CHAPTER 1
Natigil ako sa pagtipa sa keyboard sa laptop. Nakatitig na lamang ako sa monitor niyon na siyang tanging nagbibigay ng liwanag sa madilim na silid na kinaroroonan ko.
Isang mainit na likido ang naramdaman kong tumulo sa aking pisngi. Mabilis akong umalis sa harap ng computer at dumapa sa kama. Isinubsob ko ang akinng mukha sa malambot na unan at doon ako humagulhol.
Nasa ganoon akong sitwasyon nang mag-ring ang akinng cellphone. Madali kong napansin iyon sa kabila ng madilim na silid dahil sa maliwanang na backlight nito.
“Hello?” bati ko sa nasa kabilang linya.
“Ryse? Bakit mukhang paos ang boses mo?”
Umayos ako ng upo sa kama. Ang kaibigan ko ang nasa kabilang linya—si Irish.
“Umiiyak ka ba?”
“Medyo.”
Binuksan ko ang katabing lampshade. Nang kumalat ang liwanag sa boung silid ay nawala na ang mushy mood niya. “Pasensya na hindi ko mapigilan na ma-carried away rito sa isinusulat kong nobela. Nakakaawa kasi yung bida kong babae. Minsan lang siyang nagmahal ay nawala pa sa kanya dahil namatay.”
“Eh, di buhayin mo ulit kaysa umiiyak-iyak ka dyan.” suhestiyon nito.
“Hindi pwede. Hindi naman kasi iyon ang bida kong lalaki.”
“Ay gaga ka naman talagang babae ka. Ewan ko sa’yo. Paano ba kita naging kaibigan?”
“Diba love mo ‘ko?” I stretched out my legs. “So pagbigyan mo na ako, Irish. Alam mo naman na nadadala ako minsan sa mga isinusulat kong nobela.”
“Anong minsan? Correction, lagi kang baliw, ‘no!”
Siguro nga ay tama ang sinasabi ng kaibigan ko. Pero ano ang magagawa niya? I was a writer at ang mga katulad ko ay talagang may “tililing” sa utak.
Kunsabagay, mahirap talaga para sa ibang tao na intindihin ang isang tulad kong nobelista. Gaya halimbawa ng pagsusulat ko sa madilim na silid. Ginagawa ko iyon dahil distracted ako sa liwanag na nagmumula sa mga ilaw or kahit sa labas. Minsan lang din makihalubilo sa ibang tao.
Sometimes, I would act out some scenes from my novels, kaya madalas ay napagkakamalan akong may diperensiya sa utak. Ang mga ganoong negative reactions ng mga tao sa akin ang nagsilbing inspirasyon ko sa buhay para ipagpatuloy ang pagsusulat. At nagpapatibay sa hinala kong baka may future din ako sa showbiz.
Ngunit hindi naman sa lahat ng oras ay mukha akong baliw. Nangyayari lamang iyon kapag nasa height ako ng pagsusulat. Kaya nang madalas akong magtago at ang tanging koneksyon ko lang sa outside world ay ang cellphone ko.
Katulad ng mga sandaling iyon. Nasa liblib na lugar ako sa Taguig kung saan ang inuupahan kong kwarto ay parang laging gabi. Hindi nga ako makapag-isip ng husto kapag may nakikita akong liwanag.
May sarili naman akong pad na bigay ng aking mga kuya na hindi ko rin naman gaaanong nagagamit. Hindi ko rin alam kung bakit gusto kong paiba-iba ako ng lugar na napupuntahan tuwing gagawa ako ng bagong nobela.
Kung minsan ay naiisip kong ibinigay lamang iyon sa akin para makasiguro ang mga ito na doon pa din ako babalik sa tuwing makakatapos ako magsulat ng isang nobela o kaya kapag naisipan kong bigla na magpahinga. Para naman mabisita ako ng mga ito.
“Wait! Bakit nga pala biglaan ang pagtawag mo?” tanong ko.
“Well, bukod sa gusto kong makasiguro na buhay ka pa, inutusan din ako ni Jannah na ipaalala sa lahat ng barkada natin na ang tungkol sa reunion service natin sa Café Inggo. This coming Saturday night na iyon.”
“Pwede bang pass na muna ako ngayon? Total naman, noong huli tayong nagkita ay nagsilbi na ako sa Café Inggo.”
“That was because ‘yong heroine sa ginagawa mo noon ay waitress ang ibinigay mong trabaho. Gusto mong maranasan kung paano maging waitress para mas maging makatotohanan ang karakter ng bida mo?” Napalatak ito. “Selfish reason. At hindi iyon counted kaya huwag ka nang humirit diyan.”
I smiled. Sa pagsisilbi kong iyon sa Café Inggo na pagmamay-ari ng kaibigan namin na si Jannah ang nag-trigger sa buong barkada na taun-taon ay magplano ng reunion gimmick namin.
Apat kaming nagtayo ng Café Inggo. Member kaming lahat noon ng isang club kung saan kami nagkakila-kilala noong nasa kolehiyo pa kami.
When we graduated from college, we decided to put up a business that would occupy our time habang tinatamad pa kami mag-pursue ng career. Nang sa wakas ay magseryoso na kami sa mga tinapos namin na course ay binili ni Jannah ang mga shares namin at ito ang nag-full time sa pagma-manage ng Café Inggo.
Noong una ay tsismisan at kwentuhan lang ang ginagawa naming magkakaibigan sa tuwing pupunta kami roon. But this time napagkasunduan namin mag-pose as waitress sa Café Inggo para naman maiba.
“Pumunta ka na, Ryse, at bawasan mo kahit konti ang problema ko.” pagkumbinsi ni Irish.
Napatitig ako sa aking laptop. Kunsabagay, apat na buwan na rin ang nakalipas nang huli ko makasama ang mga kaibigan ko. Apat na buwan na ring wala akong gimmick. I has three days to wrap up my story. Hindi rin masamang mag-unwind pagkatapos ng latest work ko.
“Sige na nga,” sang-ayon ko sa wakas. “Nami-miss ko na rin naman kayo.”
“”Sus nambola pa! Sige na tatawagan ko pa ang iba. Lalo lang lumalaki ang phone bill ko kapag kausap kita.” Biro nito.
“It's because you always miss me.” I laughed.
“Akala mo lang ‘yon,” natatawang sagot ko. “We’ll see you in three days.”
ALAS-NUWEBE na ng gabi ngunit nakikipagbuno pa rin ako sa matinding traffic papunta sa BGC. Matapos i-submit sa aking editor ang last part ng five chapters ng nobela ko ay dinalaw ko muna ang aking mga kapatid.
As usual, pakiramdam ko na naman ay ako ang prodigal son sa Bible na nagbabalik-loob dahil sa klase ng pagsalubong sa akin ng mga kuya ko. Nagkakatipun-tipon lamang kami kapag uuwi ako. Kung hindi pa ako muling tinawagan ni Irish ay hindi na ako paaalisin ng mga ito.
“Damn get out of my way!” sigaw niya sa loob ng kotse. This is what I really hate, Traffic. Hindi naman madalas traffic dito,pero nababagalan kasi ako sa daloy ng sasakyan. Siguro ay nagakataon lang na nagmamadali ako.
Nakakita ako ng pagkakataon na maunahan ang makupad na Ford sa aking unahan kaya mabilis kong minaniubra ang kotse at nakalusot naman ako. Pero hindi nakalusot sa aking pandinig ang langitngit na nilikha ng pagkakasagi ko sa naturang sasakyan.
Sunod-sunod ang ginawang pagbusina ng driver niyon ngunit hindi ako huminto. Bagkus ay binilisan ko pa ang pagpapatakbo nang sa wakas ay makalusot sa mga sasakyan sa unahan. Sumulyap pa ako sa rearview mirror. Wala ni anino ng nasagi kong sasakyan.
“Sorry na lang kung sino man ang may-ari ng sasakyan na ‘yon.” Walang mababakas na regret sa kanyang boses. “Ang kapal mo kase, eh.” Kampante na akong nagtuloy sa Café Inggo. Naging smooth na ang takbo ko the rest of the way.
Gawain na ni Steve ang magdala ng spare bottled wine sa kotse upang may mapaglibangan siya habang nasa biyahe. Ayaw na sana niyang magbalik sa Pilipinas kung hindi lamang niya kailangang pagtuunan ng pansin ang mga naiwang negosyo ng kanyang yumaong ama. If it wasn't for that, maski ang tumapak sa bansang ito ay hindi niya gagawin. Coming back reminded him of his painful past.
For him ay hindi na sana importante ang mga negosyong iniwan ng kanyang papa. Kung tutuusin ay hindi niya na kailangan ang mga iyon dahil mas matatag at mas malaki ang ang mga negosyo niya sa Europe. Personal reason lang talaga kung bakit babalikan niya ang mga iyon.
Biglang nagpreno ang kotse na sinasakyan niya. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes niya kung hindi ay baka sumubsob siya sa pagkakaupo sa backseat. Ngunit ligtas man ang mukha niya, basang-basa naman ang kanyang suot na business suit. Nabuhos kasi roon ang laman ng hawak niyang baso.
“Damn it! Ano bang klaseng pagmamaneno ‘yan?” singhal niya sa driver.
“P-pasensiya na ho Sir. May bigla ho kasing nag-overtake sa sasakyan natin,” hingi ng driver ng paumanhin.
He grin his teeth. Nanggigil na pinabuksan niya ang bintana sa tapat niya at tinanaw ang mabilis na kotseng nakadisgrasya sa kanila. Agad din niyang napuna ang malaki at pangit na gasgas sa unahang bahagi ng kanyang sasakyan.
“What the hell—” Marahas niyang hinubad ang suot na overcoat. “Stupid drivers! Mga walang disiplina!” Nanlalagkit na siya dahil pati ang suot niyang slacks ay basa rin. Wala na ring pag-asang maisalba pa ang kanyan long-sleeve na namantsahan ng red wine. “Buwisit!” Inis na singhal niya.
Hindi pa nga siya nakakarating sa kanyang destinasyon ay hindi na matino ang suot niya .
“Sir, nakuha ko ho ang plate number ng nakadisgrasya sa atin,” wika ng driver na halatang ninenerbiyos sa ipinakita niyang iritasyon. “Kung gusto ho niyo ay ireport natin sa police ang driver niyon.”
“At paano natin magagawa iyon? Basang-basa na ang suot ko.” inis na sighal nito.
Natameme ang driver.
“Damn it! Ihinto mo sa unang commercial establishment na madaraanan natin.”
“O-oho. Okay lang po ba ang Café Inggo?” tanong ng driver.
“Kahit ano!” wala na talaga siya sa mood sa sobrang inis.
Puno ang parking lot ng nasabing establishment. He didn't wait na makahanap pa ng space. Nakababa na siya sa kotse ng mapansin ang pamilyar na sasakyan na nakaparada doon. Taking a closer look nakita niya ang malaking gasgas sa unang bahagi niyon.
“s**t! The stupid driver is here.” agad siyang pumasok sa loob ng Café. Malalaking hakbang ang ginawa niya.