CHAPTER 7
THE KILLER LOVER
JOEMAR ANCHETA
Hindi pa rin ako gumagalaw. Pinanindigan ko ang pagiging tulog. Nahihiya kasi ako. Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya? Kababae kong tao pero nandadakot. Isa pa, nagsasabing virgin pero di makapagpigil. Isang nakakahiyang gawain. Hindi ko naman din pwedeng irason na dahil lasing ako di ko alam ang aking ginagawa. Lasing ako oo, pero alam kong may ginawa akong mali. Nakakainis!
"Huwag ka ngang umarteng tulog."
“Hmnnnn…” Umungol ako. Ungol na parang ginigising. Oh My! Ayaw kong dumilat dahil alam kong nakatitig siya sa akin.
"Hindi magandang gawain ang gusto mong gawin sa tulog o lasing na lalaki para lang mapagbigyan mo ang curiosity mo. Masaya ka bang gawin iyon? Yung panakaw na pakiramdaman ang akin?"
Nanatili akong nakapikit. Napahiya ako. Nahihiya ako, actually.
"Uyy! Dumilat ka nga." Siniko niya ako. "Huwag kang mahiya dahil normal na ginagawa iyan ng mga katulad mong pilit nagtatago ng damdamin. Yung babaeng nasa loob ang landi. Mga curious kung anong pakiramdam. Ginawa mo nga iyon eh, dapat panindigan mo na lang. Huwag mong ikahiya yung totoong ikaw."
Dumilat ako pero hindi ako tumingin sa kaniya. Nawala yung naramdaman kong libog. Pumalit doon ay matinding kahihiyan.
"Una pa lang alam mo na na gusto rin naman kita. Kaya lang di ba sabi ko, may mga bagay lang tayong dapat ayusin? Pangalawa, pinapaamin na kita kung gusto mo rin ako, hindi mo ako sinasagot. Alam mo ba kung bakit kahit friend na kita sa f*******: ay hindi ako nagmessage sa'yo? Kasi tingin ko iba ka. Lakas makalalaki ang mga pictures mo roon e." Tumawa siya.
"Friend kita sa sss?" paninigurado ko.
"Oh! Bigla ka yatang nagising. Nakakagulat ba?"
"Ibig sabihin, no’ng nilapitan mo ako sa library, friends na tayo noon sa sss?"
"Oo naman. Kaya sinabi ko noon sa’yo na familiar ka para sana maalala mong nasa friend list mo ako. Hindi moa lam? Hindi ka man lang ba aware sa mga kaibigan mo sa f*******:?”
“Hindi ko alam.”
“Nag-friend request ka sa akin, tapos hindi ka man lang nagkaoras na i-view ang ibang mga pictures ko?”
“Ako?” nag-isip. Pilit kong inalala. “Nag-friend request ako sa’yo?”
“Oo nga. Ikaw ang nag-add sa akin.”
“Wehhh imposible.”
“Kita mo ‘to. Basta add na lang ng add? Noong in-accept ko ang friend request mo, tinignan ko muna ang profile mo. Gusto kita noon pa man kaya naman naikintal na sa isip ko ang mukha mo. Kaya nga nang makita kita sa school, sabi ko, puwede.”
“Pwedeng ano?” sagot ko.
“Basta. Alam mo na ‘yon,” sandaling katahimikan.
“Kaya nga nang lumapit ako sa'yo,” pagpapatuloy niya. “Nagkunyarian akong walang ballpen para lang may dahilan akong kausapin ka.”
“Talaga? Kaya pala…”
“Kaso, badtrip, may napansin ako sa’yo. Matigas kang kumilos. Gusto ko kasi ng babae. Gusto kong mabago naman ang relasyon ko. Hindi astig. Hindi kagaya ng past ko. Kapag nagmahal ako, dapat babae na.”
“Anong ibig mong sabihin sa dapat babae na?”
“Yung babaeng-babae na?” nakita kong napalunok siya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. “Yung babae magsalita, babae kumilos, babae manamit.”
“Ah okey. Akala ko kasi-“
“Kaya napansin mo?” Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko pa sana, “Bigla akong nawala. Bigla akong umiwas kasi ayaw kong kilos mo at yung bitaw mo ng iyong mga salita kaya hindi ka pumasa sa hinahanap ko. Ayaw kong astig na babae.”
“Ayaw mong astig na babae? Ayaw mo sa akin?” hindi ako makapaniwala.
“Gusto nga kita hindi ba. Kung pwede baguhin moa ng ways mo, mas magugustuhan pa kita. Baka nga matutunan pa kitang mahalin. Yung actuations mo kasi medyo foul sa akin, nawawalan ako ng gana sa’yo.”
“Ah kaya pala bigla ka na lang nawala.”
“Oo. Kaya kapag nakikita kitang nasa library noon hindi na ako tumutuloy. Sinikap kong iwasan ka. Pero pinagtagpo pa rin tayo sa canteen at nakita ko naman na you're trying your best para magpakababae sa harap ko. Kaya lang kahit anong gawin mo lumalabas yung pagka-astig mo e. Ngunit may nakita ako sa'yong kakaiba.”
“Ano ‘yon?”
“Siguro yung likas na kabaitan mo? Kaya pagka-inosente. Yung ganda ng mukha. Kaya nagdesisyon bigyan ka ng chance. Kausapin kung pwede kitang baguhin. Gusto kong i-try ka.”
"I-try na ano?" tanong ko. Nakapag-ipon na ako ng lakas ng loob na harapin siya.
Nagkatinginan kami. Siya ang bumawi ng kaniyang tingin.
"I-try na maging kaibigan. I-try kung puwede tayo? I-try kung pwede ka pang ma-polish," sagot niya.
Natigilan ako.
"Sabi mo tripper ka. Di kaya trip lang din ito sa’yo?"
"Kung trip lang kita, sana nag-message na lang ako sa f*******:, makipag eyeball at magrenta ng room sa hotel. Ganun kasimple ang trip. Hindi yung ibigay ko pa ang personal number ko, sasama sa mismong kuwarto mo, makipagkuwentuhan ng ganito.”
“So, sinasabi mo bang hindi lang trip ito?”
“Ano ka ba Julia? Kailan ka ba ipinanganak? Dapat alam mo na lahat 'yun?" ipinatong niya ang braso niya sa kaniyang noo.
"Sorry, hindi ko kasi alam yung mga ganitong kalakaran. Wala pa akong nakarelasyon. Lahat ng ito bago sa akin," sagot ko. Tumingin ako sa kisame. “Sorry sa ginawa ko. Tama ka naman. Na-curious lang ako. Tama ka rin, gusto kong makahawak, makaramdam ng kuwan ng lalaki. Hindi ko kasi alam kung anong pakiramdam.”
“Oh ngayon, nakahawak ka na. Masaya ba? Nakuha mo ba yung satisfaction na hinahanap mo?”
“Hindi ko alam.”
Huminga siya nang malalim. "Okey kung gusto mo ng trip, magsex tayo ngayon. Pagbibigyan kita.”
Napalunok ako. Hindi ko alam ang isasagot ko.
“Gawain ko 'to e. Sanay ako sa ganito. Pero Julia sinusubukan kong muli gawin ang lahat sa tamang pamamaraan. Gusto ko, sa'yo ko sisimulan yung tama at dapat. Marami akong nakaraan na gusto kong kalimutan at baguhin. May pagkasino ako na gusto ko nang takasan at ikaw, ikaw Juls ang nakita kong makakatulong para ma-diretso ang buhay ko. Ikaw ang nakita ko para maging ganap ang aking isang tunay at mabuti kong pagiging lalaki.”
“Ganyan ka ba talaga magsalita?”
“Bakit? Anong mali?”
“Ang lalim mo kasi. Hindi kita maiintindihan.”
“Hindi mo naman kailangan intindihin ako. Tanggapin mo lang ako. Mahalin. Magbago ka sa mga kilos at pananalita. Irespeto at sundin mo ang gusto ko. Maging ayos tayo.”
“Kapag magsalita ka, parang sinasabi mong gusto rin kita ah.”
“Hindi nga ba?”
“Hindi mo ba naisip na baka gusto ko lang maka-experience? Na baka gusto ko lang rin maramdaman na babae ako. Walang personalan. Walang string attached.”
“Hindi ganoong babae ang tingin ko sa’yo, eh. Hindi ko naman na dapat pang alamin kung gusto mo ako. Hindi ko na dapat pang marinig pa iyon mula sa’yo. Alam ko na Ngunit ngayon palang, sinasabi ko sa'yo, turn off ako sa tomboy. Nawawalan kasi ako ng gana. Isa iyon sa pinakamahalagang hinahanap ko sa karelasyon, dapat kung magmahal na rin lang ako at pumili ng isang babae, yung babaeng-babae na at hindi yung babae nga, lalaki naman ang tingin ko sa kanya tuwing magkasama kami. Ngayon, tatanungin kita, kaya mo bang gawin iyon sa akin? Kaya mo bang magpakapino? Kumilos at manamit na parang isang tunay na babae?"
Napaisip ako. Ganoon na ba katigas kilos ko? Para sa akin babaeng-babae na ako. Anong pinupunto niyang katigasan? Sabagay ito na yung problema nina Mommy at Daddy sa akin. Nang mga pinsan ko. Ngunit okey naman ako sa mga kaibigan ko. Okey naman ako sa mga kapatid kong lalaki. Bakit ngayon, naging problema na yung pagiging iba ko sa ibang mahinhin at malamyang kumilos na mga babae?
"Ano? Kaya mob a?" naghihintay siya ng sagot ko.
“Hindi ko alam.”
“Hindi mo alam o hindi mo gusto?”
“Hindi ko alam ang kaastigang tinutumbok mo? Tingin ko naman babaeng-babae ako magsalita at kumilos. Hindi pa ba sapat na gusto kita, na hinawakan ko yung ano mo para mapatunayan lang sa’yo na babae talaga ako?”
“Look, alam ko. Babae ka. Tunay kang babae. Paano yung ibang tao? Yung hindi ka kilala?”
“Kailangan bang isipin sila? Hindi ba dapat tayo lang ang nagkakaintindihan? Ano bang mali sa akin na sa tingin mo, hindi maiintindihan ng ibang tao?”
“Yung lakad mo siguro? Yung astig ng balakang mo. Walang pilantik, wala man lang kahit konting kendeng. Lalaki kang tignan lalo na yung kanina na nakasumbrero kang patalikod. Yung naka-tshirt kang pambahay na maluwang. Gusto ko naman sana, yung maturn on ako sa’yo. Kaya nga gusto kong magbago, gusto kong sa tamang babae ako dahil mismo sa sarili ko, may pinagdadaanan rin ako. May kung ano rin akong nilalabanan. May mga issues rin ako na dapat kong tugunan pero sana ako na lang ang aayos no’n. Tulungan mo akong ayusin iyon sa aking pagkatao. Sana maturuan mo ang sarili mong ayusin yung may kakaiba sa facial expression mo? Yung mismong pananamit mo.”
“Talaga? May mali sa pananamit ko?”
“Hindi mo alam? Tumitingin k aba sa mga fashion magazines ng bagay sa’yo? Alam mob a kung anong bagong trend para sa babae? Anong lipstick o make-up ang bagay sa’yo? Kasi wala akong nakikitang gano’n sa’yo. Pati nga pabango mo yata. Panlalaki. Ang lakas ng amoy eh. Hindi sweet. Yung terno at mga dark colors na suot mo, sapatos at damit? Walang babaeng babae na nagsusuot ng mga palaging blac na t-shirt na maluwang na binagayan ng straight cut pants at rubber shoes tapos may patalikod ka pang sombrero na akala mo siga lang sa kalye.” Huminga siya nang malalim na tumitig sa akin. “Sayang e. Nakatago ang ganda mo. Tingin mo, okey na ‘yan sa’yo?”
“Kasi akala ko, okey ako. Mas babae ako kumilos kumpara sa ibang babae.”
“Mas babae kumilos kaysa sa ibang tigasing tibo,” paningit niya.
Hindi ko pinansin. “Yung pananamit naman, madali lang naman ‘yon hubarin at palitan ng gusto mong kulay, ng gusto mong fashion o trend?”
“Oh, bakit hindi mo gawin?”
“Sige, para sa’yo kakayanin ko. Sabihan mo ako kung sa tingin mo mali ang ikinikilos ko at bigyan mo lang ako ng sapat na panahon para mapag-aralan," sagot ko. Seryoso na ako sa sinabi kong iyon. Hindi ko kasi kayang mawala pa ang pagkakataong ito. Yung lalaki na sinasabi sa akin kung anong mali. Yung lalaking naghihintay na maging white swan ako.