Ipinatong ko sa mga tuhod ang mug na hawak ko. Sa kabilang banda ay maaaring tama sya. “You know why I can relate to you? Dahil napagdaanan ko rin ang nangyari sa’yo. I don't have any memories of my parents. They died when I was still young. Ang mga pictures naman nila ay kasamang nasunog sa una naming bahay.” Namutawi sa akin ang lungkot ng pagkabata ko. “My brother's were busy running the family business our parents left us, kaya hindi sila makapagkwento sa akin ng tungkol sa aming mga magulang. I grew up hating my parents for leaving me so soon and my brother's for being so busy. I became a recluse. Luckily, my brother's noticed that,” pagkukwento ko. “Matagal din bago nila ako tuluyang naisalba. When I went to college and met my friends, doon na tuluyang nawala ang galit ko sa mund