Napatigil naman ako sa pag-inom ng juice at nang lingunin ko ang kinaroroonan nila ay magka-shake hands sila ng kaharap niya. He’s wearing a business suit at napakatikas ng kanyang tindig. What? Nandito si Steven Clores sa bahay. Napaawang ang bibig ko ng marinig ko ulit ang kanyang boses. Almost a year! “Yeah! I hope na makapunta kayo sa wedding namin,” he said in a baritone voice. Napawi ang ngiti ko ng marealize ang sinabi niya. He’s getting married. Kaya ba sya naririto para imbitahan ang mga Kuya ko. Nang lumingon sya sa gawi ko ay nagtama ang paningin namin, tila bumagal ang oras. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa mga pangyayari. Ang gwapong mukha na iyon, ang kanyang labi, at ang nakakatunaw niyang mata kung tumitig. Mas naging matured look siya ngayon. At h