Hindi ako mapakali sa labas ng pinto ng Café Inggo. Inutusan ko kasi ang security guard na si Darwin upang alamin kung kailan ang good timing para magpakita ako kay Jannah. I'm late. Siguradong sasabunin na naman ako nito kapag nagkataon. Ayaw na ayaw pa naman ni Jannah ng tardiness.
Ayaw sana ni Darwin na mag-espiya para sa akin dahil walang papalit sa puwesto nito kung hindi ko sinabing ako na muna ang bahala sa trabaho nito.I was still pacing impatiently when someone walked past me. Sa gulat ay hinampas niya ang glass door upang pilgilan itong makapasok.
The man glared at her. “What the hell is your problem?” singhal nito sa kanya.
Malakas ang boses nito ngunit hindi siya nagpasindak. Kailangan panindigan niya ang pagiging security guard at baka si Darwin pa ang masisi kapag may nakapasok na masamang tao sa Café Inggo. Although hindi naman kahina-hinala ang itsura ng lalaking kaharap niya. Hindi ito mukhang masamang tao, bad mood siguro, pwede pa.
“Hindi ka pwedeng pumasok,” diretso niyang sagot.
Kulang na lang ay ay maging dragon ito at bugahan siya ng apoy dahil sa tindi ng galit na kumikislap sa mga nito. “Ako ba? Pinagbabawalan mo akong pumasok?”
Hindi pa rin siya natinag at sumagot pa siya. “ Yes.”
“And you think you can stop me?”
The man was taller than her. Well-proportioned ang height nito sa katawan na halatang batak sa exercise dahil bakat na bakat ang malapad nitong dibdib sa sout nitong long-sleeved polo.
“Hindi naman kita pinipigilang pumasok.” aniya.
“Then get your hands off me!” The man excuded power and little patience. It was obvious he was accustomed to having his way and never got questioned with his authority.
Too bad.
“Hindi ka pwedeng pumasok hanggat hindi ka pa nai-inspection.” Wala na itong nagawa nang bigla niyang itinaas ang mga kamay nito at sinimulan itong kapkapan. “SOP lang ito, bossing,” aniya.
Tangay ni Darwin ang metal detector kaya mano-mano na lang ang kanyang ginawa. Hindi naman niya iyon dapat gawin pa pero mabuti na ang sigurado. Baka mamaya ay magnanakaw ito pero hindi naman halata sa itsura.
Kapa rito, kapkap doon ang ginawa niya. Hindi niya mapigilan ang humanga sa katawan nito. Bawat madampian kasi ng mga palad niya ay matitigas na muscle. Firm and taut muscles. Lalo na sa dibdib nito, braso, abs at hita.
Sa sususnod na nobela niya ay gagawin niyang lady guard ang bida niya.
“Ma’am Ryse , okay na ho. Pwede na kayong pumasok.” Bigla siyang natigilan sa pagkapkap ng marinig ang tinig ni Darwin. “Good mood ho si Ma’am Jannah,” patuloy nito. “Nasa kusina ho sila ng iba niyong kasama para sa orientation.”
Tumango lamang siya, pagkatapos ay binalingan ang nagdidilim na mukha ng lalaking kinapkapan niya. Tinapik lamang niya ito sa balikat, saka tila bale-walang pumasok na siya sa loob ng Café Inggo.
“Nice muscles,” nakangiti pa niyang bulong.
Tila napako sa kinatatayuan si Steven habang pinagmamasdan ang babaeng walang pakundangan siyang kinapkapan.
Never in his life had he been treated like he was some sort of a high-risk person. Iginagalang ang pangalang Steven Clores lalo na sa business world.
He was considered as one of the most powerful businesses tycoons in Europe. Pagkatapos ay kakapkapan lamang siya ng isang babae na hindi naman pala totoong security guard? Hindi niya mapapalagpas ang ginawa nito dahil nagmukha siyang tanga.
Kung ganoon ay ano pa ang hinihintay niya at nakatayo lang sya? Well, maybe because he still couldn't accept the fact that a woman had caught him off guard. He could still feel the warm and tingling sensations her small probing hands had brought him.
He clenched his hands, trying to calm himself. Isang normal na reaction lamang iyon ng kumukulong dugo tulad ng nararamdaman niya, especially the one who shamelessly ran her delicate hands all over his body.
She had the most incredible touch he had ever felt. And her hair had a honey-sweet scent. So what? I dont care. She was still the first woman who had insulted him. Wala siyang balak na pakawalan ito ng ganun-ganon lang.
But he had to get rid of this sticky wine on his clothes first.
Nakita ko na pumasok sa Café Inggo ang lalaking nakasagupa ko sa labas. Mabilis akong nagpaalam kay Jannah na mag papalit lang ako ng uniform at dumiretso na agad ako sa bakanteng comfort room bago pa ako maabutan ng lalaki. Sa itsura pa naman nito ay handa itong pumatay ng tao.
“Sayang, gwapo pa naman,” bulong ko. Matapos maipatong ang black apron sa suot kong damit ay sinipat ko ang aking sarili sa salamin. “And I’m always pretty.” Napangiti ako sa pamumuri sa sarili.
Her small face was framed by her shoulder-length hair. Her expressive hazel-brown eyes were fanned with thick eyelashes. Her nose was pointed and her rosy lips were seductively pouty. Hindi na nawala ang ngiti sa aking labi habang nakaharap sa salamin. Nang matapos ay excited akong nagtungo sa pinto at pabalibag iyong isinara.
Nagulat na lamang ako nang makarinig ng malakas na kalabog mula sa kabilang panig ng swinging door. Bumaha ng malulutong na mura sa boung paligid mula sa tinig na pamilyar sa kanya.
Nang sumilip ako ay nakita ko na nakalugmok sa sahig ang lalaking kinapkapan ko kanina. Nakatakip ang isang kamay nito sa mukha na natamaan siguro ng pinto.
What is he doing in the ladies room? Awtomatikong tiningnan niya ang sign sa pinto. Isang skeleton version ng lalaki ang nakadikit doon. Ang ibig sabihin ay nasa men’s room siya. Sa sobrang hiya ay mabilis siyang lumayo. Napailing siya sa naisip. Sa pagmamadaling maiwasan ang lalaki ay hindi niya napansin na sa maling comfort room ang napasukan niya. Mukhang nadagdagan ang galit ng hindi niya kilalang lalaki dahil wala itong tigil sa pagbabanta sa kung sinuman ang naka-disgrasya rito.
Pinuntahan ko si Jannah at agad na nagpaalam. “Emergency,” pagsisinungaling ko. “Babawi na lang ako sa susunod.” Mabilis akong kumaripas ng takbo.
Nang nasa parking lot na ako ay nakita ko ang Black Ford na may gasgas sa gilid. Lumipad ang tingin ko sa aking kotse at nakitang may malaking gasgas din ang unahang bahagi niyon.
“Oh, no! Ito ang Ford na nakagitgitan ko kanina sa kalsada. Kung minamalas ka nga naman , oo.” Lalo pa akong nag-alala ng nakasakay na sako sa aking kotse at mula sa rearview mirror ay nakita ko na sumakay sa Ford ang lalaking tinakasan ko.
Kailangan ko na nga siguro ng maayos na bakasyon dahil disgrasya na ang lumalapit sa akin.
Hindi na matapus-tapos ang pagngitngit ni Steven mula pa nang umalis siya sa Café Inggo. Wala na atang pag-asang kumalma ang pakiramdam niya.
“s**t!” Masakit pa rin ang noo niyang natamaan ng pinto ng mens room. Hindi man siya napuruhan ay halos namanhid naman ang buong mukha niya. “Ang babaeng iyon…”
She deliberately harassed him, smashed his face with the swinging door and how she turned out to be the irresponsible driver who ripped his car. Itinapon niya ang overcoat sa tabi niya at saka nagbitaw ng mga malulutong na mura. Tuyo na rin ang polo niya ngunit hindi natanggal ang mantsa ng alak na natapon doon. Matutuyuan na rin siya ng dugo sa sobrang kunsumisyon.
Nakatiim-bagang pa rin siya nang umalis ng sasakyan at dire-diretsong nagtungo sa opisina ng kanyang pinsan.
“Steven Clores.” His cousin acknowledged him. “Anong masamang hangin nag nagtaboy sa iyo rito sa Pilipinas.
“Ako ang dapat nagtatanong sa iyo, Lester,” aniya habang inililibot ang paningin nito sa kabuuan ng silid. “Bakit bumalik ka pa dito sa Pilipinas? I thought you're already settled in Europe? Hindi ba’t maganda na ang takbo ng negosyo mo roon?”
“Yeah. Well I left my heart here.” sagot nito.
“How romantic,” sarkastikoniyang wika habang umuupo sa visitor’s chair na iminuwestra nito.
“Maybe you need some for yourself. You're getting old and your getting grouchier everyday. A little romance will give you some light.”
“Spare me that crap.”
Napasulyap siya dito at pagkatapos ay sa suot niyang long-sleeved polo na sa liwanag ay mas lalong naging kapansin-pansin ang dumi. Muli na naman nagsalubong ang kanyang kilay nang maalala kung sino ang may kagagawan niyon. “I spilled some wine on it,” he answered through gritted teeth. “Where is my lawyer? Siya dapat ang nag-aasikaso nitong mga papeles, hindi ikaw.”
“He probably drunk somewhere.”
“Drunk?” bulalas niya. “I thought you said he is a good lawyer?”
“Second best lawyer I know. I'm the first, off course.Siya naman talaga ang nag-aasikaso ng lahat ng impormasyong nariyan. So, give him a break, will you? Brokenhearted kase ‘yong tao, eh.”
“I can't believe this. My lawyer is drinking to death because of a woman?”