Sa dalampasigan ako madalas magpunta kapag walang ginagawa para mag-isip at mangarap ng mga scene na maisusulat ko. Nakagawian ko na magpalipas ng oras doon dahil bukod sa maganda at sariwa din ang hangin na nalalanghap ko ay nakakapag-pahinga ako ng maayos.
It's a peaceful place. It's looks like a paradise for me.
Sa sobrang tahimik ay hindi ko namalayan na nakatulog ako kaya inabot ako ng gabi sa dalampasigan. Hindi ko na rin napanood ang magandang paglubog ng araw. Napakamot na lang ako sa ulo habang naglalakad pabalik sa mansyon.
Hindi ko pa naman kabisado ang pasikut-sikot sa isla kapag madilim na. Kaya sumasabay lang ako kay Aling Flor pauwi pagkatapos ng trabaho sa mansyon. Paano na kaya ako nito makakauwi? Inabutan na ako ng gabi sa daan.
Alas syete pa lang naman ng gabi ngunit nakapagtataka ang katahimikan sa mansyon ng makarating ako. Hindi rin nakabukas ang lahat ng ilaw. That was very unusual dahil sa halos isang linggo kong pananatili sa isla ay sigurado akong hindi pinapatay ang mga ilaw hangga’t hindi nagsisi-uwian ang lahat ng kasambahay.
Pagkapasok ko ng sala ay biglang umalingawngaw ang ingay nang matisod ako sa isang stainless magazine rack. “Ouch! Bwisit!” daing ko. I kicked it at natisod akong muli sa iba pang furniture.
Napangiwi na lamang ako. Sino ba naman kasi ang nagpatay ng ilaw sa sala?
Mula sa kaunting liwanag na nagmumula sa ilaw sa second floor ay naaninag ko ang switch. But then someone grabbed my searching hands and before I knew it, I was suddenly pinned down to the carpeted floor.
May nakadagan sa akin. I panicked and blindly fought back. Walang nangyari dahil mas mabigat at malakas ito sa akin. “Hindi ako makahinga, Bwisit ka!”
Naramdaman kong saglit na natigilan ang nakadagan sa akin. Mabilis na binuksan nito ang pinakamalapit na lamp shade. Parang gusto kong maglaho na lang bigla nang bumulaga sa akin ang pamilyar na mukhang iyon.
“You?” Bulalas ko.
“You?” bulalas niya rin. Nakilala na rin ako nito. “Ano na namang kalokohan ito?” he gritted his teeth. Tumayo ito at binuksan ang mga ilaw sa sala.
Noon ko napansin na nakasando ito at naka-boxer short, revealing a pair of sturdy-looking legs. So sexy.
He was the same guy I accidentally met in Manila and the same guy I was running away from.
Ngunit hindi ako makapaniwala na ito ang tinutukoy na amo ni Aling Flor. Hindi ko akalain na ang isang katulad nito ay ang may-ari ng isla na hinahangaan ko.
Hindi ko ito dapat makita pa. Ano ba ang dapat kong gawin? Ang tumakbo o manatili? I preferred to get up first ngunit hindi pa man ako nakakaayos ng tayo ay galit na nagsalita ang lalaki .
“Inuulit ko, anong ginagawa mo sa pamamahay ko dis-oras ng gabi?” Iritasyon ang tanging makikita sa kanyang gwapong mukha. “Paano mo nalaman ang lugar na ito? Hindi mo ba alam na ipinagbabawal ko ang pagpasok ng mga taga-labas sa islang ito?”
Hindi ako sumagot. I analize what he said.
“Speak up!” Bulyaw nito.
Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Lalo lamang ako nahirapang sumagot. Hindi naman ako sanay ng minamadali at lalong hindi ako sanay ng sinisigawan. Isa pang dahilan kung bakit hindi ako makapagsalita sa kadahilanang baka mabisto ako nito. Sa nakikita ko pa lang sa galit na mukha nito ay batid kong hindi ako makakatakas sa lalaki.
“I better call the police,” asik niya.
Naalarma ako. “T-teka. Nakatulog kasi ako kanina sa dalampasigan pagkatapos magtrabaho rito sa mansyon. Akala ko ay naririto pa si Aling Flor—” I explained.
“Stop it! Your lame excuses.” Mukhang hindi ito naniniwala sa akin. Kulang na lang ay magdikit na ang kilay nito sa pagkakakunot noo.
Kung ganoon ay delikado ang lagay ko, lalo na ng mga kasambahay sa mansyon. “Anong pangalan mo?” Hindi iyon tanong kundi isang utos.
Gusto ko ng tarayan ito pero pinigil ko ang aking sarili. Walang dapat mapahamak. Hindi ako at lalong hindi ang mga kasambahay sa mansyon na maayos na tumanggap sa akin.
“Daphne ho,” sagot ko.
“Daphne, Ryse, whatever.” sang-ayon niya sa sinabi ko “Ikaw pa rin ang babaeng may malaking atraso sa akin sa Maynila."
“Wala ho akong natatandaan. Baka ho ay kapangalan ko lamang,” sagot ko.
“Hindi pa ako ulyanin kaya ‘wag mo akong gawing tanga,” inis na sagot niya.
I winced. “Hindi ko ho alam ang sinasabi niyo.”
“Of course you do!” malakas ang boses na sigaw nito.
Right. But I wouldn't admit it. “Dito ako nagtatrabaho sa isla, Sir.”
There was a moment of silence.
Namaywang siya saka nagpakawala ng buntong hininga. “I see.”
Sa tingin ko hindi pa rin ito naniniwala.
“Kung ganoon ay gaano kana katagal nagtatrabaho rito? Hindi ko yata matandaan na nakita na kita rito kahit minsan.”
Naalala ko bigla ang binanggit noon ni Aling Flor tungkol sa madalang na pagbisita nito sa mansyon. “Matagal na rin ho. Hindi niyo lang ho ako nakikita dahil hindi naman kayo rito pumirpirmi ng matagal.” I knew it. Mukhang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito sa sinabi ko.
Agad nagbalik ang iritasyon sa mukha niya. “Ayusin mo na ang mga iyan.” Itinuro niya ang mga nagkalat sa sala.
“Eh—”
“Bakit?” putol niya sa sasabihin ko.
I bit my lower lip. Paano ko sasabihin dito na hindi ako makakabalik kina Aling Flor dahil hindi ko kabisado ang daan pauwi kapag madilim.
Sabi na nga ba, all liars go to hell. Pero teka, hindi niya naman kailangang malaman na nagsisinungaling lang ako.
"May problema ba?”
“W-wala naman ho,” sagot ko. “Eh, si Aling Flor nasaan?”
“I wanted to left alone kaya pinauwi ko na sila ng maaga.” Sinulyapan nito ang wrist watch. “Umalis ka na habang hindi pa gaanong malalim ang gabi. Bukas mo na lamang iligpit ang mga kalat rito.”
“Ah, okay lang,” aniya. “Tatapusin ko nang iligpit ang mga ito at saka na ako uuwi.”
Malamig na tingin lang ang binigay sa akin nito. Walang ekspresyon at saka tumalikod sa akin.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang wala na ang lalaki. Kanina ko pa pala pinipigilan ang aking paghinga. Bakit kasi sa dinami-rami ng tao sa earth ay ito pa ang naging may-ari ng isla?
Naisip ko tuloy na pinaglalaruan ako ng tadhana.
No. Pinarurusahan lang ako ng Diyos dahil sa kalokohan ko. Bulong ko sa sarili.
Kung hindi lamang ako nagagandahan sa kaakit-akit na islang ito ay mag-aalsa-balutan na ako agad.
But for now, pagtitiyagaan ko na muna ang nakakailang na presensya ni Steven. Nage-enjoy na ako sa lugar na iyon kaya hindi ako papayag na isang katulad lang nito ang sisira sa pagbabakasyon ko sa islang ito.
Kung kailangan magsinungaling ako ay gagawin ko.
Inumpisahan ko ng mag-ayos at pagkatapos ay prenteng naupo sa sofa para magpahinga muna saglit.
“Aren’t you done yet?” Seryosong tanong nito sa 'kin..
Napatayo ako ng marinig ang nag-uutos na boses ni Steven. Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon at nakitang may hawak na ito ng isang baso ng tubig.
“T-tapos na. May ipag-uutos pa ba kayo?”
Sumandig ito sa hamba ng pinto ng kusina. Doon pala ito tumuloy kanina ng iwan ako. “But I have a question. How come you rarely pay respect me when you talk?”
Ang sinabi nitong iyon ang isa sa mga dahilan ko kung bakit lumayo ako sa mga kapatid ko na nagpalaki sa akin. My brothers taught me not to vow down just to anyone. Isa raw kasi akong Ragual at ang mga katulad namin na nabibilang sa matataas na tao sa lipunan ay hindi dapat basta yumuyukod kanino man.
Laking pasasalamat ko at may yaya akong nagtuwid ng mga baluktot na paniniwalang iyon. Pero sabi nga ng mga Kuya ko ay isa akong Ragual. Siguro ay nasa dugo talaga namin ang pagiging egoistic. At nahalata iyon ng lalaking kaharap ko ng mga sandaling iyon.
“Hindi lang naman sa salita nakikita ang paggalang sa isang tao,” palusot ko pa . “Nariyan syempre ang tamang pagkilos.”
“Are you a college graduate?”
“Kung college graduate ako, sa tingin mo ba ay magpapakahirap akong magtrabaho sa bahay ninyo bilang katulong?”
“I guess not,” lumagok ito ng tubig. “Unless you're just lying. Anyway, it's already past seven. Masyado ng gabi para umuwi kang mag-isa. Doon ka na muna sa servants quarter matulog. Mag-lock ka na lang kung wala kang tiwala sa akin,” utos nito.
“Thanks for the reminder.”
Hindi yata nito nagustuhan ang sinabi ko dahil bigla itong pumormal. “How old are you?” tanong nito.
“Twenty-five.”sagot niya.
“You’re too young for my taste,. Siyanga pala, anong apelyedo mo?” usisa ulit nito. Akala mo ay imbestigador.
Napairap ako sa sinabi niya.
“Ragual,” Huli na para ma-realize na hindi ko dapat sinabi ang totoong apelyedo ko.
“Hmmm.. sounds familiar,” napahawak pa siya sa baba niya na parang may inaalala.
Who wouldn't know? Maliit lang ang mundo ng mga negosyante. Hindi nga malayong makilala niya ang mga kapatid ko kung isa rin siyang aktibong negosyante hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
“Marami namang magkakapareho ang apelyedo dito sa mundo,” palusot ko. “Malay natin kung nagkataon lang na kapareho ko.”
Tumango lamang ito. “But I don't trust you, Daphne."
Muntikan pa akong masamid sa pagbigkas niya ng pekeng pangalan ko.Mabuti na lamang ay umakyat na ito sa hagdan bago pa man humaba ang pagtatanong niya sa akin. Naiilang ako sa presensya ni Steven. Magsimula ng magkalapit kami ay lagi na lang mabilis ang t***k ng puso ko sa tuwing magtatagpo ang landas namin.
Gagong lalaki ‘yon, ah! Kinabahan ang nervous system ko. He makes my heartbeat so fast.