SLEEPOVER

1940 Words
CHAPTER 8 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Puwede naman akong maghintay. Mainam na rin siguro iyon na kilalanin mo muna ako ng husto at gano'n din ako sa'yo at kapag mahal na natin ang isa't isa, saka na tayo magsex. I am breaking my own rules here. Gusto ko maiba sa nakasanayan ko. Saka sabi mo nga virgin ka, kaya inaasahan kong hindi ka bihasa sa pagpapaligaya pero kaya naman nating i-work out 'yun kapag tayo na." Humarap siya sa akin. Nakangiti. "Okey. Sounds good." Hinarap ko rin siya. "Good. E, di nagkakaintindihan tayo. Hindi yung sabihin mo sa aking babae ako, babaeng babae ako ako pero yung pagkasabi, jeep driver ang dating." Napangiti siya. Natawa ako. Hinila niya ako at niyakap.                 Nakukuryente ako lalo na ay nasa tagiliran ko't nakatutok na ang kanina ay patago kong gustung paputukin. Kung hindi pa siya nagkunyariang lasing ay di pa ako nakadakma ng gano'n. Pero solve na ako do'n. Kahit palad ko lang naman ang hindi na virgin sa akin ay may maipagmamayabang na ako sa bestfriend kong si Sydney. "Sige na, matulog na tayo. Basta maliwanag na ang usapan ha?" bulong niya sa tainga ko. "Ganu'n na 'yun? Wala nang ligawan? Napakabilis naman yata. Ligawan mo naman ako." "Bakit, sinabi ko na ba na tayo?" sagot niya. "Good. Huwag kang feeling na sinagot na kita." Gusto ko siyang halikan sa labi ngunit nagpigil ako. "Sasagutin mo ako? Bakit may sinabi na ba akong mahal kita? Liligawan na lang kita kung nakikita kong may effort sa side mong gusto mong baguhin ang kinalakhan mong pagiging astig na babae."                 "Kasi naman yung yakap mo sa akin, parang sinasabi mo nang iyo ako. Iparammdam mo naman sa akin kung paano maligawan.”                 "E, di huwag yakapin. Saka huwag kang nanghahawak ng ano ng may ano kung ayaw mong pag-isipan kang cheap. Hindi ka bakla para gawin ang ganoon. Hindi ka naman tomboy para ganoon na lang kalakas ang loob mong manghipo ng ibang tao. Kumilos kang naaaon sa gender mo." Tuluyang lumuwang ang nakapulupot niyang kamay sa akin.                 "Sige ganun na nga lang.” “Anong ganun na lang?” “Yakapin mo na lang ako uli.” “Ano?” kumunot ang noo niya. Pilit niyang pinaseryoso ang mukha. “Gusto ko 'yun. Kahit nakayakap ka na sa akin pero hindi pa tayo." Pilit kong isinuksok ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Lumakas na ang loob kong gawin iyon.                 "Ayaw!" sagot niya nakangiti.                 Hinigpitan niya ang kaniyang mga bisig na yumakap sa dibdib niya para hindi ko maisingit ang ulo ko.                 "Please? Sige na!" pagsusumamo ko.                 "Sige na nga." Sagot niyang nakangiti.                 Niyakap niya ako. Niyakap ko rin naman siya.                 Hinarap ko siya.                 Mabilis ko niya akong ninakawan ng damping halik sa labi. Dampi lang iyon ngunit sobrang pinasok nito ang lahat sa akin. Pakiramdam ko ay tumingkayad lang ako ng bahagya, hayun, langit na agad. Mabilis ko ring inilayo ang labi ko sa labi niya. Hindi pa raw kami e. Napapangiti ako. Weird? Puwede lang pala ito? Hindi kami pero nagpapayakap na ako. Ninakawan akong halik at hindi ako nagreklamo.                 Ngunit akala ko hanggang do’n na lang. Yung nakaw niyang smack kiss ay matatapos na ng gano’n lang. Hinila niya ang batok ko. Sa isang iglap ay muling nagtagpo ang aming mga labi. Mas mapusok. Mas matagal. Para akong hinihimatay sa sarap. In fairness, magical! That was may first kiss at parang gusto ko munang himatayin.                 Nakapikit pa rin ako at pilit iniiwan sa aking isipan ang mga mabibilis na nangyaring iyon sa amin. Pagmulat ko ay nakangiti siyang nakatingin pa rin sa akin.                 Ngumiti rin ako.                 Hanggang sa muli ko na namang inilapit ang aking labi sa kaniyang labi. Sinalubong niya iyon. Ngayon ay mas mapusok na siya. Kasama nang gumapang ang kamay niya dahil ramdam kong hindi na niya mapigilan ang sarili dala na rin ng aming nainom. Biglang kong naramdaman ang aking pag-iinit. Dumantay ang aking mga kamay mula sa kaniyang dibdib hanggang sa kaniyang tiyan at lumalaban rin naman ako sa kanyang halik. Hanggang sa pumatong na siya sa akin.                 "Sandali lang, Denver," bulong ko sa kanya sabay hawak sa kanyang pisngi. Ngunit parang wala lang siyang naririnig na sinabi ko. "Sandali!" May diin ko na iyong sinabi at marahan ko na rin siyang itinulak dahil ramdam ko ang paghimas niya sa aking dibdib at ang pagbaba niya sa aking short kasama ng aking panty. Tinignan ko siya ng masama. Sandaling tumigil ang kanyang mga kamay. "Matulog na tayo. Huwag muna ngayon." Bumuntong hininga kong sinabi sa kanya. Bumaba siya sa pagkakapatong niya sa akin. Hindi ko rin gusto na may mangyari sa amin agad. Hindi pa sobra sobra ang aking pagkadesperada.                 "Sorry, nadala lang ako."                 "It's okey. Next time na, we should make it magical. Hindi pa ako handa. Sana maintindihan mo," sagot ko                 Kinilig ako kahit papaano. Masarap rin pala yung ikaw ang tumatanggi. Pero seryoso ako sa sinabi ko, gusto kong magical. Yung meron nang kami. Yung mahal na niya ako at mahal na mahal ko na rin siya. Hindi masarap ang kaning hindi naiin-in o ang bulalo na hindi malambot.                 "Sige, good night na." Humarap siya sa akin at muling nagtagpo ang aming mga labi. Mabilis lang iyon ngunit hindi ang mahigpit niyang yakap sa akin. Ohhh My! Bumibigay na ang mga mata ko dahil sa nainom at antok pero pilit kong binubuksan ang aking mga mata. Gusto ko ngang maglagay ng toothpick nang hindi na ito pipikit. Ang dating pangarap ay nagkatotoo. Kayakap ko na ang lalaking noon ko pa pinangarap na dumating sa buhay ko. Nakaharap siya sa akin at dinig ko ang kaniyang mahinang paghilik. Hinahaplos ko lang ang makinis niyang pisngi. Pinagmamasdan ang nakakasira ng ulo niyang katawan. Pakiramdam ko, busog na busog na akong pagmasdan lang siya ng ganoon. Bakit pa ako magkakanin e ulam na ulam na ang nakahain sa akin?                 Kinabukasan ay ginising ako ng isang tawag sa cellphone ko. Si Mark, ang isa sa aking mga bestfriend na ex ni Sydney. Sasagutin ko palang sana nang kinuha ni Denver iyon sa aking kamay. "Mark? Tumatawag ng maaga? Sino siya?" sunud-sunod niyang tanong sa akin. Papungas-pungas siyang umupo. Hawak pa rin ang aking cellphone. "Kaibigan ko, kung bakit tumatawag ng maaga hindi ko alam kaya nga kung ibigay mo 'yan sa akin ay malalaman nating dalawa kung bakit." Nakangiti kong pakiusap. Nagtaka ako sa ginawa niyang iyon. Hindi pa nga kami pero pati ba tawag ko ay kailangan na niyang bantayan. Pero Oh my God! Kinilig ako roon. Possesive? Pwede! Gusto ko yung possessive and overly protective boyfriend.                 Nang kunin ko ang phone ko sa mga kamay niya ay inilayo niya sa akin. Nakatawa. Ahh, agawan pala ang gusto. Naisip ko. Niyakap ko siya hanggang sa pilit kong kinukuha ang phone ko sa kaniyang kamay ngunit malakas niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kaniya pero bago siya nakalayo ay nagawa ko siyang mahawakan sa baywang hanggang sa bumalik siya sa kama. Doon ay nauwi sa lambingan at tawanan ang sana ay simpleng pag-abot lang niya sa akin ng cellphone. Nandiyang umibabaw siya sa akin sabay nakaw ng halik sa aking pisngi o kaya ako sabay himas sa bumubukol sa baba. Sapol ko iyon. Ayaw kong bumitaw.                 "Ibigay mo ang phone o basag ang itlog. Mamili ka?" sabi ko.                 "Ayaw?" nakatawa pa rin niyang sinabi at lalong inilayo ang cellphone sa akin.                 "Ayaw ha!" hindi ko na binitiwan iyon. Kumilos na rin ang isang kamay ko para hubarin ang boxer brief niya.                 “Oo na, eto na at baka iba pa ang mapaputok mo."                 Ngunit bago niya natanggal ang kamay ko roon ay nakita ko na ang mamula-mula at may kaputiang pundasyon. Tirik na tirik ang pagkakapundasyon nito. Para akong sinaniban. "Sige na, sagutin mo na at makiki-CR muna ako para makauwi nardin muna." Iniabot niya sa akin ang cellphone ko at hinalikan sa pisngi. Tumayo siya saka niya tinungo ang banyo sa aking kuwarto. Naiwan ako doong walang tinag na parang naibitin sa dulo ng pundasyong iyon. Tinawagan ko ang kaibigan kong si Mark nang nasa CR na siya. Nag-usap kami. “Oh bakit? An gaga ag among mambulahaw brad.” “Samahan mo naman ako.” “Kanino?” “Kay Sydney.” “Gago ka ba? Anlayo no’n. Parang kapag magsalita ka nasa Divisoria lang siya ah.” “Sige na please? Wala akong kasama e.” “Canada ‘yon brad.” “Mapera ka naman e. Sige na nang makabakasyon naman tayo ro’n.” “Magpapaalam muna ako.” “Kina Tita at Tito?” Pwede ko na bang sabihin na sa boyfriend ko? Pero hindi ko pa naman boyfriend si Denver. Maaga pa yata para magyabang at mag-assume. Kinagat ko ang dila ko. “Nasabi ko na kina Tita. May visa ka naman nap ala dati daw do’n eh. Andon ang Tita mo. Nakapunta ka na rin. Sige na. Huwag mo akong artehan.” “Magpaalam nga muna.” “Nagpaalam na nga ako kina Tita brad. Kanino ka ba… sandali. Malanding ‘to! May boyfriend ka na?” “Huwag kang magulo. Para kang bakla.” “Damn it! May boyfriend ka na talaga?” “Huwag kang magulo.” “Nagpakangkang ka? Nandiyan siya?” “Bastos mo. Ibaba ko ‘to.” “Ang landi mo. Mukha kang maton. Huwag kang umarteng girl na girl.” “Alam mo, hindi  ko na alam kung straight ka talaga.” “Well, hindi ko na rin alam kung virgin ka pa.” “Bastos ka.” “Ano nga?” “Oo na!” “Anong oo na? Sasamahan mo na ako sa Canada? Gusto kong makipagbalikan. Baka naman babalikan ako ni Sydney kung mag-e-effort kong puntahan siya.” “Ay iyon ba ang tanong? Akala ko kung may boyfriend na ako.” “Ang landi mo. Sige na. Send ko details ng byahe natin. Akong bahala sa pamasahe, Huwag kang umarte! Landi mo!” Lumabas si Denver. Kunot ang noo. Mabilis kong tinanggal sa mukha ko ang ngiti. "Kailangan kong samahan ang kaibigan ko papunta sa Canada. Subukan daw niyang kausapin ang best friend ko na bumalik sa kaniya." Pagpapaalam ko kay Denver nang kinuha niya ang kanyang pantalon. Bagong ligo na ito at nakatapis lang siya ng tuwalya. "Sigurado kang kaibigan lang 'yan?” “Oo naman.” “Sige, hindi pa naman tayo, kaya malaya ka pa ring makakapunta sa gusto mong puntahan." Tinanggal niya ang nakabalabal niyang tuwalya. Patay-malisya lang siyang nakaharap sa akin na ang tanging suot ay ang kaniyang boxer brief. Kung alam lang niya na sobrang pinalalakas niya ang kabog ng aking dibdib sa tuwing nakikita kong iyon lang ang tanging suot niya. Napalunok ako. "Bakit ka na nagdadamit?" tanong ko. "Kailangan ko nang umuwi. Saka para makapaghanda ka na na rin sa biyahe mo," sagot niya habang isinusuot niya ang kanyang pantalon. "Mag-agahan na muna tayo. Sandali lang naman akong magluto ng agahan." Pamimigil ko sa kaniya. Gusto kong makasama siya ng mas matagal-tagal pa sana. "Huwag na. Mahirap na at baka hindi ako maabutan ni Papa sa apartment." Lumapit siya at humalik sa pisngi ko. "Kahit magkape man lang o kaya tinapay para may laman ang sikmura mo bago umuwi." Tumayo ako.                 "Tang-ina naman, e! Huwag na nga!" malakas na niyang sigaw. Natigilan ako. "Sa lahat ng ayaw ko yung makulit at ipinipilit ang gusto. Kung sinabi kong huwag na at ayaw ko, puwede ba ,huwag nang ipilit?"                 Natigilan ako. Saan nanggagaling ang galit niyang iyon. Hindi ko alam ngunit natakot ako sa biglang pagsigaw niyang iyon sa akin. Parang may mali?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD