CHAPTER 2
"May extra pen ka, Miss?" sa mababa at buong boses.
"Ah, oo meron," sagot ko, “Sandali ah.” natataranta kong inapuhap ang ballpeng hindi ko ginagamit sa bulsa ang aking sling bag. “Oh eto, sa’yo na ‘yan.”
“Uy hindi Miss. Ibabalik ko rin.”
“Huwag na, hindi ko rin naman kasi ginagamit ‘yan.”
"Thank you.”
“You’re welcome.”
“Pasensiya ka na, ha? Akala ko kasi nadala ko ang ballpen ko."
Nakita kong lalo siyang nagiging cute kapag ngumingiti. Sumasama kasi ang mga mata niya kapag ngumingiti.
"Denver pala Miss, and you are?" Inilahad niya ang kaniyang mga kamay sa akin. Napalunok na naman ako. Tinignan ko muna ang kanyang mga bisig hanggang sa napunta sa kanyang dibdib at impis na tiyan. Napakaganda ng hubog ng kaniyang katawan. Lalaking-lalaki. Mukhang hindi yata uubra ang kagandahan ko sa kagaya niya.
Biglang parang bumalik sa akin yung gabing may sinundan akong lalaki sa Guadalupe dahil sa pagiging desperada kong magka-boyfriend. Hindi! Hindi na maari pang maulit iyon. Ngunit iba naman ito. Siya na mismo ang lumapit sa akin. Nasaan ang pagiging desperada doon? Isa pa, kagaya ko rin naman siyang istudiyante. Wala naman siguro akong kailangan ipangamba pa na ito ay may masamang balak sa akin.
"Sorry.” Mabilis kong tinanggap ang kaniyang palad. “Julia. Just call me, Julia," sagot ko.
"Okey, thanks Julia. Pasensiya na sa istorbo ha. Freshman ako dito kaya medyo wala pang alam.”
“Talaga? Freshman ka lang, bro?”
“Anong sabi mo? Bro? Tinawag mo akong bro?”
“Sorry.” Paghingi ko ng dispensa. “Denver, Denver nga pala. Hindi ka mukhang freshman.”
“Freshman pa lang ako. Mukhang hindi na kasi nga college drop out. Nagbalik school lang ako. May mali ba?”
“Nothing. All I thought kasi Senior ka. I’m sorry. I don’t mean to offend you.”
“No, its okey. Baka nga mas matanda pa ako sa’yo e.”
“If you are freshman then, welcome sa school.”
“Ikaw?"
“Ako?”
“Yes, ikaw? Anong year ka na ba at anong course mo?
"4th year, Management," sagot ko.
"You look familiar. Napanood ba kita sa TV o nakita na kita dati? Hindi ko lang matandaan exactly kung saan kita nakilala pero parang familiar ang mukha mo sa akin eh. Magkilala na ba tayo dati?"
Naalala ko nang sinubukan namin ni Sydney pumasok sa PBB. Baka doon niya ako napanood ngunit kinalimutan ko na ang bahaging iyan sa buhay ko. Ako kasi ang unang evictee dahil sa lahat sila ibinoto ako para lumabas sa bahay ni Kuya at pati ang taong-bayan ay ayaw rin sa akin.
"I don't think so. Siguro may mga kamukha lang akong kakilala mo? O baka naman dati mo na akong nakikita sa school.” Pagsisinungaling ko.
“Yun, baka ganun nga!"
Tumango ako. Lumingon siya sa akin na parang may inaalala pa rin.
"Weird. Pero siguro nga nakikita na kita dito sa school dati pa" Tumatango-tango pa siya bago siya tuluyang yumuko.
Tumingin muli siya sa akin na parang pilit inaalala kung saan nga ba niya ako nakita. Ngumiti siya nang magtama ang aming paningin hanggang sa yumuko at sinimulan niyang buksan ang books niya. Muli ko siyang pinagmasdan habang nagbabasa siya. Guwapo, makinis, hindi man kaputian pero nagpadagdag sa karisma niya at pagkakalalaki ang kaniyang kulay, matangos ang ilong, mga labing napakasarap halikan kahit pa may bigote siya at balbas. Ang isa pang lalong nagpalakas sa kanyang appeal ay ang mga mata niyang binagayan ng makapal na pilik-mata at kilay... ang kaniyang dibdib at braso...ang kaniyang… nakakainis naman!
"Are you okey?" tinapik niya ang balikat ko. Bumalik ako sa aking katinuan.
"Yes, okey lang ako." sagot ko. Tinignan ko ang kamay niyang nakalapat sa aking balikat.
"I was just asking kung anong oras matapos ang klase mo kaso hindi ka sumasagot at nakatitig ka lang kasi sa akin. Baka puwede kong ibalik na lang itong pen mo mamaya?”
“Di ba sabi ko, sa’yo na?”
“Hindi. Ibabalik ko kasi hiram lang ‘to e. 4:30 pa kasi matatapos ang klase ko, ikaw?"
"Okey nga lang, just keep it. Sa'yo na nga."
"Talaga? Seryoso kang ipinamimigay mo lang ang pen mo sa akin?”
“Seryoso ako at ballpen lang ‘yan.”
“Pero mamahalin kasi ito e.”
“Wala lang po ‘yan. Kung sinabi kong sa’yo na sa’yo na talaga.
“Sige. Salamat ha. I have a class na, see you around…Julia, right?"
"Oo. Julia pero just call me brad."
“Brad? Why brad?”
“Sanay kasi ako sa mga kapatid kong lalaki na tinatawag akong brad.”
“Ahhm okey. Thanks for this.”
Pagkatalikod niya ay tinitigan ko siya. Iniisip kong malabong magugustuhan ako. Oo, maganda rin naman ako pero yung tono ng boses ko at yung pagbibitaw ko ng salita, astig. Nahihirap kong turuan ang sarili kong kumilos na parang mahinhin na babae. Ayaw ko rin naman baguhin ang sarili ko nang dahil lang sa isang lalaki. Baka nga naisip niya mas astig at mababa pa ang boses ko sa kanya. Kahit kasi anong iwas ko sa mga kapatid kong lalaki ay sila at sila pa rin ang lagi kong nakakasama pag-uwi ko sa bahay. Mabuti na lang pumayag na ang mga magulang kong tumira ako sa sarili kong condo. Kahit paano nalilimitahan yung pagsasama-sama naming magkakapatid ngunit sila pa rin ang dumadayo sa akin kaya ang ending, hindi ko pa rin kayang magbago. Tinanggap ko na nga na sadyang ganito na talaga ako.
Mababaw lang naman ang nirason ko kahit di pumayag sina Mommy at Daddy nang una. Nang sinabi ko na gusto kong bumukod para maturuan ang sarili kong kumilos at magsalitang parang tunay na babae, hayun, wala ng kahit anong dahilan pa, pumayag na sila agad. Matagal na kasi nilang gusto na kumilos ako ng naayon sa aking kasarian. Mabuti nga ngayon, kahit papaano, nakakapagsuot na ako ng mga sexy dresses. Ang problem na lang sa akin ay yung tigas kong maglakad, kumilos at magsalita. Anong silbing naka-dress nga naman ako kung para akong kargador kung kumilos? Kaya alam kong hindi niya ako trip. Hindi ang babaeng kagaya ko ang magugustuhan ng lalaking kagaya ni Denver. Naupo ako sa gilid ng aking upuan habang mabilis na na-imagine ko kung ano kayang mangyayari kapag maging kami.
"Salamat talaga dito ha?" Mabilis niyang paglingon sabay kaway nang paalis na siya.
Sa gulat ko ay huli na nang ayusin ko sana ang pagkakaupo ko, tuluyan akong nahulog mula sa upuan at naglikha iyon ng ingay para lingunin ako ng mga naroong istudiyante. Narinig ko ang pigil nilang tawa. Mabilis na bumalik at lumapit si Denver para alalayan ako.
Nakita ko rin sa mukha niya ang pigil na tawa. Hindi ko na hinintay pang ilahad niya ang kamay niya para tulungan ako. Kusa na akong tumayo kahit pinamumulahan na ako sa hiya ay nagawa ko pa ring tignan siya sa mga mata.
“Okey ka lang?”
“Okey lang.”
"Okey ka lang ba talaga?" Kinagat niya ang labi niya dahil alam ko natatawa siya sa nakita niya kaninang ayos ko.
"Oo naman brad." sagot ko.
"Sige. Tuloy na ako. Ingat lang sa pag-upo." Tinapik niya ang balikat ko saka siya tuluyang umalis.
Napahiya ako sa unang pagkikitang iyon. Mukhang palpak. Magugustuhan kaya niya ako? Muli pa kayang mag-krus ang aming landas?