Chapter 4
Nang nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng daan at naghihintay sa akin ay nagsimula na din bumilis ang t***k ng aking puso. Oh my... Hindi ko mawari kung ito ay parusa o isang pag-ibig. Kung sana may kapangyarihan akong malaman ang kahantungan nito para mapaghandaan ang sakit na kaakibat. Gusto kong maging kalmado at hindi magmukhang excited. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na may sinusundo na ako at ihahatid. Hindi ba nakakabakla o nakakalalaki na akong babae ang sumusundo at naghahatid sa isang lalaki? Patalikod kong inayos ang aking sombrero at itinaas ang manggas ng aking maluwang na t-shirt.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung kailangan ko pang lambutan ang aking pagkilos. Maaring masyadong matigas ako sa kanyang paningin para sa isang babae ngunit sa akin, sakto lang. Kilos at boses babae pa rin naman ako. Babaeng-babae naman talaga ako. Kailangan ko bang mag-Anne Curtis o kaya ay mag-alaKathryn Bernardo sa ngalan ng pag-ibig? Pero sabi nga nila, para raw maimpress natin ang gusto natin ay kailangan nating i-adjust muna ang ating mga sarili sa kung ano sa tingin natin ay gusto at kapuri-puri sa nagugustuhan na rin natin. Sabi pa nila, kapag nakakapagbibitaw ka na raw ng mga mabulaklaking salita o kaya kapag nakokornihan na ang ibang tao sa’yo, at yung taong iyon lagi ang bukambibig mo, ibig sabihin no'n inlove ka. Kaya nga nang dumating si Denver sa buhay ko, nagdasal ako at umasang sana siya na. Sana siya na habang-buhay. Sana siya na nga ang matagal ko nang hinahanap. Tignan mo nga naman ang pagkakataon, sa school ko lang din naman pala makikita ang lalaking unang sisira sa aking puri tapos kung saan-saan pa ako nakakarating para hagilapin. My God! Mula Valenzuela hanggang Pasig nalibot ko na, dumating na sa puntong naanod ang sasakyan ko sa baha, hindi makahinga sa pakikipagsiksikan sa MRT at tutukan ng patalim at holdapin, tapos sa school ko lang pala siya makikilala?
Kinatok niya ang salamin sa driver’s seat. Kumakaway siya. May sinasabi siya pero di ko marinig.
“Ano?” sigaw ko.
Itinuro niya ang pintuan. Sinesenyasan niya akong buksan ang pintuan.
Antanga! Di ko pa pala siya pinagbubuksan. Napailing ako sa nararamdaman kong pagkaaligaga. Huminga ako nang malalim.
“Relax lang girl, relax, inuman lang ‘to ng parang magtropa,” bulong ko sa aking sarili habang pinagbubuksan ko siya. Napapangiti lang ako sa kakornihan ng aking utak ngunit pigil naman ang katawan kong ikilos ang kalandian na tumatakbo sa aking diwa.
"Akala ko wala ka na talagang balak na pagbuksan ako ah,” napakamot. Anyare brad?" tanong niya.
Anong isasagot ko? Nilingon ko siya sabay ng matipid na ngiti. Yun na yun? Di ba dapat kailangan mas may malambing akong isasagot ngayon? Dapat pati ngiti sukat na sukat. Ang tawa kailangan nang bantayan, hindi puwedeng humalakhak na parang si Kris Aquino. Hindi ako dapat nawawala ako sa aking katinuan sa tuwing nakikita ko siya.
Nagtama ang aming mga paningin. Nakasando lang siya ng itim at pants na may butas-butas. Oh my! Bakit may dikit ang kaniyang mga titig sa akin? May gusto rin ba siya sa akin?
"Masaya ka yata at pangiti-ngiti ka pa.”
Sinimangutan ko siya kunyari. Yung pa-cute na may palanding simangot? Hindi ko kasi alam kung ano isasagot ko sa kanya.
“Magkuwento ka nga brad." Tinapik niya ang hita ko. Tapik namang pambarkada ngunit hindi ko alam kung bakit may hagod iyon na kakaibang kiliti. May kung anong nasagi sa buo kong p********e. Napalunok ako. Hindi simpleng paglunok lang 'yun.Kislot? Tama napakislot ako sa kakaibang dating no’n sa akin. Sana tanggalin na niya ang kamay niya doon kasi nanginginig na talaga ako o baka masampal ko na siya. Pero hindi ba late reaction ang galit-galitan at virgin-virginan kong peg? Pero sana makaramdam nang bahagya kong ikinikilos ang hita ko kasi baka mamaya maibangga ko pa ang sasakyan ko dahil hindi ko kayang kontrolin yung emosyon ko.
“Ano na? Bakit antahimik mo yata? Magkuwento ka naman.”
"Ano? Kukuwentuhan kita? Anong ikikuwento ko?”
“Oo, di naman pwedeng parang taxi driver o grab driver ka at pasahero mo lang ako.”
“Bakit may mga grab driver at taxi driver namang di nagkukuwetuhan ah. Mamaya na lang sa bahay. Nagmamaneho kasi ako," kibit balikat kong sinabi. Iginalaw-galaw ko pa rin ang hita ko para makaramdam siyang naasiwa ako sa paghawak niya roon.
"Sorry." Nakaramdam siya na hindi ako komportable. Tinanggal niya ang kamay niya roon. Pinagsaklob niya ang mga palad niya.
"Like hello? Babae pa rin kaya ako.”
“Pasensiya na, brad." Pambawi niya.
“Ayos lang.”
“Nag-feeling yata ako.”
“Uyy hindi. Di lang talaga ako komportable.”
“Patugtog ka na lang brad.” Tinapik niya ang sombrero kong patalikod. Nahulog iyon ngunit muli kong isinuot.
“Tanggalin mo kaya ‘yan. Nagmumukha ka lalong lalaki e.”
“Sige,” sagot ko.
Nang makarating kami ay inilibot niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng condo ko.
"Hindi ko alam na ganito ka kayaman.”
“Sakto lang. Parents ko ang mayaman. Kumain ka na ba?” muli kong isinuot ang sombrero ko ng patalikod. Itinaas ang manggas ng aking maluwang na t-shirt na para bang nanghahamon lagi ng away.
“Busog pa ‘ko. Hindi ka ba naalangan dito, ang luwang at mag-isa ka lang?" tanong niya. Napakamot.
“Hindi naman. Madalas lang na nandito ang mga asungot kong mga kapatid at minsan nadalaw naman sina Daddy at Mommy. Yung mga kaibigan ko nasa ibang bansa. Hindi kasi ako palakaibigan kaya kadalasan kamag-anak at pamilya ko lang ang nakakasama ko. Ang hirap palang bumukod. Malungkot kapag nag-iisa.”
“Iba talaga kapag mayaman ‘no?”
“Hindi naman talaga kami mayaman. Masipag lang at sinuwerte ang magulang ko sa negosyo. Isa pa, tignan mo, malaki nga ang condo ko wala namang kabuhay-buhay." Huminga ako ng malalim. Oh my! Anong nangyayari sa akin? Di ako mahilig sa drama pero he’to ako’t nagsasabi ng mga hinaing ko sa buhay.
"Saan mo gustong uminom, sa sala, sa terrace sa taas?” tanong ko para lang mabago ang mood ng aming usapan.
“Pwede ba tayo sa kuwarto mo para naman may privacy."
Natumbok niya. Gusto kong sa kwarto ko naman talaga kami dapat mag-inom. Grabe. Ang landi at ang desperada ko na ba?
"Puwede naman siguro tayong manood ng movie habang nagsha-shot don, hindi ba?" kumindat siya.
"Oo naman. So, anong gagawin natin sa kwarto?"
Napakunot siya ng noo? “Di ba mag-iinom?”
"Sorry. I mean, anong gusto mong inumin, hard o beer?"
"Beer. Ikaw brad?”
“Ako beer o hard ayos lang.” Palaban kaya ‘to sa inuman. Tinuruan ako ng mga kapatid ko paano mag-shot.
“Ayos, gano’n din ako. Sanay tayo sa kahit anong alak e."
"Sige beer na lang din ako? Bet na bet ko rin ang beer. Go tayo sa light lang." dire-diretso ang aking bibig. Gano’n kasi kami ng Bestfriend kong si Sydney kapag nagkakatuwaan. Huli na nang napansin kong hindi ang bespren ko ang kausap ko.
Nagsalubong ang kilay niya na parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya sa akin.
"Uy brad, ginaya ko lang ang mga bakla na kaklase ko. Pampawala lang sana sa masyadong pormal nating pag-uusap kaya akala ko matatawa ka sa paggamit ko sa salita nila. It was a joke. Baka kasi hindi mo gusto. Tawa naman diyan" Pinagpawisan ako. Nagmukha akong tanga.
"Hindi kasi siya nakakatawa, brad. Pasensiya na ha. Hindi ko tuloy alam kung ano ka. Bakla? Tomboy? Babae? Ano ba..." huminto siya. Tinignan niya ako. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa laylayan ng kaniyang sando at naitaas ng bahagya ang kaniyang damit. Nanginig ang pang-ibabang bibig ko. Ewan ko ba kung bakit nangyayari iyon sa tuwing nakakakita ako ng katawan ng lalaking tipo ko. "Hayaan mo na nga ‘yon brad. Sabi mo nga nagbibiro ka. Kaya hindi na big deal pa sa akin." Pagtatapos niya sa hindi niya itinuloy na sabihin kanina.
"Sige, hintayin mo na lang muna ako dito, brad. Kuha lang ako ng maiinom natin at puwedeng mapulutan. Sabay na tayong papasok sa room ko mamaya," pagpapaalam ko.
Ngayong parang unti-unti kong nakikilala si Denver, ayaw niya ng pambading na mga salita. Ayaw rin niyang titigas-tigas akong parang lalaki. Kailagan ko bang baguhin ang sarili ko para lang magustuhan niya ako o maging ako pa rin at bahala na siya kung tatanggapin niya ako o hindi? Saka kahit nga mga straight ngayon, babae man o lalaki kapag nakikipagkuwentuhan sa tropa nakakagamit na din sila ng mga gay linggo for fun. Ngunit bakit siya? Parang isang malaking kasalanang magpatawa gamit ang gay lingo? Huminga ako nang malalim. Ito na nga talaga ang taong tuluyang magpabago sa akin. Kung ang pagiging babaeng-babae ko sa tuwing magkasama kami ang tanging paraan para magustuhan niya ako ay gagawin ko. Walang hindi kayang gawin ng babaeng desperadang virgin, makabingwit lang ng boyfriend na goodlooking.
Nang makapasok kami sa kuwarto ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung paano ako kumilos sa paraang magugustuhan niya. Paano yung babaeng-babae na upo sa harap niya, paano ko mapanatiling mababa ang aking maton na boses at higit sa lahat ay paano ko maiiwasan ang mga malalagkit kong tingin sa kanya lalo na at sobrang gusting-gusto ko na siya. Para siyang ulam na nakalagay sa estante. Libre tingin at lunok pero hindi mo mahawakan hanggang di mo siya nabibili. Kung pera lang sana ang katapat, kanina ko pa siya dapat binili ng buo. Keep the change pa. Ang hirap ne’to, brad!
Hinubad niya ang sapatos niya. Nakita ko ang mahahaba at mapuputi niyang talampakan na may balbon na tumubo sa mga daliri nito. Kung totoo ang sinasabi na kapag mahaba ang sukat ng paa ng lalaki paniguradong ganon din kahaba ang sukat ng kaniyang... well, babae kasi ako kaya hindi ko alam. Marami rin akong kapatid na lalaki pero never that I tried measuring theirs comparing with their feet. So gross! Wala pa rin naman akong naging boyfriend to verify na totoo nga talaga ang kasabihang iyon. Pwede kaya sa kanya i-try? Ang bastos naman ng iniisip ko. Tingin ko naman sabi-sabi lang naman iyon! Ikinalat na tsismis ng may mahabang paa ngunit parang hinliliit lang ang sukat ng kanilang alaga.
"Ano brad, iinom ba tayo o titigan mo lang ang mga paa ko?”
“Grabe ang haba kasi e. Maputi at mataba-taba.”
“Ano?”
“Sabi ko, oo inuman na tayo. Simulan na,” nataranta kong sagot.
“Tama. Simulan na natin habang maaga pa.” Naupo siya sa kama ko. “Kung malasing ako puwede na akong makitulog sa'yo, ano?"
Napalunok na naman ako. Nanginig ang pang-ibabang bibig ko at hindi nakasagot. Kung alam lang niyang iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Hindi ko lang akalain na sa kanya na mismo manggagaling iyon.
"Sige ba. Maluwang naman ang condo. May isang kuwarto pang bakante,” sagot ko.
Tumalikod ako. Kinagat ko ang labi ko sabay ng patagong pagkakilig habang kunyari ay binuksan ang TV. Nang kaya ko nang itago at pigilan ang kilig ko ay hinarap ko na siya.
"Salamat brad. Hindi naging boring ang weekend ko dahil sa'yo.”
“It’s my pleasure, brad.”
“May itatanong sana ako sa'yo pero shot muna tayo." Kinuha niya ang dalawang baso. Naglagay siya ng ice at nagsalin ng beer. Pinuno niya iyon. "Oh eto sa’yo, brad.”
“Salamat.” Kinuha ko ang basong iniaabot niya sa akin.
“Cheers muna! Bottoms up ha!"
"Cheers!" pinag-umpog namin ang aming mga baso. “Babaylan ng mga alak. Tulungan mo sana akong hindi maunang malasing,” pabulong na dasal ko. Sinadya kong hindi ubusin ang laman ng aking baso. Simulan ko nang mandugas.
"Kalahati pa lang ang naubos mo oh, Huwag kang madugas brad. Bottoms-up nga, di ba?"
"Ah bottoms up ba? Okey, okey!" natatawa kong sagot. Pilit kong sinaid ang laman ng baso ko.
Nakailang shot muna kami pero halatang tinamaan na siya. Nanatili akong nakikinig sa kaniyang mga kalokohan noong high school pa siya. Sa kanya, nakakatawa ang mga katarantaduhan niya pero sa katulad kong natitigilan sa kaguwapuhan niya habang tumatawa, hindi ko siya masabayan. Sa tuwing sinasabayan niya ng pagpapasok ng kaniyang kamay sa loob ng kaniyang sando at hinihimas ang dibdib niya at tiyan ang kanyang pagkukuwento, umiigting ang aking kagustuhang sana man lang maka-experience na ng halik at yakap ng kagaya ni Denver. Mas natutuon ang isip ko sa kaniyang ikinikilos at hindi sa kanyang sinasabi.
"Brad, gusto kong magpakaprangka sa'yo.”
“Ano ‘yon?” Inayos ko ang sombrero ko. Pasimple akong tumingin sa salamin saka ko itinaas ang manggas ng aking t-shirt.
“Hindi ko alam kung magsasabi ka sa akin ng totoo pero tatanungin pa rin kita." Diretso ang tingin niya sa aking mga mata.
"Sige lang. Ano ba kasi ‘yon, brad?" Sagot ko ngunit kinakabahan ako sa maari niyang itanong.