TRIPPER

1789 Words
CHAPTER 5 The Killer Lover Joemar Ancheta                 "Tomboy ka ba talaga?" walang kagatol-gatol na tanong niya sa akin. Alam ko namang iyon ang iniisip niya ngunit like hello, hindi ko akalain na ganoon kadiretso siyang magtanong. Hindi ko naisip na bigla lang niya pala akong sasaksakin. Hindi kaagad ako nakasagot. Iniisip ko, may tomboy bang ganito makatingin sa kanya? May tomboy bang napapalunok sa tuwing tinitignan siya? "Tomboy? Sinong tomboy? Ako?” “Oo, hindi ba? Ang astig mo kasing kumilos e.” “Naku! Hindi, brad," sagot ko. "Alam mo brad, walang kaso sa akin kung tomboy ka o hindi." Kumuha siya ng pulutan. Ngumuya. “Ah, sigurado ka okey lang sa’yo na ganito ako kumilos at magsalita?” "Oo naman. Sa ngayon, walang kaso ‘yon. Babae pa rin kasi ang tingin ko sa’yo.” “Sa ngayon? Anong ibig mong sabihin sa ngayon?” “Gusto kita pero may kondisyon.” “Ano? Gusto mo ako?” “Oo. Kung kaya mo namang ipino pang konti ang iyong kilos, tono ng boses at pananamit, pasok ka sa akin. Turn off kasi ako sa mga gumagamit ng salitang bading pero mukhang tibo naman.” “Ah gusto mong babaeng-babae ako?” Ngumiti siya.  “Medyo matigas ka sa gusto kong babae. Medyo naaburido rin ako sa paggamit mo ng mga salitang bakla. Hindi bumabagay sa ganda mo yang ganyang nakasumbrero ka pa, titnataas ang manggas ng damit mo na para bang nakakasiga. Umupong nakabukaka na parang walang iniisip na masilip sa’yo. Kung sana magpakababae ka lang, panigurado maraming magkakagusto sa’yo. Saka brad, hindi ako tanga. Alam ko may gusto ka sa akin." Kinuha niya ang baso ko. Nagsalin siya ng beer doon.                 Katahimikan. Wala akong maapuhap na sasabihin. "Nagka-boyfriend ka na ba?" tanong niyang muli. Alam kong punupunto pa rin ang pagka-tibo kong kumilos. Gusto kong isipin na usapang magtropa lang ‘to, kantiyawang lasing, kaya lang para akong nilalagnat sa mga tanong niya? Nagsabi naman ako una pa lang na babae talaga ako at di ko na alam kung paano sagutin ang mga susunod lalo pa't parang may connection na ang lahat. Kahit malamig ang buga ng aircon ay pinagpawisan ako. "O, sige, kahit hindi na tungkol sa boyfriend,” ngumiti, kinindatan niya ako. “Nakipagsex ka na ba sa babae?" tanong niyang muli nang hindi niya ako mahintay na sumagot. Gusto kong maduwal sa tanong. Ngunit hindi ko na kinakaya pa ang sinasabi niya sa akin. "Walang naging girlfriend. Wala ring naging boyfriend. Certified virgin pa ako at babae po ako," sagot ko. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo. "Virgin. Kahit sa kapwa mo babae?" tanong niya. “Grabe talaga ang tingin mo sa akin, ano? Nakaka-“ “Sorry. Nagtatanong lang. Huwag kang mainis.” Tinanggal niya muli ang sombrero kong nakapatong lang naman sa ulo ng patalikod pero lagi niyang pinagdidiskitahang tanggalin. “Kung virgin ka sa babae, eh sa lalaki kaya?” Nakatitig siya sa akin. Binasa niya ang bibig niya. Pakiramdam ko nang-aakit ang kaniyang mga tingin. Pakiramdam ko lang naman ‘yon. Baka lang naman kasi natamaan na siya sa iniinom namin kaya ganoon lang ang tingin ko sa ginagawa niya. "Virgin nga ako, kahit sa kanino. Ano ba itong pinag-uusapan natin?" reklamo ko. "Okey. So maliwanag ang usapan. Hindi ka tomboy?” Tumango ako. “Kung di ka naman pala tomboy dapat lambutan mo ang kilos at pananalita mo para ayos ka na sa akin! Magsuot kang pambabaeng damit at tanggalin mo yang sumbrerong nakapatalikod pa talaga. Kung magagawa mo ‘yon, ayos ka na sa akin" kumindat siya. Paulit-ulit yung "ayos ka na sa akin". Anong ibig niyang sabihin? "Ikaw brad? May karanasan ka na ba sa ano?" lakas-loob kong tanong. "Bakit hindi mo diretsuhin? s*x, karanasan sa s*x!” pumungay ang kanyang mga mata. “Sige sa sex.” “s*x is s*x! Ano bang pagkakaiba nito sa ibang salita at hindi mo kayang sabihin ng diretsuhan? Para lang ‘yan kagaya ng ibang salita." "Okey, s*x nga. May karanasan ka na ba sa s*x?" "Ayaw ko sa taong nagsisinungaling kaya gusto kong magpakatotoo sa'yo." Napatamaan ako sa sinabi niyang iyon. Pinaparinggan niya ako at sapol ako doon. "Sa edad kong ito, may mga naka-s*x na ako pero kadalasan sa mga yun, hindi relasyon. May isa akong karelasyon noon ngunit mula nang may nangyari, hindi na kami nagkita.” “Nasaan na siya?” “Importante bang pag-usapan kung nasaan siya ngayon?” tumungga siya ng alak. “Nasaktan ako kasi hindi na niya ako binalikan. Kaya iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit sa akin, naging trip na lang lahat.” “Trip? Paanong…” naguluhan ako. “Oo, Julia, isa akong tripper?" "Tripper?" Hindi sa hindi ko alam ang ibig sabihin kaya ko inulit. Hindi lang ako makapaniwalang gano'n siya kaprangka. "Oo, tripper. Kung trip ko ang ka-eyeball ko, magsex kami. Hanggang s*x lang.” “Totoo?” parang hindi pa din ako makapaniwala.                 “Dati, ayaw kong pumasok sa isang relasyon na hindi pa nasusubukan ang kalidad ng isang tao sa kama. Iyon ako noon. Kung sa s*x palang hindi na kami magkasundo, bakit pa mauuwi sa relasyon? Itinungga niya ang baso na hawak niya. Huminga ng malalim. "Kung natali na tayo sa relasyon bago ang s*x, mas mahirap nang kumawala pa kasi may emosyon nang kasama. I've been into a failed relationship at sabihin ko sa'yo, hindi ako madaling talikuran. Madali sa aking iwan ako nang nakaraan ko dahil nakakita ng mas gwapo, mas mayaman, may astig pero hindi ako basta-basta sumusuko. Kung nangako kang ako lang, dapat ako lang." Huminga siya ng malalim. May galit sa kanyang mga mata. "Kapag mahal ko ang isang tao at swak kami sa s*x, hindi ko siya basta-basta pinakakawalan. Akin lang siya hanggang gusto ko. Doon ako nasanay e.” “Bakit parang andami mo nang alam tungkol sa ganyan?” “Bakit naman e lalaki ako. Hindi dahil freshman pa lang ako e hindi na ako mulat sa kamunduhan? Nagtataka ka siguro ano kasi first year pa lang ako pero naniniwala ka bang mas matanda pa ako sa'yo?" Kinuha niya ang baso sa harap ko at muling naglagay ng beer. Ngumiti siya. Wala akong maisip sabihin. Medyo gulat pa rin kasi ako sa mga rebelasyon niya. "Suko si Papa sa tigas ng ulo ko e. Mas gusto kong mag-jamming kasama ng mga friends kaysa pumasok sa school dati. Nakakapagod din pala iyon.” Nakinig lang ako. Tumungga rin ako sa hawak kong beer. “Mahirap akong mahalin Julia, sinasabi ko na sa'yo.” “Bakit mo nasabing mahirap?” “Mahirap kasi nambubugbog ako kung alam kong niloloko ako at ipinagpapalit. Idinadaan ko sa pisikal na sakitan kung hindi ko nakukuha ang gusto ko. Mali iyon, alam ko, kaya iyon ang gusto kong baguhin sa pagkatao ko. " “Ibig sabihin may chance ka pang magbago?” “Oo naman. Wala naman problema sa akin basta faithful lang sa akin ang partner ko. Magkakaproblema lang naman kapag naglalandi siya sa iba habang kami pa. Ayaw ko nang maulit pa ang nangyari noon. Hindi n asana dapat pang mangyari pa!” May nakita akong kakaibang galit sa kaniyang mga mata. Kung siya rin lang naman ang magiging unang boyfriend ko, kung kagaya niyang sobrang gwapo  baka siya umaayaw na, ako naman ay nagmamahal pa. Saka hinding-hindi ako gagawa ng hindi niya gusto para hindi kami mag-aaway. Hindi kami darating sa puntong magkasakitan dahil di ko naman siya lolokohin at ipagpapalit. "Sorry to ask, ex mo ba ang tinutukoy mo?" tanong ko. Ngumiti ako agad. Natatakot akong baka iba ang pagkakaintindi niya sa tanong ko. "Single naman ako siguro sa tingin mo, hindi ba brad?"                 "Ahh okey gets ko na. Ex nga ang pinupunto mo." Mabilis kong pambawi. Itinungga ko ang beer. "Brusko man akong tignan malambot ang puso ko. Sobra akong magmahal. Sobra kong iniingatan ang mahal ko na hindi dapat makuha ng iba pa. Sana nga ikaw na ‘yon Julia.” “Ano?” nasamid ako sa dapat lulunukin ko nang beer. “Pwede ka ba? Gusto mo naman talaga ako, hindi ba?” “Seryoso ka?” paglilinaw ko. “ Oo nga! Eto naman. Ikaw lang itong secretive eh.” Tumawa siya.  “Ikinaganda kasi sa lalaki, wala kaartehan at walang mga kung anu-anong hinahanap. Kadalasan nga, ako pa ang binebeybi pero as of now, nag-eenjoy ako sa pagiging tripper.” “Tripper, like?” gusto kong malinawan. “Tripper. Halimbawa, nagkakilala tayo sa f*******: at trip kita sa mga pictures mo, magkikita tayo. Kung trip pa rin kita in person hang out tayo sandali then s*x after. Malimit hindi na iyon mauulit kasi maaring may hinahanap akong hindi ko nakita o kaya may sarap akong hinahanap na di sa akin ipinalasap. But I go for safe s*x. Kung hindi din lang naman safe ang s*x, maglaro na lang kaming dalawa ng alaga ko." Nagugulat parin talaga ako sa naririnig ko sa kanya. "Noon 'yun. Inuulit ko ha. Noon 'yun." Tumungga siya ng beer.                 Prangka talaga siya. Totoong tao samantalang ako heto, natatakot. Nababahala. Gusto ko rin naman magkaroon ng experience pero huwag naman basta na lang ikakama na walang relasyon. Gusto kong tanggalin ang aking mascara. Nahihiya ako sa ginawa kong pagtago sa talagang nararamdaman ko sa kanya, pero iyon lang naman ang meron ako bilang isang babae. Yung pride na kahit gusto ko naman siya ay pwede namang magpakipot na muna. Pwedeng magpatumpik-tumpik at magpahabol-habol at hindi yung titikman ako at iiwan lang din naman pala kapag hindi niya nagustuhan ang s*x. "O, shot pa. Hina mo namang uminom eh!" akbay niya sa akin kasabay iyon ng pag-ihip niya sa puno ng aking tainga. Nanginig muli ang pang-ibabang bibig ko. Hinarap ko siya at nang ihipan niyang muli ang tainga ko ay halos magkadikit na ang aming mga labi. Parang tinutukso niya ako nang binasa niya ang labi niya at tumitig siya sa aking mga mata. Hinawakan niya ang batok ko at agad na pumasok sa aking isipan ang mga pelikulang napapanood ko. Iyon kasi ang kadalasang nangyayari na nauuwi sa isang mainit na halikan. Napapikit ako. Hinintay na dumantay ang labi niya sa labi ko. Nangingig ang buo kong katawan. Ito na ba 'to? Ambilis ng dating. Wala akong natanggap na notification. Wala man lang poke na parang sa f*******:. Parang private message o comment na bigla na lang nag-aapear. Oh my!  Gusto ko to! Para lang siyang status na paulit-ulit kong ila-like! Totohanan na ba iyon o sinusubok lang niya para makuha ang tunay kong nararamdaman sa kanya? Saan ako dadalhin ng larong ito kasama ng nagpapakilalang tripper na siyang unang gigising sa kamalayan ko sa kamunduhan? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD