It was not my fault that he didn't trust his first instinct. I bit back my tongue.
“Hindi ko naman talaga iyon sinasadya,” sa halip ay sabi ko. Plastik na kung plastic pero hindi ako maaaring makulong. “Lagi mo kasi akong ginugulat, kaya kung anu-ano ang lumalabas sa bibig ko para lang tigilan mo na ako. Tsaka ang lakas-lakas ng boses mo eh, magkalapit lang naman tayo,”
“Well, iyan ang malaking pagkakamali mo.”
“Come on—”
He waved his hands to shut me up. “Don't worry, you're not alone.”
“Look, I'm really sorry,” seryoso kong paghingi ng tawad sa kanya. Ayaw ko kasing madamay sila Aling Flor at baka totohanin ni Steven ang pagpapakulong na tinutukoy nito.
“You know what I mean, Ryse,” sambit ni Steven na parang hindi naririnig ang paghingi ko ng tawad.
Realization hit me. Parurusahan nito si Aling Flor at iba pang katiwala na tumanggap sa akin sa Isla.
“I told you, mahigpit kong ipinagbabawal ang pagtanggap ng bisita sa islang ito. Sinuway nila ako. So, kailangan nilang kaharapin ang consequence ng ginawa nila at damay ka doon,” saad nito.
“I’m really sorry and I mean it. Alam kong matindi ang galit mo sa akin kaya ako na lang ang ipakulong mo. ‘Wag mo na silang idamay pa,” sagot ko. “If you want me to go to jail, then fine. Pero ako na lang, tutal, sa akin ka naman talaga galit, hindi ba?”
“I'm not—” kung ano man ang gusto niyang sabihin ay hindi nita na itinuloy. He was staring at me na para bang naninimbang.
Wala rin akong ibang nagawa kundi titigan siya . Gusto ko pa sanang mangatwiran ngunit walang pumapasok sa utak ko kundi ang gwapong mukha niya.
Gusto ko tuloy malaman kung bakit ang isang lalaking tulad niya na biniyayaan ng kagwapuhan ay tila galit na galit sa mundo. A man like him should have at least a light personality, kahit konti man lang. Pero wala. Ang ngiti lang siguro nito ay once in a blue moon pa kung sumilay sa kanyang mga labi.
Mayamaya ay walang imik itong lumapit sa flower vase na naroon sa mesa. “If it wasn't for your brother —” mahinang sambit nito ngunit narinig ko pa rin iyon.
“My brother? Anong kinalaman nila rito?” nakakunot-noo kong tanong sa kanya.
Hinarap ako nito. A slight wave of defeat was on his eyes. Ngunit sandali lamang iyon nanatili sa mga mata niya dahil agad naman iyong nawala at napalitan ng kawalang pag-asa.
“Ang Kuya Robert mo ang kausap ko kanina. Nabanggit niya noon na meron siyang kapatid na babae na Daphne Ryse Ragual. I suppose that it's your real name.” paliwanag niya..
How dare he know my brother? Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko dahil bigla siyang nagsalita.
“Your brother and I had made some successful dealings before. Matagal na kaming magkakilala. At nabanggit niyang on vacation ka pero hindi niya alam kung nasaan ka. I told him you're here,” sambit nito.
“What? Bakit mo sinabi? gulat na tanong ko.
“You're right. Hindi ko dapat sinabi,” sang-ayon nito. “Now I have to look after your welfare. Ibinilin ka niya sa akin.”
“I'm not anyone's responsibility,” iritado kong sagot. “I can perfectly take care of myself.”
Sa lahat ng ayaw ko ay iyong itinuturing akong lampa at bine-baby pa. Matanda na ako para maging alagain.
“We share the same sentiment, Ryse. Ayoko rin ng may inaalagaan. Pero wala na akong magagawa dahil naka-oo na ako sa Kuya mo.”
“Pwede mo namang hindi iyon tuparin,” suhestiyon ko.
“The only thing that can make me back out of my word is when you ‘willingly’ get out of my island.”
“It's easy to do what you had said. The problem is hindi ako willing umalis ng isla. Hindi pa sa ngayon.”
Matagal itong hindi umimik. Pinakiramdaman ko siya kung tututol siya sa sinabi ko.
“Does it mean you're letting me to stay,” I faked a smiled. “Unless you have other plans.”
“Alright,” saad nito. “Pero kailangan ko pa ring kastiguhin ang mga katiwala ko. Kahit pa gaano kaganda ang intensyon nila na patuluyin ka, wala pa rin silang karapatan na suwayin ang utos ko,” aniya.
Talaga bang may mga taong katulad nito sa mundo? Napakaamo ng mukha pero masama naman ang ugali. Look could be decieving , ang the man in front of me was the living manifestation of that saying. But then again, hindi ko mapigilan na hindi tumitig sa napakagwapo pero seryoso nitong mukha.
“May problema pa ba?” agad na tanong nito.
“W-wala na.” Hinilis ko ang aking tingin.
“Kung ganoon ay ipalipat mo na ang mga gamit mo sa guest room,” tumayo ito at lumapit sa pinto. “So, if you'll excuse me….” He opened the door for me.
I silently left. Hindi pa ako gaanong nakakalayo nang bigla akong bumalik at kumatok sa pinto.
“What?” iritadong tanong nito ng pagbuksan ako.
I handed him the flower I was holding on.
Kakaibang tingin ang ipinukol nito sa akin. “What is that?”
“Flowers,” nakangiti kong sabi.
He snapped an eyebrow, warning me not to play words with him.
“It's a sort of a “thank you” gift.” medyo nahihiya kong sabi.
“You're welcome,” Tinangka nitong isarang muli ang pinto nang hindi kinukuha ang mga bulaklak sa akin.
“Hey, come on. Don't be such a rude,” inis na sabi ko.
“I'm not rude, I just want to be alone,” depensa ng lalaki.
“Well, for me, oo. Binibigyan ka lang naman ng bulaklak, ang suplado mo pa,” mataray na sabi ko habang nakanguso.
He snatched the flowers, accidentally touching my hands at the same time.
Saglit kaming natigilan at nagkatitigan, pagkatapos ay mabilis kong binawi ang aking kamay.
“Sige, aasikasuhin ko pa ‘yong paglilipat ng gamit ko.” Pagtalikod ay wala sa loob kong pinagmasdan ang mga kamay na hawak ko na nadampian ng palad nito. Strange but that simple touch sent shivers down my spine.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa naiisip, saka umiling. Maybe because he was the one who initiated the contact at hindi ko iyon inaasahan. Nagulat lang siguro ako kaya iyon ang naging reaksyon ko. Bakit ba kasi pinagaaksayahan ko pa iyon ng pansin?
It was just a simple, unintended touch.
Nakita ko na nakatayo si Steven nang umagang iyon sa veranda at tahimik na pinagmamasdan ang kulay asul na karagatan.
Gusto ko sana itong batiin kaya lang ay tila malalim ang iniisip niya. Ayaw ko din naman makaisturbo.
Napatingin ako sa mesang naroroon. Halatang hindi pa nito ginagalaw ang pagkain na nakahain roon. Patalikod na ako ng tawagin ako nito. Siguro ay naramdaman niya
ang aking presensya.
When I turned to him, my day couldn't be any better. In his white shirt and casual jeans, he looked so tall and imposing yet so calm.
Napakasama ko naman siguro kung ikakaila kong napaka-gwapo nito. Ayaw ko naman magsinungaling pati sa sarili ko.
“Good morning,” bati ko ng lumapit ako rito.
He looked even better up close. “Good morning,” ganting bati nito.
Mababa naman ang tono nito kaya hindi agad ako umalis. “Maaga ka yatang gumising.”
“I'm an early riser. Ikaw? You're on vacation, so why are you doing up this early in the morning?”
Nagkibit-balikat ako at saka naupo sa pasamano ng veranda. “Sana’y na akong gumising nang maaga.”
So hindi naman pala ito gaanong masama. Siguro ay hindi lamang nito nagustuhan ang ginawa ko at ng mga katulong kaya nadamay kami sa galit nito.
I admitted that I was wrong to lie pati na rin ang mga ginawa ko noong nasa Maynila pa kami. Kahit sinong tao ay natural na magagalit nang dahil doon.
Pinagmasdan ko ang paligid. “Nice place, isn't it?” wika ko. “Shiny white sand, the shore is utterly wide, smooth rock formation, and crystal clear water making it ideal for snorkelling.” nakangiting sabi ko. “Would you believe that I'm actually staying in one place for a period of time and haven't gotten bored of it yet.”
Steven didn't respond. Inaasahan ko na iyon. Wala nga naman itong pakialam sa kung anong ginagawa ko sa buhay.
“Marabason ka palan,” sambit nito.
Tinitigan ko ito ng maigi ng sumagot ito. Pagkatapos ng gulat ay tuwa ang namutawi sa akin nang marinig iyon. Akala ko ay wala itong pakialam sa aking sinabi.
“Hindi naman masyado. I just get bored easily so I tend to move around a lot,” I answered.
Dito lang hindi.
“You have an expensive habit.”
“Kung tinutukoy mo na pera ng kapatid ko ang winawaldas ko ay nagkakamali ka. I earned enough from my work. Iyon ang ginagamit ko kapag gusto kong magbakasyon.” paliwanag ko. “Since sarili ko lang naman ang sinusuportahan ko, nagagawa ko ang lahat ng gusto ko."
Naalala ko tuloy ang mga kapatid ko. They wanted to give me everything. Kung tutuusin ay hindi ko na kailangan magtrabaho pa. Pero syempre, sariling desisyon ko pa rin ang masusunod para sa sarili ko. Naiintindihan naman iyon ng mga kuya ko.
Kinuha ni Steven ang mug sa mesa at inalok iyon sa akin.
“No, thanks,” tanggi ko. “I don't drink coffee.”
Ito na lamang ang uminom niyon. Ang akala ko ay hindi na ito magsasalita pa dahil ibinaling na nito ang tingin sa malawak na karagatan.
“So where are your parents?” Maya-maya ay tanong nito.
“Heaven. How about yours?” balik ko ng tanong sa kanya.
He didn't answer. Mukhang ayaw niyang pag-usapan ang mga magulang nito kaya hindi na ako nangulit pa.
Although I was curious to know about him and his life—lovelife.
“Ryse,” tawag nito sa akin.
“Yes?”
“Napapansin kong nagugustuhan mo na sa islang ito,” he said.
“Oo. I admire everything. It's like paradise for me. Bukod doon ay mababait pa ang mga tao rito sa isla,” I smiled.
I gave him a sideway glance. Tila malalim ang iniisip nito kaya malaya kong napagmamasdan ang gwapong mukha niya.
Gaano kaya kadami ang mga alalahanin nito at tila hindi na ito tumigil sa pag-iisip simula nang magkakilala kami?
I loved staring at him. Hindi ako nasasawang pagmasdan ang mukha nito. Kahit sinong babae ay mahuhumaling nang husto sa tila nang-aakit na ngiti nya. Kahit minsan ko lang itong mahuling ngumiti.
I'm curious sa status ng lovelife niya.
“Are you married?” curious kong tanong dito.
Tiningnan lang ako nito at hindi man lang sumagot sa tanong ko.
“Sige mag-aalmusal muna ako,” paalam ko.
“Kapag nakita mo sina Abi, could you tell them to get the food here,”aniya ni Steven.
Tiningnan ko ang walang bawas na pagkain. “Hindi ka ba mag-aagahan?” tanong ko pa .
“I'm not hungry,” sagot nito.
“On diet, ah” biro ko sa kanya.
Hinarap ako nito sa wakas. “I said, I'm not hungry,” inis na saad nito.
Ang bilis talaga mag-init ang ulo niya. Nagbibiro lang naman ako.