CHAPTER 3

1707 Words
“That's love, you know.” aniya. “That's pathetic.”sagot naman niya. Mataman siyang tiningnan nito kaya ibinaling na lamang niya ang tingin sa dokumento na hawak-hawak niya. Wala siyang balak na makipagtalo sa mga bagay na walang katuturan. “You know what?” maya-maya ay wika nito. “That polo yours says a lot more of who you are—organized, serious, rich, plain and dull.” Tiningnan niya ito nang masama ngunit gaya ng dati ay balewala lamang ito rito. “But that stain gave your shirt a little life on it.” pagpapatuloy nito. “It's an ugly stain which ruined my shirt.” depensa niya. “It's a sign that your dull and plain life will have a sudden turn.” Tumango-tango pa ito na animo manghuhula na nakikita ang mangyayari sa hinaharap. “ and it is there to stay.” sabay turo sa damit niya. “Hindi naman talaga natatanggal ang mantsa sa damit.” “Well, you know what I mean.” nakangiti lamang na sagot nito. “I don't.” Tumayo na siya. “Siya nga pala, tell your stupid partner of yours, I want a word with him when he comes back to his senses.” “Sige ba. Ah, Steve, are you really sure you want to sell Pinamuntugan Island? Tito Greg loved that island, you know.” Ang pagbanggit lamang ng pangalan ng kanyang ama ay naikuyom niya ang kanyang mga kamao. “Actually, I am thinking of blowing it up into tiny pieces kaya lang hindi papayag ang Philippines government.” “Bakit hindi mo muna ulit bisitahin ang isla? Malay mo, you will change your mind.” suhestiyon nito. “Wala ng makakapagpabago ng isip ko, Lester.” he answered confidently. “Then, maybe someone can.” “More power to him.” Sarkastiko niyang sabi. “Her.” sagot ni Lester. “Tough luck.” he retorted and left the office. I took in the fresh salty air as I gazed at the open sea. Nakarating ako sa maliit na bayan ng Albay sa kakahanap ng lugar mapagbabakasyunan. At ang napili kong lugar ay ang probinsya. Nang umalis siya ng Maynila ay sinabihan ko ang aking editor, mga kuya, at mga kaibigan na magbabakasyon muna ako ng dalawang linggo. Sapat na siguro iyon para mapakalma ang mga nerves ko. Kasalanan ng lalaking iyon na nakabangga ko sa Cafe Inggo. He gave me the thrill I was looking for, ang kaso ay sumubra. Or maybe I just needed a break from the pressures of my work. Hindi ko ipinaalam sa mga taong malalapit sa kanya ang destination ko dahil ako man ay hindi alam kung saan pupunta. Ayaw ko na kasi sa mga usual tourist destinations. Ang gusto ko ay iyong hindi puntahan ng mga tao para magbakasyon, tahimik, at nasa tabing-dagat pero maganda ang kapaligiran. Ayaw ko naman magtungo sa travel agencies dahil tiyak ko na ang ire-refer ng mga ito sa akin ay iyong karaniwan nang dinarayo ng mga turista. Wala akong idea kung saan pupunta pero tumuloy pa rin ako sa domestic airport. There, I heard a man talking on his cellphone and mentioning about an island off the Cagraray coast of Albay. Pinamuntugan Island—the hidden white sand paradise. Kaya ngayon ay naroon siya., nakatanaw sa malawak na karagatan bitbit ang may kalakihang knapsack at laptop. Hindi pa siya nakakahanap ng matutuluyan dahil naakit pa siyang pagmasdan ang kagandahan at katahimikan ng maliit na baryong iyon. Naengganyo rin siyang panoorin ang mga mangingisda at mamimili na abala sa pagpapalitan ng mga isda at pera. Isang matandang babae ang nakapukaw ng kanyang atensyon. "May kailangan po ba kayong tulong, Lola?" tanong ko nang marinig ang problema ng matanda sa pagbibitbit ng mga pinamili. "Mabigat kasi itong mga pinamili ko, iha at pupunta pa ako sa kabilang isla," aniiya habang bitbit ang maraming pinamili. “Okay lang ba kung magpatulong ako?” Agad na kinuha ko ang ilan sa mga pinamili ng matanda. “Okay lang po. Tulungan ko na po kayo,Lola. Ang dami naman po nitong pinamili niyo.” “Oo, iha. Darating kasi ang amo namin kaya namalengke na ako ng lulutuin,” paliwanag ng ginang. Siya ay nakasuot ng isang lumang damit na simpleng kulay asul, na tila yari sa magaspang na tela ngunit malinis at maayos. Ang kanyang maikling buhok ay puting-puti na. Ang kanyang balat ay kulubot na rin na makikita ang kanyang katandaan. Ang kanyang mga kamay ay makikita ang mga kalyo na bakas ng pagtatrabaho. "Saan po ba tayo sasakay, Lola?" "Doon sa bangka na papunta sa kabilang isla," sagot ng matanda, itinuro ang isang maliit na bangkang pangisda na puno ng mga pasahero at mga kalakal. “Aling Flor na lang ang itawag mo sa akin, hija. Mukhang hindi ka taga-rito?” pinasadahan niya ng tingin ang knapsack at laptop na dala ko. “Opo. Ako nga po pala si Ryse. Magbabakasyon lang po ako rito sa probinsya pero hindi ko po alam kung san ako pupunta,” aniya. “Tamang-tama at nang maipakita ko sa iyo ang ganda ng isla namin,” nakangiting tugon ni Aling Flor. “Kung ganoon ay hindi naman ako sa iyo nakakaabala, hija?” “Okay lang ho, nay.” Nai-imagine ko na ang sarili na nakayapak na naglalakad sa maputi at pinong buhangin ng dalampasigan, natutulog sa duyan na nakakabit sa magkabilang dulo ng niyog habang pinapanuod ang pagsikat at paglubog ng araw at nagpapakasawa sa pagligo sa dagat. I couldn't wait. “Nariyan na ang bangka,” sabi ng matanda nang makarating kami sa gilid ng pantalan. Sumakay na nga kami ni Aling Flor kasama ang ilan sa mga pasahero. Naging tahimik ang byahe namin papunta sa kabilang isla. Nang makarating sa isla ay bumungad sa akin ang napakatahimik na paligid. Ang isla ay tila isang paraiso. Naglakad kami patungo sa mansyon. Nakatayo ito sa tuktok ng isang burol, tanaw ang malawak na dagat sa isang banda. Ang mismong gusali ay yari sa puting bato, na may mga detalyadong ukit at mayroong classical design. May malalaking bintanang salamin na patungo sa mga balkonahe, na nagbibigay ng nakamamanghang tanawin ng buong isla. “Matagal na ho ba kayong nagtatrabaho sa mansyon, Aling Flor?” I asked. “Oo, hija. Sa paglipas ng panahon ay naging parte na rin kami ng pamilyang Clores. Ang mansyon na iyon ay naging tahanan ko na rin.” “Siguro ho ay maraming alaala ang naranasan niyo doon.” Tumango naman ang matanda. Nang makarating sa mansyon ay pinagbuksan kami ng isang kasambahay ng pinto. Bumungad sa akin ang maluwag na entrada na mayroong marmol na sahig, mataas na kisame na may mga chandelier na gawa sa kristal, at mga dingding na puno ng mga larawan at pinturang nagpapakita ng kasaysayan at yaman ng pamilyang nakatira dito. “Tuloy ka hija,” ani Aling Flor. “Salamat ho,” naglakad naman ako papasok at sumunod ako sa matanda na ngayon ay papunta na sa kusina. Ang bawat sulok ay may kanya-kanyang tema, ngunit lahat ay nagtataglay ng karangyaan—mula sa mga antigong kasangkapan, malambot na alpombra, hanggang sa mga kurtina at kasangkapang yari sa pinakamamahaling materyales. Habang naglalakad kami sa maluwag na pasilyo ng mansyon, napansin ko ang mga makukulay na pinta sa mga dingding at ang mga antigong kasangkapan na nagbibigay ng klasikal na ganda sa lugar. Nang makarating kami sa kusina, nagulat ang mga kasambahay nang makita ako."Aling Flor, sino po siya?" tanong ng isang batang katulong na may halong kaba at pag-aalinlangan sa kanyang boses. "Si Ryse, bagong kaibigan ko," sagot ni Aling Flor na may ngiti sa kanyang labi. "Nakita ko siya sa port at tinulungan niya akong bitbitin ang aking mga pinamili. Napakabait na bata." "Naku, Aling Flor," sabat ng isa pang katulong na tila kaedad lang ng nauna, "alam niyo namang matagal nang ipinagbabawal ng amo ang pagtanggap ng bisita dito sa mansyon. Paano kung malaman niya?” Napatigil ako sa sinabi ng kasambahay. “Paano kung dumating si Sir at makita siya?” tanong ni Abi. “Lahat tayo ay malilintikan.” “Mangyayari lamang iyon kung may magsasabing hindj taga- isla si Ryse,” sagot ni Aling Flor. “at sa palagay ko magkita man sila ni Sir Steve ay hindi niya malalaman iyon dahil hindi naman lahat ng tao dito sa Isla ay kilala niya.” Sabay na tumango ang dalawang batang katulong at saka ako kinamayan. “Ikinagagalak namin ang pagdating mo rito sa isla. Sa totoo lang ikaw ang naging kauna-unahang bisita namin mula ng mamatay si Señor Greg. Ako nga pala si Abi.” “Salamat, Abi.” “Iwasan mo na lamang si Sir kapag nalaman mong nandito na siya para hindi tayo mapahamak lahat.” wika ni Aling Flor. “Ano ho ba iyang amo niyo,berdugo?” Nakakunot-noong tanong ko kay Aling Flor. Nagkibit-balikat lamang ang mga ito at bumalik na sa kanya-kanyang trabaho. That means he could be worst. Kailangan ko na lamang mag-ingat ng husto. “Napagdesisyonan ko na," biglang sabi ni Aling Flor, "doon ka na lamang tumuloy sa bahay ko, Ryse. Mas ligtas doon at hindi ka makikita ni Sir Steven.” Sumang-ayon ang dalawang batang katulong. "Oo nga, mas mainam iyon," sabi ni Abi. "At least, mas mapapanatag ang loob namin." Napalunok ako, "Maraming salamat, Aling Flor. Ayoko rin ho magdulot ng gulo dito. Binitbit ko ang mga gamit at naglakad kami palabas ng mansyon, patungo sa maliit na kubo ni Aling Flor na may kalayuan sa mansyon. Pagdating namin sa kubo, agad kaming sinalubong ng tahimik at payapang kapaligiran. Ang kubo ni Aling Flor ay gawa sa kahoy at pawid, may maliit na bakuran na puno ng mga namumulaklak na halaman. Sa loob, simple ngunit maayos ang mga kagamitan. Wala ring tao roon ng datnan namin. "Magpahinga ka na muna dito, Ryse," sabi ni Aling Flor, habang inaayos ang isang lumang unan sa papag. "Alam kong hindi ito kasing kumportable ng mansyon, pero ligtas ka dito." "Salamat po, Aling Flor, okay na ho ito sa akin.” Nakangiti kong sabi. Inilapag ko na ang aking mga gamit. "At kung sakaling kailangan mo ng kahit ano, nandito lang ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD