BABAE PO AKO

1854 Words
Chapter 11 The Killer Lover Joemar Ancheta "Saan ka pala pupunta niyan?" pagsisimula ko ng aming usapan. Tagal kong pinag-ipunan ng lakas ng loob iyon. "This is the final boarding call for passengers booked on flight 372A to Toronto. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call. Thank you." Panira ang announcement na 'yan. Di na lang nabulunan na muna kung sino man ang gustong pumigil sa aming eksena. "I have to go. Salamat...your name again?" nakangiti niyang inilahad ang kaniyang kamay.                 "Julia. Just call me, Julia." Kinakabahan kong pagpapakilala. Inabot ko ang kamay niya. Napakalambot nito. Sarap simutin. Ayaw ko na sanang bitiwan nang naramdaman ko ang bahagya niyang paghila. "Sige, Julia, ingat na lang sa byahe mo." Nakangiti siya. Nang bubunutin na niya ang charger ay pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Nagkatitigan kami. “Why?” nasa mata niya ang pagtataka pero, Oh my! Ang gawpao gwapo talaga niya. "Huwag mo nang bunutin, magchacharge pa naman ako." Sobrang lapit lang ang aming mga mukha. Pakiramdam ko ay parang sa movie na slow motion lang. Napalunok ako. Siya man din ay titig na titig sa akin na parang sinasakop na niya ang buo kong pagkatao. "I'm sorry." Siya ang unang nagsalita.                 Amoy ko ang bango ng kanyang hininga. Hininga lang kaya ang mabango sa kanya? Hindi pa rin natitinag ang pagkakatitig niya sa akin. "It's okey." Nanginginig kong sagot.                 "I have to go. Baka iwan na ako ng eroplano.” “Sure. Nice meeting you L-jay.” “Bye Julia!" pagpapaalam niya. "Bye," wala sa sariling sagot ko. At naiwan ako doong nakatulala. Nakatingin ako sa paghakbang niya palayo sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang lungkot. Siguro dahil alam kong iyon na ang huli naming pagkikita. Na hanggang sa terminal lang lahat. Nagsimula doon at matatapos na din doon ang aking kalandian at kahibangan sa kaniya. Bago siya tuluyang nakalayo ay lumingon muna siya at kinindatan ako. Parang may kung anong tumama sa puso ko. Tumayo ako. Nagsimulang kumilos ang aking mga paa. Hahabulin ko siya at kukunin ko ang contact number o kaya’y kahita nong social network na meron siya. Hindi ko dapat palagpasin ang pagkakatong ito. Desperada na rin naman ako, sagad-sagarin ko na. Kaso tuluyan na siyang nawala. Nanlumo ako nang nakita kong papasok na siya sa gate at wala na akong magawa. Bumunot ako ng malalim na hininga kasabay ng kanyang paglaho sa aking paningin. Bakit gano'n katindi ang nararamdaman kong panghihinayang? Tungkol sa travel namin ni Mark at ang pagkikita nila ni Sydney? Sa kanila na lang iyon. Huwag na tayong mangialam sa relasyon nila. Hindi tinanggap ni Sydney ang sorry ni Mark kaya naman umuwi kaming luhaan. Pati ako napagalitan ng bestfriend ko. Kinukunsinti ko raw si Mark. E di wow!                 Nakauwi kami sa Pilipinas ni Mark. Hindi ko tinawagan si Denver. Hindi ko sa kanya ipinaalam na na nasa Pilipinas na ako. Kinahapunan ay nagdesisyon na akong puntahan si Denver. Hindi na uso pa sa akin ang pahinga. Miss na miss ko na ang mahal ko. Gusto ko na siyang muling makita. Nang nasa tapat na ako ng tinitirhan niya ay hindi ko alam kung kailangan kong bumaba sa aking sasakyan at ipagtanong siya. Nakakaramdam kasi ako ng pag-aalinlangan nang muli kong sinipat ang suot kong straight cut pants at at polo shirt na maluwang. Naka-rubber shoes ako. Nakasumbrero.  Dahil sa excitement hindi ko naisip na ayaw pala niya ng pormahan ko. Ngunit ngayon lang na bababa na ako ko naalala. Pero kung mahal niya ako, dapat tanggapin niya ako ng ako at hindi ng gusto niyang maging ako. Doon ko lang mapapatunayan na mahal niya talaga ako. Hindi naman kasi ganoon kadaling baguhin ang fashion lalo pa't kinasanayan ko na ang ganoon mula pagkabata ko hanggang sa pumasok ako sa Pinoy Big Brother. Yes. You heard it right. Nag-PBB rin ako dahil sa kakulitan ni Sydney. Ang trip lang namin noong high school kami ay naging seryosohan nang pinili akong ipasok sa loob ng bahay ni Kuya. Akala nila doon ako mag-a-out sa aking tunay na pagkatao. Anong ia-out ko e babae naman talaga ako? Failed sila. Nauna akong na-evict dahil sa galawgaw ako at di raw marunong makisama. Why do I care. I am what I am. Love or hate me, I don’t care that much. Kanina nang umalis ako sa bahay, hawak ko ang mga lipstick ko at kolorete na nalumot na sa katagalan pero naisip kong polbo na lang. Hindi ako mahusay mag-make up. Baka maging disaster pa. Kung hanggang kailan ko panindigan ang tunay na ako, hindi ko alam. Mahirap lalo pa't hindi na naman talaga ako ang gusto ni Denver na maging ako pero sa ngalan ng pag-ibig, pilit kong gagawin pero not this time. Pagod ako sa byahe at sisilipin ko lang naman siya.        Hanggang naisip kong walang mangyayari sa akin kung matetengga lang ako sa sasakyan. Maghihintay ako dito ng wala. Bumaba ako at kinakabahan sa maaring reaksiyon niya pero sobrang excited din naman akong makita siya pagkatapos ng ilang araw naming pagkakalayo. Pumikit ako, gusto kong magiging si Kathryn Bernardo. Sa kilos at salita dapat kayang-kaya ko lang na gayahin siya. Pero nakainis, mukhang Daniel Padilla ang aking pormahan!                 Kumatok ako sa apartment na tinitirhan niya. Kinakabahan pa rin talaga ako sa kung ano ang magiging reaction niya.                 Walang nagbubukas ngunit naghintay pa rin ako at kumatok ng ilang beses. Hindi ko alam kung may tao nga ba sa loob at natutulog lang o sadyang walang magbubukas sa akin.          Muli akong kumatok at naghintay.                 Nagbukas ang pintuan. Isang lalaking hindi man kaguwapuhan ngunit may matipunong katawan ang nagbukas. Turon. Wala kang itatapon. Lahat puwedeng kainin. Naka-short ito ng maong na bukas ang butones nito. Pinagpapawisan ang katawan kaya lalo iyon nagpatingkad sa kaniyang kahubdan. Napalunok ako at agad na napako ang tingin ko sa halos nakaluwa nang madamong bahaging iyon ng kaniyang katawan. "Dito ho ba nakatira si Denver?" tanong ko.                 Kinakabahan talaga ako. Hindi ko magawang gayahin si Liza Soberano sa kanyang boses na pa-sweet. Astig talaga ang boses ko. nagtutunog tuloy Vice Ganda ang datingan. "Ahh, si Pareng si Denver. Naliligo e." Preskong sagot niya. Yumuko ako. Oh My! Ang hirap namang magsalita at kumilos ng hindi ako. Napalunok ako. Nakakapanghina naman kasi ang nang-aakit na kabuuan ng kaharap ko. Nag-eenjoy ang aking mga mata sa nakikita ko. "Puwede ko ba siyang hintayin, brad?" tanong ko.                 "O, sige pasok ka. Pasensiya na at makalat ha." May kakaiba na sa ngiti niya lalo pa't nahuhuli niya akong nakatingin sa katawan niya at bahaging iyon na madamo. Pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang mga iba pang mga bruskong naroon. May nakahilata at nakataas ang paa na nanonood ng TV. Bakit napakatagal pa bago nila ako pagbuksan e nasa sala rin lang naman pala sila? Pinagtitripan lang yata ako ng mga ito. Tinignan ko ang mukha ng lalaking nakahiga, hipon. Ang ganda ng katawan pero nang tumingin sa akin... nawalan lang ako ng gana. Ang isa naman sobrang payat ang katawan pero panalo ang mukha, lollipop. May isa pa doong nakatawag ng pansin ko, kahawig siya ni Denver ngunit seryoso. Nang pumasok ako ay agad niyang kinuha ang sando at isinuot iyon saka siya umakyat sa taas. Suplado. "Pre, bumangon ka muna at may maupuan ang magandang bisita ni Pareng Denver." Wika ni Turon. Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa ang sinabi niyang iyon. Pinilit ko pa ring ngumiti sa kanila bilang paggalang. Pagkabangon ng isa ay tinignan niya ako pataas-pababa na animo'y sinusukat talaga kung ano ako. O na. Straigh cut ang pantalon ko, naka-polo shirt akong itim na maluwang at naka-rubber shoes na parang panlalaki. So, anong problema mo? Siyempre sa isip ko lang. Gusto kong sabihing babae ‘to dahil hindi ko gusto ang ginagawa niyang pagsukat sa pagkatao ko. Idinaan ko na lang iyon sa paglabas ng cellphone ko at naglaro ng ML. "Upo ka, misss...ter" nangpipikon na banat ni Hipon.                 Gago 'to ah, makadiin naman sa misss bago ang ter. Hindi ko alam, pero noon ko naramdaman na parang nanliliit ako sa sarili ko. Unang pagkakataong naiparamdam sa akin ang kawalan sa akin ng paggalang. Yung pakiramdam na kinukutya ang ayos ko kasama na ng aking pagkatao. Hindi na ako mapalagay. Parang gusto ko nang magpaalam at hindi na muli pang bumalik roon lalo pa't nababasa ko sa kanilang pagmumukha na hindi welcome ang kagaya ko sa apartment nila. Si Hipon ay nagtotomboy-tomboyan at naging bading-badingan nang umupo sa tabi ko. Baka hindi nila alam na babae ako. Tingin nila, maaring tomboy ako o baklang naglalaki-lakihan. Mga buwisit! Hindi man nila iyon harapang sinasabi sa akin ngunit daig pa ang sinampal-sampal ako sa ginagawa nilang iyon idagdag pa ang kanilang mga ngitian sabay tingin sa akin. Yumuko ako. Gustung-gusto ko nang tumayo at umalis. Sa sasakyan na lang ako maghintay. "Uyy, Pareng Denver, may bisita ka!" astig na sinabi ni Lollipop. “Tibo? Bakla? Babae? Hindi namin alam e.” kasabay iyon ng kanilang tawanan. Mukhang mabait pa naman ang gago, yun pala nanaksak din. Gusto kong ihipan ng mailipad na sa kawalan. Nagulat si Denver nang lumabas siya sa banyo. Nagkatinginan kami. Hindi maipinta ang mukha. "Sandali lang." May diin na ang tinuran niyang iyon.                 Pumasok siya sa kuwarto. Nakatapis lang kasi siya ng tuwalya at alam kong kailangan na muna niyang magpalit. "Ateng, borlog muna akey. Mamaya na ang chikabels." Pabaklang tinuran ni Turon. Tumingin siya sa akin saka pakendeng na umakyat sa taas. Sayang, ang sarap ng pagkaluto pero bulok pala ang nasa loob. “Okey pare. Tulog ka lang! Akong bahala sa’yo pare!” tomboy-tomboyang sinabi ng hipon na nakatingin sa akin.                 Nagpigil pa rin ako. Kung hindi lang dahil kay Denver baka pagpasok ko pa lamang kanina ay nakatikim na sila sa akin nang di nila makain sa anghang ng aking pamamaliit sa kanila.                 Julia, huwag mong patulan. Hinga lang nang malalim. Huwag na huwag mo silang papatulan. Paulit-ulit kong sinabi sa akin sarili. Ilang sandali pa ay lumabas na si Denver. "Ang guwapo naman ni Papa Denver. Nakakabakla talaga siya di ba ate?" si Hipon.                 "Tol, tama na puwede? Walang ginagawa sa inyo ang bisita ko. Kung may bisita ba kayo binabastos ko ba sila?" Biglang natigilan ang lahat. Umayos na ng upo si Hipon. Mukhang natakot. Tumalikod si Lollipop.                 "Pasensiya na pero konting respeto lang naman sa kaklase ko.”                 “Kaklase ang ginamit niya.” Ikinahihiya nga niya ako. Halatang nasindak sila kahit iyon lang ang nabitiwan muna ni Denver na salita. “Nagmagandang loob lang ‘to na dumaan ‘tas paparinggan ninyo ng kung anu-ano. Pasensiyahan na lang tayo mga 'tol at insan dahil ako ang makakabangga ninyo kung kakantihan pa ninyo ang bisita ko. Babae ‘yan. Hindi tomboy, hindi bakla! Babae! Okey! Tang-ina lang!" Seryosong tinuran iyon ni Denver. Nakita ko ang galit niya sa pamamagitan ng paninigas ng niyang kamao.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD