6

2096 Words
Tahimik lamang akong nakaupo sa sofa habang si Mama naman ay nakikipag-usap sa lalake. Ibinibigay niya rito ang paperbag habang hindi nabubura ang kanyang ngiti.  "Heto at nagdala ako ng adobo... Sana magustuhan mo. Pasensya na talaga sa inasal ng aking anak sa inyong pamamahay..." Tinanggap ng lalake ang kanyang ibinigay at tumango sa magalang na paraan.  "Thanks Ma'am..." Sabay tingin sa akin. "Mukhang masyadong imaginative ang inyong anak at iniisip niyang bampira ako." Sabay ngisi.  My mom's eyes widened. Sinamaan ko agad ito ng tingin ngunit nang nilingon ako ni Mama ay mabilis na yumuko at pinisil ang aking mga daliri. Eh totoo naman! Natakot pa nga siya sa bawang at allergic din siya sa sinag ng araw kaya sigurado ako sa aking kutob.  "Pasensya na talaga, hijo! May pagka sutil talaga itong si Celeste..." si Mama.  "Ayos lang. But I wonder why she came up with that idea..."  Yumuko lamang ako. Nakita ko pa sa gilid ng aking mga mata ang pagdating ng kasambahay na may dalang tray at inilapag iyon sa harap kung nasaan ang mesa.  Kumurap kurap ako dahil may cake roon at juice. Nagtangka akong abutin ang isang slice ngunit sinita agad ako ni Mama at pinandilatan ng mga mata kaya dahan dahan kong binawi ang aking kamay at muling yumuko.  Ganito talaga ang mayayaman... Normal lamang sa kanila ang kumain ng cake bilang meryenda habang kaming mahihirap ay nakakakain lamang ng ganoon sa tuwing may birthday.  Nakita ko ang isang platito sa aking harap at may slice na ng chocolate cake roon. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang lalake na gumawa noon.  "Don't be shy," he said.  Ngumuso ako at nilingon si Mama. Hilaw ang kanyang ngiti at sa isipan ay sigurado akong nagagalit na lalo na't ako na nga itong may kasalanan, ako pa itong walanghiyang pinapakain ng meryenda.  "Wala ka man lang sasabihin, Celeste?" si Mama, tila may pinaparating doon.  "Bakit hindi kayo lumalabas tuwing umaga? Takot ba kayo sa sinag ng araw?" I asked curiously.  My Mom's eyes widened. Hindi niya inaasahang iyon ang lalabas sa aking bibig.  "Celeste!" saway niya na ikinagulat ko.  Eh iyon naman talaga ang gusto kong sabihin. Iyon ang nasa aking isipan. Wala na akong ibang gustong sabihin kundi iyon.  "Mga aswang ba kayo?" ulit ko na talagang gusto na akong kurutin ni Mama ngunit nagpipigil lamang lalo na't nakatingin sa akin ang lalake at nasa pamamahay nila kami.  "Is that the reason why you threw garlic at me?" he flashes his smirk. Nahulog ang aking tingin sa cake hanggang unti unti ring umakyat sa kanya. Gustong gusto ko na iyong kagatan ngunit dahil sa usapan ay naaantala ang pagkakatakam ko roon.  Tumango ako. Natampal naman ni Mama ang kanyang noo sa aking tabi.  "We are not vampires. Lumalabas naman kami tuwing umaga pero dahil Summer, nasa bahay kami ngayon lalo na't walang pasok," he explained.  "Eh bakit tuwing gabi maingay rito! Parang may nagpaparty tapos tahimik sa umaga!" giit ko.  Nailing na naman ang aking ina, tila siya itong nahihiya at nadidismaya sa lumalabas sa aking bibig.  "I'm inviting my highschool friends and we're partying..." Sabay kibit.  Ibig sabihin may party nga. Pero bakit noong tinapunan ko siya ng bawang ay napaatras siya? Para siyang nanghihinang lapitan kami noong oras na iyon? Paano niya iyon ipapaliwanag?  "Pero noong tinapunan kita ng bawang ay nanghina ka! Napaatras ka! Hindi ka makalapit!" giit ko.  "Celeste..." parang nagpipigil nalang si Mama na may magawa sa akin ngunit hindi ako nagpatinag at nakipagtitigan sa lalakeng ngumisi lamang.  "You're throwing garlic so I stopped since I don't want to scare you if I move forward..."  Hindi pa rin talaga ako kumbinsido. Kahit ano pang paliwanag niya, kahit ano pang sabihin niya, hinding hindi agad ako mapanatag. Kinapa ko ang aking bulsa. Napunta roon ang kanyang tingin. Tumagilid ang kanyang ulo at inilahad sa akin ang kanyang kamay.  "Give it to me so I can prove to you that I am not what you think..." he ordered.  Para siyang prinsepeng nang-uutos. Si Mama naman ay nagawa pa akong kalabitin at noong nilingon ko ay sinenyasan niya akong ibigay ang tinatago ko sa aking bulsa.  Dinukot ko ang buong bawang at inilagay sa nakabukas niyang palad. Unti-unti niyang ikinuyom ang kanyang palad hanggang nagbago ang kanyang ekspresyon at parang nasasaktan. Bigla siyang umungol at napaluhod sa sakit kaya napasigaw ako at natatarantang tumayo.  "Sinabi ko na, Mama—" Natakpan ng aking malakas na tinig dahil sa kanyang hagalpak. "I'm just kidding!" aniya at mas lalong humagalpak.  Unti-unti akong kumalma ngunit matalim na ang aking tingin sa lalakeng pinagtripan lamang ako. Tumawa rin si Mama at hinila ako para maupong muli lalo na't sumampa pa talaga ako sa sofa.  Tumayong muli ang lalake at pinaglaruan sa kanyang kamay ang bawang. Parang wala lamang iyon sa kanya, katulad ng mga normal na tao kung paano nila iyon hawakan.  "Ano Celeste? Hindi ka ba hihingi ng tawad, anak?" si Mama.  Humalukipkip ang lalake sa aking harapan. Nahihiya ko siyang tiningnan.  "S-Sorry," sambit ko sa maliit na tinig.  "Lakasan mo," si Mama. Sumimangot ako at tiningnan ang lalake. Tumambad sa akin ang naiinip niyang ekspresyon, tila gusto lang ding ulitin ko iyon para mas makaramdam ako ng hiya.  “Sorry,” pagalit kong pagkakabigkas kaya kinurot na talaga ako ni Mama.  “Celeste,” she called in a warning tone. “Sorry...” malambing kong sabi at pinipilit lamang na hindi siya samaan ng tingin dahil sa humahapdi kong balat kung saan ako nakurot ni Mama.  Tumango ang lalake. Nahulog naman ang aking tingin sa cake at kinuha ang tinidor. Nang maramdaman kong kalmado na rin si Mama ay dahan dahan ko nang hiniwa ang cake at sumubo.  “Masarap, Mama! Tikman mo!” Nangingiti kong anunsyo.  “Shh... Nakakahiya,” mahinang sambit ni Mama at sumulyap sa lalake na mukhang narinig pa siya.  “Ipinahanda ko po ang meryenda para sa inyo, Ma’am. Feel free to eat...” aniya.  “Heto, Mama...” Ako na mismo ang kumuha ng isa pang slice at inilagay iyon sa platito para ibigay kay Mama.  Ngumiti siya ng hilaw sa lalake ngunit sa tuwing dumadako ang tingin sa akin ay parang gusto na naman akong kurutin. Natuon na ang buo kong atensyon sa pagkain at nakalimutan ang takot para sa malaking bahay.  Ilang minuto rin kaming naroon at noong nagyaya na si Mama na kailangan na naming umalis lalo na’t papasok na siya ay nagawa pa kaming bigyan ng isang buong cake noong lalake bilang pabaon.  “Nako nakakahiya, hijo!” si Mama na halos nagdadalawang isip tanggapin ang cake.  “Maraming salamat,” sabi ko at ako na mismo ang tumanggap.  Pinandilatan ako ng mga mata ni Mama ngunit sa tuwing malilipat sa lalake ay ngingiti siya na parang walang nangyari.  “Pasensya na talaga sa anak ko, hijo... Hayaan mo at pagsasabihan ko ito na hindi na uulit pa,” si Mama habang hawak ang aking braso.  “She’s free to come here, Ma’am...” anang lalake sabay laglag ng tingin sa akin.  “Ay nakakahiya, hijo! At baka kung ano na namang gawin ng aking anak sa sobrang kulit,” si Mama.  “Actually I have a sister. Magkaedad lamang sila at gusto noon ng kaibigan kaso mahiyain...”  “Talaga?” sabi ko.  Napunta ang tingin niya sa akin at tumango.  “Yes. Walang confidence na lumabas at makipagkaibigan sa mga batang kaedad niya...”  “Baka naman aswang ‘yon?” bulong ko sa aking sarili na hindi nakaligtas sa pandinig ni Mama at palihim akong kinurot.  “Sige, hijo. Hayaan mo at pababalikin ko rito si Celeste sa mga susunod na araw...” si Mama habang ngumingiti.  “I’ll expect that, Ma’am,” ang lalake.  Iyon ang huli nilang pinag-usapan bago kami tuluyang umalis. Wala akong ideya sa kapatid na sinasabi noong lalake ngunit may parte pa rin sa akin na baka ay bitag lamang iyon para bumalik ako roon at talagang ang totoo ay gusto niya akong kainin. Ngunit napatunayan na rin naman na hindi siya katulad ng aking iniisip. Kaso ewan ko ba at nakakapangduda pa talaga!  Ilang araw din akong hindi bumalik doon kahit na sinasabihan ako ni Mama na bumalik ako sa malaking bahay para makipagkaibigan doon sa tinutukoy na kapatid na babae noong lalake.  Sinasabi ko kay Mama na pupunta ako ngunit ang totoo ay mas pinipili ko nalang na makipaglaro kina Janna kaysa pumunta roon. Panay pa rin ang kanilang kwento tungkol sa malaking bahay ngunit unti-unti ko rin namang sinasabi na baka ay mali lamang ang aming hinala, na baka ay hindi sila ganoon katulad ng aking iniisip.  Ngunit hindi talaga sila kumbinsido. Baka ay nagpapanggap lang daw at pag walang nakakakita ay nagt-transform sila bilang mga hayop.  Kaya noong hapon ng Miyerkules ay hindi na ako nagtaka sa aking sarili nang baybayin ko ang kakahuyan bilang shortcut para makapuntang muli sa malaking bahay. Siguro ay sisilip akong muli at nagbabaka-sakaling may makita kahit na parang imposible rin ang ganoon.  Sa hindi kalayuan ay may nakita akong babae. Mukhang kaedad ko lamang ito ngunit mas maliit siya ng kaonti sa akin. Nakalugay ang mahaba at itim niyang buhok habang nakatingala sa malaking puno. Masyado siyang maputi. Maputi rin naman ako pero para siyang lumiliwanag at napakalinis tingnan, taliwas sa pagiging madungis ko.  Lumapit ako sa kanya ng buo.  “Anong tinitingnan mo?” tanong ko na ikinagulat niya.  Natataranta siyang nagtago sa puno. Kumunot ang aking noo. Gano’n na ba ako ka dungis para matakot siya sa akin ng husto? Pinunasan ko ang pawisan kong mukha lalo na’t nakipaghabulan pa ako kina Janna kanina kaya amoy araw din ako.  “Ang pangit ko ba?” tanong ko at sinilip siya roon.  Mas lalo siyang nagtago ngunit nakita kong umiling ito. Takot ba siya sa’kin? Kinamot ko ang aking ulo at nagtaka sa kanyang inaasal hanggang sa narinig ko ang ngiyaw ng pusa sa itaas.  Kapwa kami napatingala.  “Carrie!” sigaw niya sa pusang kulay puti at medyo maliit pa.  “Pusa mo ‘yang nasa itaas?” tanong ko.  Tumango siya ngunit hindi pa rin umaalis sa pagtatago sa puno. Muli kong tiningala ang kanyang pusa na nasa sanga at pwedeng malaglag ano mang oras kung sakaling gumalaw galaw ito.  “Kukunin kita, Kitty! Huwag ka munang gumalaw galaw!” sabi ko at humawak sa puno para umpisahang umakyat doon.  Hinubad ko lamang ang aking tsinelas para hindi gano’n ka dulas sa pakiramdam. Nagulat ang babae sa aking ginawa na napaalis siya sa pagkakatago para lamang panoorin ako. Marunong akong umakyat ng puno lalo na’t halos puno rin ang Baryo kaya doon din ako natuto dahil sa madalas naming pagkuha ng mga prutas nila Rina.  Tuluyan akong nakaakyat sa parte kung saan abot abot ko na ang sangang kinatatayuan ng pusa. Ngunit nagawa pa nitong umatras at ngumiyaw sa akin, tila takot.  “Call her Carrie!” sabi ng bata sa ibaba.  Yumuko ako para tingnan siya. Nagulat ako lalo na’t ang ganda ganda niya at parang prinsesa. Sa lahat ng mga batang nakalaro ko at nakasalamuha sa eskwelahan, siya pa lang ang nakikita kong ganyan ka ganda.  Tumango ako at muling tiningnan ang pusa habang pilit itong inaabot.  “Carrie...” marahan kong tawag.  Inulit ulit ko lamang iyon hanggang unti-unti kong napapansing naglalakad na siya papalapit sa akin. Ngunit sa sumunod niyang hakbang ay halos mahulog na ito kaya tumili ang babae sa ibaba ganoon din ang pusa ngunit mabilis ko rin itong nasalo kaso ako naman itong nawalan ng balanse.  Naramdaman ko ang aking pagkahulog habang yakap yakap ang pusa.  “Aray!” daing ko at halos mahiga sa sahig.  “Ayos ka lang?” Mabilis akong dinaluhan ng babae at hinawakan ang aking braso para tuluyan akong makatayo.  Tumango ako at tiningnan ang kanyang pusa.  “Ayos lang din ata si Carrie,” sabi ko.  Kinuha niya si Carrie at niyakap ng mahigpit.  “Sabi ko sa’yo huwag kang aakyat sa mga puno!” sabi niya at sumimangot.  Tumayo ako at pinagpagan ang aking suot na mas lalong nadumihan. Tumingin siya sa akin at nagulat.  “Nasugat ang siko mo!” she pointed.  Kumurap ako at tiningnan ang kanyang tinutukoy. Naramdaman ko agad ang hapdi nang makitang namumula nga ito.  “Halika! Gamutin natin sa bahay! Bibigyan din kita ng damit para may masuot kang malinis...” anyaya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD