CHAPTER 10
THE KILLER LOVER
JOEMAR ANCHETA
"Magkano?" tanong ko nang naibsan ang pagkagulat.
"Ikaw, puwedeng sampung libo o kung malaki masyado sa'yo 'yun, limang libo. Dagdagan ko na lang doon sa allowance ko yung kulang."
"Oh? Talaga? Hingan mo talaga ako ng ganyang kalaki?”
“Kung wala naman okey lang. Akon a lang bahalang didiskarte.”
Huminga ako ng malalim. Weird. Hindi ko gusto yung nararamdaman ko.
“Pera pera lang ba ‘to?” tanong ko.
“Utang. Sige uutangin ko. Babayaran kita.”
“Sige na nga." Bumunot ako ng malalim na buntong-hininga. "Sana sinabi mo kanina para nakapagwidrow ako. May cash sa pitaka ko kaso 5,500 lang. Puwede na ba 'yun?" Nakangiti na ako. Ito pala yung sinasabi niyang dapat kapag magmahalan kami, suportahan namin ang isa't isa.
"Puwede na 'yan. Utang mo na lang yung 4,500. Saka mo na lang ibigay."
Mahal nga. Sobrang bagay lang yung tawag niya sa aking mahal. Oh my God! Ako pa yung may utang ngayon na 4,500. Naisip ko, meron naman akong maibigay. Saka tingin ko naman sa kaniya na hindi siya katulad ko na pinagpala kaya why don't you share your blessings sa mahal mo basta importante ay mamahalin din niya ako.
Pagkaabot ko ng pera sa kaniya ay pinisil niya ang kamay ko.
"Mag-ingat ka doon ha? Tawagan o text mo ako nang hindi ako nag-aalala dito. Puwede ka rin magmessage sa messenger para updated ako sa'yo okey?" nakangiti niyang bilin sa akin.
Biglang nawala ang agam-agam ko. Tanga na kung tanga pero may pera ako at boyfriend lang ang wala ako. Ipagkakait ko pa ba ang kaligayahang iyon sa sarili ko? Isa pa, kapag mahal niya ako, for sure naman, ako na ang nakikita niya at hindi ATM na pwede lang niyang widrohan.
"Ikaw din ha? Behave ka rito habang wala ako. Five days akong mawawala. See you when I get back, okey?" nanatiling nakahawak ang kamay niya sa akin.
"Hahalikan sana kita pero maraming tao sa paligid mahal ko. Pagbalik mo na lang ha? Hindi ako mahilig ng PDA eh. Mangyayari na 'yung magical na gusto mo.” Kinindatan niya ako. “Pa'no bababa na ako."
"I love you." Mahina kong sinabi bago niya binitiwan ang kamay ko. Ngumiti siya saka siya nagsaludo bago tuluyang bumaba.
Huminga ako ng malalim. Parang nahold-up din ako. Hindi nga lang ako tinutukan ng patalim pero masaya naman ako sa itinutok niya sa akin magdamag. Napangiti na lang ako dahil ngayon, hindi na ako single. Gustung-gusto ko nang palitan ang status ko sa f*******:. From single into relationship. I am sure, ikakagulat ito ni Mark, Sydney at nang iba ko pang mga kaibigang minamaliit ang aking kagandahan. Aba! Kung makita lang nila kung gaano kagwapo ang boyfriend ko. Paniguradong magmumukha silang nahulog na ice cream sa mainit na mantika sa hiya. Parang nakikinita ko na kapag i-post ko ang pictures naming dalawa ni Denver. Uulanin ito ng likes at ang mga nakakatakot na tanong. SINO siya? Saan mo nakilala? Bakit bang kailangan kong sagutin ang mga tanong na ‘yan? Sa in relationship na din ako brad!
Dahil may visa naman ako sa Canada madali para sa amin ni Mark ang bumiyahe sa Canada para makita at makausap niyang si Sydney. Kaibigan ko silang dalawa. Masalimuot ang kuwento ng kanilang pag-iibigan at alam nilang dalawa na suportado ako sa kanila noon pa man na maayos nila ang kanilang relasyon. Ngunit dahil kuwento ito ng buhay ko kaya hindi na ako magbibigay pa ng detalye sa buhay pag-ibig nilang dalawa. Wala na kayong pakialam sa mga pinagdadaanan nila. Mag-focus kayo sa kuwento ko. Mamaya sila pang maging bida. Moment ko to ‘no!
Habang hinihintay namin ang connecting flight naming sa Vancouver ay may umupo sa tapat ko. Tumingin siya sa akin at nang ngumiti ako ay saka naman siya tumingin sa kaniyang smart phone. Matangkad siya, sobrang gwapo at maputi. Mukhang ibang lahi ngunit napakalakas ng karisma niya sa akin. Para siyang may lahing Asian na Brazilian? I don’t know. Hindi ako bihasa sa pagkilala ng lahi. Feeling ko lang hindi talaga siya Pinoy. Basta sobrang guwapo na alam kong hindi niya kailanman mapapansin ang kagandahan ng kagaya konghindi pansining babae. Mukha nga akong lalaki manamit talaga. Hinintay ko siyang muling tumingin sa akin ngunit nanatili na siyang nakatingin sa phone niya. Huwag nang umasa pa, Julia. Katulad din iyan ng mga nakakasalubong lang sa Mall o kaya mga napapanood sa TV na hanggang tingin lang. Binuksan ko ang cellphone ko at tinignan kung may message na si Denver sa akin. Wala pa. Siguro hindi pa nga siya nakakapag-online.
Nilingon ko si Mark. Tahimik lang siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang kaniyang pakiramdam. Nakita ko pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha sa kanyang pisngi.
"Okey ka lang?" tanong ko. Kahit alam ko namang hindi. Inilabas ko ang charger ng phone ko para mag-charge dahil malolowbat na rin ako.
Huminga siya ng malalim. "Okey lang. Huwag mo na lang akong intindihin. Salamat sa pagsama sa akin, Julia ha?" sagot niya.
"Ano ka ba? Okey lang 'yun. Sabihan mo ako kung may kailangan ka ha? Nandito lang ako. Tigilan mo nga yang pagda-drama mo. Medyo nakakairita. Maging kayo rin ni Sydney. Ano k aba mahal ka no’n. Second Year High school pa lang tayo nakana mon a kaya huwag kang umarte na di mo pa nakukuha ang parte mo baliw!"
"Ang bastos mo! Marinig ka ng iba! Kaya ka hindi nakakana dahil ugali mo, hindi bagay sa yaman ninyong pamilya. Nakakahiya ka.”
“Sus! Meron ka bang hiya na ‘yan. Kinaladkad mo ako sa problema ninyo ni bestfriend. Kita mong may grand opening ang love life ko, eeksena ka agad.”
“Nagugutom ka ba? Kasi ang init ng ulo mo.”
“Hindi. Naiinis lang ako ng andami-dami kong nakikitang gwapo na suplado.” Tinignan ko ang lalaking ang gwapo talaga. Nakakainis.
“Ang landi mo. Virgin na tomboy-tomboyan pero ang landi lang. Hayan! Palapit na yata. Narinig ka."
“Ha? Ano k aba? Di naman pinoy ‘yan, di tayo naiintindihan!”
"Excuse me?" Lalaking-laki ang dating ng boses na iyon na siyang tuluyang nagpatigil sa mundo ko. Ano ba 'to? Sa pagkanganga ko pakiramdam ko para akong asong ulol na naglalaway.
Natameme ako. Nasa kabilang upuan lang ito kanina. Napakabilis naman niyang nakarating sa tapat ko. At bakit nandito siya? Hindi niya natiis ang kagandahang ito? Oh My! Siya pa talaga ang lumapit. Anlakas talaga ng dating ko. Akalain mong siya na sobrang gwapo ang mag-aaproach sa akin? Si Denver? Sino bang unang lumapit? Di ba siya rin? Naku, malapit na akong maniwala na ang ganda ganda ko talaga! Hindi ako handa. Ano 'to, nalingunan lang niya ako tapos lumapit na siya sa akin para makipagkilala. Hindi unang beses na nangyari ito, ginawa na din ito ni Denver sa akin. Ano ba talaga ang meron sa akin?
"Are you a Filipino?"
Gusto kong magsalita ngunit parang may buong itlog ng pugo na nakabara sa aking lalamunan.
"Are you okay?" napapangiti na siya.
Bakit kasi nanginginig ang pang-ibabang bahagi ng bibig ko at di ako makapagsalita.
"NO? I mean, Yes, I am a Filipina and..." sa wakas nagkaboses na rin ako. Di nga lang ako naging confident pero ang importante alam niyang marunong akong sumagot. Hindi pa tapos ang sinasabi ko nang muli na naman siyang nagsalita.
"Good. Alam ko namang Pilipino ka. By the way, I'm L-jay.”
“Ah pinoy ka rin?”.
“Yes.” Ngumiti siya.
Hindi ko alam kung ihaharap ko ang mukha ko sa kanya. Nakakahiya ako. Tumingin si Mark sa akin. Natawa
“Akala ko talaga ibang lahi ka. Sorry baka narinig mo ang mga sinabi ko kanina.”
“Don’t worry. I don’t care that much sa mga sinasabi ng mga nasa paligid ko. I didn’t hear you.”
“Hay naku! Mabuti na lang. How can I help you?” tanong ko.
“Sorry pero lowbat na ang phone ko at nakita kong may charger ka. Puwedeng hiramin?”
“Ah. Sure no problem.” Hay naku! Eto na naman tayo. Umaaligid ang mga may kailangan.
“I will just be sitting beside you para hindi mo isiping itatakas ko ang charger mo." Ngumiti siya.
“No worries, mukhang hindi ka naman magnanakaw e.” ngumiti ako.
“Here? Nah, sa airport? Hindi kita mananakawan ng kahit ano rito.”
Matatas siyang magtagalog samantalang mukhang hindi naman Pinoy.
Hihiram lang pala ng charger. Akala ko nagandahan lang siya sa akin. Oh My! Bakit ba lagi akong mali sa aking mga hinala. Hindi na ito maganda. Pero ang importante sa ngayon, lumapit siya at kinausap ako. Ang pangarap, ngayon ay nagkakatotoo na. Gusto ko siya kaso may Denver na ako. Kaya lang sayang naman ito, paano itong si L-jay? Nakikihiram nga lang ng charger at nasa airport lang kami, mamaya sasakay na siya sa flight niya at hindi ko na siyang makikita pa tapos may nalalaman pa akong paano na ‘tong si L-jay?
“Can I just get my baggage at babalik ako rito sa tabi mo?” pamamaalam niya.
“Sure.” Maiksi kong sagot.
Nang tumabi na siya sa akin ay hindi ko na mapigilan ang panginginig ko. Panakaw ko siyang sinusulyapan. Ang guwapo lang talaga niya. Bago siya lumingon sa akin ay nagawa kong ibinalik sa cellphone ko ang aking mga mata. Gusto ko siyang makakuwentuhan, hingin ang resume niya. OA lang, kahit f*******: lang niya okey na kaso hindi ko alam kung paano simulan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Gusto kong simulan ang aming pag-uusap pero hindi ko alam kung paano. Ilang minuto ding panakaw ko siyang pinagmamasdan at nakailang beses din niya akong nahuli ngunit ako itong si sira-ulo na unang bumabawi ng tingin. Kadalasan ay nagngingitian lang kami. Ganito ba ang pakiramdam kapag talagang gusto mo ang katabi mo? Huminga ako ng malalim. Now or never! Kailangan ko na siyang kausapin. Walang mangyayari kung pa-kyut lang ako. Matanda na ako para do'n. Oh my! Ako na naman yata ang gagawa ng first move. A desperate move indeed.