CHAPTER 4

1710 Words
Habang nag-aayos, napansin ko ang isang lumang larawan na nakasabit sa dingding ng kubo. Isang larawan ng pamilyang nakangiti at kasama roon si Aling Flor nung medyo bata pa siya. Naroon rin ang tila pamilyar na lalaki na nakita ko sa mga larawan sa mansyon. "Aling Flor, sino po ang nasa larawan?" tanong ko, habang itinuturo ang litrato. "Lumang larawan na iyan ng pamilya Clores," sagot ni Aling Flor, na may lungkot sa kanyang mga mata. "Ang lalaking iyan ay si Señor Greg, ang dating amo ko at isa sa pinakamabait na taong nakilala ko.” tinutukoy niya iyong matandang lalaki. “Nasaan na po siya?” “Matagal ng patay si Señor. Mahabang kwento, hija. Mukhang marami ka pang tanong, pero para sa ngayon, magpahinga ka na muna,” saad ni Aling Flor. Hindi na nga ako nagtanong pang muli. Nagpaalam na din si Aling Flor na babalik siya sa mansyon dahil marami pa silang gagawin at aayusin bago dumating ang kanilang amo. “Babalik na lang ako mamayang gabi,” sabi ni Aling Flor. “Pahahatidan na lang kita ng meryenda dito sa kasambahay, hija. Huwag kang mag-alala ligtas ka rito.” Tumango ako. “Mag-iingat ho kayo Aling Flor.” Nakangiti si Aling Flor na lumabas ng kubo pabalik ng mansyon. Nang makaalis ay tumahimik ang paligid. Habang nagmumuni-muni, narinig ko ang huni ng mga ibon at ang kaluskos ng mga dahon sa labas ng kubo. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad sa labas. Napansin ko na kahit maliit na kubo lamang ito ay napakatahimik ng lugar. Napansin ko ang isang palumpong ng mga bulaklak na nasa bakuran. Ang mga bulaklak ay may iba't-ibang kulay na tila bihira ko lamang makita. Pagbalik ko sa loob ay nagpasya akong magbasa ng libro na dala ko. Habang nagbabasa, dahan-dahang bumababa ang araw at nagsisimula ng lumamig ang hangin. Makalipas ang ilang oras, dumating si Abi, ang isa sa mga kasambahay sa mansyon. “Hello, Ryse,” sabi ni Abi, habang inilalapag ang mga dala sa isang maliit na mesa. “pinadala ni Aling Flor itong mga pagkain. Kumain ka daw ng maayos, ha.” “Salamat, Abi,” sabi ko. “Maya-maya ay pauwi na rin iyon si Aling Flor. Marami oa kasing inaasikaso sa mansyon. Oh sya, mauna na ako ha. Kumain ka ng maayos. Bye!” umalis si Abi at hindi na nagtagal pa sa kubo. Kumain ako ng kaunti saka nagpatuloy sa pagbabasa. Hinintay ko rin na makarating si Aling Flor dahil lumalalim na rin ang gabi. Pasadi alas-syete na ng gabi nakauwi si Aling Flor. Biglang nagbukas ang pinto ng kubo at pumasok si Aling Flor, dala ang isang payong at ilang dala-dala na basket. Ibinaba ko ang hawak na libro saka lumapit sa kanya. "Nakapaghanda na ako ng hapunan para sa atin, Ryse," sabi ni Aling Flor na nakangiti. "Nakaluto ako ng paborito kong sinigang na baboy at mayroon tayong kanin at prutas para sa dessert." Napangiti ako at nagpasalamat. "Salamat po, Aling Flor. Mukhang masarap iyon." Bumaba kami sa maliit na mesa sa gitna ng kubo, kung saan handa na ang hapunan. May dalang lutong pagkain si Aling Flor. Tinulungan ko na rin siya na maghain ng plato at kutsara. Habang kumakain, napansin ko ang pagiging maalaga at mapagmahal ni Aling Flor sa mga taong nasa paligid niya. Nakita ko ang pagiging bukas ni Aling Flor sa pagtanggap sa akin, kahit pa alam kong may mga lihim sa likod ng aking presensya sa isla. Right. Gusto ko lang naman mag-unwind. “Maraming salamat po, Aling Flor sa kabutihan na ipinapakita niyo sa akin kahit ngayon lang po tayo nagkakilala,” “Ano ka ba hija, okay lang iyon. Mukhang mabait ka naman na bata. Isa pa ay hindi mo kabisado ang lugar,” ani Aling Flor. Niyakap ko si Aling Flor dahil napakabait niya. “Mag-isa lang ho ba kayo rito sa kubo?” I asked. Biglang nalungkot siya ng marinig ang tanong ko. “Malalaki na ang anak ko at may kanya-kanya ng pamilya kaya bihira na lang silang makauwi rito sa isla,” “Eh, yung asawa niyo po?” pag-uusisa ko. “Namatay ang asawa ko sa sakit sa puso. Mahal na mahal ko iyon dahil sobrang maalagain at mabait pero kinuha siya sa akin ni Lord ng maaga. Kaya ako na lang mag-isang namumuhay rito, hija.” “Pasensya na po kung nahalungkat ko pa. Napaalala ko pa tuloy sa’yo Aling Flor,” “Okay lang iyon, hija. Pag naaalala ko siya good memories yung mga naiisip ko. Malungkot pero wala naman akong magagawa pa.” “Ikaw na lang po pala ang naghahanap-buhay, eh yung mga apo mo po?” “Paminsan-minsan ay binibisita naman ako rito ng mga anak ko kasama ang mga apo ko. Minsan ay may mga dala na silang groceries o di kaya may iaabot sa akin na pera, panggastos ko.” masayang saad ni Aling Flor. “Mabuti po iyon, atleast hindi po kayo nakakalimutan ng mga anak mo,” nakangiti kong sabi. “Kaya minsan ang libangan ko na lang ay amg magtrabaho sa mansyon dahil nalilibang ako,” dagdag pa niya. Kinaumagahan ay isinama ako ni Aling Flor sa mansyon, wala naman akong ginagawa roon kundi ang magmasid at umupo. Sa paglilibot ko ag nakita ko ang isang study room na mukhang bihirang gamitin. Binuksan niya ang pinto at pumasok, napapalibutan ng mga lumang libro at kagamitan. Ang mga pader ay puno ng mga istante na may mga aklat na tila hindi na nabubuksan sa matagal na panahon. Sa pagsapit nang hapon ay kasama rin ako ni Aling na umuwi sa bahay dahil hindi ko rin naman kabisado ang daan pauwi kaya hinintay ko na lang gumabi para sabay kaming umuwi. My excitement and anticipation lasted only for two days. Hindi man ako nagsasawang tingnan ang kagandahan ng isla, nagsawa naman ako sa buhay ko na walang ginagawa. Sinubukan ko na magsulat pero wala pa rin, hindi ako mapakali. Hindi ko naman kasi makakwentuhan si Aling Flor dahil parati itong nasa mansyon. Ayaw ko rin naman umalis ng islang iyon. Kailangan ko lang ng magagawa bukod sa pagsusulat. “Ikaw, magka-katulong dito?” gulat na tanong ni Aling Flor nang puntahan ko ito sa mansyon at sabihin dito ang sadya ko. Pati si Isay at Abi ay napatingin sa akin mula sa paghihiwa ng mga ito ng gulay. “Alam mo ba ang sinasabi mo, Ryse, hija?” hindi pa rin makapaniwala na tanong ulit ng matanda. “Oho. Okay lang sa akin kahit walang sweldo. Basta ho ay may gagawin lang ako.” “Pero bakasyunista ka rito,” saad ni Aling Flor. “Nagsasawa na ho kasi ako na maghapong walang ginagawa.” Sa tuwing nangungupahan ako sa Maynila ay therapeutic sa akin ang paglilinis ng buong bahay sa tuwing tinatamad akong magsulat. Ganoon din ang ginawa ko sa bahay ni Aling Flor. Nawalis ko na kahit ang kasuluk-sulukan na alikabok niyon. “Eh, hindi ka naman mukhang katulong, Ryse,” wika ni Abi. “Tingnan mo iyang kutis mo, kahit lagi kitang nakikitang nakababad sa dagat, eh, hindi ka man lang umitim. Namumula ka lang.” Hindi ko ito pinansin. Ilang minuto pang paliwanagan bago ko napapayag ang mga ito. “Kunsabagay, kailangan namin ng konting tulong rito ngayon,” ani Aling Flor. “Tumawag kasi iyong lawyer ni Sir at baka dumating daw sa mga araw na ito si Sir,” “Ipinapangako ko po na kapag dumating ang amo niyo na pabago-bago ang isip ay iiwas na ako agad para hindi tayo mabuking.” Kinabukasan ay mas naging abala silang lahat sa pag-aasikaso at pag-aayos sa mansyon. “Pwede bang samahan mo muna si Abi na ayusin ang master bedroom? Si Karding na lamang ang magtatapos ng pagdidilig mo rito sa garden,” wika nito. “Darating kasi ngayong araw si Sir Steve.” “Na naman?” Binitawan ko na ang hawak-hawak na hose. Araw-araw na lang kasing linya ni Aling Flor na “darating na ngayong araw si Sir” pero wala namang Señoritong dumarating. Kunsabagay ay pabor sa akin iyon dahil nakakagalaw ako ng malaya sa mansyon. Sa paggagala ko ay nakilala ko na ang karamihan sa mga taong naninirahan sa isla. “Anong oras daw ho ang dating niya?” walang kagana-gana na tanong ko. “Baka false alarm na naman po iyan at baka maghanda na naman tayo sa wala.” “Hindi na, hija. Mismong si Sir ang tumawag para ipaalam ang pagdating niya ngayong araw,” wika nito. Napatingin ako sa paligid. Mukhang excited na ang mga taong naroroon kaya nakiayon na rin ako sa sinabi ni Aling Flor. Nagtulong-tulong na kaming mag-ayos para sa pagdating ng Sir Steve nang sa ganun ay maaliwalas ang dadatnan nito. Ngunit tanghaling tapat na ay wala pa rin kahit anino man lang ng hinihintay namin. I could see the disappointment clouding everyone’s hopeful face. Nakakaawa naman na umaasa sila na darating na ang amo nila pero ni anino ay wala man lang nagpapakita. Nauwi na naman tuloy sa wala ang pagpapakapagod nila. Pagkatapos sa susunod na araw ay ganun naman ang gagawin nila, aasa. Gusto ko na talaga na isumpa ang Steven Clores na iyon. How dare he did this to these people na paghintayin at araw-araw ay nagkakandakuba sa kakalinis at pag-aayos bilang paghahanda sa pagdating nito? “Aling Flor, mabuti pa siguro ay magpahinga na muna kayo,” hindi nakatiis na saad ko rito. “Ikaw na lamang, Ryse. Baka kasi biglang dumating si Sir, eh, wala siyang maaabutan dito dahil nagpapahinga na rin ang ibang kasambahay,” umaasa pa din na sagot ng matanda. “Kasalanan na ho niya iyon. Hindi siya dumating sa tamang oras,” naiinis na saad ko. Ngumiti lamang ang matanda. “Pagod ka na nga siguro. Hindi ka naman dapat nagtatrabaho ng husto rito dahil hindi ka naman katulong. Sige na hija, magpahinga ka na.” “Wala ho ‘yon, nay. It's the least thing I can do for allowing me to stay here and the trust that you gave me.” Nakangiti kong sagot. “Kung may kailangan ho kayo sa akin, nasa dalampasigan lang ho ako, nay.” Tumango lamang ang matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD