CHAPTER TWO

1431 Words
Halos hindi na makita ni Emyrose ang daan habang tumatakbo papalayo sa Secret bar dahil sa patuloy na pagbagsak ng kaniyang masaganang luha. All the people she meets mocks her. Ngunit hindi binigyan ni iyon ni Emyrose, ng pansin. Ang nasa isip niya ang makalayo agad sa binata, kay Hendrix at sa lugar na iyon. Tama naman may dumaan na Taxi at mabilis na pinara ni Emyrose iyon at sumakay. "Emy! Ate Emy," sa labas ng sasakyan na tumatawag sa kaniya. "Kuya, b-basta m-magneho lang po muna kayo mamaya ko po ibibigay ang address ko," sa garalgal niyang boses. Even when her friends chase her and she hears Margaux calling her, hindi niya ito tinapunan ng tingin. Kung lilingunin niya ang loob, lalo siyang masasaktan. Ang nasa isip lamang ni Emyrose ang makalayo pansamantala. Gusto niyang mag-isip ng tama. Iba't-ibang haka-haka, some are good, others are bad, pero iisa lang talaga ang katanungan sa isip niya. Kaya ba niya manatili sa kinilalang magulang kung alam niyang siya ang bunga ng puno't-dulo ng lahat. "Ma'am narito na po tayo," ani ng Taxi driver kay Emyrose. Sa dami ng iniluha niya hindi niya napansin nasa tapat na sila ng kanilang bahay. Bago bumaba ng sasakyan inayos muna ni Emyrose ang sarili. Nang masiguro na hindi na mahahalata ang maga niyang mata ay 'tsaka lamang niya napagpasyahang bumaba ng Taxi. "Kuya, paantay po sandali kukuha ako ng pambayad," paalam niya rito. "Naiwan po sa loob ng bar ang dala kong bag," nang balak nitong magreklamo. Napilitan ito na tumango ngunit kakamot-kamot sa ulo. Wala itong choice kung hindi ang mag-antay, hindi naman niya tatakasan. Kumatok sa maliit nilang gate si Emyrose. Tama naman at ang sumungaw ay ang matagal na nilang guwardiya ang naka-duty. Mabait naman ito siguro magpapahiram din naman, kahit na triple pa ang tubo. "Kuya Crisanto, pahiram mo ako ng 1500 ibabayad ko lang sa Taxi," nakakamot pa sa kilay si Emyrose. Nahihiya siya mangutang pero dahil kailangan nilakasan niya ng loob. At nadagdagan ulit ang atraso ng Gomez na 'yon. "Nakoh! Señorita Emy, kung hindi ka lang mabait sa 'kin hindi ka talaga makakahiram," ani pa nito ng pabiro. "Salamat Kuya Crisanto, alam ko naman na mabait kayo kaya hindi mo ako matitiis," "Binola mo pa ako Señorita," nakangiti nitong sabi at kumuha ng pera sa wallet. "Naku maraming salamat dito Ma'am," nang abutan niya ng malaking bayad ang taxi driver. "Kung boyfriend n'yo po ang iniiyakan, Ma'am, aba'y tigilan n'yo ho, hindi po dapat umiiyak ang dalagang kasing ganda mo," pahabol nitong sabi ng lalakad na siya papasok sa loob ng mansyon. "Salamat Kuya, pero hindi ko po boyfriend, at lalong hindi magiging boyfriend!" tumahimik ang driver natakot siguro sa kalamigan n'yang sagot. "Oh? Bakit mag-isa ka lang na umuwi 'nak?" may pagtataka na tanong ng Mommy Jasmine niya pagpasok niya sa loob ng mansyon. Hindi niya alam bakit pati pangalan ng bar ay may galit sa kaniya. Diba Secret bar, sekreto ang pinasabog ng Gomez, na 'yon. Sure naman siguro na hindi 'yon nag-uulam ng ampalaya at mayaman pero bakit masyadong bitter at alaga siyang salantain. Sandaling nagtagal ang tingin ng Mommy niya sa kaniyang mata at kapagkuwan ay kumunot ang noo nito. "Umiyak ka?" ani ng Mommy niya. Kilala sila ng Mommy niya kahit nga raw utot ng mga anak nito kabisado, ganoon daw sila ka-kilala ng Ina. "Nope Mom, natalsikan po ng beer, n-nang hindi sinasadya naalog ni Ate Helena ang bote at sakto po pagbukas tumalsik po sa mukha ko at nahagip ang mata ko," Habang sinasabi iyon ni Emyrose sa Mommy Jasmine niya mataman siyang tinitigan sa mata tila ba tinitimbang doon sa kaniyang mata ang katotohan sa kaniyang sinasabi. Inipit nito sa likod ng kaniyang tainga ang kumalat niyang buhok at ngumiti. "Dalaga na talaga ang anak ko, at super ganda pa," nakangiti habang sinasabi niyon ng Mommy niya. "S-syempre po kanino pa ba magmamana kung hindi po sa inyo na maganda," Natuwa naman ito sa kaniya sagot. "I knew it. Emy baby," kasabay ng tawa. Gusto ni Emyrose umiyak sa harapan ng Ina. Gusto niya magtanong kung minsan ba ay inisip nito na gantihan siya, na bakit siya kailangan kupkupin ng pamilya Chavez sa kabila ng lahat, sa kabila ng masamang ginawa ng Mama Martina at ni Emil, her biological parents. Hindi mapigilan ay napasigok si Emyrose kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa Ina. Ngunit huli na dahil nahuli na siya nito at rinig nito ang impit niyang iyak. "Hey, what's wrong? Are you not feeling well?" her mom's face is filled with worries. Umiiling si Emyrose at hindi mapigilan ang pag-uunahan ng luha. "M-mommy..." At mahigpit na yumakap sa Ina habang patuloy na umiiyak. "Who made my daughter cry?" may pag-aalala sa boses nito. Sandaling ibinigay ni Emyrose sa Ina ang bigat ng katawan. Mahigpit siyang yumakap dito pakiramdam niya kung hindi niya gagawin iyon sa oras na 'yon baka maging Isa siyang upos na kandila sa panghihina. Matagal sila sa ayos na iyon habang ang Mommy Jasmine niya ay nakahaplos sa likod niya at minsan naramdaman niya ang mumunting halik sa kaniya buhok. "A-ate?" nang dumating ang humahangos na si Margaux. "Ate Emy?" nakiyakap pa talaga sa kanila at iyon ang inabutan ng Daddy niya na galing sa taas ng kanilang bahay. "Hey! Anong nangyayare dito at ang importante mga babae sa buhay ko ay may iyakan blues?" Nilapitan sila nito kaya naputol ang sandaling iyon. Kumalas sila sa pagkakayakap sa isa't-isa. Ang Mommy niya ay malungkot pa na pinunasan ang basang-basa niyang mukha Alam ni Emyrose na sobra ang pag-a-alala nito sa kaniya dahil hindi pa nito nalalaman ang dahilan ng pagluha niya. Nang nawala na ang bigat sa dibdib ni Emyrose 'tsaka naman nag sumbong ang kapatid sa Daddy nila. "Dad, si Kuya Hendrix. He, always mang-aaway kay Ate Emy hmp!" galit pa nitong pagkakasabi at tila gigil sa pangalang Hendrix. "M-margaux," tanging nasambit ni Emyrose. Hindi na sana niya ipaaalam sa magulang at gusto pa niyang mag-isip at ito na nga ang kapatid pa niya e, maldita din ito kaya wala siyang maililihim. "What did Henry's son do?!" madilim ang mukha na wika ng Daddy Denmark niya. Mabilis naman na nilapitan ng Mommy niya at hinaplos sa likod. "Mister, calm down," awat ng Mommy niya. "Dad, wala po iyon...uhm okay na po ako," mahinang sambit ni Emyrose. Marahas na huminga ang Daddy niya. Alam niya na nagtitimpi lang ito ng galit at noon pa ito napipika sa supladong anak ni Tito Henry, dangan nga lang bestfriend nito ang Tatay ng Hendrix na iyon kaya nagpipigil ang Dad niya. Lumapit si Emyrose sa Ama. Mahabang singhap ang narinig niya at hinila siya payakap dito. "Okay ka lang," malumanay na ito subalit naroon ang diin sa pagkakasabi. Sigurado si Emyrose na malilintikan na ang Hendrix sa oras na ito. "Opo, ayos na po," matipid na ngiti niya sa Ama. "Duh! Ate Emy. Kung ako talaga, I give him a lesson. I'll make him miserable life. So, gano'n lang iyon he make pahiya sa 'yo, sa madlang people e, ang daming nakarining at nakakita hello," mahabang litanya ni Margaux. Kumalas ng yakap ang Dad niya sa kaniya at naningkit ang mata. "What did he do?" tanong ng Daddy nila sa tahimik na si Emyrose. "Emyrose! Margaux!" alam niya pag ganoon ang tono ng Ama hindi nila mababali. "Daddy, he embarrassed Ate Emyrose. Gumawa siya ng eksina a-at, sinabihan niya si Ate Emy, nagmana sa magulang niya...masama raw-" hindi tinapos ni Margaux ang sinabi sa Dad niya at nakita agad ang galit sa mukha. Kumuyom ang kamao ng Daddy Denmark niya, ang Mommy naman niya ay panay saway na kumalma. Para naman inaadya ng pagkakataon at nagdatingan ang mga anak ng kaibigan ng Dad niya at ang makapal na mukha na si Hendrix naroon. Akala mo nalugi at totoong malungkot. Ang galing nitong actor. Nakukuha pang magpakita after his doing. Diba saan talaga ito nagmana sa sama ng ugali. Hindi naman ito napulot lang ng Tito Henry at Lynelle sa tae ng kalabaw at kakambal ito ni Ate Helena. Napasinghap ang lahat ng parang slow-motion ang nangyari. Isang malakas na suntok sa panga ang pinatikim ng Dad niya kay Hendrix. "Mister!"napasigaw ang Mommy niya. Sila naman lahat ay hindi nakakilos habang si Hendrix ay sumadsad sa sahig na hawak ang panga na nasaktan. Nakita pa ni Emyrose na pumutok ang labi nito dahil nagpunas ito sa labi gamit ang damit. "Damn you! Magmula sa araw na ito hindi ka na makakatapak sa pamamahay ko!" malakas na sigaw ng Dad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD