4

2092 Words
“Why are you frowning?” tanong ni Dira nang makipagvideo call itong muli.  Maghahating gabi na. Abala ako sa pagsusulat kanina at kakatapos lamang. Hindi pa mawala wala sa aking isipan ang naging talunan namin ni Daniel habang binibili niya ang kanyang pina-reserve na console kaya nadala ko pa sa aking sinusulat.  I write Romance stories. It was my way to divert my attention and forget my stressful day. Isa pa, marami na ring naitutulong ang pagsusulat sa akin na kahit ma bad mood man ako, maging malungkot, masaya o ano pa, nagagawa ko pa ring magsulat dahil talagang nakahiligan ko ito simula bata pa ako.  I stared on my laptop after publishing a chapter. Isinara ko iyon at namalagi sa isipan ang rason kung bakit ako nagsimulang mapamahal sa pagsusulat.  “Hello... Celeste to earth!” sigaw ni Dira kaya mabilis akong natauhan.  Kumurap ako at hinubad ang suot na makapal na salamin. She stared at me with sparkling eyes. Kulang nalang ay umabot ang kinang palabas sa camera ng aking cellphone lalo na’t iyon ang aking ginamit para makapag-usap kami habang nagtitipa ako kanina.  Ngayon na tapos na ay sobrang eager niya nang dumaldal.  “Wala... Medyo stress lang,” alibi ko at inapak ang mga paa sa swiveled chair saka niyakap ang aking mga binting medyo nanlalamig na.  “Huh? Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?” she asked curiously while combing her long hair.  Maganda si Dira. Her jet black hair were long and straight, taliwas sa brownish at buhaghag kong buhok na may curls pa sa dulo. It’s tamable nguni dahil tamad akong magsuklay kaya sabog laging tingnan ang aking buhok. She has a fair complexion like mine ngunit mas matangkad din ako ng ilang dangkal sa kanya kahit magkasing-edad lamang kami. Parehas na kulay brown ang aming mga mata ngunit sa tuwing nasisinagan ang aking ay talagang nag-iiba ang kulay.  Opposite kami sa pananamit. She’s very girly kaya noong bata pa ay ang hilig niya akong ayusan na akala mo’y ako ang kanyang manika. She has many suitors too, at dahil sa mahigpit niyang kapatid ay mahirap itong pormahan noon na minsan ay idinadaan pa sa akin ng mga lalake ngunit mas lalo lamang nagagalit si Vincent.  Overall, Dira is stunning. Mayaman ang kanilang pamilya at magkapitbahay lamang kami kaya noong nakuryoso ako sa kanilang bahay ay walang hiya akong pumasok sa gate, hindi napagtantong pribadong lupain na pala ang aking napasok dahil sa pagkakamangha sa mansyong bumungad sa akin.  “Mukha kanang aswang sa buhaghag mong hair oh! At least learn how to brush your hair! Wala ako riyan kaya mag-ayos ayos ka!” she pointed me.  Ngumuso ako at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Maya maya ay humagikhik siya.  “Naalala ko tuloy iyong mga bata pa tayo... When you accused us!” Humagalpak agad ng tawa si Dira, hindi na matuloy tuloy ang sasabihin lalo na’t alam ko na agad ang kanyang tinutukoy.  Mabilis akong sumimangot lalo na’t iyon ang kahihiyang gusto ko talagang ibaon sa limot. S’yempre, bata pa ako noon at talagang napaka wild ng aking imahinasyon kaya siguro naging manunulat din ako. Ngunit ngayon na naaalala kong muli, parang gusto ko na namang magpalamon na lamang sa lupa.  I remembered it clearly. That day was so vivid because I thought I will never gonna escape the place without being punished! Nagkukumahog na tumakbo palabas ngunit nahuli pa rin at nahawakan pa ang aking pulso ng nakahuling lalake kaya ganoon na lamang ka laki ang aking takot.  “Trespasser,” he said coldly while gripping my hand.  Namumutla kong nilingon ang lalakeng malayo sa aking edad lalo na’t matangkad ito, mukhang Highschool o College student habang ako naman ay Grade 6 lamang.  He’s tall and his hair was disheveled a bit, making him looked so snob. Matalim ang tingin ng kanyang mga mata at madilim ang kanyang ekspresyon suot ang itim na tshirt at khaki shorts kung saan nakabulsa ang isang kamay.  Parang tambol ang aking puso lalo na’t ang mga mayayaman ay walang puso sa mga mahihirap na gaya ko. Kayang kaya nila kaming paratangan ng kahit ano at wala kaming magagawa dahil napapaboran minsan ang mga maraming pera at naiignora naman ang mga walang kaya.  “W-Wala akong ninanakaw!” sigaw ko at nagpupumilit kumawala.  His grip was to no vail. Nawawalan na ako ng pag-asawa dahil habang tumatagal, mas lalong hindi ko ito natitinag. Anong mangyayari sa akin dito kung ganoon? Ipapakulong ba ako? Pagbabayarin ng malaki? Ngunit saan ako kukuha ng malaking pera?! At pag nalaman ito ni Mama ay baka itulak niya pa ako mismo sa kanila para gawing bayad dahil sa aking kasalanan! My parents will never tolerate my wrong doings! Baka nga ay sila pa mismo ang mag-alay sa akin sa kanilang kamay maparusahan lamang ako.  “Wala akong pera! At wala akong ninanakaw!” giit ko para sana ay maging rason iyon bitiwan niya lamang ako.  Ang makakapal at itim niyang kilay ay nagkasalubong. He scanned my body. Tiningnan ko rin ang aking sarili at naka puting bestida pa ako na medyo narumihan dahil sa pagkakadapa kanina noong magulat ako sa kanya. Ang aking tuhod ay may mga dumikit pang alikabok dahil sa aking paggapang makatayo lang agad paalis ngunit nahuli pa rin talaga.  “Ikaw ba ‘yong madalas kumalbo sa hardin namin sa labas?” he accused.  Namilog agad ang aking mga mata. Totoong maganda ang kanilang labas dahil sa mga nakahelerang bulaklak ngunit wala nga akong balak pumitas ng kahit isa dahil para sa akin ay pagkain iyon ng mga paru-paro! Pag pinakialaman ko iyon ay para ko na ring pinagkaitang makakain ang mga insekto! “H-Hindi! Nagmamalasakit ako sa mga pagkain ng paru-paro kaya ba’t ko papakialaman ang mga bulaklak niyo?” paliwanag ko habang pilit na hinihila ang aking kamay mabawi lamang iyon.  Umangat ang kanyang kilay at tila may nasabi akong hindi niya maintindihan kung saan nanggaling kaya ganoon na lamang ang pagkakalito ng kanyang ekspresyon.  “P-Pakawalan mo na ako! Papaluin ako ni Mama pag na late ako ng uwi!” Halos maiyak na sa pagsisinungaling para lang bitiwan niya iyon.  Siguro ay nadala siya sa aking pagdadrama at pekeng luha na lumuwag ang kanyang pagkakakapit sa aking pulso. Kalaunan ay binitiwan niya iyon kaya nagmamadali akong kumaripas ng takbo para lamang makawala ng tuluyan.  Sa sobrang tulin ng aking itinakbo ay deritso na ang aking uwi sa bahay. Ni hindi ko na ata nagawang huminga lalo na’t noong makapasok ay agaran kong hinabol ang kumakapos kong hininga habang sapo ang dibdib na lalabas na ata sa aking dibdib ano mang oras.  Hindi ko magawang makalimutan agad ang mukha ng lalake lalo na’t sa sobrang takot, pakiramdam ko kanina ay makakatay ako ng buhay. Usap-usapan din kasi sa aming baryo na masungit daw ang nakatira sa malaking bahay na malamansyon. Ngayon na napatunayan, pakiramdam ko ay kulang ang masungit para ipaliwanag ang ugali noong lalake!  “Mukha siyang halimaw!” Kuwento ko sa aking mga kaibigan nang makalabas ako kinabukasan at nasa isang basketball court kami, naglalaro ng habul-habulan.  “Talaga?! Gano’n ka pangit, Celeste?!” nagugulantang na pangungumpirma ni Rina, ang may maiksing buhok kong kaibigan.  Tumango tango ako. “Oo! Tapos nanlilisik ang mga mata niya! Kulang nalang lumabas ang pangil! Takot na takot ako! Akala ko kakainin niya ako ng buhay!” Niyakap ko ang sarili habang pinapakita sa kanila ang aking takot kahapon.  “Edi tama pala talaga iyong sabi sabi na parang may lahing aswang daw ang mga nakatira roon dahil hindi lumalabas ng bahay nila...” si Janna.  “O parang bampira! Mga takot sa liwanag kaya hindi talaga sila nakikitang lumalabas tuwing umaga! Ngunit tuwing gabi ay madalas daw silang lumabas labas!” si Ari naman na natatakot na rin.  “Baka nga! Kasi hindi na ako sinundan noong lalake lalo na’t tirik na tirik ang araw! Baka iyon ang dahilan kaya siguro hindi na ako hinabol dahil matatamaan siya ng liwanag!” mungkahi ko.  Nagtanguan kaming apat at unti-unting napagtagpi tagpi ang mga sabi sabi sa aming baryo. Usap usapan din kasi ang pamilyang iyon dahil minsan ay walang tao sa bahay ngunit may mga araw na bigla biglang umiingay at parang may selebrasyon tuwing gabi. Ni isa ay wala kaming nakilala dahil hindi rin naman nakikihalubilo sa amin. Hindi ko alam kung mababaho ba kami. Hindi ko rin alam kung masyado bang mga pangit ang aking kalaro at nandidiri sila,  o sadyang totoo talaga ang sabi sabing may lahi silang aswang.  I was very curious with the pretty house. Sino ba namang hindi dahil parang mala palasyo sa sobrang ganda ngunit masyado ring nakakatakot ang kalakihan lalo na’t masyado pang tahimik ang loob.  Kaya noong bumalik ako sa sumunod na araw ay dala dala ko na ang iba ko pang mga kaibigan. Nagtatago sila sa aking likod at ako ang nangunguna sa paglalakad.  “Sarado ang gate!” sabi ni Althea nang mapansing sarado nga ang malaking itim na gate.  Iginala ko ang paningin at nakitang bukas ang maliit na gate lalo na’t doon din ako dumaan noong nakaraang araw para makapasok sa loob.  “Doon tayo dumaan.” Itinuro ko ang maliit na nakaawang na gate.  Nanginig agad sila at napaatras.  “Umuwi na lang kaya tayo? Natatakot ako! Baka kainin tayo ng buhay!” si Janna na medyo malayo na sa aking likuran.  “Oo nga, Celeste... Natatakot ako! Iba pa naman ang vampires! Baka liparin tayo!” si Rina na namumutla rin.  “Huh? Mga gabi sila malakas at isa pa, may mga bawang naman tayo! Pwede natin itong gawing sandata laban sa kanila kung sakaling sinugod nila tayo. Manghihina agad sila at doon tayo tatakas!” mayabang kong sabi para lamang matuloy ang binabalak.  Hindi halos kumbinsido ang mukha ni Rina at Althea ngunit si Janna ay mukhang unti-unting tumatapang. Nagsimula ulit akong maglakad at muling tumakbo sa gilid ng hardin para doon magtago. Sumunod naman ang tatlo ngunit nahuhuli pa si Rina na medyo malayo sa amin dahil sa takot.  Matapang akong sumilip sa nakaawang na bukas na gate, at noong nakumpirmang walang tao ay sinenyasan ko silang sumunod sa akin. Pumasok ako ng tuluyan. Sumunod si Janna, sa likod ay ang nanliliit na si Althea habang si Rina ay naiwan sa labas at sumisilip lang.  “A-Ang ganda pala talaga ng bahay nila...” namamanghang sabi ni Janna nang makita ng tuluyan ang malaking bahay.  “Doon ko nakita iyong lalakeng halimaw.” Sabay turo sa lugar kung saan biglang lumitaw iyong lalake.  “N-Natatakot na talaga ako,” bulong ni Althea habang kami ni Janna ay unti-unti nang humahakbang.  Ako ang nauuna. Ngunit nang narinig nilang may tumutunog ay isa isa silang nagsisigawan, nagtatago sa aking likuran.  “H-Huwag kayong matakot! Ilabas niyo ang mga bawang!” sulsol ko habang natatarantang hinugot sa bulsa ng aking bestida ang mga pira-pirasong bawang.  Ilang sandali lamang ay muli kong natanaw ang lalake. Naka itim na naman ito ng tshirt at itim na shorts. Nagkatinginan agad kami. My eyes narrowed while he’s curiously looking at my back.  “T-Tumakbo na tayo, Celeste!” nagmamakaawang sigaw ni Althea habang niyuyugyog ako sa likuran, halos ayaw tingnan ang lalaking pinakilala kong halimaw sa kanya.  The guy walked towards us. Lumunok ako habang mariin ang tingin. Nang ilang hakbang na lang ay makakalapit na ito, agad kong tinapon sa kanya ang mga bawang na mabilis tumama sa kanyang katawan.  He stop from walking.  “G-Gumana! Nanghina siya!” sigaw ko sa aking mga kaibigan kaya ginaya rin nila ang aking ginawa at nakitapon ng bawang.  The guy step backwards. Mas lalong naging desperado kaming batuhin ito ng bawang.  “Aswang ka! Bampira!” sigaw ko na nangunguna sa pagbabato.  Nagkasalubong ng husto ang kanyang kilay hanggang muli siyang humakbang palapit. Nagsigawan na ang aking mga kaibigan dahil mukhang hindi na ito natablan ng bawang.  “Takbo na tayo, Celeste!” my friend Janna screamed.  Isa isa kaming nagtakbuhan palabas bago pa kami maengkanto roon lalo na’t mukhang galit na galit sa amin ang lalake!  Nang makita ni Rina ang aming pag-uunahang kumaripas ng takbo ay mabilis siyang sumunod at sa sobrang tulin ay halos nakalayo kami agad sa malaking bahay. We escaped death! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD