“Kagigising mo lang? Kanina pa ‘ko tawag ng tawag! Ano ba naman, Celeste?!”
Hindi ko nakuhang sumagot kaagad sa kanyang naging tanong lalo pa nga at hindi rin iyon kaagad rumehistro sa aking utak. My mind is still asleep. Umaga na ako nakatulog dahil sa tinatapos na nobela. Pinilit ko iyong tapusin dahil masasayang ang buong buwan ko kung hindi ko naman maabot ang quota.
My eyes squinted as I check the time on my phone. It wasn’t even two hours since I fell asleep. A soft groan escaped my lips.
“Celeste!”
Napaungot ako ng muling marinig ang naiinis na tinig ng aking nobyo.
Bakit ba siya nagagalit? Sa isip isip ko.
Dahan dahan akong umupo sa kama at kinusot kusot pa ang aking mga mata. Pinigilan ko ang aking sarili na mapahikab dahil sa totoo lamang ay gustong gusto ko pang bumalik mula sa pagkakahiga.
“Kakatulog ko lang. May problema ba?” malumanay kong sagot. Sanay na ako sa mga outburst ni Daniel na ganito. Madali itong mainis at naninigaw. Hindi ko na lamang sinasalubong ang kanyang galit kapag ganoon.
“I told you last week na may bibilhin akong gaming console sa mall. Akala ko ba sasamahan mo ‘ko?” inis na naman nitong bulyaw. I suddenly remember him telling me about it passively sometime last week.
Huminga muna ako ng malalim upang pakalmahin rin ang aking sarili. Due to constant lack of sleep, my memory starts to betray me from time to time. Nagiging makakalimutin ako. I know it’s my fault for not remembering ngunit bakit kailangan niya akong sigawan?
“Ahm, oo nga pala. Nawala sa isip ko,”
“Ayos ah. Iyan lang sagot mo? Tss!” Ismid nito. “Lahat na lang nakakalimutan mo. Buti naaalala mo pang may boyfriend ka? Puro ka kasi sulat!”
Bahagya akong nasaktan sa kanyang tinuran. Kahit noon pa ay hindi tanggap ni Daniel ang aking pagsusulat. It was an outlet for me na naging source na rin ng income ko pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ina-acknowledge. Minsan ay gusto kong magalit dahil iginagalang ko naman ang mga bagay na gusto niyang gawin ngunit bakit pagdating sa mga bagay na gusto ko, wala lang sa kanya?
Pumikit akong muli habang ang unti unti ng napapakuyom ang isa kong palad.
“I’m sorry, Dan. Let me just prepare. Give me thirty minutes and you can pick me up,” turan ko rito. Ni hindi ako nito sinagot at binabaan lamang ng tawag.
“Ughh!” Iniitsa ko sa aking kama ang telpono bago napasabunot sa aking buhok sa sobrang frustration. Gusto ko biglang maiyak. Halos dalawang araw akong walang tulog halos dahil may hinahabol akong word count para sa isa kong nobela.
I was longing for this sleep.
I understand where he is coming from. Alam kong hindi ito ang unang beses na may nakaligtaan ako. Naii-stress lang ako dahil kailangan ko talaga ngayon ng tulog.
“Kaunting tulog lang naman sana…” bulong ko sa aking sarili habang pinipigilan na maiyak. Sumasakit na aksi ang aking ulo at pakiramdam ko ay lalagnatin ako kapag hindi ako nagpahinga. But I don’t wanna fuel his anger even more.
Sa sobrang sama ng loob ay padabog akong bumangon upang kumilos na. Baka kapag nakarating ito at nakitang hindi pa ako nakaayos ay mas lalo lamang lumala ang aming away.
Nanghihina man at masakit ang ulo, pinilit kong kumilos at nagtungo na sa banyo. Mabilis lamang ang aking naging pagligo. Nakuntento na rin ako sa suot na black pants at white loose shirt na itinuck-in ko ang harapang bahagi sa aking pantalon. I just put in some press powder at liptint para hindi naman ako maputla. Ang mahaba kong buhok ay hinayaan ko munang nakalugay dahil medyo basa pa. Nagbaon na lamang ako ng pang ipit dahil naiirita si Daniel minsan kapag nakasabog ang aking buhok,
Saktong makapagsuot ako ng sapatos ay ang sunod sunod na pagtunog ng busina sa labas ng aking apartment kaya naman nagmamadali kong kinuha ang maliit kong bag at tumungo na rin doon.
“Iyon lang ba ang bibilhin mo?” tanong ko sa kanya ng makasakay ako sa kanyang sasakyan. Ni hindi ako nito pinagbuksan ng pintuan at nakasimangot lang. Parang sobrang init talaga ng ulo nito.
“Wala na. May bibilhin ka ba?” Malamig nitong turan. “Kung sanang mas maaga kang gumising, baka may mapuntahan pa tayo,” nanunuya nitong dagdag.
Mas lalo yatang sumakit ang aking ulo. Maging ang aking lalamunan ay nananakit na dahil sa pagpipigil ko aking ng emosyon.
“Wala ‘kong bibilhin,”
Hindi na ito kumibo kaya naman naging tahimik lamang ang aming byahe.
Pagdating naming sa mall ay ni hindi niya ako hinihintay. Dumiretso kami kaagad sa may bandang pinaka itaas na bahagi ng mall kung saan naroroon ang tindahan ng gusto niyang bilhin. Pinanuod ko lamang siya habang namimili siya.
“Ito na po sir. Akala naming hindi niyo na kukuhanin ang pina-reserve niyo,”
“May hassle lang ng kaunti. Mabuti na lang at nakaabot ako sa reservation. Sold out pa naman ‘to kaagad,”
“Oo nga sir! Marami ditong bala. Baka maubusan rin kayo, kunin niyo na.”
Halos manlaki ang aking mata habang nakikinig sa usapan nila. Ang dami niyang binili at nakakalula rin ang halaga! Hindi ako kumibo dahil wala naman akong alam sa mga ganoon.
“Roughly fifty thousand for a gaming console?” taka kong tanong sa kanya ng makabalik kami sa sasakyan. Ni hindi kami kumain sa labas dahil mukhang wala itong interes. Talagang sinamahan ko lang siyang bumili at tinulungan siya sa pagbibitbit dahil kung ano ano pang accessories at mga bala ang binili nito.
“Sobrang stressful ang project naming ngayon. I need a diversion. Bakit?” Tila naiinis nitong tanong. Bago pa ako makasagot ay muli na naman itong nagsalita. “Kung masama sa loob mo na makihati, ibabalik ko na lang yung hiniram ko sa’yo kapag nasara na naming ang deal. May bonus iyon!”
Muli ay pinigilan ko ang sarili na magalit. “I wasn’t talking about that. I was -“ Tumigil ako sa pagsasalita at ibinaling na lamang ang tingin sa labas ng sasakyan. “Nevermind,”
Tinipon ko ang buo kong lakas para pigilan ang emosyong nagsisimula ng umapaw sa aking kalooban. I wanted to cry. I wanted to scream. Gusto kong magalit at gusto ko siyang sumbatan. Whatever I say, palagi na lamang itong may ibinabalik na hindi maganda.
Napapagod at naii-stress rin ako.
Niakuyom ko ang mga palad at huminga ng malalim.
Maybe it’s my fault for not giving him enough attention lately. Hindi ko rin ito nasasamahang lumabas madalas. May pinagdaraanan na yata siya sa opisina ngunit wala man lang akong alam. Pagkatapos ng isa sa sinusulat kong nobela, I will spare some time so we can bond.
Medyo matagal na rin ng huli kaming magbakasyon. Maybe this is the right time to do that.