CHAPTER 12
THE KILLER LOVER
JOEMAR ANCHETA
"Sorry, masyado kang hot insan." Itinaas ni Hipon ang kaniyang mga kamay.
Kahit papaano ay natuwa ako sa pagtatanggol ni Denver sa akin. Kahit pa hindi ko nagustuhan ang pagpapakilala niya sa akin bilang kaklase lang niya.
"Halika na. Sa labas tayo mag-usap. Masyadong makitid ang mga utak ng mga tao rito."
Tahimik akong sumunod sa kaniya. Tinungo niya ang nakaparadang sasakyan ko.
"Buksan mo at mag-usap tayo sa loob." Seryoso ang kaniyang mukha. Galit siya, alam ko pero pinipigilan lang niya ang kaniyang sarili.
Nang nakapasok na kami sa loob ay doon na siya tuluyang sumabog.
"Julia, ano 'to? Bigla kang darating sa ganyang ayos? Ano ka ba naman! Hindi ka ba nag-iisip?"
"I'm sorry. May mali ba?" mahina kong sagot.
"May mali ba? Tang-ina tinatanong mo ako kung anong mali?”tinignan niya mula paa hanggang sa ulo. “Pumunta ka dito sa ganyang ayos.”
“Pag-aawayan ba natin ito? Maliit lang na bagay to ah.”
“Sa’yo maaraing wala lang ‘yan. Julia, nanadya ka yata e. Kita mo yun kanina? Hindi ka man lang ba nakaramdam ng kahit konting kaihiyan?”
“Iba sila, iba ako. Sa ganito ako manamit e.”
“Iba nga ang mundo mo sa mundo ko, Julia. 'Eto ako, lalaki ang mga tropa ko. Lalaki ako. lalaking lalaki ang tingin nila sa akin. Ta’s may bibisita sa akin na hindi nila alam kung tomboy o baklang pilit nagpapakalalaki? Yung gupit mo pa lang na gupit lalaki. Yung kilos mo at pananamit! Akala ko ba nagkaliwanagan na tayo?"
"Ikinakahiya mo ba ako?" tanong ko.
Nangilid na ang aking mga luha.
"That's not the point here.”
“Yun yon, Den. Nagkakaganyan ka kasi ikinakahiya mo ako.”
“E di sige, ikinakahiya na kita. Pero sana maintindihan mong sa lahat ng ayaw ko ay ang minamaliit at kinukutya ang mahal ko sa harap ko mismo.” Huminga siya ng malalim. Tumitig siya sa akin. “Parang ako na rin ang pinagtatawanan, Julia. Karelasyon mo ako, mahal kita kahit bago palang tayo pero sana naman umakto kang naayon sa kasarian mo. Manamit at kumilos ka nang naayon sa nasa kalooban mo. Alam mo ba yung feeling na pinagtatawanan yung taong mahal mo dahil sa kaniyang hindi maintindihang pagkasino at wala akong magawa para ipagtanggol ka kasi nakikita nila at nakikita ko din kung ano ang mali sa'yo."
"Mali sa akin? Ano bang mali? Na ganito ako? Na straight cut ang pantalon ko?”
“Oo. Maling-mali.”
“Napakakitid naman ng pagmamahal mo.”
“No I am not! You are just inconsiderate too.”
“Ako pa ang inconsiderate ngayon? Can't you see? Am trying!" sagot ko. Tuluyang bumagsak ang luha ko.
"You're trying? Nasaan? Hindi ko maramdaman, hindi ko makita. At makitid pa ako. Kung kakitiran ng utak ang ayusin ang mahal ko sa gusto kong ayos at kilos sa paraang nirerespeto, then so be it! Kakatok ka sa pintuan ko, hahanapin mo ako sa ganyang ayos mo, sa ganyang pananalita at kilos mo? At ano sa tingin mo ang iisipin nila, dyowa kita?"
"Hindi nga ba iyon naman ang totoo?"
"Totoo, sige totoong dyowa kita pero hindi lahat ng tao maintindihan ‘yon kung di nila mawari kung ano ka ba talaga.”
“Katulad ng di mo pagtanggap sa akin.”
“Hindi mo talaga ako naiintindihan at hindi mo man lang subukang intindihin ako. Oo girlfriend kita pero hindi ba puwedeng sa paraang maipagmamalaki ko naman ang kaganadahan mo at hindi yung mukha kang bakla o tomboy na hindi maintindihan? Julia, hindi pa naman ako handang ipangalandakan ka nang ganyan ang ayos mo!”
“Mahal mo ba talaga ako?”
“Mahal na din kita Julia pero hindi ko alam kung matatanggap ko yung porma mo. Nakita mo yung mga malalaki ang katawan doon sa loob kanina? Mga pinsan ko ang mga iyon. Maikukuwento nila sa bahay na may barkada akong bading o tomboy na pumupunta sa apartment namin. Kapag tinanong ako nina Papa, anong isasagot ko ha?”
Napalunok ako. Ang hirap pala talaga magmahal ng lalaking hindi ka tanggap ng buung-buo. Pinili ko na lang manahimik.
“Kaya nga ayaw kong makipagrelasyon sa kagaya mong tigasin dahil ito ang kinatatakutan ko. Yung paggamit mo ng salitang bading na hindiko gusyo.”
“Hindi ako gumamit ng gay Linggo kanina.”
“Hindi nga. Hindi siguro pero baka iba ang tingin mo sa kanila.”
“Siguro. Hindi ko alam.”
“Julia, umaasa ako sa pagbabago mo. Nangako ka e. Julia, makisama ka naman!" nakita ko rin ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata.
"Hindi mo maidiretso sa akin pero halatang-halata na ikinakahiya mo ako."
"Not necessarily you! Hindi ang buong ikaw, Julia. Yung pananamit mo, yung ibang kilos mo, yung timbre ng boses mo pero mahal ko yung nasa loob mo. Gusto ko yung ugali mo, yung nakikita kong nakatagong kagandahan mo."
"Den, kilos ko, pananamit ko at timbre ng boses ko, bahagi iyon ng bumubuo sa akin. Akala ko kasi mahal mo na rin ang lahat nang iyon, nang kung ano ang mga bumubuo sa akin."
"Look, more than a month palang tayo nagkakilala, almost 2 weeks palang na tayo. Inaamin ko, naiisip na kita, but not to the point na sobrang mahal na mahal na kita. At ito yung dahilan kaya hindi ko buong maibigay ang pagmamahal ko sa'yo kasi ganyan ka. Kaunting effort man lang sana. Kaunting paghihintay hanggang sa tuluyan kong mabago kita." Nangangatal siyang nakatingin sa akin. Humihingi ng pang-unawa.
Huminga ako ng malalim.”Ikaw itong hindi makapaghintay. Ikaw itong pinipilit at binibigla akong magbago. Mahirap ang gusto mong ipagawa sa akin. Kaya nga bigyan mo naman ako ng sapat na panahon para maging ako rin yung gusto mong maging ako.” Pinunasan ko ang luha kong umagos na sa aking pisngi. Pakiramdam ko kasi, lumambot na rin naman ako magsalita at kumilos. Maaring may mali sa damit ko ngayon pero ako na ‘to. Iyon na din ang timbre ng boses ko. Anong pagbabago pa ba ang kailangan kong gawin?
"I may not be the one na mamahalin at magugustuhan mo, Den," bulong ko.
Walang kasinsakit na sa akin manggagaling iyon pero tama ako sa iniisip ko. Hindi ko pa siya ganoon kamahal at siya rin naman sa akin. Isa pa, naturn-off na ako nang hiningan niya ako ng pera pero pinilit kong magbulag-bulagan dahil nga meron naman akong maibigay at may nararamdaman ako sa kaniya pero yung ganitong gusto niyang magbago ako agad-agad para sa kaniya ay mukhang hindi naman yata tama. Lalo pa’t alam kong iyon na pinakamaayos kong kilos at pananalita bilang ako.
"Sumusuko ka na?”
Tinignan ko siya.
“Tell me, ayaw mo na sa akin?"
Tumango ako.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ko, nasasaktan na ba talaga ako? Kasi siguro napaniwala ko ang sarili kong siya na nga ang lalaking mamahalin ko at mamahalin ako. Nabigo ako.
Narinig kong huminga siya nang malalim na para bang pilit na niyang pinapakalma ang kaniyang sarili mula sa sobrang galit niya kanina.
"Look, Julia, we argue kasi gusto kita. Kung wala sana akong pakialam sa'yo, kanina pa kita pinauwi."
"So, gusto mong magpasalamat pa ako sa mga sinabi mong masasakit sa akin?"
"Julia, gusto kong ayusin ka! Gusto kong mahalin at tanggapin kita ng sobra. Kaunting changes naman para sa akin. Kaunting unawa. Ayaw mo bang maramdaman yung alam mo sa sarili mong kakaiba ka pero ramdam mo pa ring tanggap ka at hindi ka kinukutya ng mga lalaki o kaya ay piunagtatawanan ng kapwa mo babae? Mahirap para sa'yo pero walang imposible kung gusto mong aralin. Hindi ko alam na ganoon mo din lang pala ako kadaling isuko.” Huminga siya ng malalim. Umiiling-iling siyang nakatitig sa akin. “Akala ko iba ka."
"Gusto mong maging ako yung hindi naman talaga ako? Di ba mas may mali sa kilos at pananalita ko kung hindi na ako totoo sa sarili ko?"
"Kung mahal mo ako, kaya mong mag-adjust, Julia"
"I'm sorry." Mahina kong sinabi iyon. “Kung mahal mo ako dapat tanggapin mo yung kung sino talaga ako.”
Nagkatinginan kami. Nakita ko sa mukha niya na hindi nga niya nagugustuhan ang ginagawa kong pagsuko at pagmamatigas. Hindi naman kasi madali ang hinihingi niya. Buong ako ang kailangan kong bihisan at hindi ang pisikal kong hitsura lang.
"Well then. Hintayin mo ako at may ibibigay lang ako.”
“Ibibigay? Ano ‘yon?”
“Basta wait lang. After this, you can be whoever you wanna be. Mabuti na nga talaga ito, habang maaga pa e, ipinakita mo na yung kahinaan mo. Mabuti nga rin at hindi pa kita minahal ng todo. Pinapag-aralan pa kitang mahalin. Hindi moa lam kung gaano kahirap sa akin ang magbago. Hindi mo alam kung anong pakikipaglaban ang ibinubuhos ko rito. Dahil kung nagkataong mahal na mahal na kita, hindi ganito kadali kitang pakawalan, Julia."
Binuksan niya ang pintuan ng kotse. Lumabas siya at pinagmasdan ko siya. Nagdadalawang isip na rin ako kung itutuloy ko pa ang sa amin. Nang hiningan niya ako ng pera, nakabawas na iyon sa kabuuang pagkagusto ko sa kaniya. Guwapo siya, maganda ang katawan, lalaking-lalaki kumilos, magsalita at pumorma. Siya ang hihinintay ko at matagal ko nang hinahanap. Siya yung matagal ko nang pinangarap.
Hanggang sa nakita kong lumabas siya sa kanilang apartment na may mga dalang shopping bags. Kumunot ang noo ko. Habang tinititigan ko sa hindi kalayuan ay parang lalong napakaguwapo niya sa suot niyang jersey sando at shorts.
Nagtaka lang ako sa mga dala-dala niyang shopping bags. Ibinaba na niya niya muna ang mga ito para buksan ang likurang bahagi ng aking sasakyan saka niya isa-isang ipinasok ang mga iyon. Isinara niya pagkatapos. Kinatok niya ang window ko. Binuksan ko.
“Maalala mo nang nanghiram ako sa’yo ng pera?”
Tumango ako.
"Yan na ang mga ‘yun. Pinakiusapan ko pa ang pinsan kong babae na mamili ng mga bagay sa’yo. Nakita kong pareho kayong built at maganda siya manamit. Kahit nagtataka siya, pinagbigyan akong ipag-shopping ka. Sa dami niyan, kulang ang 5,500 mo. Kinuha ko sa aloowance ko para mabuo ang 15,000 na pinamili para sa’yo. Para makapagsimula ka sa pagbabagong bihis mo. Para lumabas sana ang tunay mong kagandahan."
Hindi ako nakasagot sa naramdaman kong kahihiyan.