"My god, Mark Hendrix, be mature; you're not kids anymore." disappointed na wika ng Dad niya.
Napapahilot pa sa batok ang Daddy Denmark niya habang sinasabi iyon.
"T-tito, I'm sorry nagselos ako!" sandaling natigilan ang Daddy niya sa sagot ni Hendrix. Ngunit bumalik din ulit sa mabalasik na tingin ng ilang sandali.
"Get out," mahina lang iyon ngunit naroon ang kalamigan sa boses ng Dad niya. Kung hindi ito susundin ni Hendrix panigurado mag-iinit lalo ang ulo ng Ama niya rito.
"But Tito, let me explain," nakikiusap ang mata nito sa kan'ya Daddy.
Lumibot pa sa kanilang lahat ang tingin nito at nagtagal sa kaniya. Nag-iwas nang tingin si Emyrose dahil may pagmamakawa sa mata nito habang nakatitig sa kaniya.
Hindi niya ito tinapunan nang tingin dahil natatakot siyang mabasa ng binata ang matagal ng nakatagong damdamin para rito. Hindi nito maaring malaman mas magmumukha siyang kaawa-awa kung malalaman nito. Natatakot siya mabisto nito ang umuusbong niyang damdamin, takot sa magiging reaction nito hindi niya matatangap kung siya ay kutyain ng binata. Tama lang na ibaon na lamang niya sa limot. Soon ma o-overcome niya rin ito.
"Baby, I can explain everything,"
Sandaling katahimikan ang namayani at lahat kay Hendrix nakatingin. Nasa mukha ng Ama na hindi naniniwala kay Hendrix panay iling habang nakikiusap sa kaniya ang binata.
"Wala ka ng dapat ipaliwanag," final na sagot ng kaniyang Daddy.
Sandali pang nagsukatan ng tingin ng kan'yang Ama ngunit sandali lang at nagbaba ng tingin si Hendrix.
Laglag ang balikat na lumisan ito sa kanilang harapan. Lumingon pa ito sa kaniya bago tuluyan lumabas ng bahay.
"EMYROSE CHAVEZ!"
Kanina pa ako rito daldal nang daldal nasa mars naman pala ang isip mo besh," nakasimangot na wika sa kaniya ng kaibigan na si Brenda.
Malapit na sila mag-uwian at inaantay na lamang ang oras. Hindi pumasok ang teacher nila sa last subject kaya nag-aantay na lamang sila ng tamang oras.
"Ha? Ano nga iyon besh?" napakurap niyang tanong sa kaibigan.
Napairap ito sandali at humalukipkip na tiningnan siya.
"Grabe ka Emyrose Chavez sinayang mo ang talsik laway ko sa pagkwento hindi ka pala nakinig noon," akala mo batang nag mamaktol.
Bungisngis si Emyrose. Masyado itong papansin, Mali ganito ito maglambing sa kaniya kung may hihilingin.
"Sige na ano nga iyon? Sorry may sumagi lamang sa isip ko kaya naglakbay pansamantala," biro niya rito.
"Okay pinatatawad na kita pero sa Isang kondisyon," naghahamon nitong tingin sa kaniya.
"Walang gano'n, Hindi mo ako bibigyan ng choice may kondisyones ka na eh," reklamo ni Emyrose sa nakangisi kaibigan.
"Hindi naman mahirap ang gagawin natin," nag-pout ito ng labi may paawa pa talaga.
"Siya, siya, Hindi ka rin naman papayag kung sakali,"
"So, it's a deal?" mabilis nitong sagot.
Pumalakpak pa ito sabay yumakap pa sa kaniya. "Sabi ko na eh, papayag ang besh ko," tuwang-tuwa nitong sabi.
"Scam," ani niya sa tuwa-tuwa kaibigan.
"Ito nga besh, diba birthday ko sa Saturday?"
"Yes, I know. Bakit anong gagawin natin?" kuryosong tanong ni Emyrose sa kaibigan.
"Payag ka ba ha? Ganito beshy, diba, I told you before gusto ko mapanood ang idol kong boy band?" nanantiya nitong sabi.
"Yes, I remember,"
"Beshy naman lahat yes ang sagot, I hope this one I asked got your answer yes,"
Natawa si Emyrose pagganito ang sinasabi nito tingin niya mahirap na desisyon ang kailangan niya.
"Beshy tutugtog daw ang, "The Hunk band," sa Secret bar--"
Hindi na pinatapos ni Emyrose ang sinasabi ng kaibigan ay agad pinutol niya.
"Hoy Brenda Polido! Alam mo na may phobia na ako sa sekretong bar na iyon, at talaga doon mo pa ako yayain. sadista lang gano'n," irap pa niya sa kaibigan.
"Kaya nga diba sabi mo payag ka," malungkot ang mukha na wika nito.
Alam ng kaibigan niya na isinusumpa niya ang mga bar at nanguna ang Secret bar at itong bestfriend niya hindi niya alam kung manhid ba talaga ito sadyang nanadya, tsk.
Hindi na ito nagsalita at inayos ang gamit. Tumingin si Emyrose sa kaniyang relo. Uwian na pala. Niligpit niya na rin ang mga gamit pero kumunot ang noo niya sa walang kibo na kaibigan.
Alam niya die hard fan talaga ito sa The Hunk band, at dito rin sa UST mga nag-aaral ang lahat ng member na palaging inaabangan ng kaibigan niya sa tuwing uwian subalit celebrity kasi kaya walang maka tsamba pag narito sa campus.
Bumuntong-hininga si Emyrose at sinundan na ang kaibigan na alam naman niya inaantay siya dahil mabagal itong naglalakad.
Iniwan siya nito sa katabing upuan pero halatadong nag-aantay sa kaniya at bilang ang bawat hakbang nito.
"Tsk. Ang arte- arte ng kaibigan niya sarap kutusan,"
Binilisan ni Emyrose ng lakad hanggang pumantay sa patampo-tampong kaibigan. Nang maabutan niya ito binunggo niya ito sa balikat.
"Woii, beshy peace na tayo," pigil ang ngiti ni Emyrose.
Susubukan niyang pumasok muli sa bar na iyon. Maybe it's time to move on from those painful memories.
Kinabukasan tila walang nangyari iyak sa kaniya. Nagkasundo pa sila ng kapatid na si Margaux mag-mall.
Inaya siya ni Margaux para daw hindi na siya malungkot. Ayaw sana niya at gusto niyang mag research sa mga malapit na kamag-anak ng biological parents, wala lang gusto lang niya alamin. Isa lang ang natatandaan niya mayroon siya Lola sa Mindoro ngunit hindi pa niya nakilala.
Diba siya iyon si Emyrose Chavez? Oo nga noh! Ang tibay din ng sikmura. Magulang pala niya ang nagpahamak sa mabait na Governor. Naku kung ako niyan tinubuan na 'ko ng hiya.
Sikat nga iyan sa school namin noong grade school pa at campus crush. Iyon pala talaga mana sa Ina na malandi.
May hawak na cp ang dalawang babae at may video na pinanonood. Nanlaki ang mata ni Emyrose dahil boses iyon ng peste sa buhay niya. Mabilis naman na pinuntahan ng kapatid ang dalawang marites na babae at hinablot ang cellphone.
Napasinghap si Emyrose viral pala ang pamamahiya sa kaniya ni Hendrix. Nakaka panginig ng laman ang title ng nasabing video.
"Malandi ang Ina ganoon din siguro ang anak," Mula sa pagsasayaw niya ng maharot hanggang doon sa kinaladkad siya ni Hendrix at sinabihan na malandi,
"Saan n'yo nakuha ito?!" galit ang kapatid niyang si Margaux.
Tinaasan lang ito ng kilay ng dalawang babae. "Bakit anong gagawin mo?! Taray nito porket anak mayaman," matapang na ani nito sa kapatid niya.
inawat ito ni Emyrose at balak talaga makipag basag-ulo ng kapatid.
"Margaux! Margaux!" babala niya sa kapatid.
Pinisil niya ang palad at tiningnan ng may babala.
"No! Ate bibigyan ko lang ng leksyon ang mga ito,"
"Ayos lang. Ayos lang ako. Hayaan mo na lang," masama itong tumingin, hindi alam ni Emyrose kung para saan iyon ang mahalaga naawat niya ito. Nakakahiya kung makikipag-away ito ng dahil sa kaniya.
Ang inaakala ni Emyrose na okay na, gano'n lang yun. Ngunit isang galit na Ama ang inabutan nila pag-uwi ng bahay. Nasa sala ng Mommy niya at basta na lamang itinapon ang cellphone sa upuan.
Alam n'yang sobrang galit ito dahil gumagalaw ang panga habang nasa tabi ng Mommy niya alalay sa pag-awat sa high blood niyang Daddy.
"Emyrose! Why did you not tell me this? This is the reason why you were crying last night!" galit ang Daddy niya.
"Mister!" ngunit tamad lang ito na binalingan ng tingin ng Dad niya.
"This is too much, Misis,"
Nang ayaw niyang sumagot si Margaux ang nagsalita..
"Precisely Daddy,"
Matiim siyang tinitigan ng Ama at napapailing. Nabalitaan na lamang ni Emyrose na pinabura daw ito ni Hendrix. Nagalit pa nga raw ito sa nag leak ng video at kinasuhan. Well wala naman siya noon pakialam sa lalaki pagkatapos siya nitong saktan hindi na magbabago ang pakikitungo ng Daddy niya kay Hendrix.
"Ano na Emyrose Chavez, ang haba ulit ng nilakbay ng isip,"
Natawa siya. "Sige payag na ako. Pero saglit lang tayo roon ha! At tutungo ako sa bahay nila Mommy kinabukasan," ngiti niya sa kaibigan.
"Omg! Talaga best? Yes makikita ko na ang super duper kong crush," tila na e-excite na wika nito. " Beshy, magpa-salon tayo ngayon best," muli nitong sabi
"Anong salon, hoy! Brenda, sayang ang pera, hindi na kailangan maganda na tayo," taas kilay niya rito.
"Ikaw oo, kahit hindi magsuklay maganda na. Eh ako,"
"Self-confidence dapat besh, maganda ka rin,"
Maganda rin naman ang kaibigan niya ayaw lang nito aminin sa sarili palaging nag self pity sa ganda taglay.
"Samahan na lang kita, alang-alang sa crush mo," kunwari napipilitan niyang sabi.
"Thank you beshy. Alam ko naman hindi mo ako matitiis diba, dba?'" tila nag-aasar pa nitong kindat dahil napapayag siya nito.
Kung hindi lanag matagal na nito gustong makita ang boy band na iyon at birthday nito nungka kunsintihin niya ang lukaret na kaibigan.
Dito sa campus mailap ang banda na iyon bukod doon hindi nila ma timingan ang iskedyul ng nasabing banda.
"Sunduin kita sa inyo?" Nang nasa tapat na siya ng daanan ng jeep.
Pareho silang nag ko- commute na magkaibigan. Magkaiba nga lang ng way. Sa Pasay ang uwi ng bestfriend niya hindi naman mahirap ang katayuan ng buhay nito.
May trabaho pareho ang Mama at Papa nito. Sa Municipal hall staff ng Mayor pareho ang magulang nito kaya afford na mag-aral sa eskwelahan nila. At Isa pa ang Ate nito ay nasa abroad isang Nurse sa Canada at bunso itong kaibigan niyang si Brenda kaya hindi masyado hirap sa buhay.
"Hindi na magkita na lamang tayo besh. What time ba?"
"Umaga dapat nasa Victoria Mall ka na. Magpaganda pa ako at mahirap mag biyahe patungo sa BGC lalo na kung rush hour,"
"Demanding a, Oo na po Madam Brenda," pabiro pa niyang wika sa kaibigan.
Tama naman na may dumaan na jeep paparahin sana ni Emyrose subalit may huminto na isang magarang kotse sa tapat nila at nag busina sa nasa unahan na Jeep.
"Sira-ulo ito ah! Pasakay siya, pinaalis," nagngitngit na wika ni Emyrose sa sakay sa loob ng kotse.
"Kaya naaman pala isang bagyo pala ang dumating. Hanep talaga sa kayabangan,"
Nagtilian ang ilan mga studyante ng bumukas ang pinto nito at bumaba ang isang naghari. Hari ng sa kaniyang kamalasan.
Lumakad ito patungo sa kanila kaya sandaling kumalabog ang t***k ng puso ni Emyrose. Pinag-aralan ang physical na anyo ng palapit na binata.
He's really a good catch. There's no doubt about that. Patunay lang na ang Ilan ay tumili sa pagdating nito. From his Physics, his achievement in business world. Walang duda na lahat na babae handang tumiya rito.
Wait bakit ko pinupuri ito. Kaaway ko dapat ito. Napangiwi sandali si Emyrose sa muling paghanga sa pesteng binata.
"Hi baby, pauwi ba kayo?" naka plaster ang ngiti nito sa labi.
Hindi ito tinapunan ng tingin ni Emyrose pero ang katabi niyang kaibigan panay ang hila sa laylayan ng uniform niyang blouse.
Masama niya itong tingingnan.
"Best, grabe makalaglag panty talaga sa ka g'wapuhan ang future mo," pang-aasar nito.
Tumawa naman agad ang kaibigan niya ng pabiro niyang kurutin.
"Joke lang, pero sayang iyan Beshy,"
"Hi Brenda, mukha lalo kang gumanda ngayon," pang-uuto pa nito sa kaibigan niya.
"Naku naman boss Hendrix wag mo na akong pakiligin kanina pa nangingining ang tuhod ko, baka mamaya magpayakap ako sa'yo," pakwela nitong sagot sa binata.
he barked laughter. "Pauwi na ba kayo?" pagkatapos ay sa kaniya nag baling ng tingin at hinuhuli ang mata.
"Yes boss Hendrix. Bakit ihahatid mo kami?"
Napahilot sa noo si Emyrose. Ito talaga kaibigan niya malapit na niya ito lagyan ng plaster sa bibig sa sobrang kaingayan.
"Kaya dinaanan ko kayo, hop in," bumalik sa kotse at binuksan nito ang passenger seat. At talaga nga sumakay ito. Si Emyrose ay nanatili naka tayo at hindi tumitingin sa binata.
"Please?" binuksan nito ang pinto ng katabi ng driver seat.
Sumilip sa bintana ang kaibigan. "Beshy sakay na please?"
Mahabang katahimikan ang namayani ngunit napilitan siyang sumakay dahil sa pakiusap ng kaibigan niya.
"Ayaw ko d'yan," sa unahan ang tinutukoy ni Emyrose at sa likod nga siya sumakay sa tabi ng kaibigan.
Her peripheral vision tumigas ang anyo nito at gumalaw ang panga. Napahilot pa ito sa batok na tila napipikon bago umiiling na sumakay sa driver seat.
"Pake ko sa'yo," naibulong ni Emyrose.
Nakangiti na ito ng lumulan ng sasakyan at sandali silang nilingon.
"Okay na kayo d'yan?'
"Okay pa sa alright Sir Hendrix. Sarap pala sumakay sa pang mayaman na sasakyan," nagbiro pa ito sa binata.
Natuwa naman. Ang sira-ulo feeling talaga.
"Kung gusto mo service n'yo na ako," balewala nitong sagot.
Kinurot ni Emyrose ang hita nito na binabalaan.
"Gusto ko sana Sir kaya lang alanganin po at mayare tayo sa amasonang kilala ko,"
Humalakhak ang binata. " May kilala nga rin ako na amasona na ubod ng ganda. May alam ka ba paano paamuhin ang ganoon na amasona?" sakay nito sa biro ng kaibigan.
"Naku, madali lang iyon Sir Hendrix gamitin n'yo ang ipinagbabawal na technique,"
Tumango-tango ito. "Thank you for that Brenda mukha nga kailangan ko niyon,"
Kung nakamanatay ang titig ni Emyrose dito kanina pa ito bumulagta sa harapan ng manibela. Anong ipinagbabawal, ano siya hello?
"Si Brenda ang ihuli mo ihatid," umigting ang panga nito dahil sa kan'yang sinabi.
"Beshy, Ikaw dapat ang huli," isang babalang tingin sa kaibigan kaya isinirado agad ang bibig.
"Sabi ko nga. Sir Hendrix alam mo naman patungo sa Caloocan diba? Doon ihahatid si Beshy-"
"I know," seryoso na sagot nito at deretso lang ang tingin sa kalsada.
Kahit sa buong biyahe tahimik ito. Lihim na pinagmamasdan ni Emyrose ang likuran nito. His wide shoulder, na kapag nakulong siya sa bisig nito kaya siya nitong sakupin dahil sa braso nitong malaki. Ang kamay nito kahit naglalabasan ang ugat sa braso tila nakadagdag sa ka ka-matcho-an nito. Siguro kung ipapasan siya nito ay kaya siya nitong buhatin kahit isang braso lang ang gamitin nito.
Tumikhim ito. "Kanina pa ako natutunaw," narinig pa niyang mahina itong tumawa. "Pasado na ba sa'yo baby?" may dating na wika nito.
"H-hndi naman kita titingnan," nag-iwas ng tingin si Emyrose ngunit sadyang magaling talaga itong tumiming at sumilip sa review mirror at naghinang ang kanilang mata. Pulang-pula ang mukha ni Emyrose ng kindatan siya nito na animo nagsasabi na deny pa more huling -huli na nga nito.
"D'yan na lang,"
Nasa tapat na sila sa bahay ng Tiyahain. "Bye besh," agad na bumaba ng kotse si Emyrose.
Hindi niya nakita ang nasaktan na reaction ng binata nang walang paalam na bumaba siya ng sasakyan. "As if naman na may gano'n iyon pakiramdam, manhid kaya ang Gomez na iyon hindi siya padadala sa pakindat-kindat nito,"