Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso niya. Napalunok siya, hinawi ang konting hibla ng buhok na nakatabing sa noo niya. “Iyong nagmessage sa akin? Isa sa mga shareholders ng kompanya ko si Ayesha.” Napatingin naman ako sa kanya ng diretso. “Bakit sya ang magcha-chat sa iyo, dis-oras ng gabi? Ang pagkakaalam ko ang secretary mo ang dapat mag-inform sa iyo.” Inis akong tumingin sa pinya at kinain ko iyon. Si Steven naman ay hinawakan ang kamay ko bilang pagkumbinsi sa akin na dapat akong magtiwala sa kanya. “Trust me, Ryse. Pagkatapos mismo ng meeting ay uuwi ako rito.” seryoso ang tinig niya. “I’m fine, hindi naman kita pwedeng pigilan dahil importante iyon. Make sure na mag-iingat ka roon. At huwag kang magpapalandi sa iba.” Kahit labag pa rin sa loob ko ay kailangan ko siyang payag