bc

The Killer Lover

book_age18+
2.1K
FOLLOW
7.7K
READ
revenge
love-triangle
possessive
tragedy
sweet
bxg
heavy
first love
lies
like
intro-logo
Blurb

Hindi natin lubos na makikilala ang isang tao kahit pa matagal nang kakilala. Binago ni Julia ang kanyang pagkatao para sa matindi niyang pagmamahal sa first love niyang si Denver. Si Denver na akala niya ay siya na niyang una at huling mamahalin. Ngunit dumating si Luke, ang lalaki na pakiramdam ni Julia ay siya niyang ultimate at true love. Ngunit kasabay ng pagdating ni Luke ang pagkawala naman ni Denver. Kung kailan mahal na niya si Luke, saka muling nagpakita at bumabalik si Denver. Nangangako ang dalawang lalaki ng tunay na pag-ibig. Ngunit may multo ng nakaraan ang bumabalik. Isang kaluluwa ang nagpaparamdam kay Julia. Humihingi ng saklolo dahil muli na namang maghahasik ng kasamaan ang killer. Ngayon, sina Julia at ang lalaking tunay na nagmamahal ang pinupuntirya. Kailangang malaman ni Julia ang nakatagong sikreto bago pa mahuli ang lahat. Sino ba sa dalawang minahal niya ang killer? Ano ang kinalaman ng kaluluwang nagpaparamdam sa dalawa? Magtatagumpay bang muli ang killer sa masama nitong balak o malalaman agad ni Julia ang malagim na nakaraan at mauunahan niya ang Killer sa plano nito laban sa kanya. Si Julia na ba ang magpapalaya sa kaluluwang biktima at ang bagong bibiktimahin?

chap-preview
Free preview
NO BOYFRIEND SINCE BIRTH
THE KILLER LOVER By: Joemar Ancheta   CHAPTER 1                                 Hindi sa pagyayabang, mayaman ang pamilya ko. Ako yung tipong mayaman na may puso para sa lahat. Hindi ako kagaya ng ibang lumaking mayaman na maarte at maere. My parents raised me to be humble and easy to be with. Mukha lang akong maton, mukhang mahirap pakisamahan ngunit game ako sa lahat. Noong Elementary, High School at College ako tomboy o one of the boys ang tingin sa akin ng lahat. Nagbago na lamang ako noong may nakilala ako na siyang pilit nagpabago sa aking pananamit, kilos at pananalita. Madalas napagkakamalan akong wala lang. Kung hindi lang dahil sa mga tatak ng damit at bags ko isabay na rin ang aking kotse, alahas at gadgets, iisipin ng iba na ako’y simpleng babae lamang na lumaki sa middle class family. Iyon ay dahil yaya lang naman at mga kapatid kong limang lalaki ang nakasama ko sa buong buhay ko. Wala madalas sina Mommy at Daddy sa bahay kaya kung ano laruan at nilalaro ng mga kuya ko ay siya ko na ring nilalaro. Kung ano ang kanilang ugali at pananalita iyon na rin ang kinalakhan kong gayahin. Lumaki akong kilos lalaki na siyang kinabuwisitan sa akin ni Mommy. Kahit pa i-enrol nila ako sa mga mamahaling private school for girls noon, mas naging malakas pa rin ang hatak ng mga kasama ko sa bahay. Naging parang maton na rin ako magsalita at kumilos.                 Sa edad kong 19 noon, wala pa akong naging boyfriend. Hindi dahil sa pangit ako kundi siguro, akala ng iba eh tomboy ako dahil mas astig pa ako sa kanila kung kumilos. Dahil doon, walang mga lalaking nagkakamaling lumapit at manligaw sa akin. Sa tanang buhay ko, dalawa rin lang ang kaibigan ko, sina Mark at Sydney. Mas gusto ko kasi yung konting circle of friends lang. Kakaunti ngunit totoo. Ang kuwento ng buhay ko ay hindi lang sa pagiging no boyfriend since birth ko, ang pagiging virgin at mayaman kundi ito’y iikot rin sa dalawang lalaki na siyang nagpatibok sa aking puso at nagpagulo sa aking tahimik na mundo. Malaki rin ang nagawa ng pagkakaroon ko ng kakayahang makakita at makaramdam ng kaluluwa para malaman ang tunay sa peke. May mga nakikita kasi akong hindi nakikita ng iba. Hindi ko alam na ang kakayahan kong ito ang siyang tutulong sa akin mula sa isang matinding kapahamakan ko at nang taong tunay palang nagmamahal sa akin. May mga kababalaghang nangyayari sa ating mundo na hindi natin kayang ipaliwanag pati na rin ang Sensiya. Maaring ang kuwentong ito ay hindi paniniwalaan ng karamihan ngunit dahil sa ito’y totoong nangyari sa akin, handa kong ipaglaban ng p*****n. Hanggang ngayon, sa tuwing naiisip ko ang pangyayaring ito sa buhay ko ay bigla na lang tatayo ang balahibo ko at pinagpapawisan sa takot. Ngunit heto ako’t buhay. Mahirap ang may kapangyarihang nakakakita ng di nakikita ng iba ngunit kailangan yakapin at tanggapin ang kapangyarihang iyon para makatulong sa mga kaluluwang nanghihingi ng katahimikan. Ang pagkakaroon ko ng third eye ang siya ring nakatulong sa akin para mailigtas mula sa kapahamakan ang mahal ko at nang hindi matahimik na kaluluwa. Ako si Julia. Matangkad, maputi, balingkinitan ang katawan at may kaakit-akit na mukha. Boyish akong manamit kaya pati buhok ko ay maiksi rin. Gupit lalaki. Mas madali kasi sa akin ang kumilos ng ganoon. Sa ganoon kasi ako nasanay. Wala akong tiyagang magsuklay ng buhok at maglagay ng kung anu-anong make-up sa mukha. Hindi ko gusto ng kung anu-anong ipinapahid sa bibig para lang mamula. Kahit pa nag-aral ako sa mga sikat na private at exclusive schools for girls noong Elemetary at High School ako, hindi nakatulong iyon para magkaroon ako ng accent o kaartehan sa paraan ng pagbibigkas ng salita. Pati nga ang boses ko ay may kababaan rin kumpara sa mga babae. Nakaka-depress hindi ba? Dahil sa katangian kong iyon, alam ko sa sarili kong hindi ako perpektong babae. Magaling akong magpayo, madali para sa aking pagsabihan ang mga matatalik kong mga kaibigan sa alam kong tama ngunit pagdating sa mga naging diskarte ko sa buhay ay alam kong may mali. Oo, matalino ako, matalino raw ako, pero pagdating sa pag-ibig medyo may katangahan ako. Ngunit tama bang ikabit ang katangahan sa pag-ibig sa pagkatao? Sino ba sa kagaya ko ang minsan hindi nagpapakatanga para lang sa lalaki o sa pag-ibig? Si Wonderwoman nga may kahinaan, si Darna kung wala na ang kaniyang bato lumalabas din ang kaniyang pagiging tao, ako pa kayang simpleng babae lang? Isa ako sa mga masasabing nasa tamang edad na nang maisipang lumandi. Tamang edad na ba yung 20 ako? Ah, basta para sa akin, sa katulad kong never pa nagka-boyfriend, late na talaga iyon. Kung paglalandi ngang maitatawag ang paghahanap ng tunay na pag-ibig. Ingat na ingat akong masabihan ng ibang tao na malandi o papansing babae. Heto nga’t patapos na ang college life ko ngunit wala pa rin talagang nagkakamaling manligaw. Naisip ko, hindi kaya dahil sa pananamit ko? Hindi kaya dahil masyado akong seryoso o dahil school at bahay lang naman kasi talaga ang routine ng buhay ko? Hindi rin kasi ako nakikipag-usap sa mga kaklase kong mga lalaki. Alam ko namang maganda ako pero hindi ako lapitin o pansinin. Siguro kasi, umaasa ako na bigla na lang darating yung talagang lalaki para sa akin. Yung tipong kahit nakaupo ka lang sa park ay tatabi na si dreamboy o kaya kahit nagmamadali ako sa mall ay bigla na lang akong may makakabangga na Mr. Right. Hindi kaya kailangan ko nang gumamit ng mga pampublikong sasakyan para mas may chance na makakilala ako ng itinadhana sa akin at nang malagyan na rin ng icing ang ibabaw ng cupcake ko? Hindi kaya kapag sumakay ako ng bus ay may makikilala ako na kikindat sa akin at iyon na ang prince charming ng buhay ko? Naisip ko nga, si Cinderella na nahubaran lang ng sapatos may prince charming agad, o kaya ang binangungot na yatang si Sleeping Beauty na pagkagising may lovelife na. Hindi naman siguro question dito yung kagandahan dahil alam ko naman na meron ako no’n, kaya lang kadalasan landi ang kailangan isabay at iyon, sa pakiramdam ko, doon ako nagkulang. Hindi ko kasi alam kung paano lumandi ngunit iyon sa tingin ko ang kailangan ko munang matutunan.                 Nainip ako. Tama. Sa edad kong 20, nakaramdam ako ng lungkot at bagot. Lahat ng pinsan kong babae at ilan sa mga kaklase ko ay may mga boyfriends na. Pati nga ang kaibigan kong si Sydney ay may boyfriend na sa ibang bansa. Ako na lang talaga ang napag-iwanan. Mabuti nga yung mga kaklase kong bakla noon high school ako, may mga kuwento na sila tungkol sa kanilang mga karanasan. Nakikinig lang ako noon, tahimik na kinikilig. Tapos, ako itong tunay na babae, wala. Iniisip ko at naiinggit ako lagi kung kailan din kaya ako makaranas ng nararanasan na nila. Umabot ako sa college na wala pa rin talaga. May mga natitipuhan ngunit natatakot akong magtapat dahil bukod sa sila ay kaklase ko, kadalasan barkada ko pa at ang masaklap, nakakahiya para sa isang babae ang magtapat at manligaw. Kaya pilit kong nilalabanan ang bulong ng damdamin. Kung lahat tayo ay may nakalaan talaga para sa atin, nasaan yung itinadhana sa akin? Late ba siya? Kailan siya darating? May hinihintay ba talaga o kailangan ko na lang siyang hanapin o salubungin baka kasi naantala lang sa piling ng mga malalanding babae at feeling babae na mga bakla na nakikiagaw pa sa aming mga babae. May mga gusto naman ako pero pilit nililingkis ng mga nagmamagandang mga babae. Naalala ko pa noong unang araw na nagdesisyon akong maghanap. Nasa Canada na noon si Sydney ang kaisa-isa kong matalik na kaibigan. Siya lang ang tanging nakakasama ko noon, siya lang ang nakakakilala sa akin mula ulo hanggang paa. Nakakainggit nga siya kasi kahit high school pa lang kami, alam na niyang kung anong gusto niya at wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Kaya nga maaga siyang humarot. Siya may boyfriend na sa edad naming 15, ako nanatiling third wheel niya. Dala ng kalungkutan nang wala na sa tabi ko si Sydney n bestfriend ko, kaya nagdesisyon akong lumabas at maghanap. Iyon na ang tamang oras na maghanap ng lalaking masasabing magiging akin. Nangarap akong baka nga sa MRT ko na mahanap o kaya makasakayan sa jeep ang lalaking siyang unang magpapatibok sa aking puso. O, baka naman sa Mall lang siya naghihintay. Hindi naman ako naghahanap fireworks basta may ispark at gusto ko, pwede na siguro. Matagal na ako gumagamit ng kotse, umaasa na baka isang araw may kunyari magpapabangga, may makakaaway sa traffic, may makikisakay sa gitna ng malakas na ulan ngunit wala talagang nangyayaring gano’n. Minsan nga kapag guwapo ang nakita kong nagda-drive sinasadya ko nang gasgasan ang kanilang sasakyan ngunit anong napala ko? Pagmumura o kaya pagbabayad sa nasira. Kung hindi kasi pamilyado, bakla ang nagagasgasan ko. Sinadya ko na ring tumambay sa mga waiting shed kapag malakas ang ulan baka may biglang guwapong makikisakay pero grabe, inanod lang ng baha at pinasok ng tubig ang sasakyan ko, wala pa rin. Bumababa pa nga ako at nagpapayong ng malaki, baka lang may makisukob at magpakilala pero, nyeta, ni isa walang nagpakita. Hanggang sa tinanggap ko nang buum-buo na hindi magpapakita ang hinahanap kong Mr. Right sa pamamagitan ng paggamit ko ng aking sasakyan. Gabi na noon. Sumakay ako ng MRT papuntang Gateway kaya sa Cubao ako bababa. Hindi tumitigil ang aking leeg sa kasusulyap. Mahirap nang baka hindi ko makita o malagpasan ang aking hinahanap. Baka nga nasa tabi ko na pala ang ibinigay sa akin pero hindi ko pa siya napapansin. Maraming tao, siksikan, nagkakaamuyan na nga ng hininga, nagkakabundulan na ng katawan. Mabuti at natapat ako sa isang guwapo, matangkad at matipuno ang pangangatawan. Nakasando at short lang siya. Ramdam na ramdam ko kasi ang tigas ng kaniyang katawan na dumikit sa akin. Hawak niya ang mumurahing cellphone niya. Nang una, ngumiti ako sa kaniya pero nag-ipon pa ako ng ilang dangkal na kapal ng mukha at sandamakmak na lakas ng loob bago ko nagawa ang ngiting iyon. Idinaan lang niya ang tingin niya sa akin. Suplado. Parang walang nakita samantalang iyon na ang pinamatamis ko ng ngiti. Naisip ko baka hindi lang niya iyon napansin dahil nga naman sa sitwasyong para na kaming sardinas na pilit pinagkasya sa lata. Kahit hirap ay inapuhap ko at inilabas ang phone ko para malaman niya ang sign na kinukuha ko ang number niya. Itinaas ko iyon para makita niya sabay ng pahapyaw na tingin sa kaniya, huwag kang magkamaling tumingin, may pahabol pang matamis na ngiti 'yan, naisip ko. Una niyang napansin ang phone ko bago siya tumingin sa akin. Sapol! Nakuha ko na ang atensiyon niya. Kumindat, kasunod ng isang matamis na ngiti at OMG, namula ako ng todo sa hiya pero kailangan kong gawin ito dahil desperada na akong mkahanap ng aking inaabangang pag-ibig. Nagtama ang aming paningin. May kung anong naramdaman ako noon, kinakabahan ako lalo pa't napakalapit ng mukha niya sa mukha ko at heto siya't nakikipagtitigan na siya sa akin. Kumindat din siya nang huminto ang tren. Nasa Guadalupe station palang ngunit kumindat siya sa akin na parang nag-aayang mag-usap kami.                 "Excuse me." Buo ang boses na iyon nang sumingit at pilit dumaan siya sa harap ko. Syet! Lalaking-lalaki!. Dikit na dikit sa aking mukha ang kaniyang pagkatitig at may kasunod iyong kindat. Dumaan siya sa akin para tunguhin ang exit ng tren. Naisip ko, naka-first move na ako, hahayaan ko na lang bang iyon nang una at huli naming ngitian at paramdaman. Kung hindi ko siya susundan at siya na pala ang para sa akin, magkikita pa kayang muli? Kaya kahit pa sa Cubao sana ako bababa ay lumabas na rin ako. Lumingon siya sa akin. May ngiti sa labi. Ngumiti rin ako. Nang maka-exit kami at maipasok ko ang Beep Card ko ay akala ko maghihintay siya. Hindi. Hindi man lang niya ako hinintay. Umakyat siya sa hagdan ngunit panakaw siyang lumingon sa akin. Sumunod lang din ako sa kaniya ngunit kinakabahan ako nang hindi ko maintindihan. Siguro nga dahil unang beses kong gagawin ang sumunod sa isang lalaki guwapo at macho. Para akong asong bumubuntot sa among may dalang buto. Pumasok kami sa lumang mall ngunit hindi pa siya doon humihinto ngunit panay lang ang lingon niya sa akin at ang kaniyang nakakangatog sa tuhod na ngiti. Hanggang sa lumabas siya sa mall. Hindi pa rin ako sumusuko, sumunod ako hanggang sa nakita kong sumuot siya sa madilim na eskinita. Huminto ako. Nagdalawang isip kung kailangan ko pa bang sundan siya hanggang doon. Kung interesado siya sa akin, bakit hindi na lang ako hinintay sa mall? Bakit pa siya nagpapasunod hanggang sa madilim na bahaging iyon. Huminga ako ng malalim saka nagdesisyong huwag na lang siyang sundan. Alam kong may binabalak iyon na masama sa akin. Hindi dapat ako umaaktong ganito. Nakakawalang respeto sa p********e ko. Pabalik na ako sa Mall nang bigla niya akong sinunggaban. “Akin ang cellphone mo kung ayaw mong itatarak ko sa tagiluran mo ang kutsilyo,” banta niya. May mga naglalakad pa naman mga tao pero hindi ako makahingi ng saklolo. Para akong estatwa na walang magawa hanggang sa kinuha na lang niya basta ang hawak kong cellphone saka mabilis na umalis. Ilang segundo pa ako doong nakatayo. Kinakabahan. Natatakot.                              Naisip ko. Ganoon na pala ako talaga kadesperada. Para na akong bakla na naghahanap ng booking. Babae ako at hindi ako dapat naghahabol sa lalaki. Iyon ang napala ko. Nanakawan ng cellphone dahil sa pagiging desperada. Kaya mula no’n sinabi ko sa sarili kong hindi ako magpakababa para lang magka-boyfriend. Maganda ako, matangkad, boyish man magdala ng damit ngunit babae pa rin ako. Hanggang nang nasa 4th Year College na ako at abala akong nagre-research para sa aking assignment ay may tumabi sa aking isang guwapong istudiyante. May hinahanap siya sa bag niya. Tumayo pa ito at inapuhap niya ang kaniyang bulsa. Tumingin ako sa kaniya at tumingin din siya sa akin. Sabay na gumuhit ang ngiti sa aming mga labi. Babawiin ko na sana ang tingin ko nang magsalita siya. Mukhang nahanap ko na yata ang lalaking para sa akin,    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Revenge

read
55.8K
bc

Her Devirginizer (Cougar Series #2)

read
598.6K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

DARK DESIRE (SPG)

read
41.4K
bc

Taming His Heart

read
46.5K
bc

My Son's Father

read
586.1K
bc

Withholding Love

read
62.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook