bc

Breaking Celeste

book_age16+
1.0K
FOLLOW
4.8K
READ
revenge
friends to lovers
inspirational
drama
bxg
heavy
female lead
office/work place
realistic earth
first love
like
intro-logo
Blurb

Simula noon ay inakala na ni Celeste na si Daniel na ang kanyang makakatuluyan. Kaya naman ng minsang bisitahin niya ito sa condo nito at abutan itong may kaniig ay tila ba gumuho na ang kanyang mundo. Hindi niya rin akalain na isang malaking gulo ang dadalhin noon sa kanya dahil sa isang iglap, lahat ng kanyang pinaghirapan ay nawalang parang bula. They were breaking her. The whole world seems to be breaking Celeste.

And just when she thought she's all alone facing the cruel world, siya namang pagsulpot muli sa kanyang buhay ni Vincent, ang nakatatandang kapatid ng matalik niyang kaibigan.

Can he save her? Or will Celeste let the world break her until she's left with nothing?

chap-preview
Free preview
1
“Ayaw mo ba talagang sumama? Sayang naman. Para maipakilala sana kita sa mga kasamahan ko,”   Bago sumagot ay sumubo muna ako ng tinapay na dinala nito sa akin at nginuya iyon. Nakaupo ako sa bean bag na nasa may sala ng aking apartment habang nanunuod ng pelikula. I was wearing a loose black shirt and a pair of shorts underneath. Nakasabog rin ang aking buhok na hindi ko nakuhang ipuyod dahil na rin hindi ko makita ang paborito kong hair scrunchie.   “Ang cutie!” I reacted almost immediately to the protagonist I was watching before remembering Daniel. Nilingon ko ito bago nginitian. “Hindi na. Hindi rin naman ako umiinom ng alak at maiilang lang ako sa kanila. At saka kapag isinama mo ako, baka mag aya lang akong umuwi kaagad, nakakahiya naman,” paliwanag ko rito.   Isang ngiti ang kumawala sa aking labi matapos kong mapasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan. He was wearing a plaid polo dress shirt paired with a black fitted pants. Naka itim na boots rin ito habang ang kanyang mamahaling relo na niregalo ko pa sa kanya noong huling anibersayo naming dalawa bilang magkasintahan ay nakasuot na sa kanyang kaliwang kamay. Ang kanyang buhok ay napasadahan na niya ng hair wax. All in all, he looks so ready to go party.   “Ang pogi mo lalo ngayon,” habol ko rito and I saw how his expression softens. Alam kong nagtatampo na naman ito dahil ayaw kong sumama sa kanya na mag bar.   “I know what you’re doing,”   “And?” humagikgik ako ng umiling iling si Daniel bago naglakad papalapit sa’kin.   “You’re being mean. Matagal ka ng gustong makilala ng mga ka-trabaho ko pero palagi kang hindi sumasama,”   “Alam mo namang ayaw ko sa mga lugar na maiingay. At ayaw ko rin ng alak. Mas gusto kong manuod na lang rito. Baka rin mamaya ay atakihin ako ng sipag at maisipan na lang bigla na magsulat,”   Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo sa couch at nilapitan ito. Nakaupo na si Daniel sa couch.   “It’s okay, have fun there. Mag iingat ka,” bilin ko rito. I kissed his cheeks and I felt his hand wrapped around my waist.   “May pumasok na namang pera sa account ko. Masyadong malaki, ano ba ang mga pinagsususulat mo at sobrang laki yata ng kinita mo ngayong buwan?” nakakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa aking mukha.   “I won a contest last month at ngayon lang pumasok ang premyo,”   “Roughly two hundred thousand?” hindi makapaniwalang tanong nito.   “No, fifty thousand yung royalties ko from all writing platforms tapos the rest is yung premyo na,”   Tumango muna ito kahit alam ko namang hindi masyadong interesado sa aking sinabi.   Daniel never actually gave time to know what I do. Ang alam lang niya ay nagsusulat ako ng mga nobela at buwan buwan ay pumapasok ang aking kinikita sa bank account niya. Hindi ko kasi naisipang magbukas ng bank account kaya lahat ng kita ko sa pagsusulat ay sa kanya napupunta.   Nakatira ako sa isang studio type apartment at si Daniel ang nagbabayad ng renta doon dahil siya naman ang may hawak ng lahat ng aking ipon. Maging ang tubig, kuryente at kung ano ano pang subscriptions ay ito ang nagbabayad. Nag iiwan lamang ito ng pera sa’kin para kung maisipan kong mag grocery o bumili ng kung ano bigla especially since we don’t live on the same house.   Hindi rin naman ako nagpapadala buwan buwan sa aking pamilya dahil may business naman ang aking mga magulang. So all that money I earn, nakatago lang sa bank account ni Daniel. Sa dalawang taon kong pagsusulat online ay malaki na rin ang aking naipon. Dolyares kasi ang aking sahod. Sapat na siguro ang aking ipon para makabili ng isang bagong sasakyan.   “Hindi ka pa aalis?”   Muli ay sumimangot ito, “Gusto mo lang manuod ulit kaya mo ako pinapaalis. Huwag na lang kaya akong umalis?”   Natawa ako sa pag aalburuto nito. Nakabusangot na naman ang kanyang mukha at alam kong naiinis na.   “Grabe ka! Nag aalala lang ako na baka matagal silang maghintay sa’yo roon!” I lean forward and hug him closer.   “Sus, kunwari ka pa. Hindi ka naman magsusulat ngayon, manunuod ka lang magdamag,”   “Hindi kaya!” tanggi ko kahit na alam kong tama naman ang sinasabi nito. Sa huli ay napilitan rin itong umalis dahil may tumawag na rito na isa sa kanyang mga katrabaho. Bago lang siya sa kanyang trabaho at dalawang buwan pa lamang ito roon. I know how stressful it is na makibagay sa iba’t ibang tao. Mahirap mag adjust sa bagong environment. But I trust him and I know he’s doing a great job.   Sa isang marketing agency nagtatrabaho si Daniel. Natapos na kasi ang kanyang kontrata sa dating kumpanyang pinagtatrabahuhan niya kaya siya lumipat. Mabuti na lamang rin at maganda ang performance niya sa dating kumpanya kaya naman hindi siya nahirapang matanggap sa bago niyang opisina.   The moment Daniel left, I grabbed my phone and check my messages. Nakita ko na tinadtad na naman ako ni Indira ng mensahe.   Indira is my bestfriend. Nasa America ito kasama ng kanyang pamilya at doon na naninirahan. Dalawang taon pa lamang ito roon ngunit hindi naman natigil ang aming komunikasyon.   “Kuya and his girlfriend broke up. It’s so frightening. Hindi kami kinakausap ni kuya,”   “Hey, ang tagal mo magreply! Are you awake? Video call?”   “Your body clock is so messed up. Hindi ko tuloy alam kung anong oras ka ba dapat tawagan,”   Nakapakamot ako ng aking ulo ng mabasa ang mga mensahe ni Indira. Matagal na nitong inirereklamo ang paiba ibang oras ng aking pagtulog. Because of the nature of my work, natutulog ako kung anong oras ko maisipan. Minsan ay tuloy tuloy akong gising at nagsusulat. Minsan naman ay puyat ako dahil sa panunuod. Kaya naman hindi niya ako maabutang gising madalas.   Naglakad ako patungo sa kusina para kumuha ng maiinom habang nagtitipa sa aking telepono ng reply para kay Indira.   Kakatapos ko lamang uminom ng tumunog ang aking telepono. Mabilis ko iyong sinagot dahil baka magalit na naman si Indira.   “Oh God! Finally,”   Natawa ako sa kanyang bungad at hindi na napigilang hindi humagikgik.   “Ang drama mo masyado,” puna ko rito. Naka upo ito sa kama nito at tila ba bagong gising pa lamang. “Kagigising mo lang tapos pagtsismis kaagad ang inaatupag mo! Maghimaloms ka muna!”   “Coming from you na mukhang bruha dahil ang gulo ng buhok ha?”   “At least walang makakakita sa’kin rito,”   Inirapan muna ako nito bago sumagot. “Shut up! Kagabi ko pa gustong magkwento sa’yo pero alam kong busy ka. Umuwi na lang kaya ako dyan?”   “Huwag! Dito ka pa manggugulo sa’kin!”   “Hoy! Hindi mo ko nami-miss?” kunwari ay malungkot nitong turan.   Nakarating na rin naman ako pabalik sa sala at doon nagpatuloy sa pakikipag kwentuhan kay Indira. Ikinuwento nito ang pagiging broken hearted ng kuya nito.   Vincent is Indira’s older brother. Magkasing edad lang kami ni Indira kaya naman minsan ay kuya na rin ang itinatawag ko rito though he always tells me not to. Kaya lang hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong itawag kung hindi pwede ang kuya so I still settle to that. Ang alam ko ay ilan taon na ring magkasintahan si Vincent at ang nobya nito. Sayang naman at biglang naghiwalay ang dalawa.   “Say hi to Mom!”   Kumaway ako kaagad nang makita ko ang ina ni Indira sa video call. Lumabas na rin kasi ito sa silid nito.   “Anyways, nagkukulong si kuya sa room niya because he’s broken hearted. Akala mo teenager e-ahhh!”   Nagulat ako ng akala ko ay nalaglag ni Indira ang kanyang telopno lalo na rin sa pagkakagulo ng paligid nito. Naririnig ko rin ang pagtili nito at para bang may kaaway na kung ano.   What I saw next almost made me scream in shock.   Parang slow motion sa mata ko ang paglitaw ng katawan ng kung sino sa camera. Mula sa tiyan nito na hindi maipagkakaila na puro abs hanggang sa dahan dahan itong umakyat at sinalubong ako ng kanyang mukhang kahit pa nga magkasalubong ang kilay at halata mong naiinis ay hindi pa rin maikakaila ang taglay na kagwapuhan.   My lips parted in shock. Sobrang tagal na yata ng huli kong makita ang kapatid ni Indira. I can still remember how I used to sneak in side glances on him dati dahil happy crush ko ito.   “So it’s you,” masungit na turan nito. He was looking at me intently at maging ako ay kinabahan dahil huling huli kami nitong pinag uusapan siya.   “Kuya!” Naririnig kong sigaw ni Indira na hinahabol yata ang kapatid na naglalakad palayo. It wasn’t even long when I realized that he had probably went inside his room dahil nakita kong sumara ang pintuan at naririnig ko na lang ang malakas na tunog ng pagkatok marahil ni Indira doon.   Ako naman ay kagat kagat na ang labi dahil sa sobrang kaba, Kung nakikita ko sugiro ang sarili sa salamin, iisipin kong namumula na rin ang aking mukha. Dahil sa anisip ay mabilis kong sinubukang ayusin ang magulo kong buhok ng maalala ang sinabi ni Indira kanina.   “Long time no see, Celeste. How’s my little princess?” bigla ay turan nito.   Damn. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook