I stretched my hands habang nakasandal sa ilalim ng puno ng niyog. Pinagmasdan ko ang asul na dagat at saka pinaglalaruan ang mga pinong buhangin sa paanan ko. Magda-dalawang linggo na pala ako sa Pinamuntugan Island. Hindi ako makapaniwala na nakaabot ako ng ganun katagal sa isang lugar na hindi ako naiinip kahit kadalasan ay wala akong ginagawa. At bakit ko naman mararamdaman ang mainip kung ang tahimik na presensya ni Steven at gwapong mukha nito ang aking masisilayan lagi at nandyan para palampasin ang mga nakakabagot kong araw. Napangiti ako ng maalala si Steven. Alas-dos na ng hapon ngunit hindi ko pa rin nasisilayan kahit ang anino man lang nito. Weird nga siguro dahil sa edad ko na bente-sais ay tila nagkaka-crush pa ako rito. But who would care? Talaga namang gustong-gusto ko