GETTING TO KNOW

1288 Words
CHAPTER 3   Mula noon ay sinadya ko nang tumambay sa library ng mga ganoong oras. Kahit wala akong gagawin ay nandoon lang ako. Ilang araw ring hindi ko tinatanggal ang aking mga mata sa entrance ng library. Hindi mapakali. May hawak akong libro ngunit ni hindi ko binubuklat. Umaasang darating siyang muli. Bumili na rin ako hindi lang ballpen kundi ilang pads ng papel na rin. Kulang na lang dalhin ko ang National Book Store. Ano itong nangyayari sa akin? Kung siguro nasa tabi ko lang si Sydney, pagtatawanan ako no'n. Hindi siya sanay na nakikita akong ganito. Hanggang sa sumuko na ako sa kakaasa. Nawalan na ako ng pag-asang muli siyang hihiram ng ballpen sa akin. Hindi na siya papasok pa sa library.                 Isang umaga, nakaramdam ako ng gutom kaya dumaan ako sa aming canteen. Pinasadahan kong tinignan ang mga naroong pagkain. "Miss, chicken sandwich lang at mango juice, damihan mong ice, ate ah" "Yun lang ba brad?" tanong ni ateng serbidora.                 "Okey na 'yan, Miss." Sagot ko. Nagkangitian kami. Habang hinihintay ko ang order ko ay tumingin ako sa paligid nang biglang dumating ang matagal ko nang inaabangan sa library. Huli na nang tatalikod ako dahil nakita na niya ako.                 Lumapit siya sa akin.                 "Uy Julia! Kumusta na!” “Uy, ikaw pala. Eto, ayos lang.” “Dito ka rin pala nagmimiryenda. Naka-order ka na? “Oo e,” sagot ko. “Ah gano’n ba. Taman-tama wala akong kasama. Ikaw ba meron?"                 Sasagot sana ako pero humirit si ate serbidora.                 "Pogi, bayad mo. Heto na yung order mo."                 “Ako ho? Hindi pa ako nakaka-order,” si Denver.                 “Hindi ikaw, ‘yan oh si Pogi yung kasama mo.”                 Tumango lang ako. Ayaw ko nang patulan pa si ate.                 Tinignan ako ni Denver. Parang naghihintay siya na sumagot ako o ipagtanggol ko ang sarili ko. "Miss bigyan mo rin ako niyan? Ako na magbabayad sa aming dalawa.” Naglabas na si Denver ng pera. “Uy brad ako na.” “Hindi. Akong taya ngayon. Bayad nong ballpen, ano ka ba?”                         “Sige ba, mapilit ka e. Salamat brad.”                 Habang nagmimiryenda kami ay marami akong nalaman sa buhay niya. Kapampangan siya, nangungupahan sa Manila at lingguhang umuwi sa kanila. Panganay siya sa tatlong lalaking magkakapatid. Isang kilalang Hepe ng pulis ang tatay niya kaya bawal sa bahay nila ang babagal-bagal at malamyang kumilos.                 "Ikaw bakit ganyan ka kumilos, medyo may katigasan ka yata? Tomboy ka ba?" diretsahang tanong niya nang malapit na kaming matapos kumain.                 Hindi na ako nagulat do’n. Oo, alam kong boyish ako pero sa loob ko lang ‘yon. Babae pa rin ako. Madalas na nga rin akong tawaging tomboy o kaya pogi dahil na rin sa gupit ko siguro? Nasanay na rin kasi ako sa maikling buhok. Iyon ang gusto ko e. Iyon ang gusto kong pormahan. Ngunit hindi ko alam, noong siya na ang nagsabi sa akin na tomboy ako, nasaktan ako. May ibang dating sa akin na hindi ko naman naramdaman sa ibang tumatawag sa akin no’n.                 "Talaga ba brad, tomboy ako sa paningin mo? Bago yun ah!" sagot ko pero palpak dahil nabulunan pa ako. Namumula na ang mga mata ko para pigilan ang pag-ubo ngunit bumigay rin. Muli siyang natawa sa akin. Itinulak niya ang baso ng juice ko.                 "Uminom ka brad, babaeng-babae tayo ah!" Napapailing niyang sabi sa akin.                 “Nang-aasar ka ba?” irita kong supalpal sa kaniya.                 “Uy, napikon ka! Sa serbidora nga kanina, hindi ka napikon. Bakit sa akin, napipikon ka?”                 Hindi na ako sumagot. Kung puwede lang sanang magwalk-out ginawa ko na pero baka mas lalo niyang iisiping guilty nga ako. Nang matapos na kami kumain ay inilabas ko ang cellphone ko. Kunyari ay may binabasa akong text. Baka kasi masapak ko pa siya.                 "Uyy, ano number mo brad.” “Bakit?” sagot kong hindi tumitingin sa kanya. “Maluwang ang school kaya di tayo nagtatagpo. Puwedeng makuha."                 “Para saan?”                 “Wala kasi akong kaibigan dito e.”                 “Tang na, maghanap ka nang kaibigan yung tomboy pang kagaya ko? Dami diyan mga kapwa mo lalaki o kaya kung gusto mong chicks, lapitan mo mga ‘yon oh?”                 “Eto naman, nagbibiro lang ako. Seryoso naman.”                 "Sige na. Mauna na ako. May klase pa ako. Ingat na lang.” Kinuha ko na ang backpack ko.                 “Uyy ano ba brad. Galit ka na niyan?”                 Hindi ko na siya nilingon. Dumiretso na ako sa klase kong naiinis sa kaniya.   Sabado ng hapon nang nanonood ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Bagong number. "Brad, busy ba? Denver 'to.” Nagtaka ako. Hindi ko naman ibinigay sa kanya ang number ko. “Kanino mo nakuha ang number ko?” “May paraan brad. Ako pa ba? Pwede bang magkita tayo? Shot kung nagsa-shot ka.” Sandali kong pinag-isipan. Tama bang makipag-inuman ako sa isang lalaking di ko pa lubos na kilala? Oo, sanay naman akong uminom kasi nag-iinuman naman kami nina kuya nang nasa bahay pa ako o kahit kapag binibisita ako dito. Pero yung makipag-inuman sa ibang lalaki, ngayon lang ito mangyayari, kung papayag ako. “Wala ako magawa dito sa apartment, nagsiuwian sa probinsiya ang mga kasama ko at yung isa naman na naiwan na kasama ko, may date. Baka pwede inuman tayo. Umiinom ka ba?"                 Hindi na muna ako nagreply. Tomboy talaga ang tingin sa akin ng gagong ito ah.                 “Ano na brad. Inuman na!” Kinabahan ako. Anong isasagot ko? Ayaw kong uminom sa labas. Bigla kong naisip na baka yayain niya ako sa mga bar na may nagsasayaw na mga babae. Iniisip ko palang naduduwal na ako. Hindi ko yata kayang manood ng gano’n at iinom sa mga ganoong lugar.                 "Ikaw, gusto mo dito na lang sa condo ko.”                 Hindi siya nagreply.  “Dito na lang tayo mag-inom. Di ako pwede sa labas uminom e." Text ko muli nang di pa rin ako makapaghintay ng reply niya.                 Kinakabahan ako. Paano kung hindi siya pumayag?                 "Sosyal ah. May sariling condo. Ayos. Sige diyan na lang tayo mag-inom brad kaysa nasa bahay lang akong nakatunganga. Sandali, paano ba pumunta sa inyo?"                 Napalundag ako sa tuwa.                 "Ikaw, saan ka ba nakatira, sunduin na lang kita. May sasakyan naman ako e," reply ko.                 "Bigatin ah! Sige, hintayin kita sa Farmers Plaza dito sa Cubao. Okey lang ba, brad?"                 "Sure, brad."                 Pagkatapos no’n ay binilisan kong nilinis ang aking condo. Inipon lahat ang mga nagkalat kong damit at itinago sa silong ng aking kama. Napakabilis ng ginawa kong pagge-general cleaning. Bagay na hindi ko naman ginagawa sa mga kaibigan at kapatid ko kapag nagpupunta sila sa bahay.                 Gumayak na rin ako. Medyo nasobrahan lang yata ang pabango ko. Nakapambahay na lang ako dahil ayaw kong isipin niyang nagpapaganda ako sa kaniya. Tama na ‘yong simple lang. Isa pa, alam kong di naman ako ang tipo niya. Babaeng-babae kumilos ang ang trip no’n at hindi ang kagaya kong astig pa sa kanya. Tulad nga ng sabi niya, bored lang siya. Walang kasama sa bahay kaya siya nakikipagkita. Kailangan kong pigilan ang aking sarili. Hindi maaring mahulog ako sa kaniya lalo pa’t walang kasiguraduhang ako din ang trip niya. Ngunit hanggang saan ang kaya ng katulad kong marupok na babae lalo na kapag naka-boxer short na lang ang lalaking nakainom at nakahiga sa kama ko. Hanggang kailan ko mapapanindigan ang pagiging virgin ko ng ilan ng taon kung alam ko sa sarili kong kagaya ni Denver ang gusto ko. At dito nagsimula ang kuwento ng aking pag-ibig. Ako, si Denver at ang makikilala ninyong si LUKE ang bubuo sa kakaiba at puno ng misteryo at makapanindig balahibong kuwento ng buhay pag-ibig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD