“Long time no see, Celeste. How’s my little princess?” bigla ay turan nito.
“I - ahm…” Naplaunok ako. I wasn’t prepared. Ilang buwan na yata ng huli kong makita at makausap ang kuya ni Indira na si Vincent. We weren’t that close ngunit naaalala ko pa kung paanong ituring ako nito nang parang sa kapatid rin nito.
When they were still here in the country, palagi ay karamay ako sa mga binibigay nito kay Indira.
Vincent manages their business simula ng mag retire ang papa nila. Whenever he would see me, he would call me his princess at palagi nitong ginugulo ang aking buhok. Simula kasi elementary ay magkaibigan na kami ni Dira. At simula rin noon ay may paghanga na ako rito. But it wasn’t serious. Kumabaga, happy crush ko lang siya na ginawa kong inspirasyon para ganahan naman ako sa pag aaral.
“Tss, cat got your tongue, princess?” a smug look suddenly show on his face. Pinanuod ko itong maglakad bago inilapag sa kung saan ang telepono. But that made me clearly see his naked upper body.
Bigla ay napaayos ako ng aking upo at hindi kaagad nakasagot.
He is still topless! Parang inire-replay sa utak ko ang abs niya na kitang kita ko kanina! Para akong pinagpapawisan dahil sa imaheng paulit ulit na bumabalik sa aking isipan!
Binasa ko ang pang ibaba kong labi at pinigilan ang sariling paypayan ng palad ang aking mukha. Panandaliang nawala ito sa aking paningin.
Nanatili akong tahimik at hindi kumikibo. Sa totoo lamang ay pinagpapawisan ako sa sobrang kaba. Kahit noon pa ay palagi na akong kinakabahan sa tuwing nakikita o nakakausap ko si Vincent. Siguro kahit kailan ay hindi ako masasanay sa presensya nito.
Pinilit kong ayusin ang aking itsura at pakalmahin ang sarili.
Nang muling gumalaw galaw ang camera ay muli ring nagtama ang aming paningin. This time, he was already wearing a shirt.
“Buti naman,” hindi ko napigilang bulalas. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto ang tinuran habang ito naman ay nakakunot ang noo. I saw him sat on the corner of his bed.
“You should stop talking to my sister. Nawawala ka na rin sa sarili,”
“hindi kaya, kuya…”
Ngumuso ako at hindi na napigilan ang hindi mapangiti. Kumunot naman ang noo nito dahil sa narinig.
“I told you not to call me kuya. Nasisira ang imahe ko sa’yo dahil naiisip ko na kakambal ka ni Dira,”
“Anong gusto mong itawag ko sa’yo? Tito?” I teased. And then I saw it, that mysterious smile he always has ever since.
“Don’t you dare, Celeste. Kung ayaw mong umuwi ako dyan sa Pilipinas para pisain ka kasama ng kaibigan mo,”
Nagkatawanan kaming dalawa sa aming naging palitan. Bahagya akong nakahinga ng maluwag ng muling makita ang kanyang ngiti at marinig siyang tumatawa. Kahit hindi sinabi sa’kin ni Dira na naghiwalay na si Vincent at ang kanyang nobya, mahahalata ko pa rin sigurong malungkot ito. The glint on his eyes was different. Hindi maitatago na may iniinda ito.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. How are you?”
“Okay naman. Ganoon pa rin, sa bahay lang,”
Umangat kaagad ang isa nitong kilay dahil sa aking naging sagot. “What I mean is, are you happy?”
Mabilis na umawang ang aking labi ng marinig ang kanyang tanong. I wasn’t prepared for that either. Noon pa man ay palagi na nitong ipinapakita ang pag aalala sa akin kahit hindi ako kapatid nito.
“Ahm, oo naman!” Halos mataranta ako sa aking naging pagsagot. Why do I feel like I was lying to him?
“Alam mo ba, ikaw dapat ang topic natin ngayon, bakit napunta sa’kin?”
“Pinag usapan niyo na ‘ko kanina ng kapatid ko, ‘di ba? What’s the point?”
Kaagad akong ngumuso sa kanyang naging sagot. “Sorry na. Si Dira naman nauna kaya,”
I heard him snicker. Kahit ang ganoong reaksyon ay hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan nito.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago muli itong kinausap. “Let me ask you the same question. How are you?”
Sinuklay ng isa nitong kamay ang magulo pa nitong buhok. I watch as his tongue made a run on his lower lip, tila pinipigilan ang sarili na kaagad magsalita.
He’s not okay.
“I’m good. I’m okay,” Hindi ko inalis sa kanya ang aking tingin kaya naman narinig ko rin itong napabuntong hininga. “I guess…” dagdag nito tanda ng pagsuko.
Isang mapait na ngiti ang kumawala sa aking labi. “You wanna talk about it?” subok ko rito. Kahit hindi ito magsalita ay ramdam ko ang sakit. Alam kong minahal ni Vincent ng totoo ang nobya nito. Narinig ko na rin noon kay Dira na may plano na ang kapatid nito na magpakasal. Ayaw kong panghimasukan ang personal nitong buhay ngunit handa akong makinig.
Hearing the first few words he uttered only confirms that he was indeed not okay. People are used to fooling themselves as they try their best to hide all the pain, all those emotions. Na kahit masakit na, pipilitin pa ring ipakita na okay ka pa rin, na kaya mo pa ring lumaban.
Hindi ko naman sinasabing hindi ako ganoon. Never once in my life have I tried to fight for myself. O baka hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataon na mapunta sa ganoong sitwasyon? But he is someone that is important to me too.
“Kung malungkot ka, handa akong damayan ka,” bulong ko, sapat lang para marinig nito.
I saw a genuine smile forming on his lips. My heart skipped a beat ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon. “Ano’ng size na ulit ng paa mo?” Pag iiba nito ng usapan.
“Seven, minsan and a half?” magiliw kong sagot na ikinatawa rin nito. Maybe he isn’t ready to talk about it and I respect that. Sa malamang kasi ay hindi ito makapagsabi kay Dira dahil matabil ang dila ng kapatid niyang iyon.
“Ikaw, kailan ka magpapakasal?”
Napaisip ako kaagad sa kanyang tanong bago nagkibit balikat. “I don’t know. May be after a year or two? Kakalipat lang ni Daniel ng trabaho. Siguro magandang hintayin ko muna na makapag settle siya roon ng matagal,”
Matagal na naming napag uusapan ni Daniel ang pagpapakasal, bagay na matagal ko na rin namang pinag isipan. But I always feel like he has so many things he can still achieve at this point. Hindi naman ako nagmamadali. Gusto kong magawa na muna niya lahat ng kanyang gusto bago kami lumagay sa tahimik.
Tumango tango naman ito at hindi na kumibo. Maya maya pa ay narinig naming ang muling pagkalabog ng pintuan kaya napailing na lamang ito.
“Ibabalik na kita sa kaibigan mo. Kausapin mo, mukhang kinukulang na naman sa aruga,”
Iyon lamang at binuksan na nito ang pintuan bago hinarap ang kapatid. Muli muna itong bumaling sa’kin at ngumiti. “Thanks,” makahulugan nitong turan kasabay ng tipid nitong ngiti na kaagad kong sinuklian.
Kumaway ako rito bilang pamamaalam habang ito naman ay hinarap ang kapatid na nakita ko pang namumula na rin sa inis.
“Stop talking about me with other people. Aalisan kita ng allowance,” banta nito sa kapatid bago ibinalik rito ang telepono.
“She’s not other people kaya! She’s Cee!”
Natawa na lamang ako habang pinapanuod ang magkapatid. At one point, I also wished I had an older brother who will protect me from any harm. Pero minsan naiisip ko na mabuti na lamang rin at wala dahil baka mamaya naging utusan pa ako ng kuya ko kung nagkataon.
But seeing him again makes me feel at ease. He’s my first crush, my happy crush. Lahat siguro ng naging basehan ko ng pagmamahal kay Daniel ay ikinumpara ko sa kanya and I know it’s different.
I know I love Daniel.