang gilid ng labi na akala mo may masarap na kinain.
Pinandilatan ito ni Emyrose ng mata. "Yucks!" na e-eskandalong sagot niya sa kaibigan.
"Nakoh! H'wag ako Emy girl, kapag na inlove ka d'yan kainin mo ang pa-yuck na 'yan, balita ko pa habulin daw ng mga babae at magaling daw mag romansa," pabiro nitong sabi at sinabayan ng malakas na halakhak. Ngunit hindi maiwasan ni Emyrose ang lihim na pagsimangot.
"Aywan ko sa 'yo pasok na nga tayo," nag-iwas siya nang tingin sa kaibigan at tuluyang hinila na papasok sa loob ng gate, ngunit pilit naman bumalik sa balintataw niya noong 12 years old pa siya.
Bumalik sa alaala ni Emyrose noong minsan mahuli niya ang binata ng ito ay 17 years old lamang.
May katotohanan naman talaga ang sinabi ng kaibigan tungkol kay Hendrix, dahil bukod sa talent nitong mang peste sa kaniya babaero din ito.
She knew it, nagalit pa nga ito ng hindi niya sinasadyang nahuli niya itong nakikipaglaplapan sa dilim. Siya pa ang sinabihan nito na namboboso.
Diba napakasama ng ugali nito, malay ba niya kung saan-saan hinihila ang jowa nito na mukhang clown sa kapal ng make-up.
"Hoy babae, sandali nga nasisira ang beauty ko," reklamo ng kaibigan niyang si Brenda. Mabilis ang lakad niya at hawak ang braso nito habang panay ang daldal kaya hindi maiwasan ni Emyrose ang lihim na humagikhik sa mga talak nito.
Nagdadasal pa si Emyrose na hindi siya mapansin ng binata subalit may radar pa 'ata ito at saktong pagdaan nila sa hallway ay saktong lumabas ito ng sasakyan. Sa madaling salita sadyang inaabangan siya nito.
Taranta si Emyrose na bumitaw agad sa braso ng kaibigan si Brenda at naunang lumakad, timing na natanaw niya ang Isa pa niyang kaibigan na si Santino, kaya nakakita siya ng pag-asa, nauna marahil lamang ito sa kaniya ng ilang minuto sa pagpasok, nasa malapit pa ito sa kaniya kaya isang mabilis na hakbang ang pumasok sa isip ni Emyrose.
"Ay gago!" nagulat na wika nito sa bigla niyang paghawak sa braso nito.
Napangiwi si Emyrose sa malutong nitong mura subalit kailangan niyang panindigan ang pagkukunwari kaya binulungan niya ito.
"Sumakay ka na lang," mahinang wika ni Emyrose rito at umaasang susundin nito ang lihim na babala niyang tingin.
"Kawawa naman ako nito baby Emy, ginamit mo na naman ang ka-guwapuhan ko dahil sa pagtatago sa admirer mo," reklamo nito.
"Daming ingay, kapag naabutan tayo hindi kita pakokopyahin mamaya ng assignment. Alam ko, kaya ka maaga dahil hindi ka pa nakakagawa," pagbabanta ni Emyrose na siyang ikinatawa ni Santino.
"Sana palaging may peste na dumadayo ng sa gano'n walang kahirap-hirap sa assignment," sagot nito sa kaniya kaya kunwari niyang sinamaan ito ng mata.
"Abusado," at sabay ng mahinang pagsiko sa tagiliran nito. Kung makikita sila ng karamihan iisipin na may relasyon silang dalawa sa pagkakaakbay ng binatang si Santino sa kaniya. Nakatawa lamang si Santino sa ginawang pagsiko ni Emyrose pero nakahaplos ito sa tagiliran na tinamaan.
Naputol ang bulungan nila ng sumulpot sa gilid nila ang humahangos na si Brenda.
"G-grabe ka besh Emy, iwanan daw ba ako," hinihingal nitong sabi.
"Ang bagal mo kasing maglakad dinaig pa ang pagong," si Santino ang sumagot.
"Ikaw ba ang kinakausap ko?" masamang tingin nito kay Santino.
"Syempre dalawa kaya kami na kasama mo rito tapos sasabihin mo si Emyrose lang," sagot ni Santino sa kaibigan kaya naman inirapan nito ang binata.
"Iwan ko sa'yo, tsismoso," nakasimangot na sagot dito ni Brenda, hindi na pinatapos ni Emyrose ang akma muling pagsasalita ni Brenda. Inawat agad niya ito at tiyak hindi matatapos ang dalawa, kapag kasi ito ang nagbangayan matagal magkasundo.
"Siya relax na Besh, ang beauty baka masira bahala ka," wika rito ni Emyrose sa nakasimangot pa rin na kaibigan si Brenda.
Sandali itong tumaas ang kilay sa kaniya.
"Bruha, lagot ka roon parang papatay ng tao ang tingin sa inyo habang naglalakad kayo," ani ng kaibigan niya.
"Bayaan mo siya, pake ko roon, dati nang galit 'yon wala ng bago," laban niya sa kaibigan.
"Ows," may pang-aasar pa na titig ang sagot sa kaniya ni Brenda kaya Inirapan niya ito ng todo.
"Talagang-talaga, mabuti pa bilisan na ang lakad natin at malapit nang mag-umpisa ang unang subject, kapag na late tayo lagot tayong tatlo at terror pa naman ang professor natin sa first subject.
Ganito ang routine niya sa buong maghapon, school at bahay lang, minsan tumutulong siya sa Tita niya sa pagtitinda kung wala siyang masyado assignment sa school.
May tindahan ang Tiyahin niya ng gulay sa Talipapa, hinahango nito sa Divisoria, maliit lang ang kita ngunit ayos na at marangal naman na trabaho kaysa naman magtambay.
Lunchtime nasa canteen sila ng kaibigan si Brenda ng may tumatawag sa kaniya cellphone. Napangiti si Emyrose ng masilayan ang pangalan ng tumatawag walang iba ang malambing niyang Mommy Jasmine. Miss na niya ang mga ito kahit madalas naman itong tumawag at minsan umuuwi siya sa kanilang mansion.
"Hello Mommy..." kinikilig niyang sagot dito.
"Anak nagtatampo na kami ni Daddy mo at ilang linggo ka nang hindi dumadalaw," napangiti si Emyrose ng marinig ang malamyos na boses ng Mommy Jasmine niya.
"Mommy, busy po sa school kayo pa ba makalimutan ko,"
"Hmp.. sigurado? Baka naman busy na sa lovelife anak," ani nito ngunit panigurado biro lang 'yon ng Mommy niya.
"Mom, wala po magkamali,"
"Mm..kahit 'yung si ano? Sino nga iyon anak nakalimutan ko," narinig niyang nakatawa ito sa kabilang linya.
"Wala po akong kilala," nakatawang sagot niya sa Ina kaya lalong napahalakhak ito subalit hindi nagtagal ay naging seryoso na rin ito.
"Anak umuwi ka raw sa linggo sabi ng Dad mo may pag-uusapan 'ata kayo,"
Ayaw sana ni Emyrose subalit ayaw n'yang sumama ang loob ng Ina kaya napa Oo na lamang siya rito.
"Ipapasundo ka na lang 'nak sa driver natin, bye ingat ka d'yan ha," pagtatapos nito sa usapan nila.
Huminga ng malalim si Emyrose. Sigurado business ulit ang pag-uusapan nila ng Daddy niya. Bahala na ayaw na niyang bigyan ng sama ng loob ang magulang, iyon nga pag-alis niya ng mansion grabe na ang iyak ng Mommy niya kaya ayaw na niyang dagdagan ang sama ng loob ang mga ito.
Suminghap si Emyrose nang maalala kung bakit mas pinili n'yang manirahan sa Caloocan, sa Tiyahin ng kaniyang Amang si Emil.
Walang problem si Emyrose sa Tita ng kan'yang biological father dahil mabait ito. Hindi rin ito nakapag asawa dahil sa pag-aalaga sa kaniyang tunay na Ama iniwan daw lamang ito ng kapatid at sumama sa afam at hindi na nagpakita hanggang ngayon. Salat man ito sa pamumuhay pero maayos nitong naitaguyod ang pagpapalaki sa kaniyang tunay na Ama. Ngunit sinuklian lang nito ng sama ng loob. Sa katunayan ng maging modelo ito at nakatikim ng konting ginhawa iniwan nito ang Tita niya na nagpalaki rito at pinili ang marangyang buhay.
Napakurap si Emyrose nang maalala bago siya mapunta sa Tita niya ngayon na kung tutuusin ay Lola na niya, ngunit ayaw nito magpatawag nang gano'n at tatanda raw ng maaga. Mas bet na raw nito ang tawag niya na Tita, kung may apo na raw ito sa kaniya 'tsaka lang ito magpapatawag ng Lola.
Nasa bar sila kasama ng mga anak ng kaibigan ng Daddy niya. Birthday ng Ate Marianne, anak ng makulit na si Tito Rowan. Sila-sila rin ang mga magkakaibigan, pinayagan siya noon na sumama at 18 na siya noon sabi ng Mommy Jasmine niya minsan ay mag-enjoy h'wag palaging libro ang hawak, katunayan naipalusot nila si Margaux na seventeen pa noon at nagpilit na sumama sa kanila.
"Ate Emy, look oh, maraming hot fafable, bilis sayaw tayo," wika ng kapatid niyang si Margaux, at mabilis na sinegundahan ng mga lukaret na mga babaeng kasama.
"No, ayaw ko Margaux, alam mong hindi ako sumasayaw ng ganoon, Isa pa hindi talaga ako marunong, tingnan mo nga ang harot kaya nila sumayaw, ayaw ko," mahigpit na tanggi niya sa mga kaibigan.
Ngunit sumingkit ang mata ng nakainom na si Ate Helena sa tabi niya. Iwan nga niya rito iniwan lang ng jowa naging lasengga na.
"Go Emy, minsan e-enjoy rin ang pagiging single. Hindi masamang lumabas d'yan sa comfort zone mo girl, like duh! Ni hindi mo nga alam anong lasa ng alak kaya try mo na ngayon girl at minsan lang tayo payagan ng mga parents natin, grab the opportunity Emy baby," pambubuyo pa sa kaniya ng Ate Helena niya.
Nag-apir ito kay Ate Marianne at nagsalin ng wine sa kopita. "Here, pampalakas ng loob try it girl walang mawawala parang juice lang 'yan," ang Ate niya na makulit.
Sabay-sabay pa na naghiyawan ang mga ito. "Iinom na 'yan, iinom na 'yan," kantiyaw pa ng mga ito.
"Go, Ate ko 'yan," segunda pa ni Margaux.
Ang unang tikim ay nasundan pa hanggang sa naging marami.
Naging malakas na ang loob ni Emyrose, nang niyaya siya ng mga kaibigan ay game na siya. Hiyawan, kahit napapalibutan na sila ng mga lalaking naroon din sa dance floor. Indak nang indak si Emyrose kahit minsan nasasagi na ang katawan niya subalit wala siyang pakialam. Hanggang sa may isang pangahas na lalaki na talagang dinikitan siya nito, minsan may pahipo ito sa tagiliran ng baywang niya at kung titingnan siguro sila ay tila bang magkarelasyon sa sobrang lapit nito sa kaniya.
Ngunit lahat ay napatigil sa buong dance floor ng bulagta ang lalaking kasayaw ni Emyrose. Namimilipit ito sa sakit habang hawak ang tagiliran na nasaktan dahil sa lakas ng pinatikim na suntok ni Hendrix. May dala pa itong back-up anak ng Tito Maynard na si Aaron, nagbabaga ang mata ni Hendrix habang madilim ang mukha. Pero mas lamang sa lalaking nakabulagta dahil kung nakakamatay ang mainit nitong titig baka ora-mismo pinaglalamayan na ang lalaking nakahiga sa semento.
"W-wait..." nabiglang wika ni Emyrose pagkatapos ng ilang sandali.
Kinaladkad siya ni Hendrix pababa ng dance floor.
"Hendrix ano ba!" nagpumiglas siya at iwinaksi ang malabakal nitong kamay na nakahawak sa pulsu-pulsuhan niya.
Ngunit sadyang malakas ito at naakay siya sa labas ng disco-han.
"Ano ba sinabi nang bitaw!" Isang malakas na pagwaksi ni Emyrose sa kamay nito kaya nabitawan siya nito.
Napakamaywang ito nang mabitawan siya at malakas na napasinghap habang madilim ang mukha na nakatitig sa kaniya.
"How dare you! Who do you think you are at basta ka na lamang nakikialam sa kasiyahan namin? Kahit kailan peste ka talaga sa buhay ko!" galit na galit na sigaw ni Emyrose sa binata.
Naningkit ang mata nito at malalim siyang tinitigan at maya-maya nakakaloko itong ngumisi sa kaniya.
"Nagmana ka talaga sa Nanay mo, malandi at walang kwenta," mahina lang ang pagkakasabi subalit napakalinaw nito sa pandinig ni Emyrose.
Lahat ng naro'n ay napasinghap at hindi namalayan ni Emyrose na nasa harapan na pala ang mga kaibigan.
Napatda si Emyrose at pakiramdam niya lumaki ang ulo niya sa oras na iyon.
"Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo! Asshole," nangingining sa galit na wika ni Emyrose. Hindi pa nakatiis nilapitan ang binata at pinagbabayo sa dibdib nito sa sobrang pagkasuklam.
Hinuli nito ang dalawa niyang kamay at tinitigan siya nito ng may ngisi sa labi. "Hindi ko na kailangan ulitin dahil ganoon talaga ang Nanay mo!" may pangungutya pa sa labi nito habang sinasabi niyon sa kaniya. "Miron pa pala isang mang-aagaw...at alam mo ba kaya naghiwalay noon si Tita Jasmine at Tito Denmark? dahil 'yon sa Nanay mong baliw," paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa isip ni Emyrose ang katagang 'yon.
Nanlaki ang dalawa niyang mata at tila kandila na nauupos sa pagkabigla. Alam niyang ampon lamang siya ng mga Chavez subalit hindi sinabi ng kinilalang magulang na ganoon ang pagkatao ng Mama Martina niya. Naabutan pa niya ito ng nabubuhay pa ngunit dahil sa sakit.
Puro iling ang naisagot ni Emyrose sa harap ni Hendrix habang puno ng luha ang buong mukha. Kahit ang mga nasa paligid hindi na niya pinagkaabalahang tapunan nang tingin.
"Hendrix!" narinig niyang sigaw ng kambal nito na si Ate Helena subalit sadyang ang pesteng binata patuloy lang sa pang-iinsulto sa kaniya.
"At ito pa pala Tatay mo ang dahilan ng kamuntikan bawian ng buhay si Tito Denmark,"
"Hendrix!" namalayan ni Emyrose na nasa tabi na nito ang kambal na si Helena at inaalog sa balikat ang binata.
Hindi makayanan ni Emyrose ang mga naririnig lalo na maraming mga naki usyoso ang iba ay sarisaring bulungan. Mabilis niyang tinakbo palayo sa mga tao kahit ang iba tinatawag siya hindi niya ito pinakinggan isa lang ang nasa isip niya hanggang saan ba ang galit nito sa kaniya kahit sa gitna ng maraming tao patuloy siyang ipinahihya.
"Ate Emy, Emyrose," malakas pa na tawag ng mga kaibigan subalit hindi nilingon ito ni Emyrose. Ang tangi n'yang gusto sa oras na iyon makalayo sa mga mapanghusgang mga tao. Mga taong pilit kang gagawan ng kwento kahit hindi alam kung ano nga ba ang totoo.