I held up my hands as if in surrender. “Okay. Relax. Kung ganoon ay ako na lang ang kakain nito. Sayang naman kung itatapon lang ito. Hindi mo pa naman yata nagagalaw.” Isa sa natutunan ko sa buhay nang mag-isa ay ang pagpapahalaga sa pagkain. Kaya nga lahat nang makita kong pagkain sa mesa ay tila ginto. Ang mahal pa naman ng mga presyo ng bilihin ngayon. Bukod sa sanay akong mag-isa ay parating noodles lang ang niluluto ko kapag nasa pad ako. “Ikaw ang bahala,” sambit ni Steven. Naupo ako sa harap ng mesa at nagsimulang kumain. Ang akala ko ay aalis na si Steven kaya laking gulat ko ng umupo ito sa kabilang silya. “Hindi magandang nagpapalipas ng pagkain tuwing umaga,” saad ko. He nodded. “Salamat sa pagpayag na manatili ako rito,” nakangiti kong sabi. “May magagawa pa ba ako? M