LANDI

1400 Words
CHAPTER 6 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Ayaw pang umamin ah!" kasunod iyon ng kaniyang nang-aasar na tawa. Naiwan ako sa ere na umaasa. Oh my! Alam mo yung feeling na dapat magco-coment ka ng mahaba sa isang gustung-gusto mong status o picture tapos bigla na lang buburahin ng nagpost? Siyempre brad, hindi ganun lang yung pakiramdam, higit pa ro'n. Napahiya talaga ako.                 Yumuko ako. Hiyang-hiya ako dahil alam ko namang amoy na amoy na niya ang pagkagusto ko sa kanya pero pilit ko pa din itong itinatanggi at nilalabanan ang aking emosyon.                 "Puwedeng bang mag-boxer short brad? Hindi kasi ako comfortable na umupo." Alam kong paraan din niya iyon para mabasag ang nagharing katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko na tuloy siya matignan pa ng diretso.                 "Sige lang," sagot ko.                 Tinutok ko ang mga mata ko sa TV. Kunyari nanonood ngunit napapalunok ako nang nararamdaman kong hinuhubad na niya ang pantalon niya. Lumingon ako sa malaking salamin. Kitang-kita ko ang lalaking-lalaki na muscles ng kaniyang hita at binti. Lalo na ang hubog ng kaniyang puwit. Boxer brief na lang ang suot niya at sinisilaban na ako ng umaapoy na pagnanasa. Nakita kong lumingon siya sa salamin kung saan ko palihim na tinitignan ang kaniyang kahubdan. Kinindatan niya ako. Mabilis kong ibinaling ang tingin ko sa TV kunyari, inilipat ko ang channel. Alam ko namang nakita na niya ako. "Tsk! Tsk! Hirap niyan brad. Baka himatayin ka na sa pagpipigil." Kinuha niya ang aming mga baso at muling nagsalin doon ng beer. "Oh, eto, inom pa." Iniabot niya sa akin ang baso at nang kunin ko iyon sa kaniyang kamay ay nakita ko ang nakahulmang iyon sa kaniyang masikip na boxer brief. Mabilis kong kinuha ang beer at sinaid ang laman niyon. Gusto kong mawala ang kakaibang pagkauhaw ko. Oh my! Parusa ba ito? Pa-request at pasend nga ng extra energy para may lakas pa akong labanan ang mga ganitong ginagawa niya sa akin. Lumalim ang gabi. Napadami na rin kami ng nainom. Pabagsak siyang humiga sa kama ko at nakapikit niyang tinanggal ang kaniyang sando. Isang hubad na Adonis ang nakahiga sa harapan ko. Iniwasan kong pagmasdan iyon ngunit nang nasiguro kong nakapikit na siya ay nagsawa ang aking mga mata sa kanyang kahubdan. Sinong hindi mababaliw sa mukha at katawang ito? Napakagwapo niya, napakasarap lang talagang halikan ang kaniyang mga labi at haplusin ang makinis at parang nililok niyang katawan. Sinong babae na tigang at naghahanap ng karanasan ang hindi kusang luluhod kahit pa siguro may bubog ng basag na salamin ang luluhuran? Paniguradong titiisin ang sugat kung siya lang din naman ang kabayaran. Nakainom ako. Ganoon din siya, ngunit alam kong kaya ko pa ang sarili ko. Nakatihaya pa rin siya. Tumabi ako sa kaniya. Nakikiramdam ako kung tulog na siya. Kahit pa bumibigay na rin ang talukap ng aking mga mata at medyo hilo ay ayaw kong tulugan siya. Paano kung hindi na nga maulit ang pagkakataong ganito? Sabi nga niya kanina, tripper lang siya. Baka wala nang kasunod pa ito. Baka tatanda akong virgin. Baka naman ga-graduate ako sa college na hindi man lang nahalikan g lalaki. Hindi na siya gumagalaw. Tulog na yata siya sa kalasingan. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Nakagat ko ang labi ko. Nakapasarap lang kasi talaga niya. Dahan-dahan akong umusog sa tabi niya. Dama ko na yung init ng kaniyang braso na nakadampi sa aking braso. Steady lang muna ako. Baka magising. Kinagat ko ang labi ko. Nagsimulang parang tambol ang kaba sa dibdib ko. Paano ba 'to? Tumagilid ako. Hinarap ko siya. Dahan-dahan lang at baka magising. Narinig ko ang mabigat niyang paghinga. Tulog na. Pumipikit na ang aking mga mata sa kalasingan ngunit ginigising ako nang nararamdaman kong pagnanasa. "Huwag na huwag kang maidlip Julia" bulong ko sa aking sarili. Itinaas ko ang isang kamay ko. Nanginginig ito. Natatakot pa din ako kung itutuloy ko bang idantay ang mga ito sa kaniyang dibdib o hindi. Paano kung magising siya? Baka isipin niya kababae kong tao pero nananamantala pa ako. Napaka-cheap. Nakakababa ng moral. Nakakabawas ng p********e. “Huwag Julia. Hindi ka gano’ng klaseng babae,” bulong ko sa aking sarili. Napalunok ako. Sobrang lakas na ng kaba ng aking dibdib. Hanggang sa tuluyan nang nilakasan ko ang loob kong tuluyang ipatong ang braso ko sa kaniyang dibdib. Sumasabog na ang puso ko sa hindi ko maipaliwang na langit. Nagsawa ang kamay ko sa pamamasyal sa dalawang maumbok niyang dibdib. Imbes na magising ay mas lumakas ang kaniyang paghilik. Iyon na ang hudyat na ibaba ko pa ang mga kamay ko sa kaniyang tiyan. Ano bang meron sa p*********i ng mga lalaki? Anong pakiramdam ng makahawak no’n? Nakaka-curious lang. Gusto ko namang kahit papaano may alam. Banayad lang. Ayaw kong magising siya at mahuli niya ako sa ginagawa ko. Napapakagat ako sa aking labi. Dama ko ang init ng kaniyang katawan. Ang magandang hubog ng kaniyang kahubdan ay nasa aking mga palad. Hanggang sa huminto ang kamay ko sa garter ng kaniyang boxer brief. Sobrang bilis at lakas na ang kabog ng aking dibdib na parang tumatalon-talon na ang aking puso. Ipapasok ko ba ang kamay ko roon? Hindi kaya siya magigising? Paano kung tatangihan niya ako? Nakakahiya sa kagaya ko. Napakadesperadang move. Hanggang sa nagdesisyon akong sa ibabaw na lang ng boxer brief niya ipatog ang aking nanginginig na palad. Hindi ko na makontrol ang sumasabog kong pagnanasa nang tuluyan ko nang naipatong ito doon sa kaselanan niya. Dama ko ang hindi ordinaryong sukat nito. Gusto kong magmura ng magmura sa saya. Nag-uumapaw ang aking kaligayahan. Nangyayari ba talaga ito? Ngunit ang tulad kong hawak na ang pagkakataon ay hindi basta-basta makukuntento. Gusto kong angkinin iyon. Ang pintig niya, ang tunay na sukat niya, ang init nito at kakaibang tigas. Wala nang naiwan sa akin na pagtitimpi. Tuluyan na akong ginapi ng makamundo kong paghahangad. Wala na akong pakialam kug babae ako, hindi naman ako naging Maria Clara sa harap niya. Hindi naman din ako nagiging mahinhin. Eto lang ako. Babaeng tigang. Babaeng desperadang makahawak man lang. Dahan-dahan pumasok ang walang pakundangang palad ko sa kaniyang boxer brief. Nang makapasok ang aking mga daliri ay nakiramdam ako kung nagising ko siya sa ginagawa ko. Kahit katiting lang kasi na paggalaw niya ay mabilis ko pa lang iyong mabunot mula sa kaniyang boxer brief dahil kalahati palang ng daliri ko ang nakapasok ngunit patuloy lang ang malakas na paghilik. Hanggang sa tuluyan ko nang ipinasok doon at sapol na ang matagal ko nang pinapangarap na himasin. Naramdaman ko ang pagkislot at lalong pagtigas nito. Dahan-dahang umangat ang aking ulo para silipin ang ginagawa ng palad ko. Ngunit gumalaw siya. Mabilis kong nabunot ang kamay ko mula roon at kunyaring humihilik na din ako. Oh my God! NO! Hindi ko dapat isinasali ang Diyos sa aking kabastusan. Dapat “Oh My!” lang. Naramdaman na kaya niya! Paano na 'to? “Hilik lang, Julia. Pekeng malakas na hilik. Kailangan mong magtulug-tulugan. Kailangan mong magkunwari na wala kang alam sa mga ganyang kamunduhan. Di ba nga virgin ka?” iyon ang tumatakbo sa isip ko. Tumagilid siya patalikod sa akin. Nagpatuloy ang kaniyang paghilik. Tulog na kaya talaga siya?                 Nawala na ang antok ko pero nandoon pa rin ang kakaibang init sa aking katawan. Nag-behave ako ng ilang sandali. Ipinatong ko ang kamay ko sa kaniyang tagiliran. Nakahandang ipagpatuloy ang naunsiyaming pamamasyal nito sa kamunduhan.  “My God! Julia, ingat lang,” bulong ko sa aking sarili. Huwag magmadali. Dahan-dahang muling pumasok doon ang nanginginig kong palad. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ay dumapa na siya kaya walang naging kawala ang kamay ko. Naipit na doon at hirap na akong bunutin na di ko siya magigising. Nakadiin ang kamay ko at ramdam ko ang paglapat ng kaniyang tigas na tigas na ari sa aking palad. "Bukong-buko ka na Julia," bulong ko sa aking sarili. Paano ba 'to ngayon?                 Hanggang sa naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at tumihaya siya.                 Nakita kong dumilat siya.                 Pumikit ako. Humilik ako. Pekeng hilik na magtatago sa ginawa kong kahihiyan.                 Bumuntong-hininga siya.                 Pekeng malakas na hilik ang isinagot ko.                 "Julia, huwag kang magtulug-tulugan at baka hindi ka na magising. Hindi ako tulog. Hindi din ako sobrang lasing para hindi ko naramdaman ang mga ginagawa mo sa akin."                 Hindi ko alam kung paano ko ihaharap ang mukha ko sa kanya. Ang landi ko lang kasi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD