CHAPTER 6

1653 Words
Nang nagtungo na ako sa servants quarter ay humiga ako sa malambot na kama na iyon. Naramdaman ko ulit ang malambot na kama, hindi kasi ganoon ang hinihigaan ko kila Aling Flor. Rattan na banig at malambot na unan. Gayundin ang moskitero na inilagay ni Aling Flor bago ako matulog. Para daw hindi makapasok ang anumang insekto tulad ng ipis at lamok sa hinihigaan ko. Pero okay lang naman sa akin ang ganoong set up dahil sino ba naman ako para magreklamo kay Aling Flor, pinapatuloy na lamang ako nito ng libre. Nang makontento ako sa paghiga sa malambot na kama ay nagpasya akong maghilamos muna bago matulog. Wala akong dalang damit kaya kumuha na lamang ako ng damit na naroroon sa cabinet sa silid. Isang oversized na t-shirt at fitted na malambot at manipis na short. Walang undergarments kaya hindi na lamang ako nagsuot ng pambaba. I guess, sa mga kasama ito ni Aling Flor. Pagkatapos maligo ay nagpatuyo na ako ng basa kong buhok. Maghihilamos lamang ako ngunit napaka-presko ng tubig kaya napagpasyahan kong maligo na lang dahil na rin sa sobrang lagkit ng katawan ko sa maghapong pagtatrabaho sa mansyon. Naupo ako malapit sa kama para tingnan ang sarili ko sa salamin. Naglagay ako ng skincare na nakalagay sa maliit konna bag at nagsuklay na rin ako. Sinipat ko ang suot na damit sa salamin. Sexy ang suot ko. Dahil bakat na bakat ang aking bilugan na pwet at ang aking malulusog na dibdib. Sinadya ko na gumising nang maaga kinabukasan upang hindi ko makita ang aking amo. I couldn't believe na magtatrabaho ako bilang yaya sa bahay ni Steven. Ngayon nga ay obligasyon ko pang magpanggap na katulong sa mansyon kung hindi ay malilintikan kaming lahat lalo na si Aling Flor. Bumalik ako sa tinutuluyan kong bahay ngunit hindi ko na naabutan roon si Aling Flor. Siguro ay maaga itong pumasok at nagkasalisihan kami sa daan. After taking a bath at kumain ng light breakfast ay bumalik na agad ako sa mansyon. Lihim kong ipinagdarasal na sana ay hindi magkatagpo ang landas namin ni Steven. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang alam ko ay dapat ko siyang iwasan. “Good morning!” bati ng amo ko. Abala ako sa pagbungkal ng lupa sa hardin nang marinig ko ang pagbating iyon ni Steven. Nilingon ko ito. He was comfortably sitting in a lounger and facing me. He was wearing a gray shirt and a pair of jeans. Bagay na bagay rito ang suot nito. The day we first met in Manila nasabi ko sa sarili na may itsura talaga ito. Ngunit hindi ko akalain na mas gwapo ito in a broad daylight. Kahit hindi ko gusto ang ugali nya, he was still a sight worth seeing. “Magandang umaga rin, Sir,” bati ko pabalik rito. Bitbit ang binabasang magazine at sa kabilang kamay naman ay ang mug, lumapit ito sa akin. Nahigit ko ang aking hininga nang makita ko lalo ito ng malapitan. Bakit ko pa naisipan na iwasan ito? Ang gwapo! Iwinaksi ko ang aking iniisip. Hindi maaari na magustuhan ko siya. Ikinurap ko ang aking mga mata. He was now looking at me. Gusto ko pa sana itong pagmasdan pero baka makahalata kaya ibinaling ko na lamang ang paningin sa sa pagbubungkal ng lupa. “Nagtatanim ho,” Inayos ko rin ang mga nasirang halaman nang mag-jumping jack ako doon ng nagdaang araw. “Nagsasayang ka lang ng oras. Hindi mo na maibabalik ang dating itsura niyan,” aniya. Pinagmasdan ko ang aking ginagawa. Mukhang wala na ngang pag-asa pang mabuhay ang mga durog na halaman pero pwede namang palitan ng bago bilang remedyo. “Huwag ho kayong mag-alala, ilang araw lang ay mabubuhay na ang mga bagong tanim na ipapalit ko.” I continue digging. “ Hindi man iyon kasing-ganda ng dati pero—” “I said, leave it!” seryosong sabi nito. Hindi ko maintindihan ang mood ng aking amo. Kanina lamang ay maganda ang umaga pagkatapos ngayon biglang naging iritado ng dahil lang sa halaman. Agad kong binitawan ang hawak na gardening tools. Never argue with your employer like this one, I reminded myself. Pagkatayo ko ay hindi nakaligtas sa pang-amoy ko ang masculine scent nito. Tall, sexy, handsome, smells great, and brooding. Definitely a danger sign. “Babalik na ho ako sa loob, baka kailangan na ako roon, eh.” saad ko. “Not so fast,” mahinahon na saad nito. Labis ang kaba ko nang bigla niya akong harangan sa aking daraanan. Nabuking na ba ako? Siguro ay nakahalata siya. “B-bakit ho?” Kinakabahan na tanong ko. “Linisin mo muna ang buong hardin,” sabay senyas sa mga halaman. “Kanina ko pa ho nalinis iyan,” dahilan ko. “Marami pa akong nakikitang nakatanim na halaman, at gusto kong alisin mo lahat ng ‘yon.” Tinapakan nito ang mga matitinong halaman na kasama ng pinipili kong itanim. Kung hindi ko lang kilala ito ay naitulak ko na sana ang masungit na lalaking ito. “Tama na yan,” saway ko sa kanya. I don't know pero kahit amo siya rito ay hindi namn siguro tama na ganyan ang gawin niya sa mga halaman porke ay galit siya. He shoved my hands away. “Gawin mo ang ipinapagawa ko,” matigas na utos nito. “Wala kang sasabihin, hindi ka magtatanong, hindi ka magrereklamo, maliwanag?” What was he furious about? Dapat nga ay ako itong magalit dahil pinaghirapan kong itanim ang mga iyon tapos ay sisirain lamang niya. At ang buong hardin, napakaganda niyon para lamang kalbuhin. “Baka naman—” pinilit kong magjng kalamado kahit kinakabahan ako dahil sa inasal niya. “Hindi mo ba ako narinig?” bulyaw nito sa akin. “I want everything removed from this garden now! And don't argue!” Sinunod ko na lamang ito bago pa ako mabingi sa lakas ng boses nito. Pero hindi pa rin nawawala sa akin ang pagtataka. Sobra ang nakita kong galit nito nang tapakan niya ang mga kawawang halaman. Ano ba ang ginawa ng mga halamang iyon upang ikagalit nito ng husto? Because what I saw a while ago was no ordinary anger. It was pure hatred. “Daphne!” sigaw nito mula sa lounger. “Ano pa ang kinukutingting mo riyan?” Nilingon ko ito at halos lumuwa ang mata ko nang makitang papalapit sa kanila si Aling Flor. “Ryse!” sigaw nito sa akin. “Saan ka ba nagpalipas ng gabi, hija? Alalang-alala ako—Ay, magandang umaga ho, Señorito.” Isang masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Steven. Hindi na iyon kataka-taka nang tawagin ako ni Aling Flor na Ryse sa halip na “Daphne.” Hindi ko rin naman sa kanya nasabi ang buong pangalan ko, kaya ang alam lang ni Aling Flor ay ako si Ryse. “Sino ang tinawag niyong Ryse, Aling Flor?” tanong nito. Tumingin lamang sa akin si Aling Flor. It was enough to answer his question. Kulang na lang ay bugahan ako nito ng apoy at maging dragon. Wala naman akong ibang maisagot dahil kahit ano pang alibi ang sabihin ko ay alam kong hindi na ako makakalusot. Nginitian ko na lamang siya. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng study room.. Tinapik-tapik ko ang aking hita upang kahit paano ay maibsan ang pagkailang ko. Kahit hindi ako tumingin ay alam kong mataman akong pinagmamasdan nito habang may kausap sa cellphone. Nang malaman nito na ang Ryse na nakabangga niya sa Maynila at ako ay iisa, akala ko ay sasakalin na ako nito sa harap mismo ni Aling Flor. Hindi man ako nito tinuluyan ay dinala naman ako nito sa study. Siguradong gigisahin ako nito ng husto. Kung anuman ang kalabasan ng lahat, isa lang ang sigurado ako. He wouldn't hurt me. Hindi ko alam kung paano kong natiyak iyon. Pinagmasdan ko ang mga bulaklak na napitas ko sa hardin at naiayos sa kwartong iyon bago pa man magising ito. Ang bulaklak ba ay makakapagpawala sa galit niya? No, sagot ko sa sarili. Unang kita ko palang rito sa Maynila ay batid kong ito iyong tipo ng taong madaling magalit pero matagal mapakalma. Matapos makipag-usap sa cellphone ay hinarap ako nito. “I should congratulate you,” wika nito. “Ikaw ang kauna-unahang gumawa nito sa akin.” Mabababkas ang inis sa mukha niya. Alam ko ang tinutukoy nito. Wala akong masabi, dahil nanliliit pa rin ako sa sarili dahil sa pagkakahuli sa akin. “Eh, paaalisin mo ba ako rito?” tanong ko. “No,” humalukipkip ito. “I want you behind bars.” Nagulantang ako sa narinig. “T-teka baka pwede naman natin ‘tong pag-usapan ng masinsinan?” “There is nothing to talk about. It's clear na patung-patong na ang mga atraso mo sa akin. I dont tolerate mistakes, especially lying,” kalmado ngunit nagpipigil sa galit ang boses niya. Guilty ako sa mga akusasyon nito sa akin. Hindi ko maikakaila iyon. “I’m not stupid, Ryse. Unang kita ko pa lang sa iyo rito ay alam ko na agad na ikaw ang babaeng nanggulo sa akin sa Maynila.” He slightly leaned his hips on the side of the table habang magkakrus ang mga braso. “But you're such a good liar and you almost got me with your acts. Hindi ko mapapalampas iyon.” “I'm sorry…” hingi ko ng paumanhin. “Wala ng magagawa ang sorry mo. The damage has been done. You hit my car. Kinapkapan mo ako na para akong masamang tao, iyon pala’y hindi ka naman totoong security guard,” seryosong sambit niya. “Nabukulan ako nang ihampas mo sa mukha ko ang pinto ng men’s room sa Café Inggo. Nag-tres pass ka sa islang ito, at pinagmukha mo akong tanga sa mga kasinungalingan mo.” sunod-sunod na paratang niya sa akin. Natahimik ako sa mga sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD