I'm preggy.. Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ng isang magiging ina sa mga oras na iyon. Kung matutuwa ba ako dahil magkaka-baby na kami. Malulungkot o matatakot dahil hindi ko alam kung magiging mabuti ba akong nanay sa magiging anak namin. Pag-aalinlangan dahil paulit-ulit kong tanong sa sarili ko kung handa na ba ako maging magulang. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay Steven ito. Ayaw ko naman na maabala siya sa trabaho bukod dun gusto ko makita ang reaksyon niya. Ayoko rin na bigla siyang magdesisyon na umuwi over his work when he found out that I'm pregnant. Matapos makuha ang vital signs at urinalysis, sinabi ng doktor na gagawa siya ng ultrasound upang makita ang kondisyon ng bata sa sinapupunan ko. “Ngayon, gagawa tayo ng ultrasound para makita natin