Balak ko na lang na mamasyal sa bayan o di kaya ay uuwi na muna ako sa pad para naman malibang ako at makalimutan ko ang mga bumabagabag sa isipan ko. Gumaan na ang pakiramdam ko kahit papa’no. Ayoko lang na mag-stay sa mansyon sa ngayon. This week? Hindi matatapos ‘yong linggo ay hindi ko na siya kasama. Na kailangan niyang bumalik ng Europe. Right, para sa business. I hope so. Pagkababa ko ng hagdan ay wala doon si Steven. Hindi na ako nag-abala na hanapin siya. Nakita ko nga si Aling Flor na inihahanda ang agahan ko sana ngunit nagpaalam na ako sa kanya. “A-aling Flor, ‘wag niyo na ho akong hatiran sa taas. Luluwas lang ho muna ako. Pakisabi na lang kay Steven kung sakaling hanapin niya ako.” “Naku iha, masama daw ang pakiramdam mo sabi ni Sir, bakit aalis ka?” nag-aalalang tan