CHAPTER 16

1773 Words

Panay ang kwentuhan ng mga kaibigan ko sa bar counter ng Café Inggo. Si Jannah ang nagbigay sa amin ng mga drinks dahil inaasikaso ng bartender nito ang ibang kustomer. “Hoy, Ryse, anong problema?” Untag ni Becky sa pananahimik ko. “Kanina ka pa nakamukmok dyan. Kanina ka pa nakatulala d'yan sa baso mo. Ano bang nakikita mong kakaiba riyan na hindi namin nakikita?” pang-aasar nito. “Wala. Jannah, pahingi pa nga ng martini,” baling ko kay Jannah. “Tama na ‘yan. Marami ka ng nainom,” pigil sa akin ni Jannah. Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak na baso. “Tatlong shot pa lang naman ang nainom ko, kaya ko pa naman,” nakangiti ko pang saad. “Apat na kaya. Hindi ka pwedeng maglasing dahil magmamaneho ka pa pauwi,” Paalala ng mga kaibigan ko. May katwiran ito kaya napatitig na lang ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD