Lumabas kami ng bahay at naglakad palapit sa dagat. Ang sariwa ng hangin lalo na ngayon madali ng bumaba ang araw. Sarap maglakad lalo na at kasama ko ang pinakamamahal ko. “Doon tayo sa pinakadulo babe, maganda ang tanawin lalo na kapag palubog na ang araw,” saad sa akin ni Steven. “Sige babe, mukhang maganda pumunta doon sa mga bato.” Habang naglalakad kami medyo gumanda ang aking pakiramdam, hindi na ako masyadong nasusuka. Pinagmasdan ko si Steven at aliw na aliw siya sa tanawin. “Dito tayo babe,” sabay upo niya sa tabi ko. Napakagandang tanawin. Ang sarap dito tumira lalo na’t mahangin. Biglang tumitig sa akin si Steven at unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa akin. Malapit.. na parang gusto niya akong halikan sa mga labi. Bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi at t